LOGIN
Peachee Gellatto
"Ms. Peachee Gellato?" Narinig ko nang tawag sa pangalan ko kaya napatayo ako agad mula sa hanay ng mga nakaupong mga aplikante para maging personal maid ni Mr. Stefan Castellano. Ubod man ito ng sungit at arogante kilala naman sa pagiging liberal na magpasahod. Kaya kapag ganitong bukas ang bahay niya para sa mga aplikante na gusto mamasukan ay talaga namang naguunahan ang mga babaeng taga-bayan para maging kasambahay sa mansion. Pero sa pagkakataong ito, hindi lang basta kasambahay ang hinahanap kundi hustong mapagkakatiwalaan at dapat na maasahan at higit matatag ang loob hindi rin pusong mamon at kaya sabayan ang hindi nito magandang ugali. Kaya ngayong araw dadaan kami sa mahigpit na pagsusuri at sa dami rin namin dito, isa lang ang maaaring makuha... kaya mapalad na lang ang mapipili. Pinapasok na ako ng isang kasambahay sa loob ng isang katamtaman laki ng silid na tanggapan ng aplikante. May lamesa pagpasok ko at nakita ang may edad na mayordoma ng mansion, nakaupo sa may upuan ng lamesa at nakaharap sa bandang direksyon ng pintuan. "Magandang umaga ho," magalang kong bati dala ang brown envelope ko na laman lang ay biodata. Hindi ito agad bumati sa akin pabalik, mapanuri niya muna akong tiningnan mag-mula sa suot ko. Medyo nahiya pa nga ako na iniangat ang damit ko sa bandang dibdib dahil mababa lang ang kwelyo ng suot kong bestida kaya nakikita ang hiwa nito, at dahil din sa lusog at pintog nitong dibdib ko. Hindi ko rin naman magawang maitago dahil medyo may kalakihan talaga ang hinaharap ko at suot din ang luma kong sling bag na pinaresan ng lumang sandalyas. Hindi na ako nag-abala pa maging pormal o bumili ng damit para maging presentable at kasambahay lang naman ang a-apply-an at isa pa wala ako pambili kaya nga kailangan ko ng trabaho. "Magandang umaga rin naman. Maupo ka." Tinuran niya na ang bakanteng silya kaya hindi na ako nagsayang pa ng oras mabilis ako lumapit sa harap ng lamesa at naupo sa bakante nitong silya. Inilahad ko ang dala ko. "Biodata ko po." Inilapag ko sa lamesa pero bigla siyang natawa nang makita. "Resume na uso ngayon, hija." Kinuha niya pa rin naman kaya napaayos ako ng upo at napahawak sa batok at mahinang tumikhim sa hiya. "Pasensya na po, hindi ho ako maalam gumawa ng resume eh, saka wala po akong budget para magpagawa kaya ayan na lang biodata na lang po," hinging paunmanhin ko na sandaling ikinatigil ng Mayordoma at sumeryoso ang mukha na muli akong pinagmasdan. Humugot siya ng malalim na pag-hinga at binuklat na ang laman ng envelope kinuha ang biodata ko sa loob at binasa. "Peachee Gellato, 19 years old, high school lang ang natapos," basa niya sa paunang nakasulat suot ng salamin sa mata. "Hindi ka pumapasok sa kolehiyo?" tanong niya nang mag-angat siya ng tingin sa akin at tumaas pa ang isang kilay. Umiling ako. "Hindi po eh... kailangan pa po ba ng college degree katulong lang naman po?" sagot ko na medyo nabahala kaya napatawa ito. "Hindi naman sa required, naitanong ko lang," rason niya na ikinatango ko at nakahinga naman ako ng maluwag. "Hindi po ako pumasok ng college ngayong taon dahil hindi po kaya ng mga magulang ko ang pang-matrikula at isa pa... hindi po ako matalino, baka hindi rin po ako makapagtapos..." Nabigla siya sa sinabi ko. "Hanggang katulong lang pangarap mo?" tanong niya at pinaningkitan ako ng mata. "Hindi naman po sa ganoon... kaso mukang itong trabaho lang na ito ang kaya lang ho ng utak ko, at napunta po kasi ata lahat ng laman sa dibdib ko," biro ko kaya natagpuan ko siyang nakaawang ang bibig na para bang naging kaawa-awa ako bigla sa paningin niya imbis na matawa. "Ang baba ng tingin mo sa sarili mo," pagalit niya at hindi nagustuhan ang sinabi ko pero nagkibit balikat lang ako at natawa ng kimi. "Iyon po kasi sabi ng Nanay at Tatay ko... wag na raw ho ako mag-aral kasi wala rin naman ako matututunan kaya heto, mangatulong na lang daw ako." Hindi siya nakapinawala. "Sinabi nila iyan?" Tumango ako. "Opo..." "At pinanindigan mo talaga? Ayaw mo ba patunayan na mali sila?" alinsunod niyang tanong na hindi ko agad nasagot. "Peachee, tama?" Binasa niya ulit ang pangalan ko sa biodata at ibinalik din ang tingin niya sa akin. "Tandaan mo, walang ibang taong makakapagsabi ng kapasidad ng isang tao kahit pa magulang iyan at buong buhay mo pa silang nakasama, may sarili ka dapat isip at paninindigan," payo niya na ikinangiti ko. "Salamat po sa salitang masarap sa tainga pero hindi po talaga ako matalino kung may bagay na magaling po ako siguro ay ang mang-akit ng lalaki," biro ko na siyang ikinalaki ng mga mata niya. Napahalakhak ako. "Biro lang po!" Sabay bawi at humagikgik. "Sinabi rin po kasi ng Nanay ko magtrabaho na lang daw ako sa isang beer house o club para naman daw makatulong ako tutal siguro magiging mabenta ako sa mga lalaki..." Natawa pa nga ako at inaasahan ko rin na matatawa siya pero awa lang sa mukha niya ang nakita ko kaya napalis ng ngiti ko. "Ganyan sila sa iyo?" Nauyam niyang tanong. "Gusto nila kung hindi ka mangangatulong, mag-trabaho na lang sa isang beer house?" dagdag pa niya batid ang pagkadismaya. Tumango naman ako. Wala akong dahilan para magsinungaling background interview naman ito. "Opo... pero ayaw ko maging GRO, Ma'am," tapat kong sagot na ikinabigla pa niya. "Gusto ko naman ho ng disenteng trabaho na kahit mababa lang ang titulo at least masasabi ko... marangal." Tumagal ang tingin niya sa akin. "Utak ko man po'y madalas kapos... pero iyung dangal ko gusto kong manatili sa akin dahil ito na lang ho ang bagay na meron ako na maipagmamalaki ko..." Doon ay unti-unti siya ngumiti. Bigla na siyang tumayo kaya kinabahan ako dahil akmang aalis na sya nang walang desisyon kung tanggap ba ako o hindi pero ang sunod niyang sinabi ang nagbigay galak at labis na tuwa sa akin. "Tanggap ka na, pwede ka na mag-umpisa bukas na bukas rin galingan mo sa trabaho." Ibinalik niya sa brown envelope ang biodata ko. "Bukas, 6:00 ng umaga dapat nandito ka na, ibi-briefing kita sa magiging trabaho mo at itong biodata mo." Itinaas niya para ipakita sa akin. "Kailangan ko itong ipakita muna kay Mr. Castellano, at bukas may final interview ka sa kanya kaya mag-handa ka." Umalis na siya sa lamesa bitbit ang envelope ko at nag-tungo na sa pintuan at lumabas na... At ako? Naiwang natulala rito at hindi pa makapaniwalang ako ang natanggap sa mga dalawampu na mga aplikanteng sumubok pero ako... ako ang... napili?PeacheeBawat araw na lumipas na siya ang kasama, walang tapon, masaya bawat oras kaya para tuloy gusto ko na lang dito tumira pero hindi pwede siyempre, kailangan magtrabaho ni Sir Stefan, at ako babalik naman ako sa pagsisilbi sa kanya.Kahit ayaw niya, gusto ko pa rin gumawa ng mga bagay para sa kanya tulad ng pagsisilbi at iyon lang naman ang maisusukli ko dito sa lahat ng masasaya at maginhawang buhay na dulot niya at ibinigay niya sa akin.Daig ko pa nga ang nagkaroon ng magandang oportunidad sa trabaho, pangarap ito ng kahit sinong tao, ang magkaroon ng kaparehong tulad niya.Last day na ng bakasyon namin sa isang araw, babalik na kami ng Maynila madaling araw ang alis sa makalawa at babalik na rin sa mga dating gawi.Medyo nalulungkot ako dahil masyado akong nag-enjoy at nalibang sa napaka-gandang lugar na ito, tahimik at sariwa ang hangin...At tuwing tinitingnan ko ang dagat, ang mga puting buhangin na gustong-gusto ko kapag nanunuot sa yapak kong mga paa.Nawawala ang mga i
PeacheeGabi na nang makabalik kami ng hotel room galing sa pag-a-island hopping, humingi rin naman siya ng tawad sa pagpisil niya sa kamay ko na talaga namang masakit.Kinausap niya rin ako patungkol sa kaibigan niyang iyon na kapag makasalubong ko man, wag ko raw kakausapin."Kahit magtanong?""Yes, kahit magtanong."Wala na lang akong naging imik pa at si Sir. Stefan na itong kausap ko na unti-unti na rin akong nasasanay na tawaging sa pangalan lang.Sa kabila ng kaganapan kanina, naging masaya naman ang buong araw ko, sobra akong nag-enjoy. Ang dami naming activity na ginawa.Sumakay kami sa malaking yate niya, nag-snorkling, nag-dive kasama ang mga isda na talaga namang bumuo ng araw ko.Napakasayang karanasan, marami rin siyang kinuhang litrato ko na tuwang-tuwa at nang ipinakita sa akin kitang-kita ko ang saya sa sarili ko na ni minsan... hindi ko pa noon nakita.Kaya bilang bawi, kailangan ko siyang paligayahin ngayong gabi, oo... ako nang magkukusa, palagi naman siya kaya ako
Peachee "Stefan?" Panabay naman kaming napalingon nang may baritonong boses ng lalaki ang tumawag sa pangalan ng binata kaya natigilan kami. Papalabas sana na kami ng exit ng hotel para maglakad-lakad at magpababa ng kinain nang makapasyal na rin sa tabing dagat, at malibot ang isla hangga't maaga pa at hindi pa ganoon katirik ang araw. Nangunot ang noo ni Stefan nang harapin namin ang lalaking kasing taas niya lang din, nagulat naman ako dahil mukang gwapo rin at ang ganda pa ng ngiti suot ng isang sunglasses pero mukang maloko... Kung sa bagay, maloko rin naman si Stefan. "Kamusta!" Lumapit naman ito agad sa amin at nang unti-unti ring mapag-sino ni Stefan bigla din siyang ngumiti ng abot tainga. "Raul!" tawag niya rin rito na may pagtawa. At mukang magkaibigan nga sila nang makumpirma ko dahil sinalubong ito niya ang lalaki ng yakap at parehong tinapik ang kanilang likod at braso at kaagad din naman kumalas sa isa't isa. "Sabi na nga ba! Ikaw ang namataan ko! Kamusta na par
Peachee "Good morning, Ma'am, Sir., Here's your food po." Inilapag ng babaeng server ang agahan namin na may pala-kaibigang ngiti. "Salamat," tugon ko nang may ngiti rin. "Kung may iba pa po kayong kailangan ay tawag lang po kayo, agad namin po kayong dadaluhan." At bahagya pa itong yumuko at umalis na rin at tinitulak ang food tray na de tulak nang hinarap ko si Stefan. Hindi man siya nakangiti pero kita ang saya sa mga mata niya habang pinagmamasdan ako, at ang mukha maaliwas kaya umayos ako ng upo nanatiling nakangiti naman sa kanya. Medyo hindi nga lang ako komportable sa suot ko na blue floral hanging dress labas ang likod, hindi gaano expose ang harap. Siya ang pumili ng susuotin ko, tinulungan niya rin ako mag-bihis matapos namin sabay maligo, pati pag-tali ng buhok ko siya rin, ang galing nga niyang magpusod ng buhok ng babae kahit lalaki siya, malinis at walang gulo. Ang ganda ng view ng karagatan sa labas mula rito sa open dinning area ang hotel sa baba, kitang-kita an
Peachee "Hindi mo pa rin sa akin sinasabi kung bakit ka nagkaroon nito at saan mo nakuha," saad ko nang hinawakan ko ang kamay niyang nagkaroon ng sugat na pahilom na pero ayaw pa rin niyang sabihin sa akin. Nakahilig ako sa dibdib niya pareho kaming walang mga saplot at tanging kumot lang ang nakatakip sa hubad naming katawan. Habang nakahiga siya at padapa naman akong nakadagan sa kanya. Kararating lang namin dito sa isang five star Hotel and Beach Resort sa Ilo-ilo na... siya lang naman ang may-ari. "Stop asking me, you wouldn't like the answer," malamig niyang sagot na hindi pa rin naman ako sinasagot. Natahimik na lang ako habang nilalandas niya ang mga daliri niya sa balikat ko pababa sa braso. Pabalik-balik at dinadama ang lambot nito habang yakap niya ako at nakalahalik sa buhok ko, sa bunbunan ko. Kalmado sa pakiramdam na magkalapat ang mga katawan namin... kaya napapapikit ako, pagod ako sa biyahe kaya medyo antok na. Masaya ako, totoo. Pero ayaw ko lang ng pakiramda
Third Person's POV "So what's your plan now, Rivaly? Isusuko mo na lang ba ng ganoon sa katulong si Stefan?" tanong ni Matilde na may pagkauyam nang puntahan niya si Rivaly sa condo nito. Nalaman niyang isang linggo na itong hindi pumapasok sa trabaho nang bisitahin niya sa opisina pero assistant lang nito ang naabutan niya. At ilang araw na nga raw ito hindi dumadalo sa mga hearing na dapat siya ang Judge kaya nag-file ito ng sick leave. Pinagbuksan naman siya nito ng pinto nang mag-door bell siya pero nagulat sa nakitang ayos nito, parang bruha walang suklay suot lang pulang silk dress, mukang kagigising lang kahit tanghaling tapat na. Simula nung gabing nakita nitong nagalit si Stefan nang ganoon sa kanya nawalan na ito ng pag-asa na mapasakanya si Stefan, masyado itong natakot, higit ay nasaktan mula sa mga salitang natanggap. Nakahalukipkip si Matilde habang nakatayo sa harapan ni Rivaly na nakaupo lang talaga sa sofa at malayang nakasandal at walang class ang upo, par
Third Person's POV "Fiance raw ba talaga ni Sir. Stefan iyung kahapon na kasama ni Madam Tilde?" Mga bulung-bulungan dito sa kusina habang mga nag-uumpukan ang may pitong kasambahay. "Oo raw, sabi pa Judge daw iyon." "Hala, eh paano na niyan si Peachee?" "Naku! Pag-sawa na si Sir diyan, disp
Peachee "Ano?!" bulalas ni Nanay na napatayo mula sa kahoy naming sofa nang umuwi ako ng bahay at sinabing hindi ko tinanggap ang trabaho kahit pa hired na ako. Sa kadahilanang hindi ko matatagalan ang ganoong klaseng boss, bukod sa arogante na, ay b*stos pa. Ang inaasahan kong trabhaho ay gawain
Peachee"Sir, nandito na ho siya," imporma ni Manang Agda sa lalaking nakatalikod mula sa amin at nakaharap sa labas ng malaking bintana habang nakapamulsa.Likod lang niya ang nakaharap sa banda namin at kapansin-pansin ang maganda niyang pangangatawan... hindi sobrang kalakihan pero matipuno, na
PeacheeHanggang makauwi ng bahay hindi pa rin ako makapaniwalang natanggap ako... sa dami naming aplikante, ako talaga?Kaya paglabas ko ng silid kung saan ako na-interview ang sasama ng tingin sa akin ng mga nakasama kong mag-apply.Hindi ko naman kasalanan nakitaan ako ng rason na maging persona







