LOGINPeachee
"Sir, nandito na ho siya," imporma ni Manang Agda sa lalaking nakatalikod mula sa amin at nakaharap sa labas ng malaking bintana habang nakapamulsa. Likod lang niya ang nakaharap sa banda namin at kapansin-pansin ang maganda niyang pangangatawan... hindi sobrang kalakihan pero matipuno, nasa tamang posisyon. Nang itinaas niya ang kaliwang kamay niya bilang senyas kay Manang na iwan na kami, kaya umalis na nga ito. Napatuwid ako ng tayo at mahinang tumikhim. "M-Magandang umaga ho..." malamyos ang boses kong pagbati at pinakiramdaman ito. Hanggang unti-unti siya humarap na sa direksyon ko nang hindi iniaalis ang isang kamay sa bulsa pero ganoon na lang ang panlalambot ng dalawang tuhod ko nang ganap ko nang makita ang mukha niya. A-Ang kisig niya... ngayon ko lang siya nakita ng personal, sa kwento sa bayan ko lang siya kilala pero hindi ko naman alam na... Kaya naman pala ang mga kasamabahay... "Magandang umaga rin naman," bati niya rin sa akin at pormal na itinuran ang isa sa mga sofa. "Have your seat so we can start the interview." Ang boses niya sobrang lamig parang nanunuot sa buto ko. O ako lang ito? Tumango ako at nahiya pang lumapit sa mahabang sofa na nakakatakot marumihan, panabay lang kaming naupo, siya sa katapat kong mahabang sofa rin at dinungaw niya ang sentrong lamesa para kunin ang envelope, brown envelope ko. Inilabas niya na ang bio data ko at sumandal sabay in-ekis ang mga hita niya at seryosong binasa sa harapan ko. "Peachee Gellato..." Ang paraan niya ng pagbanggit sa buong pangalan ko parang may kung anong humahagod sa batok ko sa lamig ng at tigas ng boses niya, nakakakaba. "Manang told me yesterday that your family mistreated you?" Mula sa pagkakatingin sa papel sinulyapan niya ako kaya para ako biglang nailang. "Mistreated? Minamaltrato po?" paguulit ko at baka mali ako ng intindi pero tumango naman siya kaya nakahinga ako ng maluwag. "H-Hindi naman po sa ganoon—" "Pero gusto ka nilang maging GRO?" Nanlaki ang mga mata ko sa pagiging diretsuhan niyang magsalita. Kailangan ko maging tapat dahil kailangan ko ng trabaho. Mabagal akong tumango. "Opo, pero ayoko." Ibinaba niya ang kamay niyang hawak ang biodata at tiningnan ako. "Bakit ayaw mo?" Huh? Kailangan pa ba iyun itanong? "K-Kasi ho... immoral?" Obvious ang tanong kaya obvious din ang sagot medyo parang nabuhay ang iritasyon sa akin. Nang ngisihan niya ako at pabatong ibinalik ang biodata ko sa sentrong lamesa na siyang ikinabigla ko pa kaya napatitig ako sa kanya at siya pinagmasdan din ako mula ulo hanggang paa. "How poor you are, para kahit bagong damit man lang hindi ka nakabili?" seryoso niyang tanong na kumurot sa akin na tila ngayon niya lang napansin ang kasuotan ko. Ang mayayaman kailan man hindi nila maiintindihan ang buhay ng mahirap hangga't hindi nila nararanasan. At hindi sila ang nasa sitwasyon. Nanliit ako bigla at napayuko. "Pasensya na ho kung luma ang—" "Ang isa sa pinaka-importante kapag haharap ka sa employer, disente ang pananamit, hindi mukang basahan." Napayuko ako lalo at agad namuo ang luha sa magkabilang sulok ng mga mata ko. Kaya pala ang isa sa mga requirements dapat ay matatag ang loob mo at hindi ka pusong mamon dahil walang puso ang amo. Kahit humanity wala ata ito. "You didn't even make an effort just to look pleaseful, or presentable o kahit casual man lang, ano ka lulusong sa sakahan?" sarkastiko at may panunuya pa niyang pamumuna sa suot ko. Kaya pinagmasdan ko tuloy ang suot kong bestida sinisikap wag paapekto at pinipigilan ang luha sa pagbagsak. Dismayado ang mukha niya nang sulyapan ko siya at muli akong yumuko ulit. Ang sakit niyang magsalita... na parang alam niya ang istorya ko kung bakit ganito lang ang suot ko. Alam kong hindi nga naman tamang ganito lang ang suot at luma pa pero hindi rin ata tamang kutyain niya ako... insultuhin dahil lang mayaman siya at kaya niya pang magsuot ng mga mamahaling damit. Hindi tulad ko. Nasapo niya na lang ang noo niya sabay nahilot na para bang siya ang na-stress sa itsura ko at napapikit pa ng mariin at nang magmulat biglang namungay ang mga matang pinagmasdan ako muli. "Be thankful you have a pretty face and beautiful full breasts..." Suminghal siya at ang panliliit na nararamdaman ko... Napalitan ng hiya nang purihin niya ang katangiang physical ko. Nabigla man hindi ako makapagbigay ng wastong reaksyon dahil wala ako sa lugar ko. Masyado siyang hayag magsalita, arogante na medyo b*stos pa... nang biglang malakas ang boses niyang tinawag si Manang Agda na ikinapitlag ko sa gulat at agad namang pumasok ng salas ang matanda at mabilis na lumapit sa amin. "Ser?" Tumigil ito sa tabi niya. Tabang niya lang na tiningala ang matanda. "Give her the new maid uniform. At hindi ba nandiyan pa ang iilang damit ni Zaya na naiwan?" Tumango si Manang. "Oho, andiyan pa." "Then give it to Peachee, and let her wear those," utos niya na ikinabigla ng matanda sabay napatingin sa akin at ibinalik din ang tingin sa kanya. "Baka naman ho balikan pa—" "Hindi na siya babalik, so donate it to my new maid nang mapakinabangan pa nitong tao at imbis na masayang. And it seems they have the same body frame." Sabay tingin pa sa akin sa paraang nanunukat. Lalo akong naawa sa sarili ko, pakiramdam ko charity ako, naturingang buhay pa ang mga magulang ko pero dinaig ko pa ang wala na dapat sila ang nagbibigay ng kailangan ko, hindi ibang tao... Lalo na't lalaki pa... mismong si Mr. Castellano kaya sobra akong nahihiya. Wala na nagawa pa si Manang kaya tumango na lang din ito at kaagad na sinunod ang amo niya at lumabas na rin ng salas. At muli kaming naiwan ni Sir Stefan pero sino naman kaya iyung Zaya na may-ari ng mga damit na ibibigay niya sa akin? Kung sino man siya sigurado mamahalin ang mga damit na iyon kaya lalo akong nanliit at sinalakay ng labis pang hiya. Ganoon nga siguro ako nakakaawa para bigyan ng personal na gamit ng iba... ayaw ko ng ganitong pakiramdam kaya nga gusto ko magkaroon ng trabaho agad nang mabili ko naman ang mga kailangan ko na simple lang na kagaya ng mga bagong damit. Nang muli niyang ibinalik ang tingin sa akin habang prenteng nakasandal sa sandalan ng sofa at ako naman naguumpisa nang mailang sa paraan ng tingin niya kaya napaayos ulit ako ng upo. "Do you have a boyfriend, Peachee?" casual niyang tanong na ikinabigla ko pa dahil hindi ko inaasahan ang personal na panguusisa kaya naaligaga ako. Bawal ba ang may boyfriend? Pero hindi ako sanay magsinungaling. "M-Meron po, isa..." nauutal kong sagot. Nang bigla siyang tumawa na ikinakunot ng noo ko. "Meron isa? Ilan ba dapat, hmm?" Tila nanunudyo siya at namimilosopo pa kaya nanginit ang buong mukha ko. Mali-mali ka ng sagot, Peachee! "I'm just kidding," sabay bawi nang makita niyang napapahiya na ako pero napatawa pa siya ng pagak. At kalaunan bumalik din naman siya sa pagiging seryoso at nabigla pa ako sa sumunod niyang sinabi. "Hindi ba nasabi sa iyo ni Manang Agda na bawal ang may nobyo kapag magsisilbi sa akin?" Tumaas ang isang kilay niya na ang hatid kaba sa akin... "B-Bakit po b-bawal?" Nabahala ako at napagdaop ko ang dalawang kamay ko, nalamukos ko pa at baka bawiin niya ang pagtanggap sa akin. Pinakukuha na niya si Manang ng Maid uniform kaya ibig sabihin tanggap na nga talaga ako pero mukang babawiin niya pa ata dahil lang may boyfriend ako... "Because... ayoko nang may nagseselos," simpleng sagot niya na ikinalaki ng mga mata ko. "Hindi ho seloso ang boyfriend ko! Maniwala po kayo! Mabait ho iyon saka malawak ang pang-unawa—" Pero hindi niya ako pinatapos. Napasagitsit siya at umalis sa pagkakasandal, inalis mula sa pagkaka-patong ang mga hita. Dumungaw siya paharap at itinuon ang magkabilang braso dito at ipinagdaop ang dalawang kamay saka pailalim niya akong tiningnan na siyang ikinalunok ko. Naging matindi ang kanyang mga mata... "Ang tunay na lalaki... hindi sapat na dapat mabait lang at malawak ng pang-unawa, dapat ngayon pa lang ay kaya na niyang ibigay ang simpleng pangangailangan mo." Natigilan ako at napaiwas ng tingin lalo na nang dumako ang tingin niya sa sling bag kong luma na, pati na sa sandalyas kong kupas na at halos mapipigtas na nga. "Kahit sa bangketa ni hindi ka niya mabilhan ng bagong pang-paa? Bagong bag? Bagong relo?" "It doesn't cost him much if he really loves you, he will buy those for you," patuya pa niyang sinabi patuya rin siyang natawa. "Kaya kung ako sa iyo, hiwalayan mo na lang kung simpleng mga bagay lang hindi ka niya mabigyan paano pa pagdating ng araw?" Pero pilit ko ipinagtanggol ang nobyo ko. "Sabi niya sa akin, nag-iipon lang siya para sa kinabukasan namin kaya hindi niya ako—" Natigilan ako nang bigla siyang tumawa ulit pero mas malakas na kumpara kanina pero unti-unti rin namang tumigil ngunit naroon pa rin ang panaka-nakang pagtawa pero halatang dismayado. "How innocent..." pabulong niyang sinabi pero narinig ko sabay singhal. "Naniwala ka naman?" Mapanuri niya pa akong tiningnan. Hindi ako sumagot. Sa papaanong napunta sa nobyo ko ang usapan... ni hindi ko alam kung naaawa ba siya sa akin o intensyon niyang insultuhin lang kami... Nang bigla siyang tumayo at naglakad papunta sa akin at nagulat ako nang yumuko siya at dinungaw ako. Napaatras akong bigla kaya tumama ang likod ko sa sandalan ng sofa, nanlalaki ang mga mata ko sa gulat at imbis na lumayo ay lalo pa niya inilapit ang mukha niya sa akin kaya nanigas ako at tumigil sa paghinga. Bumaba ang tingin niya sa mga labi kong bahagyang nakaawang pababa sa dibdib kong malulusog at umaapaw mula sa suot kong bestida... Ibinalik niya rin ang tingin sa mukha ko kaya nagtama ang mga mata namin, sa sobrang lapit niya halos magpalitan na kami ng hininga. Pero ang bango ng kanya, kompiyansa ako na hindi naman mabaho ang akin dahil nag-toothbrush naman ako bago ako pumarito. "A-Anong ginagawa niyo, Sir Stefan?" Nagsumiksik pa ako sa sandalan ng sofa medyo napapa-angat ang pang-upo ko sa sobrang lapit ng mga mukha namin sa isa't isa... Napahawak ako sa throw pillow at ang dibdib ko lumakas ang kabog na parang gusto lumabas mula sa tadyang ko nang muling magtanong siya. "Gaano na kayo katagal?" Hindi man lang siya lumayo kahit konti, isang maling galaw lang pwede nang maglapat ang hindi dapag maglapat... "I-Isang taon na... po," nanginginig ang boses kong sagot at makapigil hiningang panay ako atras kahit wala naman na akong maatrasan pa. "Sa isang buong taon ay naatim ka niya magmukang basahan?" tanong niya pa, imbis na magalit ako nanlumo ako dahil may... punto siya itanggi ko man. Nakahawak siya sa headrest ng sofa sa magkabilang gilid ng ulo ko at nasa gitna ako ng matitipuno niyang mga braso... nag-iwas ako ng tingin dahil hindi ko siya kinakaya tagalan. "Para lang sa kaalaman mo, Peachee... ang lalaki dapat ibinibigay ang lahat ng gusto at kailangan ng babae..." Napapitlag ako nang bigla niyang hawakan ang baba ko sabay marahas na itiningala ako sa kanya. Itinapat niya ang bibig niya sa nakaawang kong mga labi at dito siya mismo nagsalita. "Bakit ka nagtitiyaga sa lalaking alam mong wala kang kinabukasan? Don't you see red flags the way he treat you?" tanong niya, hindi ko magawang masagot at namuo lamang ang luha sa mga mata ko. "Kung simpleng mga bagay lang hindi ka magawang bilhan ano kaya ang magiging buhay mo sa kanya?" Ngumisi pa siya at humirit pa. "Pero sige sabihin na natin na may pakialam siya hindi naman kayo tatagal ng taon kung wala, pero baka wala siyang kakayanan ibigay ang buhay na dapat sa iyo?" Panghahamak na ito... "So, would you mind if I ask his job?" Mapanukso pa niya pinagmasdan ang mukha ko at ang kawalan ko ng kibo at paninigas ko dito sa kinauupuan ko. "K-Kargador siya sa... palengke—" Natigilan na naman ako nang tumawa na naman siya hindi pa man ako tapos magsalita. Punong-puno ng panunuya... kaya nag-tangis ang kalooban ko. Nasasaktan ako para kay Austin, hinahamak siya ng taong hindi naman siya personal na kilala... kaya nangilid ang luha ko. Napasagitsit siya at muli niyang hinawakan ang sofa sa likod ko at muling ikinulong ako sa pagitan ng mga braso niya nang muli naging seryoso ang mukha niya. "Wala kang kinabukasan sa kanya," komento niya na ikinasikip ng dibdib ko. Palagay niya, kanino ako may kinabukasan? Grabe ang pagiging arogante niya na mayabang na, napaka-matapobre pa! "Kung gusto mo..." Ngumisi siya na tila may iaalok at lumikot ang mga mata niya sa bawat sulok ng mukha ko. At tumagal ang tingin sa mga labi kong natural na mapupula. "Sa akin ka na lang, ako ang magbibigay ng hindi niya kayang ibigay." Sa pagka-windang ko para akong nabingi... ito ba ang sinasabi ng bantay kanina at ni Manang Agda... kung kaya ko ba labanan ang temptasyon kapag kami na lang dalawa? Salamat dahil maaga nilang nasabi sa akin, kung hindi... baka hindi malabo na madala ako dahil ang hirap tanggihan niyang pati ang mapang-akit niyang boses... Idagdag pa na ang kisig... kisig niya, ang ganda pa ng kanyang mga mata sa malapitan... At naalala ko rin ang sinabi ng matanda na kapag nakuha na niya ang babae ng madali, isang linggo lang sinisisante na niya kapag nagsawa na siya kaya lalong hindi... ...hindi maaari. Umiling ako at mapakla g ngumiti sabay hawak sa dibdib niya at bahagya siyang itinulak. "Paunmanhin, Mr. Castellano pero ayaw ko mapabilang sa mga babaeng ginamit niyo lang at kung ganito rin lang ho ang klaseng pag-sisilbi ang gagawin ko sa inyo hindi bali na ho, marami pa naman po akong pwede mapasukan." Sabay tulak ko sa kanya na may sapat na lakas ramdam ko nanlambot siya at nawalan ng pwersa kaya madali na rin akong nakaalis sa ilalim niya. Bakas sa mukha niyang hindi niya inaasahan ang naging sagot ko kaya hinayaan niya na akong makawala... Unti-unti rin siyang napatuwid ng tayo pero makikita ang pagkabigla sa kanya na para bang nasurpresa siya sa kauna-unahang beses na merong babaeng tumanggi sa kapusukan niya...Peachee"Stefan?"Panabay kaming napalingon nang may baritonong boses ng lalaki ang tumawag sa pangalan ng binata kaya natigilan kami.Papalabas sana na kami ng exit ng hotel para maglakad-lakad at magpababa ng kinain nang makapasyal na rin sa tabing dagat, malibot ang isla hangga't maaga pa at hindi pa ganoon katirik ang araw.Nangunot ang noo ni Stefan nang harapin namin ang lalaking kasing taas niya lang din, nagulat naman ako dahil mukang gwapo rin at ang ganda pa ng ngiti suot ng isang sunglasses pero mukang maloko...Kung sa bagay, maloko rin naman siya."Kamusta!" Lumapit na ito sa amin at nang unti-unting mapag-sino ni Stefan bigla ding ngumiti ng abot tainga."Raul!" tawag niya rin dito na may pagtawa.At mukang magkaibigan nga sila nang makumpirma ko dahil sinalubong ito ni Stefan ng lalaki sa lalaking yakapan at parehong tinapik ang kanilang braso at kaagad din naman naghiwalay."Sabi na nga ba! Ikaw ang namataan ko! Kamusta na pare? Ang tagal mong hindi bumisita rito sa Re
Peachee "Good morning, Ma'am, Sir., Here's your food po." Inilapag ng babaeng server ang agahan namin na may pala-kaibigang ngiti. "Salamat," tugon ko nang may ngiti rin. "Kung may iba pa po kayong kailangan ay tawag lang po kayo, agad namin po kayong dadaluhan." At bahagya pa itong yumuko at umalis na rin at tinitulak ang food tray na de tulak nang hinarap ko si Stefan. Hindi man siya nakangiti pero kita ang saya sa mga mata niya habang pinagmamasdan ako, at ang mukha maaliwas kaya umayos ako ng upo nanatiling nakangiti naman sa kanya. Medyo hindi nga lang ako komportable sa suot ko na blue floral hanging dress labas ang likod, hindi gaano expose ang harap. Siya ang pumili ng susuotin ko, tinulungan niya rin ako mag-bihis matapos namin sabay maligo, pati pag-tali ng buhok ko siya rin, ang galing nga niyang magpusod ng buhok ng babae kahit lalaki siya, malinis at walang gulo. Ang ganda ng view ng karagatan sa labas mula rito sa open dinning area ang hotel sa baba, kitang-kita an
Peachee "Hindi mo pa rin sa akin sinasabi kung bakit ka nagkaroon nito at saan mo nakuha," saad ko nang hinawakan ko ang kamay niyang nagkaroon ng sugat na pahilom na pero ayaw pa rin niyang sabihin sa akin. Nakahilig ako sa dibdib niya pareho kaming walang mga saplot at tanging kumot lang ang nakatakip sa hubad naming katawan. Habang nakahiga siya at padapa naman akong nakadagan sa kanya. Kararating lang namin dito sa isang five star Hotel and Beach Resort sa Ilo-ilo na... siya lang naman ang may-ari. "Stop asking me, you wouldn't like the answer," malamig niyang sagot na hindi pa rin naman ako sinasagot. Natahimik na lang ako habang nilalandas niya ang mga daliri niya sa balikat ko pababa sa braso. Pabalik-balik at dinadama ang lambot nito habang yakap niya ako at nakalahalik sa buhok ko, sa bunbunan ko. Kalmado sa pakiramdam na magkalapat ang mga katawan namin... kaya napapapikit ako, pagod ako sa biyahe kaya medyo antok na. Masaya ako, totoo. Pero ayaw ko lang ng pakiramda
Third Person's POV "So what's your plan now, Rivaly? Isusuko mo na lang ba ng ganoon sa katulong si Stefan?" tanong ni Matilde na may pagkauyam nang puntahan niya si Rivaly sa condo nito. Nalaman niyang isang linggo na itong hindi pumapasok sa trabaho nang bisitahin niya sa opisina pero assistant lang nito ang naabutan niya. At ilang araw na nga raw ito hindi dumadalo sa mga hearing na dapat siya ang Judge kaya nag-file ito ng sick leave. Pinagbuksan naman siya nito ng pinto nang mag-door bell siya pero nagulat sa nakitang ayos nito, parang bruha walang suklay suot lang pulang silk dress, mukang kagigising lang kahit tanghaling tapat na. Simula nung gabing nakita nitong nagalit si Stefan nang ganoon sa kanya nawalan na ito ng pag-asa na mapasakanya si Stefan, masyado itong natakot, higit ay nasaktan mula sa mga salitang natanggap. Nakahalukipkip si Matilde habang nakatayo sa harapan ni Rivaly na nakaupo lang talaga sa sofa at malayang nakasandal at walang class ang upo, par
Peachee "B-Bakit inilalagay po nila sa maleta ang mga damit ko?" tanong ko buhat ng gulat kong mukha na napatingin sa kanya. Pagpasok ko ng kwarto galing lang ako ng kusina para kumuha ng tubig sa baba ng sumunod na araw. Pero nadatnan ko na ang mga kasamabahay na inaayos at inilalagay ang mga gamit ko sa isang malaking maleta... At si Sir. Stefan nakatayo sa gilid ng habang nakahalukipkip na waring kauutos niya lang nang matawa siya sa akin dahil parang iiyak ang mukha ko. Kaya nilapatan niya ako agad at hinawakan ang magkabilang mukha ko habang hawak ko naman ang isang baso ng tubig. Tiningala ko siya habang mangiyak-ngiyak baka mamaya'y may nagawa ako na hindi niya nagustuhan. Sa isip ko papaalisin niya na ako? At bakit? "M-May nagawa po ba ako? Bakit niyo ako paaalisin?" tanong ko na nahahabag na at mukang paiyak na dahil hindi siya nagsasalita. Nakatingin lang talaga siya sa akin. "Akala ko ho ba..." Pero biglang urong ng luha ko nang magulat nang bigla siyang tumawa ng
Peachee Tahimik ang hapag kainan habang sabay kami kumakain ng agahan dahil hindi siya pumayag na hindi ako makakaharap sa lamesa. Kaya sinuot ko ang simpleng pink dress na isa sa mga binili niya na ayaw ko pa sanang isuot pero nakita ko madilim na ang mukha niya kanina kaya napilitan na akong suotin. Walang imik kong inabot ng kamay ko ang baso ng tubig sa tabi ng plato ko habang hindi niya iniaalis ang tingin niya sa akin habang kumakain, may riin at may tiim. Kaya hindi ko maiwasan mailang at hindi makatingin sa kanya imbis na ako dapat ang nakatitig sa kanya dahil sa nalaman ko pero nawawalan ako ng lakas ng loob dahil sino ba naman hindi manghihina kung ganito ang lalaking nasa harapan mo... Nangangain ang presensya kaya umuurong tuloy ang galit o tampo na nararamdaman ko dahil sa ginawa niyang paglilihim sa akin, pero sa kabilang banda naman naiintindihan ko rin bakit niya iyon nagawa... Sadyang hindi ko lang maiwasan magdamdam naroon pa rin ang bigat na hindi ko maipaliwan
Peachee "Ibang klaseng mga magulang!" galit at hindi makapaniwalang bulalas ni Manang Agda. Inilahad ko ang nangyari sa akin kinabukasan nang puntahan niya ako rito sa kwarto, hinatiran ng Maid uniform at agahan kaya abot-abot ang hiya ko pwede naman ako bumaba at ako ang kumuha ng sarili kong pag
Peachee Hindi na niya itinuloy ang gusto niyang gawin sa akin sa gabing ito at sa halip iniuwi niya ako sa bahay niya kagaya ng inaasahan at mas mabuti na rin ito kaysa umuwi sa mga magulang ko. Tinandaan ko na lang ang mga sinabi niya para hindi na niya ako muli pang masaktan, nakakatakot siyang
Peachee "S-Sorry p-po—" hihingi sana ako ng tawad pero hindi ko na nabigkas ng buo dahil impit akong napatili nang lalo lang humigpit ang hawak niya sa leeg ko. Ang bilis niyang magalit... "Hindi mo alam kung gaano kita inisip-isip nang makita kita sa bahay ko at sinabayan mo lang ng alis nang hi
Peachee Minuwestra ako ni Tita Windy sa kanila na parang inilalako at puno ng pagmamalaki. "Handsomes, this is Peachee Gellato, 19 year old, v*rgin bagong-bago rito sa club kanina lang dumating, presyong maganda tayo, limited edition lang ang batang ito." Na para bang ginawa akong manikang kagag







