Share

CHAPTER FIVE

Penulis: Sweet Chillie
last update Tanggal publikasi: 2026-06-05 11:23:34

Peachee

"Mag-a-apply ho ako sa iba, Nay... wag niyo lang ho akong ipasok sa beer house o kahit saang club, pero sige payag ho ako kung pwede sana waitress na lang—"

"Ay hindi!" Pinanlakihan niya pa ako ng mata kaya napaatras ako. "Mas malaki ang kita sa pag-GRO, mas doble, o mas triple pa kapag nakatiyempo ka ng galanteng mapera!"

Magkadaop ang dalawang kamay ko na nilalamukos ko sa labis na pagkatarantang nararamdaman ko.

Matapos ng naging pag-uusap namin ni Austin, pag-uwi ko ng dapit hapon na sinabi ni Nanay na papunta na rito ang kaibigan na manager sa beer house na namamahala ng mga babae para sunduin ako tamang-tama raw dahil kailangan nila ng mga bagong pasok...

Kaya alumpihit ako sa pagmamakaawang wag, baka pwede ibang trabaho na lang katulad ng waitress pero hindi talaga ito pumayag.

"Kaya wag ka nang mag-inarte pa, Peachee at masasanay ka rin, papunta na si Mareng Windy dito at napag-usapan na nga namin na personal ka niya susunduin, at dadalhin sa club niya para ipakilala sa mga bagong customers niya, kaya galingan mo," may pagalit pa niyang sinabi kaya biglang napaluhod na ako na ikinabigla niya.

Hinawakan ko ang kamay niya at nakikiusap na tiningala siya. "Nay... wag niyo naman ito gawin sa akin... anak niyo ho ako..." umiiyak kong pagmamakaawa kaya sandali siyang natigilan habang nakababa ang tingin sa akin.

"Wag niyo ako pilitin gawin ang hindi ko kayang gawin, parang awa niyo na ho!" Yumuko ako at nagiiyak.

Pero wala, baliwala.

"Tumayo ka diyan, hindi mo ako madadaan sa ganyan," matigas niyang sinabi sabay hila niya sa akin sa braso at itinayo ako buhat ng nanlalambot kong mga balikat at mga binti.

"Magtatrabaho ka sa paraang gusto namin, pinagbigyan ka na namin na pumasok sa pangangatulong, pero ikaw pa naging mapili, kaya doon ka sa beerhouse!" pambubulyaw pa niya.

Kaya napatulala na lang ako sa kawalan at nanghihinang napaiyak sa kawalan ko na ng lakas at magagawa. Wala akong mga taong mapag-isuran...

Ayaw ko sumama kay Austin dahil wala rin naman ako magiging buhay dito at ayoko iasa ang kinabukasan ko sa kanya.

Gustuhin ko man bumalik sa mansion ni Mr. Castellano ngunit mapipilitan din ako gawin ang gusto niya, pagkatapos ng isang linggo at kapag nagsawa na siya sa akin wala na rin ako ulit trabaho, ako pa nawalan.

At ngayon naman na sana gusto ko sumubok ulit ng paghahanap ng mas disente, ngunit ayaw naman na ng mga magulang ko at pilit na nga talaga nilang ipinagagawa sa akin ang hindi ko kayang sikmurain.

Kaya saan na ba ako nito?

Hindi ko na alam...

"Ito ang bago niyong makakatrabaho si Peachee," tuwang pakilala sa akin ni Tita Windy sa mga babaev hawak niya nang dalhin na niya ako rito sa club matapos masundo sa bahay namin.

Halos mangiyak ko silang pinagmamasdan isa-isa, ang mga babaeng nasa harapan ko ngayon ay mukang sanay na sanay na at mga beterana na sa mga lalaki...

Ang iba nakangisi sa akin na halos kapirasong tela na lang ang nagtatakip, meron naman lantaran nagbibihis ng hubo't hubad at meron mga nakaupo at nakaharap sa salamin at kasalukuyang mga nagaayos ng sarili naghahanda sa pagharap sa mga lalaking customers...

Karamihan sa nakatingin sa akin sinasabi ng mga mata na hindi ako bagay dito... na alam ko rin naman sa sarili ko at hindi ko rin gustong nandidito ako.

Ang kakapal ng kanilang mga lipstick, ganoon din ang mga pundasyon sa mukha pero masasabi kong magaganda naman sila, ganoon din ang mga katawan nilang balingkinitan.

Hindi pwedeng hindi quality ang mga babae nila rito at hindi basta-bastang beerhouse ito dahil madalas mayayaman lang ang nandito hindi para sa mga ordinaryong manginginom lang.

"Mommy Windy, sure ka ba diyan sa bagong bata mo? Parang may gatas pa sa labi iyan," pabirong tanong ng isa na ikinatawa ng lahat na nandidito sa wardrobe.

Ang silid ay napapalibutan ng maraming iba't ibang mga klase ng damit na kapag sinuot mo kakapirasong bahagi lang ng katawan mo ang matatakpan sa iyo.

"V*rgin pa, kaya hindi pa sanay! Kaya tulungan niyo siyang makapag-adjust, turuan niyo maging kasing tutuso niyo!" nakatawang sinabi ni Tita Windy kaya nagtawanan ang mga kababaihan.

At inulan pa ako ng tukso.

"V*rgin pa, Mommy? Ay hala! Ang swerte ng makaka-butas! Mahalan mo presyo niyan, Mi! Paldo!" biro pa ng isa na kaya napahalakhak ang ginang na mukang salapi.

Tuwang-tuwa pang nakipag-biruan sa mga alaga niyang siguradong malaki ang angkat ng pera sa kanya pero sa loob-loob ko nahihintakutan ako.

Ang isipin na ang makakauna sa akin, isang lasing na matanda parang gusto ko na lang tumalon mula sa pinaka-mataas na building.

Pero napansin ko ang isang babaeng hindi nakikitawa sa kanila at nakaupo sa bandang sulok na kanina pa tahimik lang na nagaayos sa harap ng salamin habang naka-ekis ang makikinis at mapuputing hita, ang tangkad niya, mas muka siyang modelo... kaysa prostitute.

Masasabi kong siya na ang pinaka-maganda sa lahat ng mga babaeng naririto, ang classy niyang tingnan kaya sa palagay ko... mahal ang halaga niya kumpara sa mga kasama niya rito.

Nang bigla rin itong nagsalita matapos maglagay ng pulang lisptick sa hugis puso niyang mga labi na sakto lang din ang kapal.

"Wag niyong pagkatuwaan... parang hindi naman kayo minsan naging bago," saway niya sa mga ito na ikinatahimik nila bigla.

Pinagmasdan ko siyang naka-ekis ang makikinis at mapuputing hita, hindi siya bagay dito... bagay talaga siyang modelo, hindi kaya sa mga pageantry.

"Masyado ka talagang seryoso Reeses," hilaw na sagot nung bumiro sa akin kanina, halata na hindi sila magkaulam.

Tumayo ang babaeng nagngangalang Reeses at mukang lalabas na at may customer nang pupuntahan.

Pero nagulat ako nang naglakad siya papunta sa akin kaya napaatras ako sabay napasinghap nang hawakan niya ang baba ko at itinaas ang mukha ko kaya nanlaki ang mga mata kong napatitig sa kanya.

Nginisihan niya ako. "Maganda ka..." puri niya at pinagmasdan pa ang katawan ko lalo ang dibdib ko. "Pati katawan... kaya ingat ka, mga selosa tao rito ayaw nila ng nasasapawan."

Matapos nito iyong sabihin umalis na rin siya sa harapan ko at dire-diretso nang nagtungo sa pinto at lumabas na sabay nagsinghalan ang mga babaeng nandidito na naiwan kasama ko.

"Nakaka-irita talaga! Akala mo kung sino! Pare-pareho lang naman tayo p*kpok dito! Baka sarili niya rin ang sinasabihan niyang ayaw masapawan! Ilan babae na ba ang nawawala kapag nakikita niyang mas maganda kaysa sa kanya?"

"Katakot talaga iyang babaeng iyan..." bulong pa ng iilan at humarap sa akin ang isang palaban na mukang malaki ang galit kay Reeses.

"Kaya ikaw, nene! Mag-iingat ka diyan kay Reeses Zaya, muka lang pala-kaibigan iyan pero nasa loob ang kulo niyan wag mo nang subukan makipag-kaibigan kung ayaw mong maging missing person din kagaya ng ibang nauna sa iyo!" warning nito sa akin na ikinawindang ko.

Namuo ang takot sa akin...

"Ikaw naman, Rivs! Tinatakot mo, hindi naman tayo sigurado kung siya talaga gumagawa no'n o iyung mga naging customers nila na baka ibinahay na!"

Marami pa akong narinig na usap-usapan patungkol doon nang kausapin ako ni Tita Windy.

Hinila ako sa bandang dulo ng wardrobe para kami lang dalawa ang magkarinigan.

"Wag mo pansinin ang mga usaping tsimis na wala namang kabuluhan, ang alalahanin mo paano ka kikita ng malaki para lang may maiuwi ka sa mga magulang mo," saad niya na nagsilbing paalala sa akin kaya bumalik ang pagkahabag ko...

"Kaya mag-bihis ka na, anong oras na! Sakto dumating na ang mga customers na kanina pa namin hinihintay, mga VIP sila, mas bata kumpara sa madadalas na naglalagi rito, tamang-tama ikaw ang ipakikilala ko."

Para akong tinakasan ng lakas nang hilahin na nga niya ako patungo sa mga nakasabit na mga damit at ang ipinasuot niya sa akin, isang pulang backless dress na kumikinang pa at sobrang iksi...

At nagulat pa ako nang kumuha siya sa drawer ng isang bagong lingerie... hindi basta lingerie kundi isang T-back kaya nalaglag ang panga ko.

"Suotin mo na bilisan mo! Diyan ka na magbihis gayahin mo ang iba puro babae naman kayo, kaya wala na dapat hiya-hiya pa!" Ipinagtulakan na niya sa akin ang damit na napilitan ko nang suotin.

Grabeng hiya ang sumalakay sa akin nang maghubad ako dahil lahat sila napatingin sa katawan ko na tila ba mga namangha.

"Iba talaga ang katawan kapag bata pa lalo na't v*rgin pa," komento ng isa kaya ngumiti si Tita Windy.

"Kaya mahal ang magiging presyo mo, Peachee, basta sumunod ka lang sa rules, lalo na sa gusto ng customer na afford ang magiging halaga mo," payo nyang labas sa kaliwang tainga ko.

"At wag mo rkn subukan tumakas, maraming haharang sa iyo," babala niya at ginawaran ako ng matalim na tingin kaya napalunok ako at tinulungan niya pa ako ayusin ang pagkakasuot ng damit.

Hindi ko alam hanggang saan ako tatagal.

Lumabas na kami ng wardrobe suot na ang sobrang iksi at nipis na damit na ito at isang maling galaw ko lang, kita na lahat kaya gusto ko na namang maluha.

Ni walang panloob ka pang-itaas, tanging T-back lang. Suot ko rin ang isang pares ng pulang takong na hirap kong ilakad dahil hindi naman ako sanay.

"Ayusin mo lakad mo hindi iyang para kang natatae," sita sa akin ng ginang kaya pilit ko namang inayos ang lakad ko sa takot kong paulit-ulit mapagalitan.

Nang paglabas namin mula sa may eskinita, sumalubong sa akin ang iba't ibang kulay ng ilaw, hindi naman sobrang ingay, malamyos ang tugtugin pero nanlalaki ang mga mata ko nang makita ang mga babaeng hubo't hubad na nagsasayaw sa kanya-kanyang pole...

At nakita ko si Reeses...

Nakaupo sa nakapaikot na sofa sa bilog na lamesa at mukang VIP ang kinaroroonan niya at napapalibutan ng mga lalaki...

Hindi lang siya ang babae sa table na iyon may mga kasama rin siya at tumatawa sila na tila ba sanay na sanay sa mga atensyon na ibinibigay sa kanya.

Ang lalaking katabi niya ay kulang na lang ipasok na ang kamay sa ilalim ng palda niya at mismong doon na nila gawin at mukang baliwala na lang din iyon sa kanya... at sa mga babaeng naririto...

Namuo ang luha sa magkabilang sulok ng mga mata ko. Hindi ko kaya... sinubukan ko maghanap ng pwedeng labasan na pinto pero wala, lahat ng daanan palabas may bouncer ng club na haharang sa akin.

Hanggang sa narating na namin ang pangalawang palapag kung saan mas tahimik kumpara sa baba, at hindi naman pala lahat ng customers dito ay matatanda na...

Meron din mga nasa early at late 30's...

Dinala ako ni Tita Windy sa dulong lamesa kung saan daw ang pinaka-VIP, mga lalaki na pihikan ayon sa ginang, kaya ako ang dinala rito kaya ang kabog ng dibdib ko abot-abot.

"Good evening gentlemen," tuwang bati ni Tita sa mga ito, may sampu silang lalaki na nakaupo sa itim na couch na nakapalibot din sa isang bilog na lamesa.

Lahat sila mga naka-corporate pa... mukang kgagaling lang ng opisina pero wala nang suot na mga coat, tanging polo dress na lamang at naka-tupi ang mga manggas hanggang siko.

Halos lahat sila makikisig...

Nang dumako ang tingin nila sa amin, sa akin... kaya ganoon na lang ang hiya ko at pagkailang ko, nahigit ko pa ang pag-hinga ko nang hagurin nila ako ng nagugutom na tingin.

Pero hindi lang tingin nila ang nagpagulat sa akin, bigla rin akong nanigas at nanlamig sa kinatatayuan ko nang makita ang isang pamilyar na makisig na mukha...

A-Anong.... ginagawa niya rito?

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • INNOCENT MAID FOR MR. ARROGANT BOSS   CHAPTER SIXTY

    Peachee"Stefan?"Panabay kaming napalingon nang may baritonong boses ng lalaki ang tumawag sa pangalan ng binata kaya natigilan kami.Papalabas sana na kami ng exit ng hotel para maglakad-lakad at magpababa ng kinain nang makapasyal na rin sa tabing dagat, malibot ang isla hangga't maaga pa at hindi pa ganoon katirik ang araw.Nangunot ang noo ni Stefan nang harapin namin ang lalaking kasing taas niya lang din, nagulat naman ako dahil mukang gwapo rin at ang ganda pa ng ngiti suot ng isang sunglasses pero mukang maloko...Kung sa bagay, maloko rin naman siya."Kamusta!" Lumapit na ito sa amin at nang unti-unting mapag-sino ni Stefan bigla ding ngumiti ng abot tainga."Raul!" tawag niya rin dito na may pagtawa.At mukang magkaibigan nga sila nang makumpirma ko dahil sinalubong ito ni Stefan ng lalaki sa lalaking yakapan at parehong tinapik ang kanilang braso at kaagad din naman naghiwalay."Sabi na nga ba! Ikaw ang namataan ko! Kamusta na pare? Ang tagal mong hindi bumisita rito sa Re

  • INNOCENT MAID FOR MR. ARROGANT BOSS   CHAPTER FIFTY-NINE

    Peachee "Good morning, Ma'am, Sir., Here's your food po." Inilapag ng babaeng server ang agahan namin na may pala-kaibigang ngiti. "Salamat," tugon ko nang may ngiti rin. "Kung may iba pa po kayong kailangan ay tawag lang po kayo, agad namin po kayong dadaluhan." At bahagya pa itong yumuko at umalis na rin at tinitulak ang food tray na de tulak nang hinarap ko si Stefan. Hindi man siya nakangiti pero kita ang saya sa mga mata niya habang pinagmamasdan ako, at ang mukha maaliwas kaya umayos ako ng upo nanatiling nakangiti naman sa kanya. Medyo hindi nga lang ako komportable sa suot ko na blue floral hanging dress labas ang likod, hindi gaano expose ang harap. Siya ang pumili ng susuotin ko, tinulungan niya rin ako mag-bihis matapos namin sabay maligo, pati pag-tali ng buhok ko siya rin, ang galing nga niyang magpusod ng buhok ng babae kahit lalaki siya, malinis at walang gulo. Ang ganda ng view ng karagatan sa labas mula rito sa open dinning area ang hotel sa baba, kitang-kita an

  • INNOCENT MAID FOR MR. ARROGANT BOSS   CHAPTER FIFTY-EIGHT

    Peachee "Hindi mo pa rin sa akin sinasabi kung bakit ka nagkaroon nito at saan mo nakuha," saad ko nang hinawakan ko ang kamay niyang nagkaroon ng sugat na pahilom na pero ayaw pa rin niyang sabihin sa akin. Nakahilig ako sa dibdib niya pareho kaming walang mga saplot at tanging kumot lang ang nakatakip sa hubad naming katawan. Habang nakahiga siya at padapa naman akong nakadagan sa kanya. Kararating lang namin dito sa isang five star Hotel and Beach Resort sa Ilo-ilo na... siya lang naman ang may-ari. "Stop asking me, you wouldn't like the answer," malamig niyang sagot na hindi pa rin naman ako sinasagot. Natahimik na lang ako habang nilalandas niya ang mga daliri niya sa balikat ko pababa sa braso. Pabalik-balik at dinadama ang lambot nito habang yakap niya ako at nakalahalik sa buhok ko, sa bunbunan ko. Kalmado sa pakiramdam na magkalapat ang mga katawan namin... kaya napapapikit ako, pagod ako sa biyahe kaya medyo antok na. Masaya ako, totoo. Pero ayaw ko lang ng pakiramda

  • INNOCENT MAID FOR MR. ARROGANT BOSS   CHAPTER FIFTY-SEVEN

    Third Person's POV "So what's your plan now, Rivaly? Isusuko mo na lang ba ng ganoon sa katulong si Stefan?" tanong ni Matilde na may pagkauyam nang puntahan niya si Rivaly sa condo nito. Nalaman niyang isang linggo na itong hindi pumapasok sa trabaho nang bisitahin niya sa opisina pero assistant lang nito ang naabutan niya. At ilang araw na nga raw ito hindi dumadalo sa mga hearing na dapat siya ang Judge kaya nag-file ito ng sick leave. Pinagbuksan naman siya nito ng pinto nang mag-door bell siya pero nagulat sa nakitang ayos nito, parang bruha walang suklay suot lang pulang silk dress, mukang kagigising lang kahit tanghaling tapat na. Simula nung gabing nakita nitong nagalit si Stefan nang ganoon sa kanya nawalan na ito ng pag-asa na mapasakanya si Stefan, masyado itong natakot, higit ay nasaktan mula sa mga salitang natanggap. Nakahalukipkip si Matilde habang nakatayo sa harapan ni Rivaly na nakaupo lang talaga sa sofa at malayang nakasandal at walang class ang upo, par

  • INNOCENT MAID FOR MR. ARROGANT BOSS   CHAPTER FIFTY-SIX

    Peachee "B-Bakit inilalagay po nila sa maleta ang mga damit ko?" tanong ko buhat ng gulat kong mukha na napatingin sa kanya. Pagpasok ko ng kwarto galing lang ako ng kusina para kumuha ng tubig sa baba ng sumunod na araw. Pero nadatnan ko na ang mga kasamabahay na inaayos at inilalagay ang mga gamit ko sa isang malaking maleta... At si Sir. Stefan nakatayo sa gilid ng habang nakahalukipkip na waring kauutos niya lang nang matawa siya sa akin dahil parang iiyak ang mukha ko. Kaya nilapatan niya ako agad at hinawakan ang magkabilang mukha ko habang hawak ko naman ang isang baso ng tubig. Tiningala ko siya habang mangiyak-ngiyak baka mamaya'y may nagawa ako na hindi niya nagustuhan. Sa isip ko papaalisin niya na ako? At bakit? "M-May nagawa po ba ako? Bakit niyo ako paaalisin?" tanong ko na nahahabag na at mukang paiyak na dahil hindi siya nagsasalita. Nakatingin lang talaga siya sa akin. "Akala ko ho ba..." Pero biglang urong ng luha ko nang magulat nang bigla siyang tumawa ng

  • INNOCENT MAID FOR MR. ARROGANT BOSS   CHAPTER FIFTY-FIVE

    Peachee Tahimik ang hapag kainan habang sabay kami kumakain ng agahan dahil hindi siya pumayag na hindi ako makakaharap sa lamesa. Kaya sinuot ko ang simpleng pink dress na isa sa mga binili niya na ayaw ko pa sanang isuot pero nakita ko madilim na ang mukha niya kanina kaya napilitan na akong suotin. Walang imik kong inabot ng kamay ko ang baso ng tubig sa tabi ng plato ko habang hindi niya iniaalis ang tingin niya sa akin habang kumakain, may riin at may tiim. Kaya hindi ko maiwasan mailang at hindi makatingin sa kanya imbis na ako dapat ang nakatitig sa kanya dahil sa nalaman ko pero nawawalan ako ng lakas ng loob dahil sino ba naman hindi manghihina kung ganito ang lalaking nasa harapan mo... Nangangain ang presensya kaya umuurong tuloy ang galit o tampo na nararamdaman ko dahil sa ginawa niyang paglilihim sa akin, pero sa kabilang banda naman naiintindihan ko rin bakit niya iyon nagawa... Sadyang hindi ko lang maiwasan magdamdam naroon pa rin ang bigat na hindi ko maipaliwan

  • INNOCENT MAID FOR MR. ARROGANT BOSS   CHAPTER FOUR

    Peachee "Ano?!" bulalas ni Nanay na napatayo mula sa kahoy naming sofa nang umuwi ako ng bahay at sinabing hindi ko tinanggap ang trabaho kahit pa hired na ako. Sa kadahilanang hindi ko matatagalan ang ganoong klaseng boss, bukod sa arogante na, ay b*stos pa. Ang inaasahan kong trabhaho ay gawain

  • INNOCENT MAID FOR MR. ARROGANT BOSS   CHAPTER THREE

    Peachee"Sir, nandito na ho siya," imporma ni Manang Agda sa lalaking nakatalikod mula sa amin at nakaharap sa labas ng malaking bintana habang nakapamulsa.Likod lang niya ang nakaharap sa banda namin at kapansin-pansin ang maganda niyang pangangatawan... hindi sobrang kalakihan pero matipuno, na

  • INNOCENT MAID FOR MR. ARROGANT BOSS   CHAPTER TWO

    PeacheeHanggang makauwi ng bahay hindi pa rin ako makapaniwalang natanggap ako... sa dami naming aplikante, ako talaga?Kaya paglabas ko ng silid kung saan ako na-interview ang sasama ng tingin sa akin ng mga nakasama kong mag-apply.Hindi ko naman kasalanan nakitaan ako ng rason na maging persona

  • INNOCENT MAID FOR MR. ARROGANT BOSS   CHAPTER ONE

    Peachee Gellatto"Ms. Peachee Gellato?"Narinig ko nang tawag sa pangalan ko kaya napatayo ako agad mula sa hanay ng mga nakaupong mga aplikante para maging personal maid ni Mr. Stefan Castellano. Ubod man ito ng sungit at arogante kilala naman sa pagiging liberal na magpasahod.Kaya kapag ganiton

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status