LOGINHabang wala pa si Riley sa bahay, tahimik na pumasok si Carla sa silid na dati’y pinaghahatian nina Riley at Vera. Sarado ang kurtina, malamlam ang ilaw. Ramdam niya ang katahimikan ng kwarto, pero imbes na makonsensya, mas lalo siyang naging kampante. Para sa kaniya, wala na ang tunay na may-ari ng lugar na iyon.
Diretso siyang naglakad papunta sa closet. Binuksan niya ang mga pinto at bumungad ang mga damit ni Vera na naiwan. Isa-isa niya iyong hinila, sinusuri ang mga tela, ang mga brand, ang mga kulay. May bahagyang iritasyon sa mukha niya, pero nanaig ang ngiti.
“Sayang naman kung itatapon ko kayong lahat,” bulong niya sa sarili. “Pero sa ‘kin na rin kayo. Ako na ang bagong may-ari.”
Sinubukan niyang isuot ang ilan. Isang blouse, isang dress. Tumapat siya sa malaking salamin at inikot ang sarili.
“Mas bagay sa akin,” sabi niya, may halong pangmamaliit. “Hindi ko alam bakit pinatulan ka pa ni Riley.”
Lumapit siya sa drawers. Binuksan isa-isa. Nakita niyaang ilang personal na gamit ni Vera, mga papeles, resibo, ilang alahas. Hanggang sa may makita siyang isang papel na maingat na nakatupi. Kinuha niya iyon at binuklat.
Naningkit ang mga mata niya.
“Pregnancy result?” mahina niyang basa.
Tumigil ang mundo niya sa ilang segundo. Mabilis niyang binasa ang petsa. Nanghina ang tuhod niya pero agad niyang pinigilan ang sarili.
“Hindi,” bulong niya. “Hindi puwede.”
Agad niyang tinupi ang papel at isiniksik sa bag niya.
“Hindi ‘to pwedeng malaman ni Riley,” mariing sabi niya sa sarili. “Hindi niya ako iiwan. Hindi ako papayag.” Napatitig siya sa salamin, seryoso ang mukha. “Kailangan mawala ang batang ‘yon sa sinapupunan ni Vera,” bulong niya. “Bago pa siya magsalita.”
Samantala, si Vera naman ay abala sa ospital. Kahit may bigat sa dibdib, tuloy pa rin ang trabaho niya. Isa-isa niyang kinakausap ang mga pasyente, iniingatan ang bawat kilos. Anim na linggo siyang buntis at alam niyang kailangan niyang maging maingat.
“Doc, okay na po ba ako?” tanong ng pasyente.
“Oo,” sagot ni Vera, pilit na ngumingiti. “Just follow the meds.”
Pagkatapos ng huling pasyente, tinignan niya ang oras.
“Maaga pa,” bulong niya. “Makakaabot pa ako.”
Nagpaalam siya sa mga kasamahan.
“Doc Vera, uuwi na kayo?” tanong ng nurse.
“Oo,” sagot niya. “Birthday ni Celeste. Saglit lang ako.”
“Congrats ulit,” nakangiting sabi ng nurse. “Ingat po kayo.”
Ngumiti si Vera. “Salamat.”
Dumaan muna siya sa isang bakeshop upang bilhan si Celeste ng cake
“Good afternoon,” bati niya sa staff. “One chocolate cake, please.”
“Birthday?” tanong ng cashier.
“Oo,” sagot niya. “Best friend ko.”
Paglabas niya ng bakeshop, hawak ang cake, tahimik siyang naglakad. Iniisip niya ang sasabihin niya kay Celeste mamaya.
Habang naglalakad, biglang may mabilis na tunog sa likod niya.
“Hoy—”
Hindi na niya natapos ang salita. Bago pa siya makarakbo nang nakita ang sasakyan, isang malakas na impact ang tumama sa kaniya. Bumagsak siya sa semento. Nabitiwan ang cake. Gumulong ang kahon sa gilid ng daan.
“Ah—” Napaubo siya. May lasang bakal sa bibig niya. “Help…”
Ngumisi si Carla nang nakita si Vera na nahihirapan.
Pinaharurot niya agad paalis ang kotse bago pa may makakita sa kaniya.
Biglang sumigaw ang mga taong nakakita. Nilapitan nila si Vera at sinubukang tulungan.
Ramdam ni Vera ang matinding sakit sa tiyan niya.
“My baby…” bulong niya nang nakita ang dugo sa hita niya. Hanggang sa unti-unting nagdilim ang paningin niya.
Pagmulat ni Vera, puting kisame ang bumungad sa kaniya. Masakit ang ulo niya. Masakit ang katawan niya. Pilit niyang iginalaw ang kamay niya at inaalala ang buong pangyayari kagabi.
“Vera!” sigaw ng isang pamilyar na boses.
Dumungaw si Celeste, namumula ang mga mata.
“Thank God, gising ka na.”
“Celeste…” mahina niyang sabi. “My baby…”
Nanlumo ang mukha ni Celeste. “Vera… I’m sorry.”
Napatingin siya sa gilid ng kama. May isang lalaking nakatayo roon, nakaayos, tahimik, pero ramdam ang bigat ng presensiya.
“Who are you?” tanong niya, paos ang boses.
“Rico Garcia,” sagot ng lalaki. “Kapatid ni Riley.”
Nanlaki ang mata ni Vera. “Bakit ikaw ang nandito?”
“Because someone had to be,” malamig na sagot ni Rico. “At mukhang hindi iyon ang asawa mo.”
Bumukas ang pinto at pumasok ang kaibigang doktor ni Vera. Kita agad ang pag-aalinlangan sa mukha nito, parang hirap magbitaw ng salitang matagal nang nakahanda.
“Dra. Vera…”
“How’s my baby?” tanong ni Vera, pilit na pinatatatag ang boses habang marahang hinahaplos ang tiyan niya, na para bang kaya pa niyang ipaglaban ang nararamdaman niyang buhay doon.
Huminga nang malalim ang doktor. “I’m so sorry, Dra. Vera,” sabi niya, halos pabulong. “The baby is gone.”
Parang biglang nawala ang lahat ng hangin sa dibdib ni Vera. Nanlumo ang mga mata niya, at napahawak siya sa sarili niyang tiyan na parang umaasang may magbabago pa.
“My baby…” mahinang bulong niya, basag ang boses. “Hindi… hindi puwede…” Sunod-sunod na ang luha niyang bumagsak. “My baby… please…”
Napaupo si Celeste sa gilid ng kama, nanginginig ang mga kamay habang umiiyak din. “I’m sorry,” paulit-ulit niyang sabi, puno ng guilt. “Kasalanan ko ‘to.”
“Hindi…” sagot ni Vera sa pagitan ng paghikbi, pilit na umiiling. “Hindi mo kasalanan…”
Tahimik lang si Rico sa isang sulok, nakapamewang. Kita ang pag-igting ng panga niya, ang galit na pilit kinokontrol habang pinagmamasdan ang eksena.
Maya-maya’y lumabas ang doktor, iniwan silang tatlo sa silid na puno ng katahimikang mabigat sa dibdib.
“Pinaghahanap na ng pulis ang driver,” sabi ni Celeste matapos punasan ang luha. “Wala pa raw lead.”
Dahan-dahang napalingon si Vera kay Rico. “Kausap mo ba si Riley?”
Tumango si Rico, pero hindi niya maitago ang inis sa boses. “Katatapos ko lang siyang kausapin.”
“Ano’ng sabi niya?” tanong ni Vera, may bahid ng pag-asa—umaasang darating ang asawa niya.
Huminga nang malalim si Rico. “Sabi niya, nag-iinarte ka lang. Hindi siya pupunta rito. May mas importante raw siyang gagawin.”
Parang may tuluyang nabasag sa loob ni Vera.
“Gano’n ba…” mahina niyang sabi, halos wala nang lakas.
Biglang tumayo si Rico. “Enough,” mariing sabi niya. “Hindi ka na babalik sa kaniya.”
“Huwag mo akong pangunahan,” sagot ni Vera, kahit nanginginig. “I’m still his wife.”
Nangunot ang noo ni Rico. “You lost a child,” mariin niyang sabi. “Huwag kang magpaka-martir kung ayaw na ng kapatid ko.”
Parang binuhusan ng malamig na tubig si Vera. Ngayon niya lang tunay na nasilayan ang lalaki—ang nakatatandang kapatid ni Riley, ang taong limang taon niyang alam na umiiral lang sa kuwento.
Tumango siya, pagod na pagod, wala nang lakas para makipagtalo lalo pa’t halos hindi niya kilala si Rico.
“Pagod na ako,” mahina niyang sabi. “Wala na akong lakas makipagtalo.”
“Then let me handle it,” sagot ni Rico, seryoso at walang pag-aalinlangan. “File an annulment as soon as possible—so you can marry me.”
Kabanata 35 Samantha’s Point of View Pagod na pagod ako nang makarating kami sa hotel sa Las Vegas. Pakiramdam ko ay ilang oras na akong nakaupo, nakatayo, naglalakad, at naghihintay. Mahaba ang biyahe. Sobrang daming tao sa airport. Daan-daang mukha ang nakita ko. Kung saan-saan kami dumaan. Kung ilang beses akong napagod sa kakahila ng maleta, hindi ko na mabilang. Pero kahit ganoon, halos wala akong ginawa. Si Gabriel ang nag-asikaso ng lahat. Siya ang kumausap sa airport staff. Siya ang nagdala ng karamihan sa mga gamit. Siya ang nag-check in. Siya ang nag-ayos ng transportation papunta sa hotel. Hindi ako sanay sa ganitong klaseng pag-aalaga. Hindi ako sanay na may lalaking inaako ang lahat ng responsibilidad para maging madali ang buhay ko. At lalo akong hindi sanay na si Gabriel pa ang gumagawa noon. Naka-leave ako sa trabaho at wala akong ibang gagawin dito kundi samahan siya sa mga lakad niya. Pero may sarili rin akong dahilan kung bakit ako sumama. Gusto kong maki
Kabanata 34Samantha’s Point of View Hindi siya tumitigil sa pagtingin sa akin. Ang mga mata niya ay seryoso. Halatang hindi siya nagbibiro. Seryoso siya sa bawat salitang binibitawan niya."I want a Lavender theme," sagot ko. “Ang lavender ay relaxing. Hindi masyadong bright. Hindi masyadong dark. Perfect para sa isang opisina na gusto kong maging tahimik at payapa.”Kinuha niya ang cellphone niya at may tinitipa. Pagkatapos ay tumingin siya sa akin."Noted," sabi niya. Isang salita lang. Pero ang bigat ng salitang iyon. Ang bigat ng ibig sabihin niyon. Na para bang gagawin niya ang gusto ko. Na para bang susundin niya ang kahit anong sabihin ko."Ha?" Hindi ko maintindihan. Hindi ko alam kung nagbibiro siya o seryoso siya."Lavender theme," ulit niya. "I already texted my interior designer. By the time we get back from Las Vegas, this office will be painted lavender. Lahat ng furniture ay magma-match sa kulay na iyon. Lahat ng paintings ay magiging complementary sa lavender. Gusto
Kabanata 33Samantha's Point of ViewPagkapasok ko sa opisina ni Gabriel, napahinto ako nang marinig ang malakas na pagkabasag at malalakas na hampas ng mga gamit sa loob. Hindi ko inaasahan ang ganitong eksena. Hindi ko inaasahan na makikita ko si Gabriel na sumisigaw at nagwawala sa loob ng sarili niyang opisina. Sa lahat ng pagkakakilala ko sa kanya, palagi siyang kalmado. Palagi siyang kontrolado. Palagi siyang composed. Pero ngayon, iba siya. Ngayon, nakikita ko ang isang bahagi niya na hindi ko pa nakikita noon.Nakita kong nagkalat ang mga dokumento at basag na salamin sa loob. Ang malaking glass table sa gitna ng opisina ay basag na basag. Ang mga tipak ng salamin ay nakakalat sa sahig. Ang mga upuan ay nakabaligtad. Ang mga libro ay nakakalat kung saan-saan. Pati mga mamahaling paintings na binili ni Joshua noon sa auctions ay inalis din. Nakasandal ang mga iyon sa dingding. Hindi na nakasabit. Parang tinanggal nang marahas.Kitang-kita ko ang takot sa mga mukha ng empleyado
Kabanata 32 Samantha's Point of View Kinabukasan, agad kong nakita ang note sa ibabaw ng table galing kay Gabriel. Maliit na papel. Sulat-kamay niya. "Samantha, gusto kitang isama sa Las Vegas. May aasikasuhin lang ako roon sa casino ko. Kailangan kitang makasama. Hindi kita kayang iwan dito nang mag-isa lalo na at natatakot ako na may gawin sa iyo ang anak ko. Pwede tayong magpahinga roon. Pwede nating kalimutan ang lahat ng problema kahit ilang araw lang. Isipin mo. Hindi kita pipilitin. Pero sana sumama ka. - Gabriel" Tiningnan ko ang schedule ko. Wala naman akong pasyente sa susunod na linggo. Nagpaalam na ako sa head ng department ko noong isang araw na kailangan ko ng ilang araw na pahinga. Pumayag naman siya. Sobrang dami ng nangyari nitong mga nakaraang araw. Gusto ko munang lumayo sa lahat. Gusto ko munang maging malaya kahit sa maikling panahon. Bumukas ang pintuan at nakita kong pumasok si Gabriel bitbit ang food tray. Nakangiti siya. "Breakfast is ready, my lady," s
Kabanata 31 Samantha's Point of View Katatapos ko lang mailagay sa maleta ko ang mga natitirang gamit ko pa sa bahay namin ni Joshua nang biglang bumukas ang pintuan at pumasok siya. Hindi ko alam kung paano siya nakapasok. Pinalitan ko na ang mga kandado noong isang araw. Sinabihan ko na ang security guard sa harap na huwag siyang papapasukin. Pero heto siya. Nakatayo sa harap ko. Mukhang galit. Mukhang wala sa sarili. Mukhang handang gumawa ng kahit ano. Namilog ang mga mata ko nang bigla niya akong hinila at marahas na hiniga sa kama. Hindi ako nakapag-react agad. Hindi ako nakapagsalita agad. Ang bilis ng mga pangyayari. Nakahiga na ako sa kama. Ang mga kamay niya ay nakahawak sa magkabilang braso ko. "Joshua!" sigaw ko habang nagpupumiglas. Sinubukan kong tanggalin ang mga kamay niya sa braso ko. Sinubukan kong sipain siya. Sinubukan kong ilayo ang katawan ko sa kanya. Pero mas malakas siya. Mas mabigat siya. Hindi ako makawala. Hindi ako makagalaw. "Anong sinabi mo kay D
Kabanata 30 Gabriel's Point of View "Talaga?" Nilabas ko ang ilang kuhang larawan nina Joshua at Isabella na nasa iisang kama silang dalawa. Mga larawang kuha ng private investigator na inupahan ko. Mga larawang hindi nila alam na may kumukuha sa kanila. Mga larawang nagpapatunay na higit pa sa magkaibigan ang relasyon nila. Pinagpag ko ang mga larawan sa ibabaw ng desk ko. Gusto kong makita ni Joshua ang bawat isa. Gusto kong makita niya ang sarili niya na n*******d. Gusto kong makita niya si Isabella na n*******d din. Gusto kong makita niya ang mga braso niyang nakayakap sa katawan ng babaeng hindi naman niya asawa. "Ang magkaibigan ba ay pwedeng matulog ng magkatabi tapos parehong hubad?" tanong ko. Hindi ko na hinintay ang sagot niya. "Ang magkaibigan ba ay pwedeng maghalikan sa isang parking lot ng isang hotel? Ang magkaibigan ba ay pwedeng pumasok sa isang kuwarto ng magkasama at lumabas pagkaraan ng tatlong oras na parehong magulo ang buhok at damit?" "Dad, believe me,"
Kabanata 9 Samantha's Point of View Pinapapasok niya ang kaniyang pinatigas na dila kasabay ng dalawang daliri niya. Pasok ang dila. Pasok ang mga daliri. Sabay. Sabay. Hindi na ako makahinga nang maayos. “Oh my God,” bulong ko. Napapikit ako. “Gab, ang sarap. Sobrang sarap.” Napakapit ako sa bu
Kabanata 4 Samantha’s Point of View Magdamag akong hindi makatulog kasi hindi rin umalis si Daddy Gab sa bahay. Sa guest room ko siya pinatulog dahil baka bigla na naman umuwi si Joshua. Nag-vibrate ang cellphone ko at agad nakita sa Messenger ang pangalan ng kaibigan kong Obstetrician-Gynecolog
Kabanata 2 Samantha’s Point of View Paulit-ulit akong napapalunok. Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Tatakbo ba ako o tatawagan si Joshua. Pero nang nakita ko ang mukha niyang puno ng pagnanasa habang nakatingin sa akin, para akong natunaw. Kailanman ay hindi ako tiningnan ni Joshua ng ganoon. H
Kabanata 1 Samantha’s Point of View “Gagabihin ako sa pag-uwi mamaya. Sobrang daming kailangan tapusin sa kompanya. Huwag mo na akong hintayin,” sabi ng asawa kong si Joshua pagkatapos niyang ubusin ang pagkain niya. Hindi man lang niya ako tiningnan sa mata. Busy siya sa pagtingin sa cellphone ni







