Share

CHAPTER FIVE

Author: Alena
PAGKATAPOS ng gabing iyon, muli ni Kate pinulot ang mga libro. Noong una, hindi siya nag-isip ng malalim. Ang gusto lang niya ay bigyan ng kahit konting kulay ang maputla at tahimik niyang buhay, isang lihim na sandalan, isang bagay na pagkakaabalahan. Dahil kapag may ginagawa siya, hindi niya masyadong maiisip ang mga salitang paulit-ulit na sumasakit sa dibdib niya.

Sino ang mag-aakalang ang mga munting bagay na iyon na para lang sa kanya ay siya ring magiging kaligtasan niya balang araw?

Bukas, kailangan niyang mag-exam nang maayos. Kailangan niyang umalis dito at lumayo. Mas malayo, mas mabuti.

Sa pag-iisip na iyon, sumakit muli ang puso niya. Sobrang sakit pa rin.

Hindi na nga niya matukoy kung ang sakit ba ay dahil kay Vincent, o dahil sa limang taong maling pagmamahal na ibinigay niya.

Pero hindi na iyon mahalaga.

Ang mahalaga, hindi na niya hahayaang malunod muli ang sarili niya sa sakit na ito.

Kahit pa matagal bago tuluyang mawala ang sakit, pipiliin niyang iligtas ang sarili niya sa pagkakataong ito.

Nag-order siya ng pagkain, isang simpleng hapunan at ilang pirasong disposable na damit. Tinawagan niya ang front desk at humiling ng wake-up call kinabukasan.

Pagkatapos, pinilit niyang matulog. Marahil dahil hindi siya nakatulog buong magdamag noong nakaraang gabi, nakatulog siya nang maayos sa gabing iyon.

Kinabukasan, eksaktong oras siyang nagising. Binuksan niya ang cellphone.

Sunod-sunod ang notifications.

Paulit-ulit ang vibration ng phone.

Lahat ng mensahe ay mula sa iisang tao lamang.

Kay Vincent..

Hindi niya binasa ang kahit isa. Ayaw niyang maapektuhan ang exam niya. Kumain siya ng kaunting almusal sa hotel.

Handa na ang lahat. Lumabas siya ng hotel at nagtungo sa exam venue.

Malapit lang ang hotel kung saan siya kukuha ng exam, limang minutong lakad lang sana. Ngunit kakalabas pa lang niya ng hotel, biglang nag-vibrate ang cellphone sa kamay niya.

Incoming call. Vincent.

Kinabahan siya. Halos mahulog ang cellphone niya sa gulat. Mabilis niyang ni-reject ang tawag at agad na pinatay ulit ang phone. Paglabas niya ng exam venue, malakas pa rin ang tibok ng puso niya.

Pero sa pagkakataong ito ay dahil sa saya.

Pakiramdam niya, maayos ang naging exam niya.

Ngumiti ang speaking examiner habang kausap siya. Halos malinaw ang lahat ng narinig niya sa listening. Natapos niya nang maayos ang exam. Hindi niya alam kung ilang puntos ang makukuha niya.

Pero sigurado siya sa isang bagay..

Natapos niya ang lahat. Hindi siya walang silbi. Hindi siya inutil.

Mag-isa siyang naglalakad sa sidewalk, nakayuko, paulit-ulit na nire-review sa isip ang bawat detalye ng exam hanggang sa biglang may humarang sa kanyang daraanan.

Isang pares ng itim na leather shoes. Hindi niya inasahan na may sadyang tatayo sa gitna ng daan, kaya hindi na siya nakapreno. Diretso siyang bumangga.

Kung hindi siya nasalo ng taong iyon, tiyak na matutumba siya. At ang taong humawak sa kanya—Ay ang huling taong gusto niyang makita.

Vincent.

“Kate!”

Kita sa mukha niya ang galit. Ngunit pilit niya iyong kinokontrol.

“Kate, bakit hindi ka umuwi?” Hinawakan niya ang balikat nito, ibinaba ang boses at katulad ng dati. “Talk to me. Why didn’t you come home?”

Sa isip ni Kate..Bakit hindi umuwi? Hindi mo ba alam ang sagot? Pero wala siyang oras para makipagtalo.

Nahulog ang bag niya at dahil bukas ang zipper may bahagyang sumilip ang ang dala niyang papel. Hindi niya pwedeng ipaalam kay Vincent na nag-exam siya.

Mabilis niyang inalis ang kamay nito, lumuhod, at isiniksik pabalik ang ballpen sa bag. Isinara niya agad ang zipper.

“Anong ’yon?” tanong ni Vincent, nakatingin sa bag.

“Nothing. Pen lang,” sagot niya, pilit na kalmado. Namuti ang mga daliri niya sa higpit ng pagkakahawak sa bag.

“Give it to me.”

Hindi pwede. Mas lalo niyang niyakap ang bag.

“Para saan at kailangan ng pen?” tanong pa nito kaya napakunot noo siya. Bawal ba siyang magdala ng bullpen? “Then give me your phone.”

Sandaling nag-atubili si Kate bago niya inilabas ang cellphone at iniabot. Naka-off ito. Isang tingin lang ibinalik ni Vincent ang phone sa kanga..

“I called you so many times. I sent so many messages. Why didn’t you reply? Galit ka pa rin ba?” bulalas nitom

Mahigpit niyang hawak ang phone. Ang kaba niya ay ganoon nalang. Sa isip niya ay todo pasasalamat niya dahil kung nagkataon makikita nito ang ginawa niya. Kung iyon lang naman ang tanong…Ayaw na niyang magalit. Gusto na lang niyang lumayo. At sa muling pagkakita niya kay Vincent, mas lalo pang tumibay ang desisyong iyon.

Nang hindi siya sumagot, napabuntong-hininga ito.

“Kate, you’re usually so understanding. Why this time, over such a small thing, hindi ka na umuwi?”

Hindi niya gustong magalit pero sa salitang iyon, kahit santo ay mapipikon.

“So kasalanan ko pa rin?” nanginginig niyang tanong. “Hindi ako understanding? Dapat ba pumasok ako kahapon at purihin si Mitch? ‘Wow, ang galing mo, ang galing mong manggaya?’”

Bahagyang nanigas ang mukha ni Vincent.

“That’s not what I meant. I just mean, people will talk, you can’t control them—”

“Hindi ko kontrolado, pero ikaw kontrolado mo!” putol niya sa sinabi nito..“Pero anong ginawa mo kahapon? Ikaw at ang Mitch mo ay magkayakap, nagtatawanan!”

“Kate!”

Nagbago ang mukha ni Vincent. May galit at unang beses at nasigawan siya.

Naunawaan niya.

Ang pangalang Mitch, iyon ang bawal banggitin. Ang hindi pwedeng galawin.

Wala nang kailangan sabihin pa. Bitbit ang bag, nilagpasan niya ito. Ngunit biglang umabot ang braso ni Vincent at niyakap siya sa baywang.

“Sorry, Kate,” mahinang sabi nito. “I shouldn’t have raised my voice. I just don’t want you to misunderstand Mitch. We’re just friends. Like brothers. She’s not married yet. What you said, it’s not fair to her.”

Hindi maintindihan ni Kate.

Kung wala namang mali bakit todo depensa ito?

Ngunit tahimik lang siyang sumagot,

“Oh.”

“Kate…” ramdam ni Vincent ang lamig niya. “Bakit galit ka pa rin? Ikaw na nga ang umalis, nag-hotel, hindi umuwi, wala naman akong sinabi. Tapos ikaw pa rin ang galit?”

Oo. Siya na naman ang mali.

“Let’s eat lunch first, okay? Then I’ll accompany you shopping.”

Nag-isip sandali si Kate.

Sige. May sasabihin siya.

Pumasok sila sa isang restaurant.

Noong una, gaya ng nakasanayan, muntik na niyang itago ang sarili, ibaba ang ulo, itaas ang kwelyo, magtago sa likod ni Vincent para hindi halata ang pilay niya.

Ngunit bigla siyang napangiti. Hindi na mahalaga. Hindi na rin naman sila magtatagal.

Umupo sila. Nag-order si Vincent ng kakainin nila.

Pagdating ng pagkain, iniabot nito ang kutsara. “Kate, eat. All your favorites.”

Tiningnan niya ang mga ulam.

Lahat ay maanghang. Mapait siyang napangiti. Hindi niya alam na hindi siya pwedeng kumain ng maanghang.

Ang mga ulam sa bahay ay laging may sili dahil iyon ang gusto nito.

“Vincent,” mahina niyang sabi. “I’m not hungry. I need to talk to you.”

“Ano ’yon?” bahagyang ngumiti ito.

“Where do you want to go? I’ll accompany you. I’m free all day. Afternoon, we can go out. Tonight, let’s visit our parents.”

Tinitigan ni Kate ang munting ngiting iyon halos hindi niya makita.

At habang iniisip niya ang mga salitang sasabihin niya. Sumikip ang dibdib niya sa sakit.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Sally Tumasis
Ah story ni Noa at Agatha. Na hangang ngaun ay hnd parent tapos.
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • A Crippled Wife in a Cold Marriage   CHAPTER 200

    “Hindi kasi makatingin si Mitch sayo dahil masyado kang mataray…”Hindi na natapos ni Vincent ang sasabihin niya dahil eksaktong dumating ang taxi. Wala nang balak si Kate na makinig pa. Sumakay siya at mariing isinara ang pinto.Mataray? Napatawa siya nang mapait habang nakaupo sa likuran ng sasakyan. Napakaironic naman. Ang babaeng minsang nagtangkang sunugin siya nang buhay ay inosente at kaawa-awa sa paningin ni Vincent.Samantalang siya, na siyang tunay na biktima, ay siya pa ang masama.Siya pa ang mataray. Napahawak siya sa dibdib. Mabuti na lamang at malapit na siyang makaalis. Malapit na siyang makawala sa dalawang taong ito. At higit sa lahat, may bago pang buhay na naghihintay sa kanya. Kung hindi dahil doon, baka matagal na siyang nalunod sa sama ng loob at naging isang taong puro hinanakit na lamang ang laman ng puso.Pagkauwi niya ay agad siyang naligo, kumain ng kaunti, at pagkatapos ay tumawag sa kanyang lola sa pamamagitan ng video call.Hindi siya pwedeng madalas pumu

  • A Crippled Wife in a Cold Marriage   CHAPTER 199

    PAGKABABA ni Kate mula sa sasakyan, kasabay ng pagdampi ng mga paa niya sa lupa ay may narinig siyang pamilyar na boses.“Vincent——”Napapikit siya ng bahagya. Si Mitch na naman. Parang saan man siya magpunta, laging may Mitch na biglang sumusulpot. Nagulat din si Vincent nang makita ito.“Bakit nandito ka?”Masayang ngumiti si Mitch at agad na lumapit sa kanya.“Hindi ba sabi mo bibilhan mo ako ng milk tea? Mula sa pinanggalingan mo hanggang sa lugar kung saan mo ako susunduin, dito lang sa mall na ito may branch ng gusto kong milk tea kaya naisip kong dito na lang kita hintayin. I wanted to see you earlier.”May halong lambing at kilig ang boses nito habang nakatingin kay Vincent. Samantala, si Kate ay tahimik lamang na nakatayo sa gilid ng kalsada. Nakabook na siya ng masasakyan at apat na minuto na lang ang hihintayin niya.Nang mapansin siya ni Mitch, agad itong nagkunwaring nagulat. “Ay! Kate, nandito ka pala? I didn't know.”“Mmmm,” simpleng sagot ni Kate. “May inayos lang kami.

  • A Crippled Wife in a Cold Marriage   CHAPTER 198

    AT parang sinadya ng tadhana. Sa mismong sandaling sumagi sa isip ni Kate ang pangalan ni Mitch, tumunog ang telepono ni Vincent. Pagkasagot pa lamang ng tawag ay narinig agad niya ang matamis at malambing na boses mula sa kabilang linya.“Vincent...”Napapikit si Kate. Si Mitch ang nasa kabilang linya.. Sino pa nga ba? Mabilis na nagsuot ng Bluetooth headset si Vincent. At agad na lumambot ang boses nito.“Hey.” Napakalambing ng boses nito kay Mitch. Napakaamo. Parang bawat salita ay may kasamang pag-aalaga. Hindi man marinig ni Kate ang kabilang panig ng usapan, sapat na ang mga sagot ni Vincent upang maintindihan ang nangyayari.“Okay, susunduin kita. Hintayin mo ako diyan, okay?.”“Mmmm.”“Gusto mo bang dalhan kita ng milk tea?”“Sige, bibilhan kita.”Mapait na napangiti si Kate.Alam na alam na niya ang susunod. Kaya bago pa man ito makapagsalita, siya na mismo ang nagbukas ng pinto at bumaba ng sasakyan.“Kate!”Agad ding bumaba si Vincent at mabilis siyang hinarangan. Napatingi

  • A Crippled Wife in a Cold Marriage   CHAPTER 197

    “Kapatid mo pa rin siya.” Maikli ngunit mabigat ang sagot ni Vincent habang mas diniinan niya ang silinyador at pinabilis ang takbo ng sasakyan.Napatingin si Kate sa kanya. May gusto sana siyang sabihin. Pero hindi naman siya maaasahang tao. Hanggang doon lang iyon sa isip niya.Hindi na niya itinuloy. Wala nang saysay.Sa loob ng limang taon, paulit-ulit nang ipinakita ng pamilya niya kay Vincent kung gaano sila kagulo, kasakim, at kahirap pagkatiwalaan. Hindi mabilang na beses na niyang pinayuhan si Vincent na huwag nang tulungan ang pamilya niya, huwag nang bigyan ng pera, at huwag nang pagbigyan sa lahat ng gusto nila.Ngunit iisa lang palagi ang sagot nito. “Pamilya mo pa rin sila.”Noong mga panahong iyon, iniisip ni Kate na mahaba pa ang hinaharap nilang mag-asawa. Akala niya, unti-unti ring maaayos ang lahat sa paglipas ng panahon. Hindi niya inasahan na ang pagbabalik ni Mitch ang magsisilbing mitsa ng lahat ng matagal nang nakatagong problema.Sa isang banda, mabuti na rin s

  • A Crippled Wife in a Cold Marriage   CHAPTER 196

    HINDI binitiwan ni Vincent si Kate hanggang makarating sila sa parking lot. Maingat niya itong pinasakay sa sasakyan. Pagkatapos ay umikot siya at naupo sa driver's seat. Ngunit nang maisara niya ang pinto, agad na nagbago ang hangin sa loob ng kotse.Parang may unos na biglang namuo.“At ikaw!” biglang sabi ni Vincent.Napakurap si Kate. “Ano na naman?”“Napakalaki ng lakas ng loob mo!” inis na wika sa kanya ni Vincent.Tuluyan siyang naguluhan. Hindi niya maintindihan kung bakit bigla na lamang itong nagalit. Napansin marahil ni Vincent ang pagtataka niya kaya napabuntong-hininga ito. Huminga muna nang malalim bago nagsalita.“Sabihin mo nga sa akin, paano mo nalaman ang ginagawa ni Benjie?”Hindi naman maaaring banggitin ni Kate ang boyfriend ni Vivian na tumulong sa kanya kaya nagkibit-balikat siya.“Kapatid ko siya. Kilala ko ang ugali niya. Hindi ko naman alam ang lahat. May mga hinala lang ako kaya pumunta ako roon para takutin siya at paaminin.”Napatawa si Vincent. Ngunit hind

  • A Crippled Wife in a Cold Marriage   CHAPTER 195

    SA harap ng napakabigat na pagpipiliang iyon, unang beses na nakita ni Kate na nag-alangan ang ama. Samantala, si Benjie ay halos mawalan na ng ulirat sa takot.“Pa! Pa!” umiiyak nitong sigaw habang nakaluhod sa sahig. “Hindi mo pwedeng pabayaan ako! Ayokong makulong! Pa, iligtas mo ako!”Napatingin si Oscar kay Kate at pagkatapos ay kay Vincent. Puno ng pag-aalinlangan ang mukha nito. “Anak...” mahina nitong sabi, “mas mabuti pang sa ate at bayaw mo ikaw makiusap. Ano bang magagawa ko? Wala naman akong pera at wala rin akong kapangyarihan. Bakit ako ang pinipilit mo?”Si Benjie ang paboritong anak ni Pina. Kaya nang marinig nito ang sinabi ng asawa, agad itong nagliyab sa galit.“Kung pipirmahan mo lang ang waiver, tapos na sana ang problema!”Napangiwi si Oscar dahil sa narinig. “Eh hindi nga ako kusang pumapayag! Paano mo sasabihing voluntary iyon kung pinipilit ako?”“Anak mo siya!” sigaw ni Pina. “Pababayaan mo siyang makulong?”Biglang nag-iba ang ekspresyon ni Oscar. Sanay itong

  • A Crippled Wife in a Cold Marriage   CHAPTER SIXTY

    “Kate!” tawag ni Vincent. Huminto si Kate.Ang babaeng kasama niya ay hindi kilala sina Vincent, kaya nagtanong ito, “Ate, friend mo ba sila?” Tumingin si Kate kay Vincent at bahagyang natawa ng malamig.“Hindi kami close,” deny niya.Gaya ng gusto ninyo… lalayo ako sa inyo. Hindi ko sisirain ang m

  • A Crippled Wife in a Cold Marriage   CHAPTER FIFTY NINE

    Mukhang galit na galit si Norman kay Kate. Noon ay galit siya dahil hindi si Kate ang karapat-dapat para kay Vincent. Ngayon ay mas may dahilan na.Dahil nasira ang project ni Vincent sa isang businessman dahil kay Kate.Napaisip si Kate, bakit sa kanya sinisisi? Siya ba ang nag-utos na magpanggap s

  • A Crippled Wife in a Cold Marriage   CHAPTER FIFTY FIVE

    ANG taong naglalakad mula sa kabilang dulo ng hallway, kung hindi si Vincent, sino pa?“What happened?” tinig iyon ni Vincent…Mabilis siyang lumapit kay Mitch, puno ng tunay na pag-aalala ang mga mata, ni hindi man lang niya napansin ang ibang tao sa paligid.Nagpabebe si Mitch, bahagyang ngumuso.

  • A Crippled Wife in a Cold Marriage   CHAPTER FIFTY FOUR

    MINANEHO ni Frank ang sasakyan habang papunta sila sa isang lugar. Nandoon ang kilalang doctor, sa loob ng isang clinic pagdating pa lang nila ay sumalubong na sa kanila ang mahabang pila ng mga pasyente. Napatingin si Frank sa pila at agad na nag-alala.“Baka hindi kayanin ng paa mo tumayo ng matag

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status