Se connecterIsang gabi, duguan at tumatakas si Althea "Thea" Dimaculangan sa mga taong gustong bumili sa kanyang buhay. Sa gitna ng desperasyon, literal siyang bumagsak sa tapat ng sasakyan ng isang lalaking hindi marunong maawa. Si Marcus Aurelius Montenegro—isang makapangyarihang bilyonaryo na kilalang malamig, suplado, at ayaw na ayaw na hinahawakan siya ng kahit sinong babae. Sa takot na maibalik sa impiyernong tinakasan, naging personal na kasambahay si Thea sa mansyon ni Marcus. Isang buwan lang ang palugit sa kanya ng bilyonaryo—huwag magpapakalat-kalat, huwag magnanakaw, at higit sa lahat, huwag siyang hahawakan. Pero paano kung isang gabi, sa gitna ng matinding bangungot, ang takot na takot na bilyonaryo mismo ang humila sa kanya sa kama at nakiusap na huwag siyang aalis? Paano mo tatakasan ang isang gintong kulungan kung ang mismong may-ari nito ang ayaw kang pakawalan?
Voir plusALTHEA POV
Habol-habol ko ang hininga ko habang tumatakbo sa ilalim ng napakalakas na ulan. Bawat tapak ng luma at pudpod kong tsinelas sa basang semento ng Maynila ay tila may kasamang kaba na lumulundag sa dibdib ko. Sobrang dilim ng eskinita. Walang ibang ilaw kundi ang paminsan-minsang kidlat na nagbibigay-liwanag sa paligid, sapat lang para makita ko ang mga naglalakihang tambak ng basura at mga basang pusa na mabilis ding umiiwas sa akin.
Niyakap ko nang mahigpit ang bitbit kong kupas na backpack. Naroon ang iilang piraso ng lumang damit ko, ang kaunting barya na naitabi ko mula sa pagtitinda ng kakanin sa Samar, at ang buong buhay ko.
Huwag kang hihinto, Thea. Konti na lang. Malayo na sila.
Sumasakit na ang tagiliran ko sa tindi ng pagod. Galing ako sa halos dalawampu’t apat na oras na biyahe sakay ng barko at bus. Walang kain, walang tulog. Pero hindi ko pwedeng maramdaman ang gutom ngayon. Ang tanging utak ko lang ay ang mukha ng stepfather ko habang binibilang ang maruruming papel na pera na galing kay Kapitan Turing—ang matandang sugarol sa bayan namin na may tatlong asawa at kilalang mapanakit.
"Isang buwan mula ngayon, Thea, kukunin ka na ni Kapitan. Pambayad mo sa utang ng pamilya mo," nakangising sabi ng stepfather ko noong isang gabi.
At kagabi, nang subukan akong pasukin ni Kapitan sa likod ng tindahan habang nag-aayos ako ng mga paninda, doon ko napatunayan na seryoso sila. Kung hindi ko siya nahampas ng timba sa mukha at tumakbo palabas ng p***o, baka kung ano na ang nangyari sa akin.
"Nandito lang 'yon! Hanapin niyo!"
Nanigas ang buong katawan ko nang marinig ko ang pamilyar na boses mula sa dulo ng eskinita. Kilala ko ang boses na 'yon. Si Berto. Isa sa mga tauhan ni Kapitan Turing na sumunod sa akin hanggang dito sa Maynila. Hindi ko alam kung paano nila nalamang sumakay ako ng bus pa-Cubao, pero mukhang desidido silang kaladkarin ako pabalik sa Samar.
"Hatiin niyo ang grupo! Hindi pa nakakalayo ang batang 'yon!" sigaw pa ng isa.
Pumikit ako nang mariin, pilit pinapakalma ang nanginginig kong mga binti. Hinaplos ko ang leeg ko na may maliit pang galos mula sa pakikipagbuno ko kay Kapitan kagabi. Hindi ako pwedeng bumalik. Mas pipiliin ko pang mamatay sa lansangan ng Maynila kaysa maging laruan ng matandang 'yon.
Dahan-dahan akong sumandal sa basang pader ng isang abandonadong gusali, sinusubukang hindi gumawa ng kahit anong ingay. Ang tanging naririnig ko na lang ay ang malalakas na patak ng ulan sa mga bubong na yero at ang sarili kong tibok ng puso na parang tambol sa sobrang lakas.
"Berto! May nakita akong tsinelas dito sa tapat ng eskinita! Baka pumasok dito!"
Sira. Nahulog pala ang kabiyak ng tsinelas ko kanina noong nadulas ako sa may kanto.
Wala na akong oras para mag-isip. Kumaripas ulit ako ng takbo. Wala na akong pakialam kung sumasabit ang buhok ko sa mga sampayan o kung nakatapak na ako sa mga basag na bote. Dire-diretso lang ako papunta sa dulo ng eskinita kung saan medyo maliwanag. May malaking kalsada doon. Maraming sasakyan. Doon, baka sakaling mawala ako sa paningin nila.
Nang marating ko ang dulo, sinalubong ako ng silaw ng mga streetlight at ang mabilis na daloy ng trapiko sa malawak na kalsada. Umuusok ang basang kalsada sa tindi ng ulan.
"Ayun! Hawakan niyo!" angas na sigaw ni Berto mula sa likod ko. Ilang metro na lang ang agwat nila sa akin.
Sa sobrang takot ko na mahawakan nila ako, hindi ko na tiningnan kung may parating na sasakyan. Humakbang ako pabalik, sumubok na tumawid sa kalsada para makarating sa kabilang panig kung saan may nakaparadang mga dyip.
Ngunit kasabay ng paghakbang ko ay ang biglang pag-ilaw ng dalawang napakalaking headlight mula sa kaliwang bahagi ko. Isang malaking, makintab na itim na sasakyan ang rumaragasang paparating sa direksyon ko.
Nasilaw ako nang husto at napatigil sa gitna ng kalsada, tila napako ang mga paa ko sa semento. Narinig ko ang napakalakas na tili ng gulong ng sasakyan habang pilit nitong tinatapakan ang preno sa basang daan.
Ang malaking sasakyan ay dumulas nang bahagya patungo sa kinaroroonan ko, at bago ko pa man magawang umiwas, nawalan na ng lakas ang aking mga tuhod. Dumilim ang paligid at bumagsak ako sa basang kalsada, habang ang huling narinig ko bago ako tuluyang mawalan ng malay ay ang malakas na kalabog ng p***o ng sasakyan na bumubukas at ang mga yabag ng sapatos na papalapit sa akin.
ALTHEA POVHingal na hingal ako habang bitbit ang tray pabalik sa ikalawang palapag ng mansyon. Buong buhay ko, ngayon lang ako natakot nang ganito sa isang tasa ng tsaa. Kung hindi magugustuhan ni Sir Marcus Montenegro ang ginawa ko, katapusan ko na.Pagpasok ko sa library, nakasandal pa rin siya sa dingding, nakapikit ang mga mata habang dahan-dahang hinahawakan ang sentido niya. Halatang hirap na hirap siya sa sakit ng ulo."S-Sir, eto na po 'yung tsaa," mahina kong sabi habang dahan-dahang inilalapag ang tasa sa mesa, medyo malayo sa mga basang papel para umiwas sa isa pang trahedya.Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata niya. Tiningnan niya muna ako bago lumipat ang tingin niya sa umuusok na tasa. Kumunot ang noo niya nang maamoy ang kakaibang aroma ng luya, tanglad, at honey. Sa isang bilyonaryong sanay sa mga mamahaling tsaa at imported na gamot, mukhang napakabaduy at kakaiba ng inihanda ko."Anong tawag dito?" tanong niya, medyo paos ang boses."Tsaa po mula sa luya at tan
ALTHEA POVInabot ako ng tatlong araw bago tuluyang maka-recover. Sa tatlong araw na 'yon, hindi ko nakita si Sir Marcus. Literal na nakakulong lang ako sa kwarto ko, nilalapatan ng kung anu-anong ointment ni Nana Rosa 'yung mga pasa ko, at pinapakain ng masasarap na putahe na sa panaginip ko lang nakikita rito sa Montenegro Estate.Pero ngayong umaga, opisyal na ang simula ng aking "isang buwang palugit."Kasalukuyan kong suot ang uniporme ko—isang simpleng kulay abong bistida na lagpas tuhod at may puting apron sa harap. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Medyo bumalik na ang kulay sa mga pisngi ko, pero mukha pa rin akong bata na naliligaw sa dambuhalang mansyon na ito."Heto ang listahan ng mga gawaing itinalaga ko sa'yo, Thea," sabi ni Nana Rosa habang iniaabot sa akin ang isang pirasong papel. "Sa ngayon, ang tanging pwede mo lang galawin ay ang library at ang private office ni Sir Marcus sa ikalawang palapag. Huwag mong pakikialaman ang mga papel sa desk niya. Ayusin mo lan
ALTHEA POVAmoy gamot na may hinalong mamahaling pabango ang unang pumasok sa ilong ko paggising ko.Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko, nag-e-expect na ang madilim at mabahong eskinita o ang maruming bodega ni Kapitan Turing ang sasalubong sa akin. Pero nagkamali ako. Isang napakalawak na puting kisame na may dambuhalang chandelier na gawa sa kristal ang nakatapat sa akin.Grabe, nananaginip ba ako? Patay na ba ako at nasa langit na?Sububukan ko sanang umupo pero biglang kumulo ang tyan ko at naramdaman ko ang matinding hilo."Huwag ka munang biglang babangon, hija. Kakakabit ko lang ng IV fluids sa'yo," isang mahinahong boses ng matandang lalaki ang narinig ko mula sa gilid ko.Nalingon ko siya nang dahan-dahan. Naka-salamin siya at may suot na stethoscope sa leeg. Mukha siyang doktor na madalas kong nakikita sa mga palabas sa telebisyon."N-nasaan po ako?" patay-gutom kong tanong habang pilit na inaayos ang sarili ko.Nakahiga ako sa isang kama na kung ihahambing sa banig k
ALTHEA POVAng lamig. Sobrang lamig ng basang aspalto sa pisngi ko.Gusto kong bumangon. Gustong-gusto kong pilitin ang mga binti ko na tumayo at tumakbo ulit dahil alam kong ilang metro lang ang layo nina Berto sa akin. Pero para akong naparalisa. Ang tanging nagagawa ko lang ay ang gumiit sa gilid habang habol ang hininga ko, basang-basa ng ulan, at nasisilaw sa dalawang dambuhalang ilaw ng sasakyang muntik nang sumagasa sa akin.May narinig akong malakas na kalabog ng pinto. Kahit hilong-hilo na ako at halos lumalabo na ang paningin ko, pinilit kong iangat nang bahagya ang ulo ko."Sir, may nabangga po ba tayo?" pamilyar na boses ng isang lalaki, medyo natatarantang tanong nito sa kung sino."I don't think so. Bigla siyang humarang sa daan," sagot ng isa pang boses.Yung pangalawang boses... Iba 'yung tunog. Mababa, baritono, at sobrang lamig. Walang kahit anong bahid ng pag-aalala o takot, tila ba isa lang akong istorbo sa gitna ng daan na kailangang iurong para makadaan sila.Nar






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.