Share

CHAPTER FIFTY FOUR

Author: Alena
MINANEHO ni Frank ang sasakyan habang papunta sila sa isang lugar. Nandoon ang kilalang doctor, sa loob ng isang clinic pagdating pa lang nila ay sumalubong na sa kanila ang mahabang pila ng mga pasyente. Napatingin si Frank sa pila at agad na nag-alala.

“Baka hindi kayanin ng paa mo tumayo ng matagal… I’ll line up for you. Kapag turn mo na, I’ll call you. Stay ka muna sa car.”

Nahihiya si Kate. “No, okay lang. Bababa na lang ako—”

“No need. I’ll do it.” Ipinark niya ang sasakyan sa gilid, saka
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • A Crippled Wife in a Cold Marriage   CHAPTER 196

    HINDI binitiwan ni Vincent si Kate hanggang makarating sila sa parking lot. Maingat niya itong pinasakay sa sasakyan. Pagkatapos ay umikot siya at naupo sa driver's seat. Ngunit nang maisara niya ang pinto, agad na nagbago ang hangin sa loob ng kotse.Parang may unos na biglang namuo.“At ikaw!” biglang sabi ni Vincent.Napakurap si Kate. “Ano na naman?”“Napakalaki ng lakas ng loob mo!” inis na wika sa kanya ni Vincent.Tuluyan siyang naguluhan. Hindi niya maintindihan kung bakit bigla na lamang itong nagalit. Napansin marahil ni Vincent ang pagtataka niya kaya napabuntong-hininga ito. Huminga muna nang malalim bago nagsalita.“Sabihin mo nga sa akin, paano mo nalaman ang ginagawa ni Benjie?”Hindi naman maaaring banggitin ni Kate ang boyfriend ni Vivian na tumulong sa kanya kaya nagkibit-balikat siya.“Kapatid ko siya. Kilala ko ang ugali niya. Hindi ko naman alam ang lahat. May mga hinala lang ako kaya pumunta ako roon para takutin siya at paaminin.”Napatawa si Vincent. Ngunit hind

  • A Crippled Wife in a Cold Marriage   CHAPTER 195

    SA harap ng napakabigat na pagpipiliang iyon, unang beses na nakita ni Kate na nag-alangan ang ama. Samantala, si Benjie ay halos mawalan na ng ulirat sa takot.“Pa! Pa!” umiiyak nitong sigaw habang nakaluhod sa sahig. “Hindi mo pwedeng pabayaan ako! Ayokong makulong! Pa, iligtas mo ako!”Napatingin si Oscar kay Kate at pagkatapos ay kay Vincent. Puno ng pag-aalinlangan ang mukha nito. “Anak...” mahina nitong sabi, “mas mabuti pang sa ate at bayaw mo ikaw makiusap. Ano bang magagawa ko? Wala naman akong pera at wala rin akong kapangyarihan. Bakit ako ang pinipilit mo?”Si Benjie ang paboritong anak ni Pina. Kaya nang marinig nito ang sinabi ng asawa, agad itong nagliyab sa galit.“Kung pipirmahan mo lang ang waiver, tapos na sana ang problema!”Napangiwi si Oscar dahil sa narinig. “Eh hindi nga ako kusang pumapayag! Paano mo sasabihing voluntary iyon kung pinipilit ako?”“Anak mo siya!” sigaw ni Pina. “Pababayaan mo siyang makulong?”Biglang nag-iba ang ekspresyon ni Oscar. Sanay itong

  • A Crippled Wife in a Cold Marriage   CHAPTER 194

    PAGLINGON ni Kate ay agad niyang nakita si Vincent. Hindi niya inaasahang darating ito. At lalo niyang hindi inaasahang hindi ito nag-iisa. Kasunod nito ang personal nitong driver at ilang matitipunong lalaking nakasuot ng itim na suit. Matatangkad. Matitigas ang mukha. At mukhang mga taong hindi dapat kinakalaban.Sa gitna ng grupong iyon ay ang mga magulang niya. Parehong nakayuko. Parehong maputla. Parang mga bilanggong hinihintay ang kanilang sentensiya. Napakaseryoso ng mukha ni Vincent. Sa loob ng limang taon, ang Vincent na nakilala ng pamilya ni Kate ay isang magalang, mapagbigay, at mabait na manugang.Palaging nakangiti. Palaging handang tumulong. Palaging nagbibigay ng pera at pabor.= Dahil masyado siyang naging mabait sa kanila, unti-unti nilang nakalimutang isipin kung paano niya nagawang maging isa sa pinakamatagumpay na negosyante sa murang edad. Nakalimutan nilang hindi mabubuhay ang isang tao sa mabangis na mundo ng negosyo kung puro kabaitan lamang ang taglay nito.Ng

  • A Crippled Wife in a Cold Marriage   CHAPTER 193

    NAPANGITI si Kate at bahagyang natawa.“Si Vincent ba ang nagsabi sayo niyan?” tanong niya habang nakatingin ng diretso kay Aira.Nagkibit-balikat si Aira at ngumuso.“Hindi na kailangan pang sabihin ni Mr. Fuentebella. Alam naman ng lahat ang totoo. Kahit saan ka magtanong, alam ng mga tao na hindi ka niya mahal. Mas mahalaga pa nga ang first love niya kaysa sa asawa niya. Tingnan mo na lang kung paano niya tratuhin si Mitch. Para siyang prinsesa. Nakakainggit nga, eh.”Mas lumalim ang ngiti ni Kate. Ngunit ang ngiting iyon ay puno ng panunuya.“Talaga bang naiinggit ka?”Bahagyang natigilan si Aira.“Oo... sino ba namang hindi maiinggit?”“Kung ganoon, pwede mo namang subukan.”Napatigil si Aira.. “Ano'ng susubukan ko?”“Subukan mong tingnan kung kaya ka ring gawing prinsesa ni Vincent.”Agad na namula ang mukha nito sa pagkapahiya.“Kate! Ano bang pinagsasasabi mo?” Galit na galit namang tumayo si Benjie. “Kate! Pwede bang ayusin mo ang bibig mo?”“Ako?” taas-kilay na sagot ni Kate.

  • A Crippled Wife in a Cold Marriage   CHAPTER 192

    BIGLANG hinila ng nobya ni Benjie ang manggas nito bilang paalala na maghinay-hinay. Napigil naman ni Benjie ang sarili at pilit na ngumiti.“Ate, umupo ka.”Ngunit hindi umupo si Kate. Nanatili siyang nakatayo. Gusto niyang makita kung hanggang saan aabot ang kapal ng mukha ng mga ito.“Ate,” sabi ni Benjie habang inaakbayan ang nobya nito, “first time mong makilala ng pormal si Aira, di ba?”Pagkatapos ay buong pagmamalaking ipinakilala ang babae.“Ito ang ate kong asawa ng isang CEO. At ito naman ang girlfriend ko, si Aira.”Ngumiti si Aira sa kanya. “Hello po, Ate.”Ngunit habang bumabati ito, hindi maalis ang tingin nito sa handbag, sapatos, alahas at damit ni Kate. Mula ulo hanggang paa ay para bang kinakalkula nito ang presyo ng bawat suot niya. Hindi naman tanga si Kate. Limang taon siyang namuhay sa mundo ng mayayaman. Alam na alam niya ang kahulugan ng ganoong tingin. Kasakiman. Pagnanasa at inggit.“Ate,” nakangiting sabi ni Aira, “designer brand ba ang bag ninyo? Ang ganda

  • A Crippled Wife in a Cold Marriage   CHAPTER 191

    MABILIS na umiling si Vivian.“Paano naman mangyayari iyon? Friends tayo, di ba? At saka, may pakinabang din naman kami rito...”Hindi na niya natapos ang sasabihin. Alam na ni Kate ang ibig niyang tukuyin. Malaki ang ibinayad niya kina Vivian at sa nobyo nito bilang kabayaran sa pagtulong sa kanya. Bukod pa roon, nagkaroon din ng magandang opportunity sa trabaho ang boyfriend ni Vivian dahil sa tulong niya. Kaya hindi naman talaga ito simpleng pabor lamang.Ngunit ngumiti si Kate at marahang pinutol ang usapan. “Huwag na nating pag-usapan iyon. Nagkakilala tayo, naging magkaibigan tayo, at para sa akin sapat na iyon. Minsan sa buhay, ang pagkikita ng dalawang tao ay hindi basta nagkataon lang. Tadhana rin siguro iyon.”Napangiti si Vivian. “Don't worry. Dito muna ako sa hotel kasama si Lola sa mga susunod na araw. Nabili ko na rin ang plane ticket niya. Kapag oras na para umalis kayo, pumunta ka na lang dito at sabay nating aasikasuhin ang lahat.”Tumango si Kate. “Salamat.”Pagkatapo

  • A Crippled Wife in a Cold Marriage   CHAPTER EIGHTY FOUR

    HINDI maintindihan ni Kate. Ganito ba talaga ang mundo? Bakit ang mga estranghero sa labas ay walang masamang tingin sa kanya pero ang mga tao sa paligid ni Vincent, tila lahat ay may galit sa kanya?Tiningnan niya ang receptionist at mahinahong nagsalita, “Miss, mas mabuti sigurong i-check mo muna

  • A Crippled Wife in a Cold Marriage   CHAPTER EIGHTY THREE

    Day 18—dumating ang passport niya.Day 16—nakaschedule na ang visa interview.Napakabilis ng panahon. Sa araw ng visa interview, maaga siyang nagising.Pero mas maaga si Vincent. Hindi niya alam kung anong ginagawa nito sa loob ng kwarto. Ilang sandali lang ay umalis na ito. Pagkaalis ni Vincent,

  • A Crippled Wife in a Cold Marriage   CHAPTER EIGHTY TWO

    Marahil kung doon na lang natapos ang lahat ang gabing iyon sa ilalim ng puno ay mananatili sana itong isang hindi kumukupas na alaala ng kabataan. Hindi tulad ngayon, na matapos ang limang taon ng kasal, ang matagal niyang tinagong pag-ibig ay tila napudpod na hanggang sa wala ng matira kundi bakas

  • A Crippled Wife in a Cold Marriage   CHAPTER EIGHTY

    KAHIT hindi man tuluyang gumaling ang paa niya, iniisip ni Kate na kung ang proseso ng pagpapagamot niya ay magiging isang case study, isang karanasan para sa doktor ay okay na rin iyon.At totoo nga na kapag may pag-asa na ang buhay, nagiging mas mapayapa ang isang tao.Pagkatapos ng therapy sessio

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status