LOGINTitle: Tempted by the Billionaire Author: Nhitchie Genre: Steamy Romance Blurb: "Some temptations are meant to be resisted... until love makes them impossible to ignore." Desperado nang baguhin ang buhay ng kanyang pamilya, tinanggap ni Katerina Aurora Reyes ang trabahong akala niya ay magiging simula ng lahat ng kanyang pangarap. To be the new personal assistant of the coldest and fearful CEO in the country. Si Ezekiel Richard Monteverde ay isang billionaire na kilala sa pagiging ruthless, perfectionist, at emotionally unavailable. Sa loob ng Monteverde Empire, walang empleyadong nagtatagal sa ilalim ng kanyang pamamahala, at wala ring babaeng nagawang basagin ang makapal na pader sa paligid ng kanyang puso. Dalawang magkaibang mundo. Isang simpleng babae na handang gawin ang lahat para sa pamilya. At isang lalaking isinuko na ang paniniwala sa pag-ibig matapos ang isang masakit na pagtataksil. Ngunit paano kung sa bawat pagtatalo, bawat tingin, at bawat sandaling magkalapit sila... unti-unting mabuo ang damdaming pareho nilang pilit tinatakasan? Sa mundong puno ng kapangyarihan, lihim, at mga pusong sugatan… Hanggang saan ang kaya nilang isugal? At kapag dumating ang sandaling kailangang pumili sa pagitan ng pag-ibig at responsibilidad… Sino ang unang bibitaw? Because sometimes, the greatest temptation isn't falling in love... it's loving the one you were never supposed to have.
View MoreKabanata 1: He doesn't smile
Hindi lahat ng umaga ay nagsisimula sa sikat ng araw. May mga umagang nagsisimula sa ulan... at sa isang pusong pagod nang lumaban. Malakas ang patak ng ulan sa bubong ng lumang apartment habang tahimik na naglalagay ng itlog sa kawali si Katerina Aurora Reyes. Halos mag-alas sais pa lamang ng umaga, ngunit gising na siya. Tulad ng nakasanayan, siya ang unang bumabangon. Sa maliit nilang kusina, amoy na amoy ang sinangag na may bawang at mainit na kape.Simpleng almusal pero sapat na para mabusog silang tatlong magkakapatid. "Ate..." Napalingon siya nang marinig ang mahinang tinig ng nakababatang kapatid niyang si Nicole, isang labing-anim na taong gulang na senior high school student. "Bakit ang aga mo po na naman?" tanong nito. Ngumiti si Katerina habang inilalapag ang almusal sa mesa. "Kailangan kong umalis nang maaga. May interview ako." Unti-unting lumiwanag ang mukha ng kapatid. "Ito na ba yong sa Monteverde Empire?" Tumango siya. "Oo." Lumabas mula sa kwarto ang bunso nilang si Liam, hawak ang school bag habang hinihikab. "'Yong mayaman na kompanya, Ate?" "Oo." "Tapos magiging secretary ka ng CEO?" tanong nito habang kumukuha ng pandesal. "Personal assistant," natatawa niyang itinama. "Pareho lang 'yon e." "Hindi pareho yon,” anya. Umupo na silang tatlo sa maliit na mesa. Tahimik silang kumakain habang ang ulan ay patuloy na bumubuhos sa labas. Ilang sandali pa'y nagsalita si Nicole. "Ate..." "Hmm?" "Kapag nakuha mo yong trabaho… yayaman na tayo?" Nagkibit-balikat siya. “Malay mo? Sana? Magaling ang ate nyo, e, kaya tiwala lang,” mayabang niyang sabi kahit na ang totoo ay alam naman niyang hindi ganoon kadali iyon. Magtatrabaho siya, hindi naman siya magnanakaw, ano. Sadyang mas mataas lang ang expectation nila ngayon dahil ito ang unang beses na papasok siya sa isang tanyag na kompanya. “Makakapasok ka, Ate. Kawalan na lang nila kung hindi,” iling ni Liam na ikinatawa niya. “Binola mo pa ako.” “Oo, Ate, may gusto lang yan ipabili kaya naggaganyan, e,” ngisi ni Nicole. “Hindi kaya!” pilyong sagot ni Liam, ngubit halata namang tama ito. Eksaktong alas siyete nang lumabas siya ng apartment, bitbit ang lumang leather bag na regalo pa ng kanyang ama noong nagtapos siya ng kolehiyo. Napasulyap siya sa litrato ng kanyang mga magulang na nakasabit sa tabi ng pintuan. "Wish me luck, Mama... Papa." Mahina siyang ngumiti bago tuluyang isinara ang p***o. Mahigit isang oras ang biyahe papuntang Makati. Puro traffic, busina at mga taong nagmamadali ang sumalubong sa kaniya sa Makati. Lahat ay tila nakikipagkarera sa oras. Habang siya ay tahimik lang na nakatanaw sa bintana ng bus. Habang unti-unting lumalapit ang distrito ng mga naglalakihang gusali, lalo ring bumibigat ang kaba sa kanyang dibdib. Hindi niya maiwasang balikan ang mga nabasa niya tungkol sa lalaking kanyang pagtatrabahuhan. Ezekiel Richard Monteverde, thirty-one years old. The youngest billionaire CEO in the country and the owner of Monteverde Empire. Featured countless times in Forbes Asia at tinaguriang The Ice King of Business. Iyan ang magagandang title nito mula sa mga gossip site, pero kung ang mga taong hindi bayad ang kakausapin ay may iba silang mga komento. May nagsasabing henyo raw ito kaso walang puso. Hindi marunong ngumiti. At ayon sa mga dating empleyado… Mas madaling kausapin ang pader kaysa sa kanya. Napabuntong-hininga si Katerina. "Ano ba itong gusto mong pasukin?" tanong niya sa sarili. Parang gusto niyang mag-backout, pero wala iyon sa bokabolaryo niya, kaya naman tumuloy pa rin siya. Eksaktong alas otso y medya nang huminto ang bus. Pagbaba niya, agad siyang sinalubong ng malamig na hangin at mahinang ambon att doon niya unang nakita ang Monteverde Empire. Napakataas magara. Parang imposibleng marating ng isang simpleng babaeng katulad niya ang pangarap na makapasok sa kompaniya na iyon. Ilang segundo siyang nakatayo roon. Pinagmamasdan ang gusaling tila simbolo ng kapangyarihan. "Kaya mo 'to,” bulong niya sa sarili. Mahigpit niyang hinawakan ang folder na naglalaman ng kanyang résumé at huminga nang malalim, saka na siya naglakad papasok. Pagpasok niya sa lobby ay agad siyang natigilan at namangha sa lugar na iyon. Napakakinis ng marmol na sahig. Naglalakihang crystal chandeliers ang nakasabit sa kisame, may fountain pa sa gitna ng lobby, kagaya ng mga napapanood niya sa TV. Akala niya ay hanggang green screen lang ang ganoon kagarang lugar, ngunit hindi. Totoo palang isabuhay ang ganitong klaseng lugar. Halos lahat ng taong naroon ay nakasuot ng mamahaling suit at designer heels. Pakiramdam tuloy niya ay siya lang ang hindi nababagay. Napatitig siya sa sariling repleksiyon sa salamin. Nakasuot lang siya ng puting blouse, itim na palda at simpleng heels. Walang mamahaling accessories. Para siyang de-color na nasama sa mga puting labahin. Ganoon pa man ay taas-noo pa rin siyang lumapit sa reception. Hindi siya nagpunta rito para insultuhin o maliitin ang sarili, bagkus ay naroon siya upang baguhin ang kaniyang buhay na kinasasadlakan. "Good morning po." Magiliw na ngumiti ang receptionist. "Good morning, Ma'am. How may I help you?" "I'm Katerina Reyes. I have an interview for the executive assistant position." "One moment, please." Ilang segundo nitong tiningnan ang computer bago muling ngumiti. "Please proceed to the thirty-fifth floor. Ms. Amelia Cruz from HR is waiting for you." "Thank you." Pumasok na siya sa elevator. Siya lang ang laman nito kaya kinuha niya ang pagkakataon na iyon para pakalmahin ang sarili sa kaba. Habang pataas ang elevator, tumitig siya sa repleksiyon niya sa salamin at napansin niyang nanginginig ang mga kamay niya. "Relax, Kate, relax." Mahina niyang kinausap ang sarili. "Interview lang 'to." Pero kahit sabihin pa niya iyon nang sampung beses… Hindi pa rin mawala ang kaba. Ding! Bumukas na ang elevator at agad siyang sinalubong ng katahimikan. Hindi tulad ng lobby, halos walang nagsasalita sa executive floor. Maging ang mga empleyado ay seryoso ang mga mukha. Napansin niya pang may mga nakasabayan siya sa paglalakad na tila kinakabahan din o bilasa. Hindi nagtagal ay nilapitan siya ng isang eleganteng babae na nasa early forties kaya nawala roon ang atensyon niya. "You must be Ms. Reyes, polite nitong bati. "Yes po, Ma'am." "I'm Amelia Cruz,” pagpapakilala nito saka naglahad ng kamay sa kanya na agad niya namang tinanggap. "I've been expecting you." "Nice to meet you, Ma'am." Ngumiti si Amelia ngunit agad ding naging seryoso ang ekspresyon nito. "Come with me." Habang naglalakad sila sa hallway, hindi maiwasang mapatingin ni Katerina sa mga mamahaling painting at glass walls. Pakiramdam niya ay nasa ibang mundo siya. Pumasok sila sa isang maliit na conference room. "Please, have a seat." "Thank you." Inilapag ni Amelia ang isang folder sa mesa. "We already reviewed your résumé.” Ngiti at tango lang ang isinagot niya. "Your grades are impressive." "Thank you po, Ma'am." "You also worked three jobs while studying." "Opo." "Bakit?" "Para makapagtapos po. Hindi po ako lumaki sa marangyang pamilya, kaya kung hibdi ko po gagapangin ang pag-aaral ko ay hindi po ako makakapagtapos. May mga kapatid pa rin po aking pinag-aaral." Ilang segundo siyang tinitigan ni Amelia. May kung anong paghanga ang dumaan sa mga mata nito. "Not many people your age would sacrifice their youth for their family." Hindi na lang siya sumagot dahil sanay na siyang marinig iyon. Huminga nang malalim si Amelia bago isinara ang folder. "Ms. Reyes..." "Yes, Ma'am?" "I think you're qualified." Muling kumabog ang dibdib niya. “Talaga po?" "But..." Nawala agad ang kanyang ngiti. "I have to warn you first." Nagtaka siya. "Warn me po?" Tumango si Amelia. "Working here is easy." Saglit itong tumigil. "But working for Mr. Ezekiel Monteverde..." Mahina itong napabuntong-hininga. "...is another story." Napalunok siya. Hinanda naman na niya ang sarili dahil sa mga nakita niyang komento online tungkol dito, pero iba pa rin pala kapag nasa harapan niya na ang magsasabi sa kaniya niyon. "Sa loob ng dalawang buwan..." Dahan-dahang umupo si Amelia. "...tatlong executive assistants na ang umalis." "Agad?" Tumango ito. "One resigned after three days. Another cried during her first week. And the last one..." Sandaling natahimik si Amelia bago bahagyang ngumiti. Ngiting hindi kaaya-aya. "He walked out this morning." Nanlaki ang mga mata ni Kate. “Sorry po pero pwede po bang matanonh. Ano pong ginawa ni Sir?" Hindi agad sumagot si Amelia, sa halip ay tumingin ito sa malaking glass window bago muling nagsalita. "He demands perfection. He hates excuses. He doesn't repeat instructions. He doesn't give second chances. Kaya walang nagtatagal sa kaniya." Tahimik na napahawak si Katerina sa kanyang folder. Hindi niya alam kung dapat pa ba siyang matakot… O umurong na lang. Ngunit naalala niya ang mukha nina Nicole at Liam. Excited ito para sa kaniya at ayaw niyang umuwi para lang ibalita sa mga kapatid na pinanghinaan siya ng loob, at sumuko nang hindi sinusubukan. Hindi siya puwedeng umatras. Kahit gaano pa kahirap arugain ang lalaking iyon, kailangan niya pa ring makuha ang trabahong ito. Tahimik ang conference room matapos magsalita ni Ms. Amelia Cruz. Hindi namalayan ni Katerina na mahigpit na pala ang pagkakahawak niya sa folder na nasa kanyang kandungan. Tatlong executive assistants. Dalawang buwan… Lahat umalis. Hindi dahil mababa ang sahod, hindi dahil mahirap ang trabaho. Kundi dahil sa iisang tao. Dahil kay Ezekiel Richard Monteverde. "So..." naputol ang pag-iisip niya nang muling magsalita si Amelia. "Do you still want to continue?" Napatingin si Katerina sa babaeng kaharap niya. May pagkakataon pa siyang umatras, pwede niyang sabihing hindi na lang at maghanap ng ibang kumpanya. Iyong mabait na boss. Mas madaling katrabaho. Unti-unti siyang tumango bago pa magbago ang isip niya. "Yes po, Ma'am." Ngumiti si Amelia. "I was hoping you'd say that." Tumayo ito at inayos ang blazer. "Come with me." Habang naglalakad sila sa executive hallway, lalong lumalakas ang tibok ng puso ni Katerina. Napakatahimik ng buong palapag. May ilang empleyadong dumadaan, ngunit lahat ay nakayuko. Halos walang nag-uusap na parang bawal ang malakas na boses. Bumukas ang malaking p***o sa pinakadulo ng hallway. Lumabas ang isang lalaking nasa trenta anyos, bitbit ang isang karton na puno ng gamit. Galit na galit ang mukha nito. "I don't care how much he pays!" sigaw nito. "Nobody can work with that monster!" Padabog nitong isinara ang p***o. Napalingon ang lahat ngunit ilang segundo lang ay nagpatuloy na ulit sila sa kani-kanilang ginagawa na larang normal na eksena na lamang iyon kaya sanay na sila. Mukhang wala ngang nagulat. Napalunok na naman si Katerina . Mahina siyang bumulong kay Amelia. "Siya po ba..." "The third assistant." Hindi na nagtanong pa si Katerina. Mas lalo lang siyang kinabahan, sana hindi na niya inalam. Huminto sila sa harap ng napakalaking pintong gawa sa dark mahogany wood. Sa gitna nito ay nakaukit ang pangalan. “CHIEF EXECUTIVE OFFICER” “Ezekiel R. MONTEVERDE** Pakiramdam ni Katerina ay biglang nanlamig ang kanyang mga palad. Tinapik siya ni Amelia sa balikat. "Relax." "I'll try po." Bahagyang natawa ang HR manager. "You're brave." "B-bakit ninyo naman po nasabi?" Hindi siya makapaniwala dahil pakiramdaman niya ay hihimatayin na siya. "Kasi karamihan sa applicants... umaalis na dito pa lang sa hallway." Napangiti si Katerina kahit kinakabahan. "Wala na po akong choice, e." "Exactly." Ilang sandali silang natahimik. Pagkatapos ay kumatok si Amelia ng tatlong beses. "Come in." Isang malamig at malalim na boses ang narinig nila mula sa loob. Pakiramdam niya ay nasa fairytale world siya at siya si Beauty, at ang silid na iyon ay ang kinaroroonan ng Beast. Boses pa lang… Nakakakaba na. Binuksan ni Amelia ang p***o. "Sir, your ten o'clock applicant." "Send her in." "Yes, sir." Lumingon si Amelia kay Katerina. "Good luck." At isinara nito ang p***o sa likod niya. Parang biglang lumiit ang mundo. Napakalawak ng opisina. Mula sa floor-to-ceiling windows ay tanaw ang buong skyline ng Makati. May isang grand piano sa gilid, bookshelves na puno ng business at history books at isang abstract painting na halos kasinlaki ng dingding. Sa pinakadulo ay isang lalaking nakaupo sa likod ng napakalaking mesa. Hindi man lang siya nito tiningnan. Abala ito sa pagbabasa ng mga dokumento. Tahimik na lumapit si Katerina. "Good morning, Sir." Wala siyang sagot na natanggap. Lumipas ang ilang minuto ay tahimik pa rin, na para bang hindi naman ito interesado sa kaniya. Dapat pa ba niya itong hintayin na sabihing ayaw siya nito… o siya na ang kusang magpapalayas sa sarili niya? Hindi niya alam kung magsasalita ba ulit siya o hihintayin lamang ito. . "You're three minutes early." Napakurap siya. "Excuse me, Sir?" Hindi pa rin ito tumitingin. "You arrived outside my office at exactly nine fifty-seven,” anito. "I saw you on the hallway camera." Nagulat si Katerina. “May CCTV pala..." inosente niyang sambit, hindi nag-e-expect ng respond galing sa kaniyang boss. "I prefer people who arrive early." Halos walang emosyon ang pagkakasambit nito. Kung iintindihin ang sinabi nito ay tila pinupuri at nagustuhan siya nito, ngubit hindi iyon madidinig sa boses o tono nito. Parang wala lang iyon. Napangiti siya nang bahagya, awkward. "Traffic po kasi. Natakot akong ma-late." "Fear is a good motivator." Saka lamang isinara ng lalaki ang hawak nitong folder. Dahan-dahan nitong itinaas ang ulo. Parang huminto ang oras sa mundo ni Katerina. Mas guwapo pala ito kaysa sa mga litrato sa magazine. Matangos ang ilong, makapal ang mga kilay at perpektong jawline. Ang kulay abo nitong mga mata ay malamig na parang ulan sa Disyembre. Walang emosyon. Diretso lang itong nakatingin sa kanya. Pakiramdam ni Katerina ay kaya nitong basahin ang lahat ng iniisip niya. Natakot tyloy siyang mag-isip, at baka mabasa nitong pinagnanasaan niya na ang kaniyang amo. "So..." Malamig ang boses nito. "You're Katerina Reyes." "Yes po, Sir." "You graduated with Latin honors." "Yes." "You worked three jobs." "Opo." "Why?" "Dahil kailangan ko po." "Kailangan?" "May dalawa po akong kapatid, nag-aaral din po sila kagaya ko." Tahimik itong nakatingin sa kanya, naghihibtay ng iba pang impormasyon. . "Wala na po kaming mga magulang." Hindi agad nagsalita si Ezekiel. Sa unang pagkakataon ay para bang may bahagyang nagbago sa ekspresyon nito. Ngunit napakaliit na halos hindi mapansin. "Sit." "Thank you, Sir." Sinunod niya ni Katerina na para bang iyon ang unang utos ng kaniyang boss kaya hindi siya pwedeng magkamali. Tahimik siyang pinagmamasdan ni Ezekiel. Hindi siya komportable. Pakiramdam niya ay iniisa-isang timbangin ng lalaki ang bawat galaw niya, at magkamali lang siya ng isang beses ay madadagdag na siya sa listahan ng mga umalis na personal assistant nito sa loob lang ng dalawang buwan. "So tell me, Ms. Reyes… What makes you think you're qualified to work for me?" Huminga siya nang malalim. Kailangan niyang isantabi ang kaba niya. "I don't think I'm the smartest applicant." Hindi nagsalita si Ezekiel. “I don't think I'm the most experienced either." Tumaas ang kilay ni Ezekiel. "Continue." "But I know how to work hard." "Hard work doesn't guarantee results." "I know." "Then?" "But I won't give up either." Tumahimik ang buong opisina. Ang huli niyang sinabi ang tanging laban niya sa mga empleyado nito noong sinukuan ang trabaho na iyon. Hindi man siya galing sa tanyag na eskuwelahan, hindi man siya ang pinakamaganling, pero at least alam niyang hindi siya susuko. Iyon lang naman ang tanging kailangan ng katulad niyang amo. Tumayo si Ezekiel. Mabagal itong naglakad palapit sa malaking bintana. Sinundan niya lang ito ng tingin habang nakatalikod ito sa kanya. "You know what your predecessors said before they quit?" Hindi siya sumagot. "They all told me they were hardworking…” Lumingon ito. "And yet..." Its gray eyes met hers. "They failed." Mabilis na tumibok ang puso ni Katerina. Akala niya ay maganda na ang naging sagot niya, pang Miss U, pero hindi pa pala. Hindi siya puwedeng magkamali. Hindi ngayon. Hindi rito. Hindi sa harap ng lalaking ito. Bahagya siyang ngumiti upang hindi makita ng lalaki ang kaba niya. "Maybe..." Napataas ang kilay ni Ezekiel. "...they just weren't the right person for the job." Natahimik ang opisina. Ilang segundong walang nagsasalita sa kanilang dalawa. Naghihintay lang si Kate kay Ezekiel. Kailangan na ba niyang mag-isip ng plan B? At sa kauna-unahang pagkakataon… May kakaibang interes na sumilay sa malamig na mga mata ni Ezekiel Monteverde. Hindi dahil sa résumé ng babae. Kundi dahil… Hindi ito ang tipo ng aplikanteng madaling matinag. Tahimik na bumalot ang hangin sa loob ng opisina. Hindi inaalis ni Ezekiel Monteverde ang tingin kay Katerina. Samantalang si Katerina naman ay pilit na kinakalma ang mabilis na tibok ng kanyang puso. Hindi niya alam kung tama ba ang isinagot niya. Baka iyon na ang dahilan para hindi siya matanggap. Baka nagmukha siyang mayabang o mataas ang tingin sa sarili. Nagsisimula na siyang mag-overthink. Ngunit isang bagay lang naman ang sigurado siya. Hindi siya nagsinungaling, at hindi niya sasabihin ang gusto lang marinig ng isang CEO. Sa halip ay mas pinili niyang maging totoo. Ang katotohanan na gusto niya ang trabaho, at kung hindi iyon para sa mga naunang aplikante o personal assistant niya, ay baka para iyon sa kaniya? Mabagal na bumalik si Ezekiel sa kanyang swivel chair. Tahimik nitong kinuha ang résumé ni Katerina at muling binasa iyon. "You worked as a café waitress." "Yes, Sir." "Tutor." "Yes." "Call center agent." "Opo." "Freelance virtual assistant." "Yes." Muli nitong ibinaba ang papel. "How long did you sleep every day?" Napakurap si Katerina . "Sir?" "I asked a question." Napabuntong-hininga siya. "Four to five hours, Sir." "And you call that living?" Bahagya siyang napangiti. "I call it surviving." Muling natahimik ang silid. Hindi iyon ang sagot na inaasahan ni Ezekiel. Karamihan sa mga aplikante ay sinusubukang magpasikat, pinagmamalaki ang achievements. Ang babae sa harapan niya… Hindi. Simple lang ang mga sagot nito pero ramdam niyang totoo ang bawat salita. Tumayo siyang muli at lumapit sa malaking bintana kung saan tanaw ang abalang lungsod. "Madalas mo bang unahin ang ibang tao kaysa sa sarili mo, Ms. Reyes?" Hindi agad nakasagot si Katerina. Ayaw niya sanang sagutin iyon dahil pakiramdam niya ay too personal. Pero para sa ikatatahimik nito ay tumango siya. "If they're my family...yes." "What if one day they never appreciate your sacrifices?" "Hindi naman po kailangan." Napalingon si Ezekiel na bahagyang magkasalubong ang mga kilay. "Basta alam kong okay sila...sapat na po iyon." Isang katahimikan ang muling namagitan sa kanila. At sa unang pagkakataon sa loob ng maraming taon ay may kakaibang pakiramdam na gumuhit sa dibdib ni Ezekiel. Ngunit kaagad iyon hinawi ni Ezekiel. He doesn't need those feelings anymore. Muli itong naupo. "One last question." Napatuwid ng upo si Katerina. "What would you do if I shouted at you?" Nagkibit-balikat siya. "I'll listen." "What if I insult you?" "I'll listen." "What if I fire you?" Ngumiti siya nang bahagya. "Then I'll thank you for giving me a chance." Bahagyang tumaas ang kilay ni Ezekiel. "And if I become unreasonable?" Napatingin siya nang diretso sa mga mata nito. "Then I'll respectfully tell you that you're being unreasonable, Sir." Tahimik. Napakatahimik. Hanggang sa… Biglang tumawa si Ezekiel. Isang mahina at maiksing tawa. Halos hindi marinig sa sobrang hina. Ngunit sapat na iyon upang mapatingin si Katerina. Lahat ng nabasa niya sa internet, lahat ng narinig niya tungkol sa CEO… Iisang bagay ang pare-pareho nilang sinasabi. Hindi raw marunong ngumiti si Ezekiel Monteverde. Pero ngayon ay narinig niya itong tumawa. Nababaliw na ba siya, kung pakiramdaman niya ay maswerte siyang nakita niya iyon. Mabilis ding bumalik ang seryosong ekspresyon ng lalaki. "I'll give you one chance." Parang hindi makapaniwala si Katerina. "Sir?" "Starting tomorrow..." Mabagal nitong inilapag ang isang dokumento sa mesa. "You're my new personal assistant." Nanlaki ang kanyang mga mata. "I... I got the job?" "Huwag kang magpasalamat." Napawi agad ang kanyang ngiti. "You haven't proven anything yet." Tumango siya. "I understand, Sir." "If you're late..." "I won't be." "If you make careless mistakes..." "I'll fix them." "If you lie to me..." "I won't." Ilang segundo siyang tinitigan ni Ezekiel bago tumango. "Good." Pinindot nito ang intercom. "Amelia." Lumabas ang boses ng HR manager. "Yes, Sir?" "Prepare Ms. Reyes' contract." "Congratulations, Ms. Reyes," narinig niyang masayang sabi ni Amelia mula sa kabilang linya. Tumungo siya kay Ezekiel. "Thank you, Sir." Tumayo na siya upang lumabas. Ngunit bago pa man niya mahawakan ang doorknob ay muli siyang tinawag ni Ezekiel. "Ms. Reyes." Napahinto siya. "Look at me." Dahan-dahan siyang humarap. Nagkasalubong ang kanilang mga mata. "Never confuse my kindness with weakness." Mahinahon ang boses nito. "I don't make friends with my employees." Tumango siya. "I understand, Sir." "And don't expect special treatment." "I won't." "I only keep competent people." Ngumiti siya nang magalang. "Then I'll make sure I become one." Hindi na nagsalita si Ezekiel. Tahimik lang niyang pinanood ang paglabas ng babae. Pagkasara ng p***o ay napatingin siya uli sa résumé na naiwan sa kanyang mesa. Hindi niya alam kung bakit… Pero sa unang pagkakataon matapos ang napakaraming interview... Hindi ang laman ng resumé na iyon ang naaalala niya, kundi ang mga mata ng babaeng hindi natakot na salubungin ang kanyang malamig na titig. Samantalang pagkalabas ni Katerina ng opisina ay napahawak siya sa kanyang dibdib. Hindi pa rin siya makapaniwala. May trabaho na siya! Habang nakasakay siya sa elevator pababa, bumukas ang p***o sa ika-30 palapag. Isang napakagandang babae ang pumasok. Nakasuot ito ng mamahaling puting dress at pulang stilettos. Diretso itong tumingin kay Katerina bago ngumiti nang bahagya. "You're the new assistant?" "Opo." Tumango ang babae. "I hope..." Bahagya itong natawa. "...you last longer than the others." Bumukas ang elevator sa ground floor. Bago tuluyang lumabas ang babae, bumulong ito sa kanyang tainga. "Just so you know..." Huminto ito sandali. "I was once the woman Ezekiel planned to marry." Nanigas si Katerina. Hindi na siya nakapagsalita. At bago pa man siya makapa-react ay naglakad na palayo ang babae, iniwan siyang tulala sa loob ng elevator. Habang nagsasara ang mga p***o, isang tanong lamang ang paulit-ulit na umalingawngaw sa isip niya. Sino ang babaeng iyon... at bakit tila hindi pa siya tuluyang nawawala sa buhay ni Ezekiel Monteverde?Kabanata 2: Overtime with himHindi nakatulog nang maayos si Katerina nang gabing iyon. Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang huling sinabi ng babaeng nakasalubong niya sa elevator."I was once the woman Ezekiel planned to marry."Sino siya? Bakit parang may lungkot at galit sa mga mata nito? At bakit tila gusto nitong takutin siya at paalisin? At bakit ba may pakialam pa siya? Wala iyon sa trabaho niya, wala sa resume niya ang pagiging tsismosa. Hindi niya na dapat iyon iniisip pa. Ayaw niya nang isipan pa iyon. Hindi iyon ang dahilan kung bakit siya naroon. May trabaho na siya at iyon lang ang mahalaga.6:15 A.M na. "Good morning, Ate!" Masayang bati ni Liam habang nag-aalmusal. "Totoo po bang may trabaho ka na?"Napangiti si Katerina habang nagsasalin ng kape. "Totoo."Napapalakpak si Nicole. "Congratulations!""Salamat.""Kailan ang first day mo?""Today."Sabay na napatingin sa kanya ang dalawang kapatid at niiyakap siya ni Nicole. "I'm proud of you, Ate."Alas otso pa la
Kabanata 1: He doesn't smileHindi lahat ng umaga ay nagsisimula sa sikat ng araw. May mga umagang nagsisimula sa ulan... at sa isang pusong pagod nang lumaban.Malakas ang patak ng ulan sa bubong ng lumang apartment habang tahimik na naglalagay ng itlog sa kawali si Katerina Aurora Reyes. Halos mag-alas sais pa lamang ng umaga, ngunit gising na siya. Tulad ng nakasanayan, siya ang unang bumabangon. Sa maliit nilang kusina, amoy na amoy ang sinangag na may bawang at mainit na kape.Simpleng almusal pero sapat na para mabusog silang tatlong magkakapatid."Ate..."Napalingon siya nang marinig ang mahinang tinig ng nakababatang kapatid niyang si Nicole, isang labing-anim na taong gulang na senior high school student."Bakit ang aga mo po na naman?" tanong nito. Ngumiti si Katerina habang inilalapag ang almusal sa mesa. "Kailangan kong umalis nang maaga. May interview ako."Unti-unting lumiwanag ang mukha ng kapatid."Ito na ba yong sa Monteverde Empire?"Tumango siya. "Oo."Lumabas mula






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.