SEASON OF LOVE 3: SUMMER - IN BETWEEN US

SEASON OF LOVE 3: SUMMER - IN BETWEEN US

last updateTerakhir Diperbarui : 2026-07-30
Oleh:  Gael Aragon Baru saja diperbarui
Bahasa: Filipino
goodnovel18goodnovel
Belum ada penilaian
7Bab
23Dibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Magkaaway sa pulitika ang mga ama nina Summer at Zhione, kaya sila rin ang unang humadlang sa pag-iibigan ng dalawa. Can love really defy all odds? Kaya ba nilang ipaglaban ang kanilang pagmamahalan kung simula pa lang ay tadhana na ang naglalayo sa kanila?

Lihat lebih banyak

Bab 1

CHAPTER 1

Mula sa kaniyang kinatatayuan, tinanaw ni Summer ang mga ilaw sa kalungsuran. Para iyong mga bituin na bumaba sa lupa at nagsabog ng kakaibang ganda sa buong paligid.

Napakapayapa ng gabi. Hindi iyon kababakasan ng anumang kaguluhan. It was so peaceful, yet she felt empty inside.

Huminga siya nang malalim. Bakit ba nakararamdaman siya ng ganoon ngayon? Bakit ba bigla-bigla na lang siyang nawawalan ng gana sa ginagawa niya. Dati rati naman hindi. Dati rati, ayos lang sa kaniya ang buhay na kinalakhan. Na lagi niyang sinasabi sa sarili na sanay na siya roon— dahil ganoon na siya noon pa. Palagi lang sumusunod kung saan tatangayin ng agos ang buhay niya.

Pero iba ang gabing iyon para sa kaniya. Pakiramdam niya mag-isa siya sa mundo. And she wanted to escape from that world. She wanted to fly high like a bird. Pero alam niyang malabo pang mangyari iyon. Malayong-malayo pa.

“Summer! What are you doing here? Come! The party is getting started!” anang kaibigan niyang si Jackie. Nilabas siya nito sa kaniyang kinaroroonan. Nasa ikadalawampung palapag sila ng hotel na iyon sa Dela Paz— kung saan naroroon ang isang eksklusibong bar.

Wala naman siyang ibang hilig kun’di ang karaniwang ginagawa ng isang herederang kagaya niya. Ang magpakasarap sa buhay. Kaya isa ang Club Zeus sa malimit niyang puntahan. Kasi roon lang siya nakadarama ng kalayaan. No one could judge her there. Dahil lahat ng myembro roon ay pawang mayayamang kagaya niya.

“Here!” Iniabot ni Jackie sa kaniya ang isang kopita na may lamang alak.

“Thanks.” Ngumiti siya rito at dinala sa mga labi ang kopita, inisang lagok niya iyon. Bahagya siyang napangiwi nang tumama sa lalamunan niya ang mainit na likido.

“Gosh! Magpapakalasing ka ba?” awat nito nang tangkang kukunin pa niya ang nasa kamay nito.

“Just let me,” aniya.

Wala ng nagawa ang kaibigan nang tuluyan na niyang naagaw ang basong hawak nito. Martini ang laman niyon. Sakto lang sa panlasa niya.

Hindi pa rin siya kontento. Ang sigarilyo namang hawak nito ang kinuha niya.

“Hey!” anitong hindi na napigilang tapikin ang kamay niya. “May problema ka ba?” Nasa himig na nito ang pag-aalala.

Umiling siya. Saglit siyang napatigil sa paghithit ng sigarilyo nang biglang maubo. Hindi naman talaga siya naninigarilyo. Pero paminsan-minsan ay sinusubukan niya iyon. Napapaisip din siya sa sarili kung paano nga ba iyon nagugustuhan ng karamihan sa mga tao. Pangit naman kasi ang lasa at iba pati sa pakiramdam ang dalang usok. Nakahihilo at masakit sa ulo.

“Wala nga ba? Eh, bakit ganiyan ka?” tanong ni Jackie. Matagal siya nitong pinagmasdan. Wari ba'y inaarok nito ang laman ng kaniyang isipan.

Pagak siyang natawa. “I’m fine, Jack. I was just not in the mood today,” katwiran niya.

At the age of twenty-three, Summer may seem a carefree woman in front of the public, but they were wrong. Yes, she’s free to go in anywhere she wants to, but there’s always been rules. A special rules just for her made by her father Santino Cojuangco; the current governor of Dela Paz. Kaya nga ang tingin nang halos lahat sa kaniya ay isang mabuting anak. Totoo naman iyon, dahil bukod sa mabuti, masunurin din siya.

Wala siyang trabaho kun’di ang samahan ang ama sa mga charity works nito. Mabenta kasi ang ganoong gawi sa mga botante. Mas malakas makahatak ng supporters kung mapagkawangga ang isang lingkod-bayan.

Hindi naman niya sinasabi na masamang politiko ang ama. In fact, her father was really a good man. Talagang may puso ito sa mga mamamayan ng Dela Paz.

Pero hindi niya maiwasang hindi makadama ng pagod sa mga ginagawa nito minsan. Sometimes, she felt it was just for publicity. Para nga naman manatili sa kapangyarihan.

Hindi rin maiwasang pumasok sa isip niya, kung ano nga bang buhay mayroon sila kung wala ang ama sa pulitika. Kung halimbawa at simple lang silang mamamayan na nakatira sa Pilipinas. Hindi kaya mas payapa ang lahat?

Ilang beses na rin kasing nalagay sa alanganin ang buhay ng ama, at minsan na rin iyong nangyari sa kaniya. Hindi rin mawala-wala ang hinala niya na baka iyon din ang sanhi ng pagkawala ng kaniyang ina at Kuya Patrick. Nasawi ang mga ito sa isang aksidente. Parehong dead on the spot.

Pero ang sabi ng mga pulis, wala raw koneksyon iyon sa pinasok na karera ng kaniyang ama. Noong mga panahon kasing iyon, babago pa lang ang ama niyang sumasabak sa pulitika. Kaya hindi maalis sa kaniya, na isa iyon sa dahilan.

“Was it your father again?” untag ni Jackie sa kaniya.

“I don’t know. Alam naman ni Papa ang mga ginagawa ko. Wala naman akong ligtas sa kaniya.” Hinayon niya ng mga mata ang dalawang bodyguards na nakaupo sa isang sulok ng bar na iyon. Bubog lang ang nakapagitan sa may balcony kaya kitang-kita niya ang mga ito na pasulyap-sulyap sa kaniya.

Kahit sanay siyang palaging may nakabuntot sa kaniya, hindi pa rin niya maiwasang mainis minsan. Nasasakal kasi siya sa ganoong setup. Nawawalan siya ng kalayaan. Para pa rin siyang nakakahon.

“Hay, naku! Baka naman kulang ka lang sa sayaw. Halika ka na! Let’s dance!” yaya sa kaniya ni Jackie pabalik sa loob.

Napangiti siya. Agad napawi ang mga iniisip. Sumunod siya sa kaibigan. Nang matapat sa isang waiter ay mabilis niyang kinuha ang alak na nasa tray at inisang lagok iyong muli.

Now, she felt calm. Biglang gumaan ang pakiramdam niya na parang lumilipad na papel sa ere.

Tinungo niya ang entablado na may pole sa gitna. She seductively danced on it, while her blue-sequined dress that was right below her a*s was exposing her long and beautiful legs. Her silky-smooth skin was like a sinful masterpiece to everyone’s eyes. Hindi lang kasi lalaki ang na-a-attract niyon, kundi maging ang mga kababaihan rin.

She’s a pro dancer. Nakuha niya ang hilig na iyon sa ina. She even took a ballet class when she was a kid. Hindi na nga lang niya pinursige dahil mas gusto niyang maging isang fashion designer. Kaya fashion design ang kursong tinapos niya.

She swayed her small hips on the pole. Narinig niya ang malakas na hiyawan sa paligid na may kasama pang pagsipol.

She continued dancing until her legs were about to give up. Pawis na pawis na rin siya kaya umalis siya roon at tinungo ang bar counter. “One shot of martini, please,” aniya sa bartender.

“Alright. Just a moment,” anito.

Napakunot ang noo niya. Kilala niya ang lalaki. Anak ito ng bise-gobernador. Si Zhione Vergel.

“Don’t look at me like that, Miss Cojuangco. Hindi naman ako kagaya mo na mahilig mag-aksaya ng pera,” anitong hindi siya nililingon.

Napataas ang isang kilay niya. “And where did that comment come from, Mr. Vergel? Hinihingi ko ba ang opinyon mo kung paano ko gagastahin ang perang mayroon ako?”

Hindi magkapartido ang mga ama nila sa pulitika. Pero kahit ganoon, hindi naman puwedeng hindi magkasundo ang dalawa pagdating sa pamamalakad sa kanilang lalawigan. They both shared the same goal. At iyon ay ang maglingkod sa mga mamamayan ng Dela Paz ng tapat. Ngunit hindi rin naman maiiwasan na may mga bagay na hindi napagkakasunduan ang mga ito. Iyon ang paminsan-minsang dahilan ng mainit nilang diskusyon.

Bali-balita ring tatakbo ang ama ni Zhione sa susunod na halalan bilang gobernador. Ang kaniya namang ama, bagama’t hindi pa tapos ang termino, ay nais pa ring sumubok sa huling pagkakataon. Nabanggit na iyon nito sa kaniya noong minsang kausapin siya nito

“No. But your eyes said it all. You were looking at me as if you saw an alien coming from another planet. There were questions in your head. Bakit ako naririto at isang hamak na bartender.” Iniabot nito ang alak na hiningi niya. Sandali pa siya nitong tiningnan, bago muling bumalik sa ginawa.

“Well, bakit nga ba?” kibit-balikat niyang tanong.

“I’m bored. Madali lang naman ang maging CEO ng sarili kong kompanya,” tugon nito.

Napatirik ang mga mata niya sa kisame. Kahit kailan talaga, hindi nito maitago ang pagiging mayabang. And she can’t help but feel annoyed at him. Nakaaalibadbad kasi ang ganoong ugali.

“Isa pa, Miss Cojuangco, pag-aari ko ang bar na ito kaya walang magagawa sa akin ang mga tauhan ko kung gusto kong magtrabaho.”

Napataas ang sulok ng kaniyang labi. “Wala naman akong sinabi. I knew that you owned this place.” Dahan-dahan siyang sumimsim ng alak sa basong hawak.

“Oh, yeah. . . Because you are one of our regulars here,” may halong sarkasmong tugon nito.

“May problema ka ba sa bagay na iyon? Because as far as I know, I paid my membership here, in advanced, for ten years.” She emphasized the words that she said. Pagkatapos, ibinaba niya sa counter ang hawak na baso. Hantaran niya itong pinagmasdan.

Zhione was wearing a dark blue long sleeves shirt, paired with faded jeans. Nakataas hanggang siko ang suot nitong damit kaya kitang-kita ang maugat at ma-muscle nitong mga braso.

Napakagat-labi siya. That feature of his was one of her weaknesses. Para sa kaniya, mas sexy ang isang lalaki at kaakit-akit na tingnan kapag veiny ang braso. Halatang hindi ka gugutumin. Workaholic ang dating.

Napadako ang mga mata niya sa dibdib nitong bahagyang nakahantad. Napakunot-noo siya nang makitang may tattoo ito roon. It just showed half of it, but she knew it was an eagle. Hindi iyon kalakihan, pero kapansin-pansin pa rin.

“Wanna see it all?”

Napaangat ang ulo niya. Nagtama ang mga mata nila. His eyes became even darker like the night sky while he was looking at her with amusement. She even saw his playful grin.

Umingos siya rito. “I was just a bit shocked. I didn’t know you like vandalizing your body,” aniya. Dinampot niya ang baso at muling sumimsim ng alak doon.

Nagkibit ito ng mga balikat. “Well, that’s your opinion. Pero para sa akin, this is art,” anito.

Hindi na siya sumagot pa. Ipinagpatuloy niya lang ang pag-inom hanggang sa maubos niya ang laman ng baso.

“Don’t you think you’re drinking too much?”

Napalingon siya kay Zhione. Hindi niya maunawaan ang nakikita sa mga mata nito. Was it care that she saw? O baka naman lasing na siya?

Ipinilig niya ang ulo.

Siguro nga.

“And why do you care?”

“This may be an exclusive club, but still, mga taga-rito pa rin sa Dela Paz ang mga customers namin. Hindi mo ba inaalala ang sasabihin ng mga tao tungkol sa iyo? Tungkol sa buhay na mayroon ka?” paliwanag nito.

Inirapan niya ito. “I don’t mind what other people may say about me. Bakit? Kilala ba nila akong talaga para mag-isip ng kung ano-ano tungkol sa akin?” sikmat niya rito.

“Well, sabihin na nga nating hindi. But you are still a public figure. Anak ka pa rin ng tatay mo.”

“And you are also your father’s son.”

Nagsalubong ang mga kilay nito. “Anong ibig mong sabihin?”

“We are on the same boat, Mr. Vergel. Magkaiba man ng layunin ang ipinunta natin dito, pareho pa rin tayong naririto. And both our fathers knew what we were doing here. Am I wrong?”

Napailing na lang ito. Alam nitong tama siya. Iisa lang naman talaga ang iisipin ng mga tao sa kanila; that they were their fathers’ children. Na walang ibang ginawa kun’di ang balewalang magtapon ng pera.

Hihingi pa sana siyang muli ng alak dito nang lapitan siya ng kaniyang mga bodyguards. May ibinulong ang isa sa kaniya na ikinalaki ng kaniyang mga mata. Napatingin siya kay Zhione.

“What?” tanong nito.

“You have to come with me,” aniya. Gumilid siya at tinungo ang kinatatayuan nito. Pagkuwa’y walang sabi-sabing hinawakan niya ang kamay nito at hinila ang lalaki palabas sa bar na iyon.

Zhione just followed her while looking at their intertwined hands. Then, he looked at Summer’s sexy back. Para bang may kung anong pwersang humahatak sa kaniya palapit dito.

Ang buhok nitong lagpas balikat, na bahagya lamang ang pagkaalon-alon, ay tinatangay ng mabining hangin sa nilalakaran nilang hallway. Her hips swaying as she walked, made him lose control. Para bang inaanyayahan siya niyon.

Napalunok siya, lalo na nang bahagyang tumaas ang napakaiksi nitong damit. Halos makita na niya ang pisngi ng matambok nitong pang-upo. And that made him even mad.

“F*ck!” may kalakasang mura niya sa sarili.

Napatigil si Summer at nilingon siya. Nasa mga mata nito ang pinaghalong pag-aalala at pagtataka.

“Saan ba tayo pupunta? Bakit bigla mo na lang akong hinatak?” iritableng tanong niya. Dito niya idinaan ang nadarama sa mga sandaling iyon. Dahil kung hindi niya gagawin iyon, baka mapahiya lang siya.

Huminga nang malalim ang babae. “Our fathers are in the hospital. They had an accident. Ngayon, kung ayaw mong sumama, bahala ka.” At mabilis siya nitong tinalikuran.

“What!? F*ck!” Lakad-takbong sumunod siya rito.

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


Tidak ada komentar
7 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status