LOGINLiza's POV
Ngayon ang wedding anniversary namin ni Nick. Matagal ko itong pinaghandaan. Nag-book pa ako ng tatlong araw na bakasyon sa Madrid—ang lugar kung saan namin unang ipinangako sa isa't isa na habang-buhay kaming magmamahalan. "Honey, naayos ko na ang mga gamit mo," malambing kong sabi habang inaabot ang maleta niya. Tahimik lang siyang nagbibihis. Lumapit ako sa kanya at inayos ang butones ng polo niya. Pagkatapos ay marahan ko siyang hinalikan. Laking gulat ko nang tugunin niya iyon. Unti-unting lumalim ang aming halikan. Sa mga sandaling iyon, pakiramdam ko ay bumalik ang dating Nick—ang lalaking minahal ko. Pagkahiwalay namin, napangiti ako. "Dalawa lang tayo sa Madrid, Hon. Ipinapangako ko... sa loob ng tatlong araw, sa'yo lang iikot ang atensyon ko." Napatingin siya sa akin. "Promise?" Ngumiti ako at niyakap siya. "Promise." --- Pagdating namin sa airport, magkahawak pa rin kami ng kamay. Ramdam kong unti-unti nang bumabalik ang pag-asa ko. Biglang tumunog ang cellphone niya. "Hello, Lorena..." Unti-unting nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. "Please... unawain mo naman. Dalawang araw lang kaming magkasama ni Liza." Napakunot-noo ako. Tahimik ko siyang tinanong gamit ang tingin ko kung ano ang problema. Ngunit wala siyang isinagot. Sa halip, bigla niyang kinuha ang maleta niya at nagmamadaling tumalikod. "Hon, saan ka pupunta?" Hindi siya lumingon. "Kailangan kong umuwi. Kapag hindi ako nakabalik, aalis si Lorena at isasama niya si Lorenzo." Parang tumigil ang mundo ko. Humarap siya sa akin at niyakap ako. "Pasensya ka na, Liza. Alam mo namang sila na ang buhay ko ngayon." Parang unti-unting nadurog ang puso ko. "Mag-isa ka na lang bumiyahe. Gamitin mo na lang ang card ko." Iniabot niya sa akin ang credit card niya bago muling tumalikod. Hindi ko siya pinigilan. Sa halip, ako na ang nagmaneho pauwi. Kilala ko si Nick. Kapag natataranta siya, namamanhid ang katawan niya. Ayokong may mangyari sa kanya. --- Pagdating namin sa bahay, nadatnan naming palabas sina Lorena at Lorenzo. Halos tumalon si Nick palabas ng sasakyan. Agad niyang kinuha si Lorenzo at nagmakaawa kay Lorena. Tahimik lang akong nakaupo sa loob ng kotse. Masakit. Napakasakit. Nakikita kong handa siyang lumuhod para huwag siyang iwan ni Lorena. Samantalang ako... Kahit lumuhod pa yata ako sa harapan niya... Hindi na niya ako kayang tingnan. Ilang minuto ang lumipas bago ako tuluyang bumaba ng sasakyan. Tahimik akong umakyat sa aking silid. Hindi ko pa man naisasara ang p***o, narinig ko na ang kanilang masasayang tawanan. Sinundan iyon ng mga halakhakan. At maya-maya... Mga halik. Hanggang sa narinig kong pumasok sila sa kabilang silid. Napaupo ako sa sahig. Hindi ko alam kung paano pa ako humihinga. --- Makalipas ang ilang oras, may kumatok sa pintuan. Si Nick. "Babayaran ko na lang ang lahat ng nagastos mo." Napatingin ako sa kanya. "Pero ang hotel na ni-book mo sa Madrid... kami na lang ni Lorena ang gagamit." Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa buong katawan ko. "Nick..." Hindi ako makapaniwala. "Alam mo kung gaano kahalaga sa atin ang Madrid. Doon tayo unang nangarap. Doon mo sinabi na habambuhay mo akong mamahalin." "Wala na 'yon." Diretso siyang tumingin sa akin. "Wala na akong pagmamahal sa'yo, Liza. Nasasaktan na lang tayo sa isa't isa." Napailing ako habang pinipigilan ang pagluha. "Kahit saan mo siya dalhin... huwag lang sa Madrid. Nakikiusap ako." "Sayo ba ang bansang 'yon?" Malamig siyang tumawa. "Ang damot mo." "Ako ang madamot?" Napatawa ako sa sobrang sakit. "Ako pa? Halos ibinigay na nga kita sa babaeng 'yan!" "Ikaw ang may gusto ng lahat ng ito." Mariin ang bawat salitang binitiwan niya. "Kaya umalis ka na lang sa buhay ko." Tinalikuran niya ako. Agad ko siyang niyakap mula sa likuran. "Please, Nick..." Humahagulgol na ako. "Huwag mo akong paalisin. Kaya kong tiisin ang lahat... huwag ka lang mawala sa akin." Marahas niyang inalis ang mga kamay ko sa baywang niya. At walang lingon-likod na umalis. --- Ilang araw nang wala sina Nick, Lorena, at Lorenzo. Nagbakasyon sila. Hindi ko alam kung saang lugar. Pero halos araw-araw ay nagpapadala sa akin si Lorena ng mga litrato nila. Mga larawan ng kanilang mga ngiti. Mga yakap. Mga halik. Hindi ko magawang magalit sa kanya. Dahil alam kong kapag sinaktan ko si Lorena... Ako ang kamumuhian ni Nick. Kaya pinipili ko na lang na huwag buksan ang mga ipinapadala niya. --- "Liza!" Napalingon ako sa babaeng tumawag sa akin. Maganda siya at pamilyar ang mukha. "Hello po." Nginitian ko siya. "Hi." Lumapit siya sa akin. "Thank you po pala. Ang bait talaga ng asawa ninyo. Ang laki ng binili niyang diamond jewelry para sa inyo." Napakunot-noo ako. Hindi ko alam ang sinasabi niya. "Nagustuhan n'yo po ba?" Pinilit kong ngumiti. "Oo... salamat." Hindi na ako nagtanong pa. Tahimik akong naglakad palayo. Huminga ako nang malalim. Kaya kong bumili ng kahit ilang mamahaling alahas. Pero iba pa rin ang pakiramdam kapag ang taong mahal mo ang kusang nagbibigay nito. Ang hindi ko alam... Hindi pala ako ang babaeng pinaglaanan ng mga alahas na iyon.Liza's POVIniwan muna namin ang dalawang kabayo na nakatali sa ilalim ng isang malaking puno habang naglalakad kami sa mas malawak na bahagi ng ubasan.Napahinto ako nang makita ang hanay ng mga berdeng ubas."Hindi lang pala purple grapes ang meron kayo?" pagtataka kong tanong.Napangiti si Emilio."Marami kaming varieties."Lumapit siya sa isang puno at pumitas ng isang kumpol ng ubas."Pwede na ba itong kainin?" tanong ko.Tumango siya."Safe na safe. Tikman mo."Pumitas siya ng isang ubas at isinubo ito."Wala kaming ginagamit na kemikal na pesticides. May sarili kaming natural insecticides na gawa sa mga halaman. Organic din ang patabang ginagamit namin."Habang naglalakad kami, itinuro niya ang malalaking sprinkler na nakapuwesto sa gitna ng ubasan."Kapag madaling-araw, kusang umiikot ang irrigation system na 'yan.""Tuwing weekends naman, pinapayagan naming pumasok ang mga bisita. Maaari silang mamitas ng ubas at bumili ng sariwang ani sa mas murang presyo."Napangiti ako."A
Liza's POVPagkatapos naming mag-almusal at magkuwentuhan, akala ko ay diretso na kaming pupunta sa wine at coffee tasting.Ngunit ngumiti lang si Emilio."May gusto muna akong ipakita sa'yo."Napakunot-noo ako.Ilang sandali lang ay pinatawag niya ang isa sa kanyang mga tauhan.Halos mapanganga ako nang makita kong may dalawang kabayong inilalapit sa amin.Isang kulay abo.At isang kulay kayumanggi.Napangiti ako at kusang lumapit sa mga ito.Marahan kong hinaplos ang kanilang leeg.Tahimik lang silang nakatingin sa akin na para bang matagal na nila akong kilala."Parang ang bilis nilang naging komportable sa'yo," sabi ni Emilio.Napangiti ako."Mahilig talaga ako sa kabayo."Napatingin siya sa akin."Marunong kang mangabayo?"Tumango ako."Noong bata pa ako, si Daddy mismo ang nagturo sa akin.""May hacienda kami noon.""Labindalawa ang kabayo ni Daddy."Napangiti ako habang inaalala ang nakaraan."Dalawa roon ang paborito ko.""Ano ang pangalan?"Napaisip ako sandali bago natawa."
Liza's POVMaaga akong bumiyahe papunta sa Monte de Emilio Winery and Coffee Estate sa Alfonso, Cavite.Ngayong araw ang wine at coffee tasting para sa magiging partnership namin.Madilim pa ang langit nang umalis ako ng bahay.Hindi ko alam kung nakauwi na sina Nick at Lorena mula sa bakasyon nila.At sa totoo lang...Hindi ko na rin gustong malaman.Mabilis lang ang naging biyahe kaya ilang oras pa lamang ay narating ko na ang estate.Pagkababa ko ng sasakyan, napahinto ako.Napakaganda.Sa isang banda ay tanaw ang malawak na hanay ng mga taniman ng kape, habang sa kabilang bahagi naman ay ang mga ubasan na kumikislap sa sinag ng papasibol na araw.Malamig ang simoy ng hangin.Tahimik.Payapa.Pakiramdam ko, pati ang mabigat kong dibdib ay gumaan."Ang ganda ng umaga, 'di ba?"Napalingon ako.Si Emilio.Simple lang ang suot niya—puting T-shirt, itim na shorts, at puting sapatos.Wala siyang mamahaling amerikana o pormal na kasuotan.Pero hindi iyon nakabawas sa natural niyang kagwap
Liza's POV"Parang masyado ka namang nagpapaganda ngayon."Napalingon ako nang marinig ang boses ni Nick. Nakangiti siya habang nakasandal sa gilid ng kotse.Napangiti rin ako."Ganito naman talaga ako," sagot ko habang inaayos ang hikaw ko. "Hindi mo lang napapansin."Sandali siyang natigilan.Unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sa akin, hinihintay ang nakasanayan na niyang halik bago kami umalis.Ngunit bago pa man ako lumapit, napansin kong may isang taong nakasilip sa pintuan ng bahay.Si Lorena.Tahimik niya kaming pinagmamasdan.Napabuntong-hininga ako."Beso na lang."Marahan kong hinalikan ang pisngi ni Nick."Baka magselos ang magiging asawa mo."Sandali siyang natigilan sa sinabi ko.Hindi siya agad nakasagot.Ngumiti na lamang ako bago tuluyang sumakay sa kotse.Sa rearview mirror, nakita kong nakatayo pa rin si Nick.Nakatitig lang siya sa akin habang marahang umiiling, tila hindi niya maintindihan kung bakit unti-unti na akong nagbabago.Nandito ako ngayon sa opisina
Liza's POVNakatayo ako sa harap ng bintana ng aming silid habang tahimik na pinagmamasdan sina Nick, Lorena, at Lorenzo sa may swimming pool.Masayang-masaya silang tatlo.Si Nick ang nag-aasikaso kay Lorenzo habang sinusunod naman ang bawat cravings ni Lorena.Napapaisip tuloy ako...Masama ba akong babae kung naiinggit ako?Lahat ng pinangarap ko noon para sa aming mag-asawa...Ngayon ay ibinibigay na niya sa ibang babae.Ako ang legal na asawa.Pero ako ang nakakulong sa kwartong ito.Ako ang legal na asawa...Pero ako ang naiinggit sa kabit ng sarili kong asawa.Napabuntong-hininga ako.Lahat ng oras, pagmamahal, at atensyon ni Nick...Nasa kanila na.Biglang bumukas ang pinto.Pumasok si Nick habang may kausap sa cellphone.Nang matapos ang tawag, lumapit siya sa akin."Liza.""Lorena is craving quesadilla."Napalingon ako sa kanya."Pwede mo ba siyang ipagluto? Gusto niya raw kasi ng gawa mo."Napatingin ako sa sarili ko."Ako?"Tumango siya."Busy ako ngayon, Nick."Malamig an
Liza's POV"Manang, mukhang nakauwi na sila ni Sir Nick mo? "Nasabi ko iyon nang makita ko ang sasakyan niya na nakaparada sa harap ng bahay."Opo, Ma'am," sagot ni Manang. "Nasa dining room po sila kasama sina Sir at Ma'am Monteverde. Si Miss Lorena naman po, nasa kwarto niya. Ayaw kasi ni Sir na makita siya ni Don Roberto."Tumango lamang ako.Ayaw ko munang bumaba.Lalo na ngayong maganda ang araw ko.Ayokong masira ang saya na matagal kong hinintay.Tahimik akong pumasok sa aming silid at naupo sa harap ng salamin.Napatingin ako sa maliit na kahon ng cheesecake na ibinigay ng lalaking nakilala ko sa coffee shop.Hindi naman talaga ako mahilig sa matatamis.Pero sa hindi ko maipaliwanag na dahilan...Parang ayokong kainin agad iyon.Pakiramdam ko, espesyal ang simpleng regalong iyon.Biglang bumukas ang pinto.Pumasok si Nick.Lumapit siya sa akin at marahang dumampi ang labi niya sa labi ko.Isang halik na nakasanayan na lang."Kumusta ang bakasyon?" nakangiti kong tanong kahit







