Share

Kabanata 2

Author: Cheng Xiaocheng
Sa kabilang palad, ang stepmother ni Cordy, si Sue Yorkman, ay nakita na ayaw magsalita ni Cordy. Mabilis na sinabi ni Sue kay Simon, “Simon, bata pa si Cordy. May mas maraming mahalagang bagay pa na dapat pag usapan.”

Hindi na nag aksaya ng boses si Simon kay Cordy at agad niyang sinabi, “Alam mo na siguro ngayon, pero si Noel ang mahal talaga ni Kyle, at nagkataon na naabala ang kasal. Kaya ibigay mo ang basbas mo sa kanila at iannounce mo ang annulment ng engagement mo kay Kyle.”

Tumawa si Cordy kahit na galit siya at tinanong niya si Simon, “Bakit?”

“Dahil mahal nila ang isa’t isa,” Sinabi ni Simon ng may pananalig. “Hinila mo na pababa ang pangalan ng pamilya natin noong nagkaroon ka ng anak habang hindi pa kasal! Alam ng lahat ng nasa North City ang tungkol dito, at sa tingin mo ba talaga na ang mga Jessop ay tatanggapin ang isang babae na may ganitong nakaraan? Binibigyan ka nila ng paraan para makalaya, kaya tanggapin mo ito!”

Ang nakaraan ni Cordy ay nangyari noong labing walong taong gulang sya.

Inuto ni Noel si Cordy na magpakita sa bar, kung saan pinainom siya ng gamot at gumising siya kasama ang isang lalaki na hindi niya kilala.

Sa sobrang balisa niya ay hindi man lang siya tumingin sa lalaki bago siya tumakbo, at bata pa siya para maintindihan ang tungkol sa contraceptives. Limang buwan na siyang buntis bago niya nalaman ang nangyayari, at nagpadala si Noel ng paparazzi kay Cordy noong sinubukan niyang mag pa abortion dahil sa sakit na nararamdaman niya.

Ito ang rason kung bakit si Cordy ay naging isang malaking katatawanan sa North City.

Lumala ang lahat noong sinabi ng doctor na hindi dapat siya magpa abort dahil sa kalusugan niya, at ito ang rason kung bakit isinilang niya ang bata. Sa huli, tinanggap niya na ito, ngunit namatay ang bata pagkasilang nito… Sa kanyang lungkot, noong kinakailangan niya ng suporta mula sa iba, pinadala siya ni Simon sa ibang bansa, naiwan siya ng mag isa ng wala man lang tumawag sa kanya ng pitong taon.

Hindi man lang siya kinamusta ni Simon kahit na muntik na siyang mamatay. At ngayon, sinasabi ni Simon na sumuko si Cordy kay Kyle para sa mahal niyang si Noel?!

Paano nagawang sabihin ng isang tatay ang ganitong bagay, para buksan ang mga dating sugat niya at lumabas ang dugo?

“Mukhang nasa pamilya na ang pagiging isang mistress,” Ang sinabi ni Cordy ng nakangisi. “Hinila ko pababa ang pangalan ng pamilya? Ginawa niyo na ito noong nagpakasal kayo sa mistress niyo habang buhay pa ang katawan ng nanay ko, at ang anak niyo sa kanya ay kalahating taon na mas bata sa akin. Walang ibang kukuha ng trono ng kawalang hiyaan sa lungsod na ito ngayon at nandito kayo!”

“Cordy…”

Galit na galit si Simon, habang si Noel at Sue ay napahiya sa mga insulto.

Dahil wala siya sa mood para magpatuloy sa pakikipagtalo sa kanyang pamilya, galit na sinabi ni Cordy, “Kung ayaw talaga akong tanggapin ng mga Jessop, si Kyle mismo ang magsabi sa akin! Wala kayong rason para pumunta dito, kaya umalis na kayo bago ako tumawag ng mga pulis! Ano pa ba ang dapat kong ikahiya, hindi ba?”

Alam ni Simon na mahina sa labas si Cordy tulad ng nanay nito. Ang pagiging matigas ang ulo niya ay nakaukit na sa buto niya, at kapag ginalit talaga nila si Cordy, walang makakapigil sa kanya!

“‘Wag mo akong pilitin na ipadala ka ulit sa ibang bansa, Cordy Sachs!” Ang galit na sinabi ni Simon bago siya tumalikod, umalis siya kasama ni Noel at Sue na sumusunod sa kanya.

Gayunpaman, suminghal si Cordy sa pananakot ni Simon—sa tingin niya ba talaga ay si Cordy ay tulad ng dati noong nakaraang pitong taon, hahayaan si Simon na gawin ang kahit anong gusto niya?

Hindi hahayaan ni Cordy na apakan siya ng ibang tao simula ngayon!

“Mommy?”

Tumunog ang isang maliit na boses at bumalik sa sarili si Cordy…

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • A Life Debt Repaid   Kabanata 617

    John…Walang tigil ang pagtulo ng luha ni Cordy sa isang tingin na tulala.Gayunpaman, naalala niya sa sumunod na sandali na ang lalaki ay si Lucas at hindi si John.Mula sa likod, kamukha ni Lucas si John, kaya napagkamalan niya na si John ito…Gayunpaman, ang mga luha niya ay tahimik na binasa ang

  • A Life Debt Repaid   Kabanata 616

    Nabigla talaga si Lucas.Hinalikan talaga siya ni Cordy!Bumilis ang tibok ng puso ni Lucas.Ano ang iniisip ni Lucas?! Hinayaan niya ang isang estranghero na gawin ang kahit ano sa katawan niya!Sumingkit ang mga mata ni Lucas, ang lahat ng sentimyento sa gma mata niya ay naglaho at napuno ng lamig

  • A Life Debt Repaid   Kabanata 615

    Natural, hindi alam ni Lucas kung sino ang taong yun, ngunit naniniwala siya kay Cordy—na may taong namimiss talaga si Cordy.Maaaring totoo ito, o ang kakayahan ni Cordy na mang akit ay higit pa kaysa sa iba.“Hindi ako magagalit sayo. Bitawan mo ako,” Ang sabi ni Lucas, ang tono niya ay medyo mahi

  • A Life Debt Repaid   Kabanata 614

    Humiga si Lucas sa gilid niya, nakatalikod siya kay Cordy.Ganito rin ang ginawa ni Cordy; kahit na hindi niya gusto ang ugali ni Lucas, ang mga salita ni Lucas ay nagbigay ng magaan na loob sa kanya.Kapag may nangyari sa pagitan ng isang lalaki at babae sa isang kwarto, ang babae ang may mawawalan

  • A Life Debt Repaid   Kabanata 613

    Naglakad si Cordy patungo sa mesa at kinuha niya ang bowl ng chicken soup, at mainit pa ito.Nagkataon lang na gusto niya ng mainit na pagkain an ganito, ngunit nagtira siya ng kalahati.Hindi siya sigurado kung kumain na si Lucas, ngunit siguradong hindi siya kakain ng isang malaking bowl ng mag is

  • A Life Debt Repaid   Kabanata 612

    Nagsimulang mag ring ang phone ni Lucas, at sinagot niya ito.Pagkatapos mag usap, tumayo siya at dumiretso siya palabas ng ward.Tumingin si Cordy kay Lucas, itatanong niya na sana kung aalis na ito—imposible na magiging mabait si Lucas at manatili kasama ni Cordy sa ward ng buong gabi.Gayunpaman,

  • A Life Debt Repaid   Kabanata 240

    Naisip ni Cordy na makikita niya rin naman si John sa darating na panahon, ngunit hindi niya inaasahan na mangyari ito sa ganitong sitwasyon.Akala niya rin ay walang oras sina John at Jessica para dalhin si Richard sa labas, ngayon at naging busy sila sa mga nakalipas na araw, kaya naman pinili niy

  • A Life Debt Repaid   Kabanata 237

    ‘Walang problema,’ Ang sabi ni Mandy sa sarili niya. ‘May oras pa.’Dahil lang naghiwalay sila ngayon ay hindi ibig sabihin na hindi sila pwedeng makipagbalikan sa susunod.Ang pagpayag ni Mandy na makipaghiwalay at nakinabang siya dito ay isang delay tactic niya lang. Hindi niya susuko kay Jay ng g

  • A Life Debt Repaid   Kabanata 232

    Kasual na nag usap sina John at Jessica habang nagpatuloy ang dinner.Ang mga magulang ay masaya na makitang nagkakasundo ang dalawa.Si Zoe lang ang tanging naiirita na gusto niyang ibagsak ang kutsara at umalis sa eksena.Iniisip niya si Cordy…Sinabi niya sa sarili niya na huminahon. Kailangan ni

  • A Life Debt Repaid   Kabanata 231

    Pangalawa, akala niya ay siya ang star ng party ngayong gabi. Makikipagkilala siya sa mga magulang ni Jay, ngunit walang kahit sino sa pamilya Levine ang nag abala na tumingin sa kanya. Hindi niya ito matanggap ang ganitong pagbabalewala sa kanya ng iba.Gayunpaman, hindi niya pinakita na hindi siya

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status