Share

Chapter 2

Author: Rocel
last update publish date: 2026-07-24 13:35:04

Liza's POV

"Hay... sa wakas, nagkita-kita rin tayong lahat!" masayang sabi ni Winona.

Hindi ko napigilang mapangiti.

"Sobrang busy na kasi nating lahat simula nang magkaroon tayo ng kanya-kanyang pamilya."

"Kayo lang ang may pamilya," singit ni Sarah habang umiinom ng kape. "Ako, single forever."

Sabay-sabay kaming nagtaas ng aming mga tasa.

"Cheers!"

Pagkatapos naming uminom, sabay-sabay kaming napaiyak.

Wala kaming pakialam kung gaano kami kaingay dahil pagmamay-ari naman nina Winona at Zandro ang coffee shop.

"Hoy! Mga babae! Anong nangyayari sa inyo?"

Napalingon kami nang marinig ang aligagang boses ni Zandro.

Agad itong lumapit kay Winona.

"Hon, bakit umiiyak ka? Bawal 'yan kay baby." Nag-aalala niyang hinaplos ang pisngi ng asawa at hinalikan ito.

"Lumayas ka rito, Zandro!" sabay naming sigaw ni Sarah.

"Aba, teka! Asawa ko 'yan. Bakit n'yo ako pinapalayas?"

Nagkatinginan kaming tatlo bago sabay-sabay na natawa.

Napailing na lang si Zandro.

"Sige na nga. Para kayong mga ewan. O, ano na? Magkuwentuhan na kayo."

Umupo siya sa tabi ni Winona at niyakap ito sa balikat.

"Hays... ako, saka na lang ako magkukuwento. Kapag sigurado na akong mahal na niya ako."

Napatingin kaming lahat kay Sarah.

"Ha? Ikaw?" gulat na tanong ni Winona.

Ngumiti lang si Sarah, pero halata ang lungkot sa mga mata niya.

"Ikaw naman, Liza?" tanong ni Zandro.

Mapait akong napangiti.

"Ano pa nga ba? Ako ang legal na asawa... pero parang kabit."

Tahimik akong humigop ng kape.

"Bakit hindi mo na lang palayasin ang kasambahay n'yo?" seryosong sabi ni Zandro. "Aaminin ko, maganda siya... pero hindi ka niya kayang higitan."

"Sang-ayon ako," sabi ni Winona.

"Same here," dagdag ni Sarah.

Napailing ako.

"Magagalit si Nick kapag ginawa ko 'yon. At ayokong magalit siya sa akin."

"E lagi namang galit sa'yo ang asawa mo," diretsahang sabi ni Winona.

Hinawakan agad ni Zandro ang kamay ng asawa niya na parang pinapakalma ito.

"Okay lang," mahina kong sabi. "Totoo naman."

Napabuntong-hininga ako.

"Ang kinatatakutan ko... baka isang araw paggising ko, siya na talaga ang mahal ni Nick."

Biglang natahimik ang mesa.

"Liza..." mahina nilang tawag.

Sa huli, si Sarah ang nagsalita.

"Friend... sa totoo lang, may nakita ako kagabi."

Napatingin kaming lahat sa kanya.

"Nakita ko si Nick sa mall. Bumibili siya ng diamond earrings."

Parang may kumuyom sa puso ko.

"Baka naman para kay Liza 'yon," agad na sabi ni Zandro. "Hindi ba anniversary n'yo sa Friday?"

Napatingin ako sa kanilang tatlo.

"Aasa pa ba ako?"

Nagkatinginan sila.

Pagkaraan ng ilang segundo, sabay-sabay silang nagkibit-balikat.

Hindi nila masagot ang tanong ko.

"Basta ang ipinagdarasal namin," malambing na sabi ni Winona habang hinahawakan ang kamay ko, "mapagod ka na."

"Sis," dagdag ni Sarah, "napakaraming lalaking magkakandarapa sa'yo. Ayokong makita kang ganyan... na ikaw pa ang naghahabol sa lalaking hindi marunong pahalagahan ang pagmamahal mo."

Napatingin si Sarah kay Winona bago siya muling nagsalita.

"At kaya mo lang naman ginawa ang desisyong 'yon... dahil ang iniisip mo ay ang ikabubuti ni Nick."

Hindi na siya nagpatuloy.

Walang alam si Winona sa totoong dahilan ng lahat.

Hindi ko kailanman sinabi sa kanya ang sakit na dinadala ko, lalo na noong maselan ang pagbubuntis niya.

Napatingin sa akin si Winona.

Wala siyang sinabi.

Mahigpit niya lang hinawakan ang kamay ko, sapat na para maramdaman kong hindi ako nag-iisa.

Pagkauwi ko ng bahay, dumaan muna ako sa ospital upang silipin si Lorenzo. Nandoon pa rin siya at mahimbing na natutulog. Wala si Lorena, kaya naisip kong bumalik na lang mamaya para ako naman ang magbantay sa bata.

Uuwi lang muna ako upang kumuha ng ilang damit at mga gamit ko para bukas ay diretso na ako sa opisina.

Pagpasok ko sa loob ng bahay, agad akong sinalubong ng malamig na boses.

"Oh? Nakauwi na pala ang babaeng walang silbing maging asawa."

Napatingin ako.

Naroon ang mommy ni Nick.

Magalang akong yumuko bilang pagbati, ngunit iniiwas lang niya ang kanyang mukha.

"Bakit ka pa bumalik dito? Masaya na ang anak ko sa bago niyang pamilya."

Huminga ako nang malalim upang pigilan ang sakit na unti-unting sumisikip sa dibdib ko.

"Mommy," mahinahon kong tugon, "sa mata ng Diyos at sa mata ng batas, ako pa rin po ang legal na asawa ng anak ninyo."

Sandali akong tumigil bago ipinagpatuloy ang sasabihin.

"At kung hindi ninyo po kayang igalang ang katayuan ko bilang asawa ni Nick at may-ari rin ng bahay na ito, maayos ko po kayong hinihiling na umuwi na lamang. Mawalang-galang na po."

Hindi ko na hinintay ang magiging sagot niya.

Tahimik akong dumiretso sa aming silid.

Binuksan ko ang aparador at nagsimulang mag-impake ng ilang damit.

Ngunit maya-maya, may narinig akong mga pamilyar na tinig mula sa banyo.

Boses ni Nick...

At ni Lorena.

Hindi ko alam kung bakit, pero kusa akong napalapit sa pintuan.

Dahan-dahan ko iyong itinulak.

At doon...

Parang gumuho ang buong mundo ko.

Nakita ko ang asawa kong masayang kasama ang ibang babae.

Hindi na ito ang unang beses.

Pangalawa na.

At mas masakit ngayon dahil kitang-kita kong masaya siya.

Habang ako...

Unti-unti nang nawawalan ng lugar sa puso niya.

Dahil sa panginginig ng mga kamay ko, aksidente kong natabig ang isang paso sa gilid ng pintuan.

Napalingon si Nick.

Sa isang iglap, nakita ko ang gulat sa kanyang mukha.

Ngunit mabilis din iyong napalitan ng malamig at walang pakialam na ekspresyon.

"Kung ayaw mong masaktan, huwag kang sumisilip."

Mariin niyang isinara ang p***o sa harap ko.

"Iniistorbo mo kami."

Kasunod noon ay muli kong narinig ang kanilang mga tawanan at masasayang tinig mula sa loob.

Nanatili akong nakatayo sa harap ng nakasarang p***o.

Hindi ako umiyak.

Hindi ako nagsalita.

Parang manhid na lamang akong nakatitig sa pintong ilang segundo lang ang nakalipas ay isinara sa mismong harapan ko.

Akala ko...

Masasanay na ako.

Akala ko, sa paglipas ng panahon, hindi na sasakit.

Pero mali pala ako.

Sa bawat pagkakataong nakikita kong masaya si Nick sa piling ni Lorena...

Pakiramdam ko, unti-unting namamatay ang puso ko.

Mariin kong ipinikit ang mga mata.

Ako ang may kagagawan ng lahat ng ito.

Ako ang pumili kay Lorena.

Ako ang nagmakaawang bigyan ng anak ang asawa ko.

At ngayon...

Ako rin ang unang nawalan ng lugar sa puso ng lalaking minsang nangakong ako lang ang mamahalin habang buhay.

Napahawak ako sa dibdib ko nang makaramdam ako ng matinding kirot.

Hindi ko alam kung sakit lang ba ito ng puso...

O paalala na unti-unti nang inuubos ng sakit ang buhay ko.

Napangiti ako nang mapait.

Hindi pa puwedeng malaman ni Nick.

Hindi pa ngayon.

Kahit kamuhian niya ako...

Kahit dumating ang araw na tuluyan niya akong ipagpalit...

Tatanggapin ko.

Dahil mas gugustuhin kong makita siyang masaya sa piling ng anak niya...

Kaysa makita niya akong unti-unting mawala sa mundong ito.

At iyon...

Ang magiging pinakamalaki kong sakripisyo.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Greatest Sacrifice    Chapter 10

    Liza's POVIniwan muna namin ang dalawang kabayo na nakatali sa ilalim ng isang malaking puno habang naglalakad kami sa mas malawak na bahagi ng ubasan.Napahinto ako nang makita ang hanay ng mga berdeng ubas."Hindi lang pala purple grapes ang meron kayo?" pagtataka kong tanong.Napangiti si Emilio."Marami kaming varieties."Lumapit siya sa isang puno at pumitas ng isang kumpol ng ubas."Pwede na ba itong kainin?" tanong ko.Tumango siya."Safe na safe. Tikman mo."Pumitas siya ng isang ubas at isinubo ito."Wala kaming ginagamit na kemikal na pesticides. May sarili kaming natural insecticides na gawa sa mga halaman. Organic din ang patabang ginagamit namin."Habang naglalakad kami, itinuro niya ang malalaking sprinkler na nakapuwesto sa gitna ng ubasan."Kapag madaling-araw, kusang umiikot ang irrigation system na 'yan.""Tuwing weekends naman, pinapayagan naming pumasok ang mga bisita. Maaari silang mamitas ng ubas at bumili ng sariwang ani sa mas murang presyo."Napangiti ako."A

  • My Greatest Sacrifice    Chapter 9

    Liza's POVPagkatapos naming mag-almusal at magkuwentuhan, akala ko ay diretso na kaming pupunta sa wine at coffee tasting.Ngunit ngumiti lang si Emilio."May gusto muna akong ipakita sa'yo."Napakunot-noo ako.Ilang sandali lang ay pinatawag niya ang isa sa kanyang mga tauhan.Halos mapanganga ako nang makita kong may dalawang kabayong inilalapit sa amin.Isang kulay abo.At isang kulay kayumanggi.Napangiti ako at kusang lumapit sa mga ito.Marahan kong hinaplos ang kanilang leeg.Tahimik lang silang nakatingin sa akin na para bang matagal na nila akong kilala."Parang ang bilis nilang naging komportable sa'yo," sabi ni Emilio.Napangiti ako."Mahilig talaga ako sa kabayo."Napatingin siya sa akin."Marunong kang mangabayo?"Tumango ako."Noong bata pa ako, si Daddy mismo ang nagturo sa akin.""May hacienda kami noon.""Labindalawa ang kabayo ni Daddy."Napangiti ako habang inaalala ang nakaraan."Dalawa roon ang paborito ko.""Ano ang pangalan?"Napaisip ako sandali bago natawa."

  • My Greatest Sacrifice    Chapter 8

    Liza's POVMaaga akong bumiyahe papunta sa Monte de Emilio Winery and Coffee Estate sa Alfonso, Cavite.Ngayong araw ang wine at coffee tasting para sa magiging partnership namin.Madilim pa ang langit nang umalis ako ng bahay.Hindi ko alam kung nakauwi na sina Nick at Lorena mula sa bakasyon nila.At sa totoo lang...Hindi ko na rin gustong malaman.Mabilis lang ang naging biyahe kaya ilang oras pa lamang ay narating ko na ang estate.Pagkababa ko ng sasakyan, napahinto ako.Napakaganda.Sa isang banda ay tanaw ang malawak na hanay ng mga taniman ng kape, habang sa kabilang bahagi naman ay ang mga ubasan na kumikislap sa sinag ng papasibol na araw.Malamig ang simoy ng hangin.Tahimik.Payapa.Pakiramdam ko, pati ang mabigat kong dibdib ay gumaan."Ang ganda ng umaga, 'di ba?"Napalingon ako.Si Emilio.Simple lang ang suot niya—puting T-shirt, itim na shorts, at puting sapatos.Wala siyang mamahaling amerikana o pormal na kasuotan.Pero hindi iyon nakabawas sa natural niyang kagwap

  • My Greatest Sacrifice    Chapter 7

    Liza's POV"Parang masyado ka namang nagpapaganda ngayon."Napalingon ako nang marinig ang boses ni Nick. Nakangiti siya habang nakasandal sa gilid ng kotse.Napangiti rin ako."Ganito naman talaga ako," sagot ko habang inaayos ang hikaw ko. "Hindi mo lang napapansin."Sandali siyang natigilan.Unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sa akin, hinihintay ang nakasanayan na niyang halik bago kami umalis.Ngunit bago pa man ako lumapit, napansin kong may isang taong nakasilip sa pintuan ng bahay.Si Lorena.Tahimik niya kaming pinagmamasdan.Napabuntong-hininga ako."Beso na lang."Marahan kong hinalikan ang pisngi ni Nick."Baka magselos ang magiging asawa mo."Sandali siyang natigilan sa sinabi ko.Hindi siya agad nakasagot.Ngumiti na lamang ako bago tuluyang sumakay sa kotse.Sa rearview mirror, nakita kong nakatayo pa rin si Nick.Nakatitig lang siya sa akin habang marahang umiiling, tila hindi niya maintindihan kung bakit unti-unti na akong nagbabago.Nandito ako ngayon sa opisina

  • My Greatest Sacrifice    Chapter 6

    Liza's POVNakatayo ako sa harap ng bintana ng aming silid habang tahimik na pinagmamasdan sina Nick, Lorena, at Lorenzo sa may swimming pool.Masayang-masaya silang tatlo.Si Nick ang nag-aasikaso kay Lorenzo habang sinusunod naman ang bawat cravings ni Lorena.Napapaisip tuloy ako...Masama ba akong babae kung naiinggit ako?Lahat ng pinangarap ko noon para sa aming mag-asawa...Ngayon ay ibinibigay na niya sa ibang babae.Ako ang legal na asawa.Pero ako ang nakakulong sa kwartong ito.Ako ang legal na asawa...Pero ako ang naiinggit sa kabit ng sarili kong asawa.Napabuntong-hininga ako.Lahat ng oras, pagmamahal, at atensyon ni Nick...Nasa kanila na.Biglang bumukas ang pinto.Pumasok si Nick habang may kausap sa cellphone.Nang matapos ang tawag, lumapit siya sa akin."Liza.""Lorena is craving quesadilla."Napalingon ako sa kanya."Pwede mo ba siyang ipagluto? Gusto niya raw kasi ng gawa mo."Napatingin ako sa sarili ko."Ako?"Tumango siya."Busy ako ngayon, Nick."Malamig an

  • My Greatest Sacrifice    Chapter 5

    Liza's POV"Manang, mukhang nakauwi na sila ni Sir Nick mo? "Nasabi ko iyon nang makita ko ang sasakyan niya na nakaparada sa harap ng bahay."Opo, Ma'am," sagot ni Manang. "Nasa dining room po sila kasama sina Sir at Ma'am Monteverde. Si Miss Lorena naman po, nasa kwarto niya. Ayaw kasi ni Sir na makita siya ni Don Roberto."Tumango lamang ako.Ayaw ko munang bumaba.Lalo na ngayong maganda ang araw ko.Ayokong masira ang saya na matagal kong hinintay.Tahimik akong pumasok sa aming silid at naupo sa harap ng salamin.Napatingin ako sa maliit na kahon ng cheesecake na ibinigay ng lalaking nakilala ko sa coffee shop.Hindi naman talaga ako mahilig sa matatamis.Pero sa hindi ko maipaliwanag na dahilan...Parang ayokong kainin agad iyon.Pakiramdam ko, espesyal ang simpleng regalong iyon.Biglang bumukas ang pinto.Pumasok si Nick.Lumapit siya sa akin at marahang dumampi ang labi niya sa labi ko.Isang halik na nakasanayan na lang."Kumusta ang bakasyon?" nakangiti kong tanong kahit

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status