Partager

Chapter 5

last update Date de publication: 2026-07-22 16:31:54

The Bonds of Betrayal

Ang hangin sa loob ng Celestial Sanctuary ay tila mas magaan kaysa sa nakaraang mga araw. Sa music room, itinuturo ni Orion kay Spring ang mga simpleng chords sa gitara. Ang bawat nota ay tila isang payapang daloy ng tubig na nagtatanggal ng mga tinik sa puso ng dalaga. Sa loob ng ilang sandali, nakalimutan ni Spring ang kanyang pagiging espiya; nakalimutan niya ang banta ng sniper, ang takot kay Haven, at ang dumi ng nakaraan sa Club de Oro.

​"Ang galing mo, Spring. Mabilis kang matuto," nakangiting sabi ni Orion, ang mga mata ay puno ng paghanga.

​Ngunit ang masayang sandaling iyon ay biglang naputol nang tumunog ang cellphone sa bulsa ni Spring. Isang encrypted message ang lumabas sa screen. Dahil sa pag-aakalang isa na naman itong utos na paglilinis, agad niya itong binuksan habang nakatalikod nang bahagya kay Orion.

​Ngunit hindi ito text. Isang voice call mula kay Mr. Chua.

​Sa matinding kaba, lumabas siya ng silid at nagtungo sa pasilyo. "Mr. Chua? Ano po ito? Sabi niyo—"

​"Ang bagal mo, Spring," boses ng matanda mula sa kabilang linya, malamig at puno ng lason. "Anim na araw ka na diyan pero wala pa ring progress sa codes. Nakikita ko ang bawat galaw mo. Nakikita ko kung gaano ka na "kalapit" sa lead guitarist na iyon... kay Orion."

​Naramdaman ni Spring ang paghinto ng tibok ng kanyang puso. "W-wala po... nagtatrabaho lang po ako—"

​"Huwag kang magsinungaling sa akin!" bulyaw ni Chua sa kabilang linya. "Alam ko ang nangyayari sa loob ng Sanctuary. Nagpapanggap ka na namang biktima, habang dahan-dahan mo palang pinapasok ang puso ng bandang Celestial. Hindi ako natutuwa, Spring. Huwag mong kakalimutan kung sino ang may hawak ng buhay ng nanay mo."

​Bumigat ang paghinga ni Spring. Sa gitna ng takot, may kung anong bahagi ng kanyang pagkatao ang tumutol. "Ayoko na. Hindi ko na gagawin ang pinag-uutos niyo. Kahit patayin niyo ako, hindi ko na sisirain ang pamilyang ito. Mabubuting tao sila, Mr. Chua! Hindi sila karapat-dapat sa ganitong uri ng kadiliman!"

​Isang nakakabinging katahimikan ang sumunod. Pagkatapos, marahan ngunit nakakakilabot na tumawa si Mr. Chua.

"Kapag hindi mo ginawa ang sinabi ko, ilalabas ko ang sekreto mo. Sisiguraduhin kong sa oras na lumabas ang tinatago mo, hindi lang ang nanay mo ang mawawala, kundi pati na ang lahat ng respeto at pagmamahal na ibinibigay sa 'yo ngayon ng mga "amo" mo. Sila mismo ang magtataboy sa 'yo."

​"Wala kayong karapatan..." bulong ni Spring, nanginginig ang buong katawan.

​"Mayroon akong lahat ng karapatan dahil hawak ko ang tali mo," sagot ni Chua bago pinutol ang tawag.

​Naiwang nakatayo si Spring sa gitna ng pasilyo, ang phone ay mahigpit na hawak. Ang banta ni Chua ay hindi lamang tungkol sa buhay; ito ay tungkol sa kanyang dangal—ang tanging bagay na pilit niyang pinoprotektahan sa gitna ng lahat.

​Ilalabas niya ang sekreto ko.

​Kung malalaman nina Orion ang tunay niyang nakaraan, kung malalaman nilang siya ay isang babae ng club, tiyak na itataboy siya ng mga ito. Ang pagmamahal at pagtitiwalang unti-unti niyang nararamdaman ay maglalaho nang parang bula.

​Bumalik siya sa music room, ang kanyang mga mata ay puno ng luha na pilit niyang ikinukubli. Nakita niya si Orion na naghihintay, nakangiti pa rin ito nang matamis.

​"Spring? Ayos ka lang?" tanong ni Orion, lumapit ito at inabot ang isang basong tubig.

​Tumingin si Spring sa lalaking nagbibigay sa kanya ng kapayapaan. Alam niya ang susunod na dapat niyang gawin: ang magtaksil. Upang mailigtas ang kanyang nanay at maprotektahan ang kanyang natitirang dangal, kailangan niyang saktan ang taong nagbigay sa kanya ng unang tunay na ngiti sa loob ng mahabang panahon.

​​"Salamat po, Sir Orion," mahinang sambit ni Spring. Hindi niya matagalan ang titig ng binata kaya pilit siyang umiwas ng tingin, baka mabasa nito ang bagyo sa kanyang kalooban.

​Bumalik siya sa trabaho, ngunit bawat hakbang niya ay puno ng pagdadalawang-isip. Ang banta ni Chua ay parang tanikalang nakapulupot sa kanyang leeg. Habang nakatingin kay Orion na muling kinalabit ang mga kuwerdas ng kanyang gitara, napagtanto ni Spring na ang pinakamahirap na bahagi ng kanyang misyon ay hindi ang pag-iwas sa CCTV o ang pagkuha ng access codes—ang pinakamahirap na bahagi ay ang pumatay ng sariling konsensya para lamang mabuhay.

​Sa kabila ng kanyang mga hakbang patungo sa pagtataksil, isang bahagi ng kanyang puso ang patuloy na sumisigaw ng patawad.

Habang abala si Spring sa paghahanda ng hapunan sa kusina, hindi niya naiwasang mapangiti nang bahagya sa ingay na nagmumula sa dining area.

​"Zoe! Seryoso ba? Talbos ng kamote? Wala na bang ibang pagkain dito?" bulyaw ni Neptune, halatang nakasimangot habang nakatingin sa niluto ng kusinera.

​"Tonton, kung hindi mo ititigil ang pagrereklamo, isusunod kong iluto ang paborito mong sapatos!" sagot naman ni Zoe Bree mula sa kusina, bitbit ang isang malaking kaldero ng masustansyang sabaw. "Iyan ang makakabuti sa kalusugan niyo! Gusto niyo bang magmukhang mga zombie sa susunod na concert dahil puro processed food ang kinakain niyo?"

​"Pero Zoe, hindi naman ito burger!" reklamo ni Neptune, na ikinatawa ni Sirius na kasalukuyang nag-aayos ng upuan sa hapag-kainan.

​Si Spring, na naglalagay ng mga plato sa mesa, ay nakatayo lamang sa gilid. Gusto niyang manatiling invisible, isang anino na naghahatid ng serbisyo, ngunit hindi nakaligtas sa mga mata ng banda ang kanyang presensya.

​"Spring," tawag ni Sirius, ang kanyang ngiti ay nakakasilaw at puno ng pag-aanyaya. "Huwag ka nang tumayo sa gilid. Halika, sumalo ka na sa amin. Sobra-sobra ang niluto ni Zoe, baka mapanis lang kung hindi natin uubusin."

​Nanlaki ang mga mata ni Spring. "Naku, Sir Sirius... hindi na po. Nakakahiya po. Tapos na po ako mag-ayos, babalik na lang po ako sa quarter ko."

​"Walang hiya-hiya rito, Spring!" singit ni Orion, na kakapasok lang sa dining area habang bitbit ang kanyang paboritong gitara. Lumapit ito at hinila ang isang bakanteng upuan sa tabi niya. "Pamilya tayo rito, 'di ba? Hindi pwedeng kumakain kami habang ikaw ay nagugutom sa kusina."

​"Sumama ka na," dagdag ni Neptune, na kahit nagrereklamo pa rin sa talbos ng kamote, ay nakangiti na rin nang malapad. "At least, may kakampi na ako kay Zoe kapag pinilit niya kaming kumain ng mga gulay na parang damo!"

​Dahil sa pagpupumilit ng banda, wala nang nagawa si Spring kundi ang umupo. Sa gitna ng kanilang tawanan at bangayan, nakaramdam si Spring ng isang kakaibang init sa kanyang dibdib. Habang pinapanood niya ang mga ito—ang pagbabahagi nila ng pagkain, ang pagbibiruan, ang tunay na pagkakaibigan—lalong bumigat ang pakiramdam niya.

​Sa bawat subo niya ng pagkain, tila may nakabara sa kanyang lalamunan. Sila ay isang pamilyang buong-buo ang tiwala sa isa't isa, samantalang siya ay isang dayuhan na may nakatagong patalim sa kanyang bulsa. Sa kabila ng saya sa hapag-kainan, ang bawat halakhak na naririnig niya ay nagsisilbing paalala ng kanyang kataksilan.

​Nararapat ba silang saktan? tanong niya sa kanyang sarili habang nakatingin sa kanilang masayang mga mukha.

​Nang tumingin si Orion sa kanya at ngumiti nang tapat, naramdaman ni Spring na sa sandaling ito, ang kanyang misyon ay naging mas higit pa sa pagiging espiya—ito ay naging isang labanan ng kanyang sariling konsensya.

​Matapos ang hapunan, unti-unting naghiwa-hiwalay ang mga miyembro ng banda. Si Neptune at Rigel ay nagmamadaling umakyat sa kanilang kwarto para sa isang online game, habang si Archer ay tahimik na pumanhik sa kanyang silid at si Sirius na kasamang nag tungo ng mezzanine kasama si Haven. Si Zoe naman ay nanatili sa kusina para sa pagliligpit. Napansin ni Spring na lumabas si Orion patungo sa garden, dala ang kanyang gitara. Tila hinahanap nito ang katahimikan ng gabi sa ilalim ng mga bituin.

Bago pa man ito makalayo, naisipan ni Spring na dalhan ito ng herbal tea. Kinuha niya ang special blend na gawa ni Zoe—isang timpla ng chamomile at lemon balm na ayon sa kusinera ay nakakatanggal ng stress para sa mga musikero. Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa hardin, ang bawat yabag niya sa damuhan ay tila sumasabay sa mahinang hangin ng gabi.

​Naabutan niya si Orion na nakaupo sa isang stone bench, nakatingin sa langit. Hindi agad nito napansin ang paglapit ni Spring hanggang sa ilapag niya ang mainit na tasa sa maliit na mesa sa tabi nito.

​"Heto po, Sir Orion. Herbal tea ni Ms. Zoe. Sabi niya, makakatulong daw po ito para makapag-relax kayo pagkatapos ng mahabang araw," mahinang wika ni Spring.

​Lumingon si Orion at ngumiti nang tipid. "Salamat, Spring. Alam mo, sa gitna ng ingay ng mundo at sa dami ng inaasahan sa amin ng mga tao, minsan ay nakalimutan na naming huminga. Pero ang simpleng tasang ito... nakakagaan ng loob."

Tumabi si Spring nang bahagya, sapat ang distansya para hindi siya makaramdam ng sobrang kaba. Sa ilalim ng liwanag ng buwan, mas kitang-kita ang pagod sa mga mata ni Orion. "Bakit po kayo nahihirapan, Sir? Akala ko po ay perpekto ang buhay ng isang sikat na musikero gaya niyo."

​Tumingin si Orion sa malayo. "Perpekto? Maraming nakakakita sa amin sa stage, pero hindi nila nakikita ang mga gabi na pilit naming nilalabanan ang pagod at ang takot na baka mawala ang lahat ng pinaghirapan namin. Ang Celestial Sanctuary ay hindi lang isang bahay, Spring. Ito ay isang shield. Dito, kailangan naming maging matapang para sa isa’t isa. Pero minsan, nakakapagod ding maging matapang."

​Sa mga salitang iyon, naramdaman ni Spring ang isang matinding koneksyon. Hindi ba ganoon din siya? Siya rin ay pagod na pagod na sa pagiging matapang para sa kanyang nanay. Sa gitna ng katahimikan ng hardin, tila nagtatagpo ang kanilang mga kaluluwa—dalawang taong kapwa nakakulong sa kani-kanilang mga obligasyon.

​"Kung ano man po ang dalahin niyo, sana ay mahanap niyo ang kapayapaan," bulong ni Spring.

​Hinarap siya ni Orion at dahan-dahang hinawakan ang kanyang balikat. Ang init ng kanyang palad ay tila dumaloy sa balat ni Spring, isang uri ng init na nagpaparamdam sa kanya na siya ay buhay at hindi lamang isang instrumento ni Mr. Chua. "Salamat, Spring. Hindi ko alam kung bakit, pero ramdam ko ang kabutihan mo. Maswerte kami na ikaw ang napunta rito."

​Sa sandaling iyon, ang luha ni Spring ay muling nagbadyang tumulo. Paano niya magagawang saktan ang isang taong nakakakita ng kabutihan sa isang taong tulad niya—isang espiya na may madilim na nakaraan? Bawat salita ni Orion ay parang dagdag na tanikala na nagpapatali sa kanyang konsensya. Gusto niyang sabihin ang katotohanan, gusto niyang aminin na siya ang ahas sa loob ng paraiso, ngunit ang banta ni Chua ay nananatiling nakabitin sa kanyang leeg gaya ng isang guillotine.

​Umalis si Spring nang gabing iyon na mabigat ang damdamin. Pagbalik niya sa kanyang silid, hindi siya nakatulog. Habang nakatingala sa kisame, paulit-ulit na bumabalik sa kanyang isipan ang ngiti ni Orion. Ang pagtataksil na nakatakda niyang gawin ay hindi na lang isang utos ni Mr. Chua; ito ay naging isang pasanin na unti-unting pumapatay sa natitirang bahagi ng kanyang sarili. Alam niyang sa bawat araw na lumilipas, mas lumalalim ang kanyang pagkakabaon, at sa dulo ng lahat ng ito, alam niyang siya ang magiging unang biktima ng kanyang sariling kataksilan.

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Dernier chapitre

  • Spring in the midst of Winter - CELESTIAL 02   Chapter 7

    Shattered MasksSpring POVIlang araw na rin ang nakalipas simula nang huli akong makatanggap ng tawag o text mula kay Mr. Chua. Sa bawat araw na lumilipas, unti-unti kong pinapaniwala ang sarili ko na baka napagod na rin siya, o baka nakahanap na siya ng ibang "espiya" na mas madaling utusan kaysa sa akin. Sa wakas, ang tensyon sa aking dibdib ay nagsimula nang humupa. Nakahinga ako nang maluwag, naisip ko na baka, sa gitna ng lahat ng ito, may pag-asa pa pala akong mabuhay nang payapa sa tabi ng Celestial.​Ngunit ang katahimikang iyon ay hindi pala isang paglaya—isa pala itong paghahanda para sa isang malaking pasabog.Sa hapunan ng gabing iyon, ang mesa ay hindi lamang puno ng masusustansyang pagkain ni Zoe Bree, kundi puno rin ng tensyong halos kasing-init ng nilutong sabaw. Nakaupo ang lahat: si Sirius na seryoso katabi si Haven, si Archer at Orion na tahimik, si Rigel na masaganang kumakain at sina Neptune at Zoe na nagbabangayan tungkol sa gulay.Nakahain ang organic herb-crus

  • Spring in the midst of Winter - CELESTIAL 02   Chapter 6

    The Missing MelodyOrion's POV​Sanay ako sa ingay. Sa mundong ginagalawan ng Celestial, ang ingay ay katumbas ng tagumpay—ang tilian ng mga tagahanga, ang malakas na beat ng drums ni Rigel, at ang sabay-sabay na pagtibok ng puso ng mga taong nanonood sa amin. Ngunit dito sa loob ng Celestial Sanctuary, may isang uri ng katahimikan na hindi ko mawari. At sa gitna ng katahimikang iyon, napansin ko siya: si Spring.​Mula noong unang araw na dumating siya, iba na ang pakiramdam ko. Hindi siya katulad ng ibang staff na nakasalamuha ko na. May kakaibang bigat sa bawat hakbang niya, isang anino na tila pilit na nagtatago kahit nasa harap na siya.​Habang nag-aayos siya ng mga kagamitan sa music room, hindi nakatakas sa aking paningin ang panginginig ng kanyang mga kamay. Akala ko noong una ay dahil lang sa nerbiyos o dahil bago siya sa trabaho, ngunit habang tumatagal, nakikita ko ang pattern. May takot sa kanyang mga kilos—takot na hindi galing sa pagiging mahiyain, kundi sa isang bagay na

  • Spring in the midst of Winter - CELESTIAL 02   Chapter 5

    The Bonds of BetrayalAng hangin sa loob ng Celestial Sanctuary ay tila mas magaan kaysa sa nakaraang mga araw. Sa music room, itinuturo ni Orion kay Spring ang mga simpleng chords sa gitara. Ang bawat nota ay tila isang payapang daloy ng tubig na nagtatanggal ng mga tinik sa puso ng dalaga. Sa loob ng ilang sandali, nakalimutan ni Spring ang kanyang pagiging espiya; nakalimutan niya ang banta ng sniper, ang takot kay Haven, at ang dumi ng nakaraan sa Club de Oro.​"Ang galing mo, Spring. Mabilis kang matuto," nakangiting sabi ni Orion, ang mga mata ay puno ng paghanga.​Ngunit ang masayang sandaling iyon ay biglang naputol nang tumunog ang cellphone sa bulsa ni Spring. Isang encrypted message ang lumabas sa screen. Dahil sa pag-aakalang isa na naman itong utos na paglilinis, agad niya itong binuksan habang nakatalikod nang bahagya kay Orion.​Ngunit hindi ito text. Isang voice call mula kay Mr. Chua.​Sa matinding kaba, lumabas siya ng silid at nagtungo sa pasilyo. "Mr. Chua? Ano po

  • Spring in the midst of Winter - CELESTIAL 02   Chapter 4

    SHADOWS OF DOUBT​Ang unang umaga sa Celestial Sanctuary ay hindi sinalubong ng sikat ng araw para kay Spring, kundi ng isang mabigat na pakiramdam na tila may nakadagan sa kanyang dibdib. Sa loob ng marangyang mansyong ito, bawat sulok ay may lihim, at bawat anino ay tila may mata. Habang naglilinis, hindi siya mapakali. Pakiramdam niya, kahit saan siya lumingon, naroon ang malamig na titig ni Haven Diamond Fortaleza—ang babaeng tila binabasa ang bawat tibok ng kanyang puso.​Habang bitbit ang isang tambak ng mga bagong labang tuwalya patungo sa pool area, narinig niya ang ritmo ng mga yabag na naging dahilan ng kanyang pagkatigil. Pababa ng hagdan si Haven, ang bawat galaw ay disiplinado at matalim.​"Spring," tawag ni Haven.​Napatigil ang dalaga, halos malaglag ang mga tuwalya sa kanyang mga kamay. Ang boses ni Haven ay hindi lang basta pagtawag; ito ay isang pag-utos na kayang magpatigil sa kanyang mundo.​"Bakit nanginginig ang mga kamay mo?" tanong ni Haven, lumalapit nang daha

  • Spring in the midst of Winter - CELESTIAL 02   Chapter 3

    The Gap Between Loyalty and BetrayalAng gabi sa Antipolo ay balot ng malamig na simoy ng hangin, ngunit sa loob ng Celestial Sanctuary, tila nagliliyab ang konsensya ni Spring. Ang bawat paghinga niya ay may kasamang bigat na tila tinatabunan ng mga pader ng mansyong ito. Nakaupo siya sa gilid ng kanyang kama sa servant’s quarters, ang maliit na silid na naging pansamantalang santuwaryo niya, ngunit sa halip na kapayapaan, tila ito ay naging isang malamig na bilangguan.Sa kanyang palad, mahigpit niyang hawak ang isang maliit na device na kasingliit lamang ng butones—isang signal jammer at transmitter na ibinigay ni Mr. Chua bago siya pumasok sa mansyon. Ang plastik na gilid nito ay bumaon sa kanyang balat, isang paalala ng kanyang maruming misyon."Kailangan mo lang itong idikit sa ilalim ng main console sa command center," boses ni Chua ang tila bumubulong sa dilim, isang boses na kailanman ay hindi niya makakalimutan. "Isang beses lang, Spring. Pagkatapos noon, malaya na ang nanay

  • Spring in the midst of Winter - CELESTIAL 02   Chapter 2

    Shadows in ParadiseSa loob ng halos limang buwan, ang Club de Oro ay naging isang estrangherong lugar para sa akin. Matapos ang biglaang pagkawala ni Mr. Chua, na ayon sa mga bali-balita ay nagtungo sa Macau para sa kanyang mga "negosyo," ang buhay sa loob ng club ay tila dumaan sa isang kakaibang yugto ng katahimikan. Walang mga banta, walang mga biglaang inspeksyon, at walang mga utos na nagpapakaba sa aking dibdib.​Ang amoy ng hinalong alak, murang pabango, at usok ng sigarilyo na dati ay nakakasulasok, ay naging bahagi na lamang ng aking pang-araw-araw na pag-iral. Sa ilalim ng kumukurap-kurap na neon lights, ang bawat indayog ng aking katawan ay naging mekanikal. Hindi na ito ang tahimik na sigaw para sa kaligtasan, kundi isang paraan para makaraos. Sa gitna ng katahimikang ito, nagkaroon ako ng pagkakataong huminga—ngunit alam ko sa kaibuturan ko, ang katahimikang ito ay isa lamang kalmado bago ang pagdating ng bagyo.​Isang gabi, habang nag-aayos ako ng aking gamit matapos an

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status