Share

CHAPTER 5

Author: Gael Aragon
last update publish date: 2026-07-27 15:36:34

Ball night.

“Hija, are you done?” anang kaniyang ama sa likod ng pintuan ng kaniyang silid.

“Yes, Pa. Coming!” tugon ni Summer.

Muli niyang iniikot ang sarili sa full-length mirror na nasa harapan. She’s wearing a pair of white long sleeves and slacks. Contrast to her most of the times get-up, she chose to wear a woman’s suit that will cover her whole body. Bumagay kasi iyon sa naisip niyang tema. She wanted to look sophisticated at the same time, gorgeous.

She wore her lipstick in dark rose. Kaya kahit sino’y mapatitingin sa kaniya, dahil sa mapang-akit niyang mga labi na iyon. She had a pair of beautiful voluptuous lips. May kakiputan iyon, na binagayan ng maliit ngunit matangos niyang ilong. Hindi kaila na may lahi siyang chinese, lalo na at may pagka-singkit ang kaniyang mga mata.

She just let her hair down. Hindi naman kasi iyong kahabaan. Mas bumagay pa nga iyon sa itsurang nais niya. She also wore just a pair of threader diamond earrings. Hindi na nga sana, kaso parang hindi balanse ang gusto niyang ma-achive na itsura kung wala iyon.

On her feet was also a pair of white stilettos. Two inches ang takong niyon at tamang-tama lang sa height ng papa niya. Hindi naman siya kaliitan. She inherits the normal height of Filipina women.

She gets her Chanel No. 5 perfume. Nag-spray lang siya nang bahagya sa likurang bahagi ng tenga niya at kaniyang pala-pulsuhan. Napangiti siya nang masamyo niya ang mabangong amoy niyon.

Isa pa uling sulyap ang ginawa niya sa sarili, pagkatapos ay kinuha niya ang Chanel din na pouch bag. Kulay itim naman iyon na bumagay sa suot niya. Laman niyon ang kaniyang cell phone, lipstick at foundation kung kinakailangan niyang mag-retouch mamaya.

Binuksan niya ang nakapinid na pintuan. Her father looked at her with so much admiration in his eyes.

“You looked so lovely, hija. Hindi talaga ako nagkamali na isama ka ngayong gabi. Tiyak maraming mahihili sa akin,” malapad ang ngiting wika nito.

“And you also looked dashing, Pa. Kahit sino ay hindi mangingiming purihin ka ngayong gabi,” ganting papuri niya saka ikinawit ang kamay sa braso nito.

Mas lalong lumapad ang pagkakangiti nito. “Let’s go.”

Tumango siya. Sabay na silang bumaba sa napakagarbong hagdanan ng bahay nila.

Their mansion was in Victorian style. It was built ages ago. Tinirhan na iyon ng napakaraming henerasyon ng pamilya Cojuangco— na sa pagtagal ng panahon ay mas lalong nagiging kaakit-akit sa mga mata. May mga renovation mang naganap, pero pinanatili pa rin ang lumang istruktura ng bahay. Bagay na hinahangaan ng mga kakilala na nagiging bisita nila roon.

Hindi maikakailang mayaman ang pamilya Cojuangco. Before entering politics, her father was already a businessman. Pag-aari nila ang ekta-ektaryang tubuhan sa Dela Paz. Bukod pa roon, may bakahan din sila na pang-export ang quality. Mayroon din silang mango plantation at kung ano-ano pa. Lahat ng iyon ay makikita sa loob ng Hacienda Filomena— na hango sa pangalan ng ninuno ng kaniyang ama.

Doon pa lang, kahit hindi na magtrabaho pa ama ay tiyak na mabubuhay sila nang maayos, hanggang sa kanilang huling hinanga. Pero nahikayat ito ng ilang kaibigan nito na sumabak sa pulitika. Ang dahilan ay para raw mas matulungan pa ang mga mamamayan ng Dela Paz. Para raw mas maingat pa ang kanilang lalawigan at makilala sa bansa.

Hindi naman nga nagkamali sa mga sinabing iyon ang mga kaibigan nito. Nang simulan ng kaniyang ama ang pagtakbo bilang board member ng kanilang bayan, nanalo ito at maraming proyekto ang nagawa. Iyon ay dahil na rin siguro sa alam ng kaniyang ama kung paano patakbuhin nang maayos ang pera ng taong-bayan.

Hindi maramot si Santino Conjuangco. Bagay na minahal ng mga kababayan nila. Katwiran nito, marami na itong pera. Kaya kahit ang sinasahod nito sa gobyerno ay nakalaan sa mga proyekto ng lalawigan nila. Ganoon kabait at kamatulungin ang kaniyang ama. Kaya umabot ito sa pagiging gobernador. Dahil bawat laban nito, walang katalo-talo. Landslide.

Iyon nga lang, hindi naman kayang protektahan ng pera nito ang pamilya. Kahit pa sabihing aksidente ang nangyari sa kaniyang ina at kapatid, naroon pa rin ang agam-agam sa puso ni Summer. Deep in her heart, isa ang karera ng ama sa dahilan ng pagkawala ng dalawang taong pinakamamahal nila.

“We’re here, hija,” untag ng kaniyang ama sa kaniya.

Tumango siya. Hinintay niyang ipagbukas sila ng driver ng pintuan. Nauna ang kaniyang ama na nakangiting humarap sa kaniya. Inilahad nito ang kamay na malugod naman niyang tinanggap.

Pagbaba niya, kabi-kabilang kislap na ang mga kamera sa paligid. Daig pa nila ang celebrity ng kaniyang ama. Bahagya rin silang  kumaway sa mga ito, at hindi nawawala ang malapad na ngiti sa mga labi, habang naglalakad sila sa carpeted na hagdanan.

Sa mismong kapitolyo ginanap ang ball na iyon. Ito ay para na rin ipakita sa mga mamamayan na ang lahat ng ginagawa ng Pamalaang Panlalawagin ng Dela Paz ay para sa ikauunlad ng kanilang probinsya.

“Your date is very beautiful, Governor,” anang isang ginang na lumapit sa kanila. Kung hindi siya nagkakamali kaibigan ito ng kaniyang ama. Isa rin sa kilalang pamilya sa kanila. Nakipagbeso ito sa kaniya at sa ama.

“Thanks for the compliment, Corazon. My daughter really did her best to look stunning tonight. Syempre, para mag-stand out din ang kagwapuhan ng ama,” biro nito na ikinatawa nilang tatlo.

“You’re such a narcissist, Pa. Baka marinig ka ng mga kakilala mo,” aniya.

Tinapik ng kaniyang ama ang kaniyang kamay na nasa braso nito. “I was just telling the truth, hija. Look around.” Iginala nito ang mga mata sa paligid.

Nang sundan niya ito, halos lahat nang naroon ay nakatingin sa kanila ng ama. O mas tamang sabihin na sa kaniya.

“Your father is right, hija. At mukhang marami kang magiging kaagaw sa anak mo, Governor,” sang-ayon ni Mrs. Fallermo.

“Well, they have to try,” tugon ng kaniyang ama.

Napailing na lang siya sa sarili.

Nag-ikot-ikot pa sila ng kaniyang ama. Lahat ay hantaran ang pagbibigay papuri sa kaniya, na madalas ay tinutugon niya ng isang malapad na ngiti. Halata ang pagiging proud sa kaniya ng ama, bagay na ikinatutuwa niya. Iyon lang naman ang gusto niyang makita, ang masaya ito.

“Alright!” kuha ng emcee sa kanilang atensyon. Napatingin naman lahat ng mga naroon sa entablado.

“Good evening, beautiful ladies and handsome gentlemen. Dahil kumpleto na ang ating mga panauhin, let’s call on our handsome, very young and fresh governor!” Pumuno ang tawanan sa paligid. “Let’s give the man of the hour who made this event very successful, a round of applause. Our governor, Governor Santino Cojuangco!”

Malakas na nagpalakpakan ang lahat. Tumayo siya at hinalikan sa pisngi ang ama. Sandali itong kumaway sa mga naroroon bago umakyat sa maliit na stage.

“Thank you for that wise introduction. Mukhang gusto mo pa ng bonus mula sa akin, ah,” biro ng kaniyang papa na ikinatawa ng lahat.

“Well, anyway, I would like to thank all of you, from the deepest part of my heart, who came here and be part of this year-end event of our Provincial Capitol. Tonight is a very special night because for the very first time, my daughter agreed to be my date. So, to those young men out there, back of.” Muling pumuno ang halakhakan sa buong paligid sa hirit na iyon ng kaniyang ama. Talagang inianunsyo pa nito iyon sa lahat.

“No, I was just kidding. But still, you have to ask my permission.” Huminga ito nang malalim. “Moving on, to our beloved guest, we all knew kung saan mapupunta ang mga donations na ibibigay ninyo ngayong gabi. And on behalf of the whole citizen of Dela Paz and the staff of Provincial Capitol, maraming-maraming salamat. Maraming-maraming salamat sa walang sawang pagsuporta ninyo. Malaking tulong ang pagtitipong ito hindi lamang sa ating lalawigan, kun’di maging sa ating mga mamayan. Muli, gusto kong batiin ang lahat ng Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon!”

Nagsitayuan ang mga naroroon kasabay ng malakas na palakpakan. Isa’t isa ay bumati sa gobernador sa matagumpay na pagtitipong iyon. Wala namang pagsidlan ang tuwa ng kaniyang ama habang pinanonood itong lumapit sa kaniya.

“So, it’s congratulations then!” Hinalikan niya ito sa pisngi bago niyakap.

“Thank you, hija. Thank you for being here with me.” Tinapik-tapik nito ang likuran niya.

“You know I love you, Pa. Dalawa na lang tayo kaya ako pa ba ang hihindi sa iyo,” bulong niya rito saka ito pinakawalan.

“I am very lucky to have a very loving daughter like you,” anito at pinisil ang kaniyang kamay.

Tumango siya rito.

Hindi naman natapos doon ang gabing iyon. Nag-imbita rin ang pamunuan ng ilang sikat na mang-aawit para mag-entertain sa mga bisita. Nagkaroon din ng isang maikling film showing, kung saan ipinakita roon ang lahat ng beneficiary ng Provincial Capitol, pati na ang mga projects na natapos, ginagawa at gagawin pa lamang. Sa pamamagitan niyon, nakita ang unti-unting pag-unlad ng lalawigan ng Dela Paz sa pangunguna ng kaniyang ama.

“Everyone. . .” Napatingin ang lahat sa entablado. Ang naroon ay walang iba kun’di si Vice Governor. “I would like to propose a toast.” Itinaas nito ang hawak na kopita na may lamang alak. Lahat naman ay ginaya ito.

“To our beloved governor, thank you for leading our province into a progressive, productive, peaceful and eco-friendly community. Truly, your hard work pays off. At sa lahat ng naririto ngayon, gusto ko lang muli kayong pasalamatan. Nawa’y patuloy ninyong suportahan ang pag-unlad nitong ating lalawigan. Para sa Dela Paz!” Itinaas nitong muli ang hawak na kopita, saka uminom.

Ganoon din naman ang sinabi at ginawa ng lahat. Pagkatapos, pumuno muli ang masigabong palakpakan sa paligid.

Sa paglalim ng gabi, mas lalong naging masigla ang paligid. Kabila-kabila ang tawanan, kuwentuhang walang humpay, batian, at palitan ng mga kuro-kuro. Ang iba naman ay masayang nagsasayaw sa gitna ng bulwagan.

Hindi umaalis si Summer sa tabi ng kaniyang ama. Kahit nakararamdam ng pagod at kahit ang ibang pinag-uusapan ng mga kasama nito ay hindi niya nauunawaan, patuloy lang siya sa pakikinig sa mga ito. May minsang sumasagot siya kung kinakailangan.

“Governor. . .” anang baritonong tinig na iyon na pumukaw sa kanilang atensyon. Pagtingin niya sa gawing kanan ay nakita niya si Zhione. Bahagya pang napaawang ang mga labi niya sa nakitang itsura nito.

The devil was looking so hot and dangerously handsome in his three-piece black suit. His perfect chiseled jaw complements his serious, yet alluring face. Hindi nawawala sa mapupulang labi nito ang pilyong mga ngiti. His black straight hair was in wax. Mukha itong kagalang-galang sa mga sandaling iyon.

Well, she already saw him a while ago with Kristal, pero hindi gasino. May kalayuan kasi ang mesa ng mga ito sa kanila. At kinakabahan siya sa biglaan nitong paglapit na iyon.

“Yes, Mr. Vergel? What can this old man do for you?” mahinahong tanong ng kaniyang ama.

Subalit, ramdam ni Summer na nag-iba ang timpla nito. Nakangiti man, ngunit kitang-kita niyang hindi iyon umabot sa mata nito. And again, she wondered why.

“Can I ask your daughter for a dance?” ani Zhione.

Pinanlakihan niya ito ng mga mata nang lumingon ito sa kaniya, subalit hindi siya nito pinansin. Mas lalo pang lumapad ang ngiti nito.

Tiningnan siya ng ama. There’s no emotion on his face. Just a plain smile.

“Of course, Mr. Vergel. How could I decline such an offer,” anang kaniyang ama na hindi hinihiwalayan ng tingin ang kaniyang mga mata. It’s his way of warning her.

She secretly took a deep breath. Saka niya hinarap si Zhione na nakalahad na ang isang kamay. Ngumiti siya rito.

“I’d be honored.” Tinanggap niya ang kamay nito. Pagkuwa’y mabagal silang naglakad papunta sa gitna ng bulwagan, habang parehong hindi inalis ang mga tingin sa isa’t isa.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • SEASON OF LOVE 3: SUMMER - IN BETWEEN US   CHAPTER 7

    “Where have you been? Kanina pa kita hinahanap,” tanong ng kaniyang Papa pagpasok niya sa malaking pintuan ng kanilang mansyon.“I jogged around, Pa.” Summer wiped her sweat on her forehead. Uminom din siya ng tubig sa dalang tumbler. Hinihingal pa rin siya dahil malayo-layo rin ang tinakbo niya sa umagang iyon.“Get dressed. May pupuntahan tayo,” anito na nilagpasan siya. Halatang hindi pa rin ayos ang kaniyang ama sa nangyari noong ball. Halos kibuin-dili siya nito— na labis na talaga niyang ikinapagtataka.“Where are we going?” tanong niya nang malapit na ito sa pintuan papuntang dining.Tumigil ito. “Sa Ginintuang Kamay Foundation. It’s their founding anniversary. We’re giving them the donation we got last ball,” hindi lumilingong sagot nito.“Kailangan pa ba talaga akong sumama? Hindi ba puwe

  • SEASON OF LOVE 3: SUMMER - IN BETWEEN US   CHAPTER 6

    Ramdam ni Summer na natuon sa kanila ni Zhione ang atensyon ng lahat. Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na makikita ang dalawang anak ng pinakamataas na opisyal ng kanilang lalawigan, na magkakaroon ng interaksyon sa isa’t isa. Kahit kasi nagkakasalubong sila noon ng binata sa mga okasyong kanilang pinupuntahan, they had never been this close to each other. Laging may mataas na pader na nakapagitan sa kanila.Tumigil si Zhione sa gitna. Humarap ito sa kaniya saka siya tinitigan. Matagal. Nanunuot iyon hanggang sa kalooban-looban niya.May pakiramdam siyang saglit na tumigil ang oras sa mga sandaling iyon at tanging sila lamang ni Zhione ang naroon. His charcoal black eyes were giving her so much pressure. She’s nervous. Parang anumang sandali ay babagsak siya sa sahig.Dahan-dahan itong lumapit sa kaniya. Ang mabagal nitong mga hakbang ay tila tambol na bumabayo sa dibdib niya. Pabilis nang pabilis. Palakas nang palakas.She can’t breathe. She’s not breathing at all while all eyes on

  • SEASON OF LOVE 3: SUMMER - IN BETWEEN US   CHAPTER 5

    Ball night.“Hija, are you done?” anang kaniyang ama sa likod ng pintuan ng kaniyang silid.“Yes, Pa. Coming!” tugon ni Summer.Muli niyang iniikot ang sarili sa full-length mirror na nasa harapan. She’s wearing a pair of white long sleeves and slacks. Contrast to her most of the times get-up, she chose to wear a woman’s suit that will cover her whole body. Bumagay kasi iyon sa naisip niyang tema. She wanted to look sophisticated at the same time, gorgeous.She wore her lipstick in dark rose. Kaya kahit sino’y mapatitingin sa kaniya, dahil sa mapang-akit niyang mga labi na iyon. She had a pair of beautiful voluptuous lips. May kakiputan iyon, na binagayan ng maliit ngunit matangos niyang ilong. Hindi kaila na may lahi siyang chinese, lalo na at may pagka-singkit ang kaniyang mga mata.She just let her hair down. Hindi naman kasi iyong kahabaan. Mas bumagay pa nga iyon sa itsurang nais niya. She also wore just a pair of threader diamond earrings. Hindi na nga sana, kaso parang hindi ba

  • SEASON OF LOVE 3: SUMMER - IN BETWEEN US   CHAPTER 4

    “Excuse me, can I have a size seven on this one?” Itinaas ni Summer ang kulay silver na strappy sandals. May maliit iyong mamahaling brilyante na kumikinang kapag tinatamaan ng ilaw.“Also, gave me my size of those dresses.” Itinuro naman niya ang sampung iba’t ibang formal and semi-formal party dresses.Ganoon siya kung mamili. Dahil aayaw niyang magpalipat-lipat sa mga botique para lang pumili ng damit na isusuot. Sayang ang oras. Isa pa, bukod sa lahat naman ng damit ay bagay sa kaniya, subok na rin niya ang botique na iyon.Hindi rin niya alintana ang presyo. Marami namang pera ang papa niya.“Alright, Miss Cojuangco. Please wait here.” Iginiya siya ng saleslady sa VIP lounge na nasa likuran ng isang malaking pintuan. Mayroon doong mahabang sofa na kulay asul at bubog na center table sa gitna. Mayroon ding maliit na wine cabinet, wine glasses at mini fridge. Isa pa iyon sa dahilan kung bakit nagustuhan niya ang lugar. Maaari kasi talaga siyang magpahinga habang namimili nang walan

  • SEASON OF LOVE 3: SUMMER - IN BETWEEN US   CHAPTER 3

    Isang linggo rin ang itinagal ni Governor Cojuangco sa ospital, bago ito tuluyang nabigyan ng clearance ng mga doctor nito. Ipinagpapasalamat ni Summer na walang ibang tinamong injury ang kaniyang ama, kun’di ang na-dislocate nitong braso at ang mga pasa at sugat sa mukha; na madali rin namang naghilom. Pero pinayuhan pa rin ito ng doctor na magpahinga pa ng ilang araw sa kanila.But she knew her father well. Alam niyang kahit anong sabi rito ninuman, hindi pa rin ito makikinig.That includes her.Matagal ding naging laman ng balita ang nangyaring aksidente sa kaniyang ama at kay Vice Governor. Usap-usapan pa na sinadya raw iyon ng isa pang partido na kalaban ng mga ito sa pulitika. Ilang buwan na lang kasi at magsisimula na ang pag-f-file ng kandidatura. Alam ng lahat na maglalaban sa pagka-Governor ang ama niya at si Mr. Vergel. Parehong malakas ang hatak sa publiko, kaya trigger daw ang isa pang partido.Maraming anggulong tiningnan sa insidente. Pero wala namang malinaw na lead na

  • SEASON OF LOVE 3: SUMMER - IN BETWEEN US   CHAPTER 2

    Ramdam pa rin ni Zhione ang panginginig ng katawan ni Summer habang lulan sila ng sasakyan ng mga ito. Pareho nilang alam na wala rin siyang kakayahang magmaneho sa mga oras na iyon. Kaya nagmagandang loob na ang babae na isabay siya, kahit nainis ito sa kaniya kanina.Tinawagan niya ang sekretarya ng ama. Totoo ang sinabi ni Summer, naaksidente nga ito at si Governor. Parehong galing ang dalawa sa iisang event, at halos panunod din daw na umalis doon.Nawalan daw ng preno ang kasalubong ng mga itong kotse. Nagkaroon ng car collision. Naunang inararo ang sinasakyang Ford SUV ng kaniyang ama. Pagkatapos, sumalpok naman ang sinasakyan ng ama ni Summer sa likurang parte niyon. And it could have been fatal kung mabilis ang takbo ng parehong sasakyan.Hindi sinabi sa kaniya ng sekretarya ng ama kung ano ang totoong kalagayan nito. Mas mabuti raw na siya na mismo ang umalam niyon, bagay na ikinakaba niyang lalo.His family was everything to him. Malapit siya sa ama. Kaya kapag may nangyarin

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status