MasukBinalot ng katahimikan ang buong silid pagkatapos magsalita ni Enzo. Marahil nagulat ang mga nakarinig sa sinabi ng lalaki. Habang sa ilalim ng lamesa ng lamesa ay tagumpay na napangiti si Reina. "Ganyan nga, Alvendo. Ipakita mo kung sino ka," sa loob-loob niya. Kahit hindi siya kita rito ngunit alam niyang bakas sa mukha niya ngayon ang paghanga sa pagiging matatag nito dahilan kung bakit kahit na masungit at halimaw ito kung tawagin ng mga empleyado, ngunit malaki pa rin ang respeto nila. Habang patuloy ang pag-uusap nila. Dahil sa hindi komportable ang posisyon ni Reina ay hindi sinasadyang naitulak niya ang tuhod sa mga binti ni Enzo, kung kaya't biglang gumalaw ang paa nito. Napatigil ito ng ilang segundo sa pagsalita at ramdam niya ang paninigas ng mga laman nito. Tila bumalik at dumoble ang lahat ng kabang naramdaman ni Reina. Si Don Vincenzo naman ay nagtataka kung bakit tumigil ito ng ilang sandali. Upang 'di mapukaw ang interes nito ay pinigilan ni Reina na gumalaw at lumi
"Papunta na si Don Vincenzo! Sumasakay na ng elevator paakyat dito!" pabulong na sigaw ngunit namamaos na anunsyo ni Karen mula sa bukana ng departamento, na tila isang hatol na bigla na lang ipinataw sa kanila. Sa isang iglap, ang magulo, nagbubulungang mga empleyado, siksikan, at makalat na paligid ay biglang luminis at tila magic na naging maaliwas sa loob lang ng ilang minuto.Nagmamadaling nag-make up ang mga babae habang nagsusuklay. Samantalang inayos naman ng mga lalaki ang kanilang kurbata at basta na lang sinuklay ng kamay ang magulong buhok. Ang abalang mga empleyado kanina sa pagku-kuwentuhan ay bigla na lang nataranta. Sa isipan nila, kailangan nilang magpa-impress dahil siguradong magiging halimaw ang kanilang department manager kung mayro'ng mapuna ang may-ari ng building.Si Reina nag-aayos ng mga folder sa tabi ng lamesa ni enzo ay biglang napatigas. Namawis ang noo niya sa kaba, habang nakatingin sa bukana ng opisina. Hinihintay kung papasok nga ba talaga ang lolo ni
Isang mahabang buntong hininga ang pinakawalan ni Matthew mula sa kabilang linya. Malalim itong napaisip. "Sigurado ka ba sa sinasabi mo?""Tingin mo nagsisinungaling ako? At this state? Really, Matthew?""Hindi ako ang nagsabi niyan," mapaglarong tumawa nito. Nagawa pa ring magbiro sa kabila ng pagiging seryoso ni Natasha. Hindi niya pinansin ang pasaring nito. "Mayro'n pa pala. Kagabi, narinig kong hinatid ni Enzo 'yong intern. May kakaiba sa babaeng 'yon. Alam mo 'yong instinct ko, hindi pa ako nagkamali ng duda ko."Mahabang katahimikan ang namagitan sa kanila. Narinig niyang may tina-type ito sa laptop. "Kung gano'n... Anong dahilan niya ba't dito siya pumasok?" Maraming pumasok na senaryo sa isip niya. Pero natigil 'yon ng muling magsalita si Matthew. "Siguradong espeya siya mula sa kalabang kompanya. At pinadala rito para nakawin ang mga blueprint."Tila nagliwanag ang mukha ni Natasha ng sabihin 'yon ni Matthew. Sa tingin niya, mas maganda nga kung paratangan itong espiya na
Naitapon ni Natasha ang hawak na folder habang nakatingin sa kaniyang personal na laptop. Hindi pa siya na-trigger ng ganito mula ng nagtrabaho siya. She always maintains her professional dignity here, but Reina Olaso makes her lose her temper easily. Hindi niya matanggap na madali lang nito nakuha ang loob ni Enzo, kaysa sa kaniyang matagal ng kakilala.Mas lalong nadagdagan ang kaniyang inis ng ma-realize na nasayang ang kaniyang buong araw, dahil inuna niya pang tumutok sa laptop niya na may mga information tungkol sa bagong intern. "Napaka-imposible," bulong ni Natasha, habang ang kaniyang mga daliri ay 'di mapakali sa pag-top sa kaniyang table. Hindi pinapansin kung kanina pa pasilip-silip ang kaniyang secretary. Masyado siya nalulunod sa iniisip para pansinin at pagalitan ito. Muli niyang binalikan ang mga log. Ngunit kahit anong hanap niya ng mali ay wala siyang makita. Kahit sinong mga matatagal na sa ganitong industriya ay mapapahanga sa ginawa nitong pagbabago sa ilang fin
'Di makapaniwala si Reina sa kaniyang mga narinig. Gusto niyang tukuyin kung talaga bang pinagbabantaan siya nito. Ngunit bago pa makasagot si Reina upang ipagtanggol ang sarili, narinig niyang bumukas ang glass door ng opisina.Nakita niyang pumasok si Enzo. Bakas sa mukha nito ang matinding pagod at puyat. Ngunit kahit na gano'n, malinis at pormal pa rin ang tindig nito dahil sa suot na kulay asul na polo shirt. May bitbit din ito sa kanang kamay ang laptop bag, habang sa kaliwa naman ay may hawak na puting folder."Alvendo, good morning!" masiglang bati ni Natasha sa lalaki bago pa man ito tuluyang makapasok sa opisina. Ang kaninang matalim at nakasimangot na ekspresyon ay bigla na lang napalitan ng isang malambing ngunit professional na ngiti, habang humahakbang ito papalapit sa pwesto ni Enzo."Good morning, Valderama. Anong ginagawa mo rito?" rinig niyang tanong ni Enzo sa babae."I just wanted to see how your new intern is doing. Sinisiguro ko lang kung ginagawa niya ba ng maay
Eksaktong seven forty-five palang ng umaga nang dumating si Reina sa opisina. Bawat hakbang niya'y ramdam niya ang kirot sa paa dahil sa pumutok na paltos. Bitbit niya sa kanang kamay ang isang mamahaling paper bag, kung saan maayos na nakalagay ang gray na hoodie at malaking itim na payong na pinahiram kagabi ni Enzo. Nilalamig man kagabi, ngunit una niya pa ring pinaasikaso sa katulong ay ang labhan at i-dryer ang hoodie. Gusto niyang ibalik kaagad ito sa lalaki ng nasa maayos na kondisyon. Inilapag niya sa table ang dalang gamit pagkarating niya sa cubicle. Hindi naman siya nagulat ng bigla na lang sumulpot si Karen sa kaniyang tabi. Kanina niya pa kasi napapansing pinagtitinginan siya ng ibang empleyado. Malamang iniisip nila kung ilang araw na lang ang pag-stay niya rito bago magkusang aalis."Good morning, Reina! Naks! Congrats! Nalampasan mo ang bangungot ng unang araw! Naabutan ka ba ng ulan kagabi?" masiglang bungad kaagad nito. Napangiti na lang din siya ng tipid. Tahimik
Kung mayro’ng natutunan si Riena sa loob ng dalawampu’t tatlong taon, iyon ay ang katotohanang iba ang magiging trato sa ‘yo ng isang tao kapag alam nilang may nakadikit na yaman sa dulo ng pangalan mo.Kapag naglalakad siya sa isang mamahaling mall, kusang bumubukas ang mga glass door ng store. Ka
Eight-thirty na ng gabi ng tingnan ni Reina ang orasan. Maliban sa nakakasilaw na liwanag mulay sa monitor niya, lahat ng mga malalaking ilaw sa buong floor ng department ay nakapatay na. Ang abala at maingay na opisina ay nababalutan na ngayon ng matinding katahimikan. Tanging ugong na lang ng cen
Dahil sa pagmamadali at inis, hindi na nag-abala pang kumain ng lunch si Reina. Itinutok niya na ang kaniyang buong isang oras sa pag-e-encode sa lintek na Excel. Mabilis ang bawat galaw ng daliri niya na tila nakikipaghabulan sa oras. Tinitiis ang pananakit ng balikat at gutom para matapos lang it
Bahagyang siyang napalunok. Hindi niya alam kung paalala ba ang sinasabi nito o isang babala. Halimaw? Galit sa mayayaman? Napataas ang isang kilay niya sa isip. Buong buhay niya, lahat ng managers ng kompanya nila ay yumuyuko sa tuwing dadaan sila ng lolo niya. Sino ang lalaking ‘to para katakutan







