MasukPauwi na sana sina Jenyfer Caluttong sa bahay nila para sana mag-celebrate ng katatapos na graduation ng kapatid niya, nang bigla na lang harangin ang sinasakyan nila at sapilitan sila tinangay ng mga armado lalaki. Pagdating nila sa malaking bahay na pinagdalhan sa kanila. Doon lumabas ang tinatawag na boss ng mga armadong dumukot sa kanila. Sobrang gulat ni Jenyfer dahil ito ang lalaking may tama ng bala sa tagiliran na humingi ng tulong sa kaniya. Nagpakilala itong si Rhys Zhumalde. Mala-model sana ang ka-guwapuhan at umiigting din ang panga sa sobrang seryoso nito at sa tuwing tumititig sa kaniya ay tila may panganib na dala ang mata nito. Pakakawalan lang daw pamilya niya sa isang kondisyon. Magpapakasal siya rito. Labis ang galit ni Jenyfer nang marinig niya iyon kay Rhys Zumalde. Ngunit wala siyang choice kahit na ang tingin niya ay mapanganib ang magpakasal dito. “As long as you fulfill our deal to release my family, I'm willing to marry you even though it's dangerous to be your wife,”—Jenyfer Callutong.
Lihat lebih banyakJenyfer
Saglit akong huminto sa pagsusuklay ko sa mahaba kong buhok ng mayroon akong maulinigan na mahinang kaluskos sa labas ng pinto sa bahay namin. Ano iyon? Bulong ko pagkatapos kumunot ang noo ko at pinakinggan muna kung sa labas nga ba talaga ng bahay namin ang narinig na ingay. Nakabihis na ako dahil papasok na ako sa trabaho. Mayroon nga talaga kaluskos dahil narinig ko ulit. Ano nga kaya iyon? Ako lang mag-isa ngayon sa bahay. Dahil nasa Daong, sina Nanay at Tatay. Isinama ang dalawa kong kapatid dahil birthday ng lola ko ngayon dumalaw na rin sila. Kagabi pa sila umalis kasi may pasok pa sa school ang dalawa kong kapatid kaya alas-sais ng gabi nakaalis sina Nanay. Kasama dapat ako, kaya lang hindi ako pinayagan ng amo ko dahil sabay sa day-off ng kasamahan ko sa trabaho. Nauna kasi iyon magpaalam kaysa akin kaya hindi ako pinayagan ng amo ko. Sa palengke ako namamasukan bilang tindera ng mga gulay. Hindi kasi ako nakapag-college natapos ko naman ang senior high pagkatapos nagtrabaho na ako. Isa pa ang hirap din kasi ng buhay namin dahil tricycle driver lang si Tatay, kinakapos sa budget. Tapos may dalawa pa akong kapatid na kasabay nag-aaral. Nagpaubaya ako sa kanila. Sa edad kong twenty one apat na taon na ako sa trabaho ko. Ang sumunod sa ‘kin grade eleven na at ang bunso ay grade seven. Lahat kami babae. Malapit lang din kasi sa bahay ang palengke walking distance lang kaya hindi na ako naghanap ng ibang trabaho nang matanggap ako sa pinapasukan ko ngayon. Isa pa mabait din naman ang amo ko. Hindi nga lang minimum ang sahod ko kasi five hundred pesos lang araw ko. Pero hanggang alas-diyes lang naman ng umaga ang pasok ko. Iyon nga lang maaga ang pasok. Alas-kwatro ng madaling araw ang pasok ko, iyon kasi ang bukas ng tindahan. Dahil sa mga maaga namamalenke. Nagitla ako ng parang mayroon natumba. Napalunok ako baka may nag-aamok sa labas kasi parang mayroon bumagsak. “S-sino ‘yan!” kabado ako ngunit nilakasan ko ang boses ko. Walang tugon inulit ko. “Sino sabi iyan?!” wala pa rin. Kapag hindi naman ako lumabas. Late sa trabaho ang aabutin ko. Thirty minutes na lang bago alas-kwatro maglalakad pa ako. Baka naman asong ligaw lang kasi nawala naman din pagkatapos kong tanungin kung sino siya. Huminga ako ng malalim. Pisti kahit kinukumbinsi ko ang sarili ko na ‘wag akong matakot pero sa dibdib ko. Damn! Natatakot ako. Wala pa naman sina Tatay ngayon kung sakaling may naligaw na masamang tao. Kilala ko lahat ang kapitbahay namin. Walang gagalaw sa ‘kin dahil mababait mga tagarito. Minsan lang talaga mayroon naliligaw na hindi tagarito sa looban kasi malapit sa palengke. Kapag minsan may mga h*******k na mga snatcher. Dito ang takbuhan. Pero kung tagarito lang sa ‘min mababait lahat. Naku po ‘wag naman sana mayroon ulit naligaw kung kailan ako lang sa bahay at papasok ako sa trabaho. Kapag naririto si Tatay. Hinahatid niya ako sa palengke kapag papasok ako ng umaga. Ngayon ay ako lang mag-isa lakasan lang ng loob. Sana talaga ay pusa lang ng kapitbahay ang naligaw. Gosh ayaw ko pang ma-deads ng maaga. Ang bata ko pa at hindi pa ako nagkakaroon ng jowa. Ayaw ko pa hindi pa ako nakatikim ng first kiss baka hindi ako tanggapin sa langit. “Ano iyon?!” nanlaki ang mata ko ng tila mayroong napaigik. Dumaing sa sakit? Pumikit ako pagkatapos ay hinawakan ko ang doorknob namin. Halos hindi ako huminga habang dahan-dahan kong hinihila ang pinto para buksan. May tao? “Sino ka?!” galit kong tanong sa kaniya ngunit hindi ako pinansin. Nakahawak lang ito sa banda tiyan n'ya at nakaupo siya sa gilid ng pinto habang nakasandal. Ewan ko kung nakapikit ito dahil nakatalikod naman siya at medyo madilim din ang bahagi ng pinto namin hindi gaanong naiilawan ng ilaw sa poste. Pero mayroon kaming ilaw sa labas. Pinapatay lang kung tulog na kami kagaya ngayon. Bubuksan lang kung lalabas ako para pumasok sa trabaho. “Sino sabi?!” Doon ito nag-angat ng tingin. Napunta Ang atensyon ko sa kamay n'yang nakahawak sa tagiliran. Akala ko sa baywang sa tagiliran pala ito nakahawak. Nanlaki ang aking mata ng mapansin kong parang duguan. Kahit hindi ganoon kaliwanag. Halata siyang duguan. “Please help me,” bulong nito habang mabigat ang paghinga. Natigilan ako dahil mag-isa lang ako sa bahay. Paano kung umaarte lang ang lalaki pagkatapos ay gagawa ng kalokohan ako lang tao sa bahay. Napasinghap ako sabay niyakap ang sarili ko. “Tss. Miss, wala akong gagawin na masama sa ‘yo, hindi ako mamimilit ng babae kung iniisip mo na may balak akong pagsamanlahan ka!” “Aba malay ko ba! Mahirap na magtiwala ngayon baka modus ka. Nag-iingat lang ako—” “Fucking shiit! Pwede ba papasukin mo ako sa bahay mo kung ayaw mong pasabugin ko iyan!” mariin nitong sabi pagkatapos ay mayroon dinampot sa tabi nito. “B-baril? Teka lang naman manong. Maawa ka ‘wag mo akong babarilin please. Maawa ka hindi pa ako nakahahanap ng jowa—” “Damn!” may inis sa boses nito. Napalunok ako dahil kinasa n'ya ang hawak na baril. "Ehehe ito naman si Manong, masyadong manitin ulo. Ano po ba ang gagawin ko? Ibaba mo na iyan baka pumutok iyan ayaw ko pa mamatay.” “Hindi ito ang ipinuputok ko sa babae,” bulong nito ngunit malinaw ko iyon narinig. “Huh? Ano pala kung gano'n?” curious kong tanong sa kaniya. Nagtaka pa ako dahil mahina s'yang tumawa. Kaya sinamaan ko siya ng tingin dahil nainis ako. Siraulo ba ito? Nakakatawa ba ang sinabi ko? OA naman nito para iyon lang tinanong ko natawa na? “Ms? Papasukin mo ako o ipuputok ko ito sa iyo?” saad niya kaya tumingin ako sa hawak n'yang baril. Napa-overthink ako dahil nakalapag naman sa tabi niya pero hawak niya. “Miss?” “O-oo nga pasok na po,” nataranta kong sabi sabay umalis din ako sa pinto para makadaan siya.Pagkalipas ng isang taon.... Mabilis lang ang paglipas ng araw at buwan. Parang kailan lang nang una kong kargahin sa ospital si Rhett. Pero ngayon isang taon na siya at nagsisimula ng maglakad ang anak ko. Pagdilat ko ng mga mata ko agad kong napansin ang plantsa ng itim na polo at coat ko na nakasampay sa gilid ng kama. Nakaayos na rin ang relo tie clip at baril ko sa ibabaw ng mesa. Napangiti ako dahil nasanay na ang asawa ko sa paghawak ng baril. At marunong na siya ngayon bumaril dahil tinuruan ko. Para mayroon lang self-defense. Natawa pa ako noong una n'yang subok. Takot na takot ngunit nang matuto ito na mismo ang naghahanda ng baril ko. ‘Maaga na naman gumising ang asawa ko,’ bulong ko habang inaabot ang polo ko. Ganito siya palagi. Hindi niya hinahayaang mawalan ng init ang tahanan namin. Kahit sabi ko hindi naman nya ako kailangan asikasuhin dahil naiintindihan ko pagod na siya mag-alaga kay Rhett. Siya mismo ang naghahanda ng gamit ko at nag-aalaga sa anak namin
Rhys pov Natamaan ulit ako, sa hita ko naman kaya mabilis ang kilos namin. Alam ko na kung sinong nakatama sa akin. Si Uncle Timmy. “Tsk duwag ka talaga uncle. Para lang matalo mo ako nagtatago ka at saka mo ako binaril. Hindi na ako magtataka dahil ugali mo na iyan na traydor ka!” Mabilis kami lumapit sa kotse. Ngunit bago pa kami nakatungo sa pinto lumabas si Uncle pumalakpak. “Ngayon anong gagawin mo dalawa na lang ang tauhan mo?” wika nito ang saya ng pagmumukha. Ngunit hindi ako nagpadala sa takot. Dahil iniisip ko saan siya patatamaan para bulagta agad. Tawa nang tawa si Uncle dahil nahihirapan na akong kumilos. Ngumisi ako pagkatapos ay mabilis ko s'yang binaril sa dibdib niya sabay binuksan ko ang passenger seat at si Alfonso naman sa manibela dahil may tama si Sameguil. Mabilis na pinatakbo palabas ang kotse ko. Bulletproof itong kotse ko kaya hindi agad nila kami matatalo. Hindi pa kami nakalalayo may humahabol na sa amin na maraming sasakyan. Pinaulanan ng bal
Rhys pov Flashback “Boss! H'wag kang padalos-dalos ng pasya. Alalahanin mo nag-aalala si Ma'am Jenyfer kapag hindi ka agad nakauwi ngayon,” sabi ng dalawa sa unahan. “Saglit lang ako tatapusin ko lang ang inumpisahan ni Uncle Timmy,” “Paano kung pinaghandaan ka n'ya? Ayaw namin na mapahamak ka,” “Hindi iyan at hindi rin ako papayag,” mariin kong sabi kaya hindi na naka angal ang dalawa. “Sir Rhys, wala po ang mga amo rito. Nasa warehouse po sila,” sabi noong guard na duty pagtungo ko sa bahay ni Uncle Timmy. “Anong warehouse?” “Narinig ko po sa anak n'yang babae. Sa warehouse uno po.” Tumango ako pagkatapos hindi na kami tumuloy sa loob ng mansyon ni Uncle Timmy sumenyas ako kay Alfonso na diretso kami roon. Para sigurado ang lakad kong ito. Tinawagan ko muna si Uncle Timmy. Gusto ko matapos na ang kahibangan n'ya. Matira ang matibay gusto niya akong ipapatay ibibigay ko sa kaniya. Calling… Nagsalubong ang kilay ko nang mabilis nitong sagutin ang tawag ko. Pero
Rhys pov Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko habang nakaupo ako sa loob ng hospital room ni Jenyfer. Ayaw kong alisin kahit segundo ang tingin sa kanilang mag-ina. Tahimik ang buong paligid. Kami na lang dalawa mag-asawa kasi umuwi na ang Nanay at Tatay. Pero bukas, babalik sila ulit ng umaga. Nakatitig lang talaga ako kay Rhett Zhumalde. Yes, name ng anak namin ni Jenyfer. Si Rhett Zhumalde. Hanggang ngayon hindi pa rin nagsi-sink in sa akin na isa na akong ama. Napabuntong-hininga ako habang nakatingin kay Jenyfer na mahimbing nang natutulog. Halatang pagod na pagod siya matapos ang ilang oras sa delivery room. Pero kahit gano’n, sobrang ganda pa rin niya sa paningin ko. Parang ang hirap paniwalaan na ilang oras lang ang nakalipas, halos mabaliw ako sa kaba habang pinapanood siyang nahihirapan sa labor room. Pero ngay narito na ang anak namin at kasama siya. Dahan-dahan kong hinaplos ng isa kong daliri ang matangos na ilong ng anak ko. Nakapikit pa rin siya hangg












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Peringkat
Ulasan-ulasanLebih banyak