MasukTila naging isang parusa kay Reina ang halos apat na oras na lumipas. Hindi niya akalaing aabot siya sa ganito, dahil sa buong buhay niya ang tanging pinakamabigat na binuhat niya ay ang kaniyang designer bag. Pero ngayon? Pakiramdam niya, unti-unting nangangalay ang kaniyang likod dahil kanina pa siya pabalik-balik sa pagbuhat ng mga folder mula sa madilim at maalikabok na storage room sa dulo ng hallway.
Dagdagan pa ng paltos sa kaniyang paa dahil sa suot niyang flat shoes na parang sumisingil ‘ata ng utang sa sobrang kirot, at wala man lang siyang magawa kundi ang tiisin. Kahit lagyan niya pa ng band aid, wala pa ring maitutulong. Pasalamat na lang talaga siya at walang heels ang kaniyang sinuot. “Gosh. Bakit kasi nauso pa ‘tong Excel? Sino nag-imbento nito, pasampal isa lang,” nayayamot na bulong ni Reina sa sarili habang mariing nag-ta-type sa mga pyesa ng kaniyang lumang computer. Halos nasa seventy percent pa lang ang natapos niya sa pag-encode. Napapaubo pa siya minsan sabay bahing dahil maalikabok ang ibang lumang folder. Kumakapit na rin sa kupas niyang blazer ang ibang dumi. Nagsimula nang mamula ang balat ni Reina dahil sa matinding kating kanina niya pa iniinda dahil sa nararamdaman niyang init at pawis. Kahit centralized aircon ang buong building ng Monteverde, pero parang hindi pa rin umabot ang malamig na hangin sa siksikang cubicle ng mga intern. “Psst, Olaso.” Napahinto sa pag-type si Reina nang mayro’ng tumatawag sa kaniya. Napatingin siya sa gilid nang makitang lumapit si Karen na may dalang iced coffe. Napasulyap pa ito sa kaniyang monitor at bahagyang nangiwi bago inilapag sa maliit niyang table ang dala. “Hindi ka pa tapos? Naku, alas-onse y medya na. Kaunting minuto na lang. Maya-maya lalabas na si Sir Enzo sa lungga niya para mag-check ng mga output,” bulong ni Karen, na parang nagbibigay ng isang babala. Napasimangot siya. “Ang dami naman kasi nito, Ate Karen. Dalawa lang kamay ko, hindi apat. Kahit siya siguro ‘di matapos ‘to ng apat na oras,” bagsak ang balikat niyang reklamo bago itinuloy ang ginagawa. “Atsaka, hindi naman sa hindi ko alam kung paano gawin ‘to, pero may part kasi na ang gulo ng pagkakalagay kaya hindi ko ‘agad ma-gets. Kailangan ko pang hulaan kung letter O ba o zero ‘yong nakalagay. Anong akala nila sa akin, manghuhula ako?” “Ganyan talaga kapag na-assign ka sa Department na ‘to. Bawat minuto, importante. Nag-a-apply sa floor na ‘to ang time is gold. Lahat dapat mabilis, lahat high-pressure. Dapat marunong ka rin maging independent, because everyone here is busy,” payo nito sabay inom sa dalang kape. Payo nito, kulang na lang ay tapikin nito ang balikat niya. “Lalo na ngayon, mas triple ang busy ng mga empleyado rito dahil may malaking pitching ang team bukas sa mismong harap ng Board of Directors at mismong CEO—si Don Vincenzo Monteverde. Kapag hindi ma-approve ‘yong propose budget na para sa eco-housing project na binuo ni Sir Enzo, baka matanggal siya sa trabaho. Kaya mainit ulo no’n kanina, mas lalong naging halimaw.” Napahinto ang mga daliri ni Reina sa ibabaw ng keyboard. Eco-housing project? Naalala niya bigla ang narinig niya kay Lolo Vincenzo noong nakaraang linggo habang naghahapunan sila sa mansyon. Kung tama ang pagkakaalala niya, nabanggit nito ang isang ambisyoso ngunit magastong projecrt na pino-propose ng isang department na siguradong ikakalugi ng kanilang kompanya. Hindi niya inaasahang ito pala ang tinutukoy ng lolo niya na siyang mismong kinaka-stress ng masungit niyang supervisor ngayon. Kung alam mo lang Alvendo, na isang sabi ko lang kay lolo ay pwedeng ma i-approve o ma-reject ang proposal mo. Kaya dapat maging mabait ka sa akin, usal niya sa kaniyang isipan at sa loob-loob niya tila siya ay nanalo. Pero napasimangot siya nang biglang maalala na wala pala siyang kapangyarihan ngayon. Isa lang siyang no-body sa paningin nila lahat. Eksaktong eleven forty, bumukas ang glass door ng opisina ni Sir Enzo. May hawak-hawak itong manipis na folder pagkalabas, walang kahit anong bakas ng emosyon ang mukha nito. Mas seryoso rin ito ngayon kaysa kaninang umaga. Ramdam ang malamig at mabigat na presensya nito sa buong floor, na akala mo'y ito na ang huli nilang sintensya. Ang kaninang nagbubulungang empleyado tungkol kung saan sila mag-lu-lunch ay bigla na lang tumahimik at nagpanggap na may ginagawa sa kanilang monitor, kahit kanina pa nila tapos ang lahat ng dapat tapusin. Maliban sa kaniya. Diretsong tumungo si Enzo sa maliit na cubicle ni Reina. Bawat yabag nito ay tila hatol. Mas lalo ring lumalakas ang kabog ng kaniyang dibdib. Parang kanina lang ay nagrereklamo pa siya at wag ng tapusin ang pag-encode, ngunit ngayon ay parang gusto niya nalang tumakbo at magtago dahil sa takot. Huminto ito sa likod mismo ni Reina, at mas lalong ramdam niya ang lumakas na awra nito. Kita niya ang nakakaawang tingin ng mga taong nakatingin sa kaniya. Nakikisimpatya dahil siya ang bunot ngayon ng kanilang masungit na boss. "Where's the spreadsheet, Ms. Olaso?" malamig na tanong nito, ang boses ay mababa ngunit may diin ang bawat salita at alam niyang rinig pa rin hanggang katabing cubicle. Humarap si Reina at ipinaskil ang matamis na ngiti habang pilit na hindi matakot. "Ahm, Sir Enzo, tapos na po ang physical archiving at alphabetizing sa storage room. Pero 'yong encoding po sa Excel, nasa eighty five percent palang po ako. Medyo marami po kasing correction sa ibang lumang data, tapos—" "I explicitly said before lunch, Ms. Olaso," putol ni Enzo sa kaniyang sasabihin. Walang bakas ng kahit anong consideration sa mukha. Tiningnan nito ang mamahaling wristwatch bago ibinalik sa kaniya. Nakipag-eye-to-eye sa kaniya. "It's already eleven forty-eight. For a professional, lunch means twelve noon. At base sa nakikita ko, hindi mo matatapos lahat ng 'yan within twelve minutes." Naramdaman ni Reina ang pamilyar na init na umakyat sa kaniyang pisngi. "For your information, sir. Ginawa ko naman po ang lahat para matapos lahat nang pinapagawa mo on time. Kung tutuusin, tatayo lang ako para pumunta ng stockroom sa hallway. Kahit pumunta ng CR ay hindi ko na ginawa. Kung sana maayos ang pagkakasulat ng mga data, sa—" "I don't pay you to give me excuses, Ms. Olaso! Actually, the company pays you, but that's not the point here," sarkastikong wika ni Enzo at bahagyang sumandal sa cubicle at tila isang model. "What I need is completed outputs, not repeated complaints. Kung sa ganito kaliit na task ay hindi mo matapos bago ang deadline, paano pa kita mapagkakatiwalaan sa totoong project documentations?" "Insulto po ba 'yan, sir?" hindi mapigilang tanong ni Reina, bakas sa tono niyang nasasaktan. She wants to explode right now. Lumaki siya sa mundong pinupuri siya ng mga taong nakapaligid sa kaniya. Kaya ang tawagin siya ng ganito ni Enzo ay isang sampal sa kaniyang buong pagkatao. Kumunot ang noo ni Enzo, hindi inaasahang matapang siyang sagutin ng isang bagong intern sa harap mismo ng mga empleyado. "It's consider reality check, Ms. Olaso. However, if speaking the truth feels like an insult to you, you maybe accustomed to an environment that demands excessive caution in very statement. Pero nandito ka sa totoong mundo, walang space ang pagiging prinsesa rito."Prinsesa? Legit na natamaan siya sa salitang 'yon. Gusto niyang tumayo at ipamukha ritong siya ang prinsesa ng building na 'to pero pinili niyang huminga ng malalim at pakalmahin ang sarili. Hindi ito ang tamang oras para patulan 'to. "Mamayang ala-una, may darating na mga kliyente mula sa isang supplier," tuloy ni Enzo na tila walang pakialam kung ano man ang nararamdaman ni Reina. "I want you to report to Conference Room B. Ensure coffee is prepared for them before the meeting begins. Kaya siguraduhin mong tapos na ang pinapagawa ko sa 'yo bago mag-ala-una. No more excuses," puno ng awtoridad nitong sabi. Tumalikod na ito at naglakad pabalik sa opisina. "Arghh! Napakahalimaw talaga! Madapa ka sana!" pasigaw na bulong ni Reina at marahas na p-um-indot sa keyboard ng computer.Eight-thirty na ng gabi ng tingnan ni Reina ang orasan.Maliban sa nakakasilaw na liwanag mulay sa monitor niya, lahat ng mga malalaking ilaw sa buong floor ng department ay nakapatay na. Ang abala at maingay na opisina ay nababalutan na ngayon ng matinding katahimikan. Tanging ugong na lang ng centralized aircon at marahas na pag-click sa keyboard ni Reina ang naririnig."Gusto mo pala ng totoong trabaho, huh" pabulong na wika ni Reina sa sarili, paos ang boses. "Oh, ayan, Reina. Magdusa ka. Lasapin mo ang ganti."Matapos ang naging tagpo kanina sa conference room, tinupad nga ni Enzo ang sinabi nitong tambakan siya ng maraming trabaho. Akala pa niya'y nagbibiro ito at makaramdam man lang ng awa pero likas na 'ata sa ugali nito ang pagiging halimaw. Mga folder na patong-patong ang ibinagsak nitosa table niya, mga report ng expense mula sa nakaraang buwan na kailangan i-reconcile bago pa man pumasok ang mga empleyado bukas. Walang kahit na anong tulong. At walang naglakas loob na tumu
Dahil sa pagmamadali at inis, hindi na nag-abala pang kumain ng lunch si Reina. Itinutok niya na ang kaniyang buong isang oras sa pag-e-encode sa lintek na Excel. Mabilis ang bawat galaw ng daliri niya na tila nakikipaghabulan sa oras. Tinitiis ang pananakit ng balikat at gutom para matapos lang ito bago mag-ala-una. Eksaktong twelve fifty-five ng i-click niya ang save."Akala mo, huh," proud niyang sabi, nakataas pa ang kilay na tila hinahamon siya ng away.Wala siyang sinayang na segundo, mabilis siyang tumayo para pumunta sa pantry. Nang makarating, natagpuan niya ang isang mamahaling espresso machine. Nahulaan niya 'agad na walang instant coffee at lahat ay premium dahil para ito sa mga VIP at managers. Hindi niya alam kung ano ang una niyang gagawin. Sa mansyon nila, iba ang gumagawa nito para sa kaniya. Kahit isang beses ay hindi siya humawak ng ganitong machine. Pero minsan niya na ring nakita kung paano ginawa iyon ng kanilang barista, kaya pilit niyang inaalala ang bawat step
Tila naging isang parusa kay Reina ang halos apat na oras na lumipas. Hindi niya akalaing aabot siya sa ganito, dahil sa buong buhay niya ang tanging pinakamabigat na binuhat niya ay ang kaniyang designer bag. Pero ngayon? Pakiramdam niya, unti-unting nangangalay ang kaniyang likod dahil kanina pa siya pabalik-balik sa pagbuhat ng mga folder mula sa madilim at maalikabok na storage room sa dulo ng hallway.Dagdagan pa ng paltos sa kaniyang paa dahil sa suot niyang flat shoes na parang sumisingil ‘ata ng utang sa sobrang kirot, at wala man lang siyang magawa kundi ang tiisin. Kahit lagyan niya pa ng band aid, wala pa ring maitutulong. Pasalamat na lang talaga siya at walang heels ang kaniyang sinuot.“Gosh. Bakit kasi nauso pa ‘tong Excel? Sino nag-imbento nito, pasampal isa lang,” nayayamot na bulong ni Reina sa sarili habang mariing nag-ta-type sa mga pyesa ng kaniyang lumang computer.Halos nasa seventy percent pa lang ang natapos niya sa pag-encode. Napapaubo pa siya minsan sabay b
Bahagyang siyang napalunok. Hindi niya alam kung paalala ba ang sinasabi nito o isang babala. Halimaw? Galit sa mayayaman? Napataas ang isang kilay niya sa isip. Buong buhay niya, lahat ng managers ng kompanya nila ay yumuyuko sa tuwing dadaan sila ng lolo niya. Sino ang lalaking ‘to para katakutan ng lahat? At anong karapatan niya para magalit sa mga mayayaman? “Pasok ka na, Reina. Sana umabot ka ng isang linggo. Mukhang matino ka pa naman,” huling hirit pa nito bago siya iniwan do’n na parang ayaw madamay sa kung ano mang gulo ang mangyayari sa loob ng silid na iyon. Hindi man lang ako tinuruan kung anong gagawin? Ang galing. Humingang malalim si Reina. Inayos ang nagusot na simpleng t-shirt at medyo kupas na blazer. Kumatok siya ng tatlong beses sa glass door at hinintay na papasukin siya. “Enter,” isang malalim, at malamig na boses ang narinig sa loob. Walang kahit anong bahid ng emosyon o init ang boses nito. Dahan-dahang binuksan ni Reina ang pinto at pumasok. Napansin n
Kung mayro’ng natutunan si Riena sa loob ng dalawampu’t tatlong taon, iyon ay ang katotohanang iba ang magiging trato sa ‘yo ng isang tao kapag alam nilang may nakadikit na yaman sa dulo ng pangalan mo.Kapag naglalakad siya sa isang mamahaling mall, kusang bumubukas ang mga glass door ng store. Kapag pumasok siya sa isang sikat na restaurant, kahit walang bakanteng upuan ay laging hinahanapan ng paraan at parang magic na bigla na lang susulpot ang VIP lounge para sa kaniya. Nabubuhay siyang napapaligiran ng karangyaan. Pinanganak siyang nakaukit na ang kapalaran—ang maging tagapagmana ng lahat ng ari-arian ng kaniyang Lolo. Pero ang gamitin siya para ipakasal sa anak ng partner ng kanilang kompanya ay ang hindi niya matatanggap.“Ma’am Reina, okay na po ba talaga kayo rito? Baka po pwedeng doon ko na kayo ibaba sa mismong basement ng tower?” bakas ang matinding kaba sa boses ni Mang Gary, ang personal driver niya mula no’ng high school pa lang siya. Nakatingin ito sa rear-view mirror







