LOGIN
BUKOD sa seryosong pag-aaral ng mga report ng financial status ng Cote Kalif Wine Estate under Kalif Corp, isa sa nakapagpapabalisa kay Ibrahim ay ang scandalous na relasyon ng kanyang nakababatang pamangkin na si Khaleb sa isang babaeng single mom at matanda ng sampung taon dito. Halos magusot niya ang mga hard copy na binabasa niya dahil sa sobrang galit.
Biglang dumating si Jayson na kanyang assistant. Agad siyang nagtanong sa nakalap nitong impormasyon. “Boss heto na po ang nakalap kong information.” Inilapag nito ang isang folder na may lamang kopya ng information. Loraine Gonzales, twenty nine years old, isang single mom, may anak na babae na ang pangalan ay Disney at nakatira malapit lang sa building ng kanilang kumpanya. “Ito lang ba ang information?” kunot noong tanong niya kay Jayson. “Yes Boss,” maikling sagot ni Jayson. “This is not enough! Sigurado akong may maitim siyang balak kay Khaleb. At hindi ako papayag!” Pigil pero may pwersang napasuntok siya sa lamesa. “Maghanap ka pa ng information!” “Yes Boss.” Hindi siya papayag na may mangyaring masama kay Khaleb na pamangkin niya. Mahal na mahal niya ang pamangkin niyang si Khaleb. Simula nang tumakas sila sa kanilang bansa na isang Arab country, sa mga taong gustong pumatay sa kanila. Hindi madali ang mapabilang sa maharlikang pamilya at linya ng pulitika sa kanilang bansa. Parang isang pelikula na maraming gustong umagaw sa trono na kahit buhay ang katumbas nito. Iyon ang dahilan ng pagkamatay ng magulang ni Khaleb na kapatid naman niya. Nasaksihan nito ang walang awang pagpaslang sa magulang kaya naman itinakas niya ito at dinala sa Pilipinas at doon na nanirahan. Nagpayaman at nagpalit ng katauhan. Kailangan niyang itago ang susunod na prinsipe at ingatan. Sa isang banda, nagawa niya ang protektahan ito sa mga gustong pumatay sa kanila pero hindi sa isang babae. Para itong baliw na baliw sa isang babaeng may edad na at may anak pa. Muli niyang sinulyapan ang profile na hawak niya. Napangisi siya sa hitsura ng babae. “Not bad, at least marunong pumili ang pamangkin ko.” Maganda si Loraine, matangkad, maganda ang hugis ng katawan, maputing kutis at may malusog na hibla ng buhok. Mukha siyang Latina at halong Filipina. Sa madaling sabi nakakabighani ang ganda niya. Agad niyang naitago ang file nang biglang pumasok si Khaleb. “Uncle Ib, hey… what’s up. Ano yan?” Medyo nataranta siya nang kaunti at biglang inayos ang sarili. “Ah, wala, wala.” “Hmmm Uncle Ib, may itinatago ka ba sa akin? Ano yan? Profile ba ng prospect date to be mo?” At maharot na inaagaw ni Khaleb ang folder na hawak niya. “No, Khaleb, no!” Mabuti na lang magaling siyang magtago at nai-lock agad niya ang drawer. “Ah… ikaw Uncle ha, hmmm sige sabihin mo sa akin may nakabihag na ba ng ice cold heart mo ha?” pang-aasar ni Khaleb. “Huwag mong ibaling sa akin ang usapan. Sabihin mo nga sa akin, may girlfriend ka na ba?” “Wala, pero may ipapakilala ako sayo, naku siguradong magugustuhsn mo siya.” Humugot siya ng malalim na hininga. “Khaleb, are you dating someone ha?” Gusto niyang umamin ito sa kanya. “Sus, si Uncle naman. Alam mo tumatanda ka na kailangan mo nang mag-asawa. Kalimutan mo na si Lady Saphire hindi mo na siya mahahanap. Matagal nang panahon ang lumipas. Ang tagal na natin dito sa Manila, nakalimutan na nga natin ang Native natin oh. Namuhay na tayo ng parang Pilipino pero ni minsan hindi nagparamdam si Lady Saphire here in her own country.” Natigilan siya at tinitigan ng masama ang pamangkin kaya naman itinaas nito ang dalawang kamay. “Okay, I give up. Titigil na ‘ko. Sige maiwan na kita kasi pupuntahan ko pa si Boo. Bye…” “Khaleb no! Don’t you dare!” pigil niya pero para lang itong isang batang inasar siya habang lumalayo. Napapikit siya at pabagsak na umupo. Nasapo niya ang noo at lalong nakaramdam ng stress. Pilyo talaga ang pamangkin niyang iyon na talagang nakuha pang ipaalala si Lady Saphire. Ang babaeng naka-one night stand niya. Tandang-tanda pa niya ang mga pangyayari walong taon na ang nakakaraan, mula sa pagkikita hanggang sa malagim na paghibiwalay nila. “SIR, help me please,” pakiusap ng isang babaeng tila ba takot na takot at nanginginig ang buong katawan. Pumasok ito sa hotel room na kanyang tinutuluyan ng dumalo siya sa isang business conference. “Who are you?” tanong niya. “Please Sir, I don’t have enough time to explain, there are armed men outside who want to kill me, please, please I need to hide.” Sumilip siya noon sa pinto nang makita niya ang limang armadong lalaki na naghahanap sa isle. Agad niyang isinara ang pinto. Kumatok ang mga armadong lalaki at pinagbuksan niya habang ang babae naman ay nakatago sa likod ng pinto. “An asif jiddan ya Shaykh (I am very sorry Shiekh).” Nakilala siya ng mga lalaking iyon kaya naman ganon na lang ang paghingi ng mga ito ng sorry. Matalim naman na tingin ang ipinukol niya sa mga ito. Nang maisara niya ang pinto, patirapang lumuhod ang babae sa kanyang harapan. Batid niyang isa itong Filipina pero iginalang pa rin siya at hindi makuhang tumingin sa kanyang mukha ng diretso. “What is happening?” tanong niya. “They are trying to kill me your highness,” nanginginig na sagot nito. “Why?” “I, I, I took my boss’s son somewhere.” Tandang-tanda rin niya kung paanong kumunot ang kanyang noo dahil sa sagot nito. “Okay, I don’t need your explanation, here’s the money and then you can go somewhere.” Nagmakaawa ang babae na yumapos pa sa kanyang mga binti. Nakiusap na huwag muna siyang paalisin. “Please my lord, your highness. Take me, make me your slave, just save me from those men. I need to be alive so I can save my boss’s son.” May kaluskos siyang narinig noon sa labas ng pinto kaya naman itinayo niya ang babae, pinatay ang ilaw at saka hinalikan. Nadatnan sila ng mga masasamang iyon sa ganong kalagayan. Hanggang sa isara ng mga ito ang pinto. Hindi na rin niya napigilan ang nag-aalab na damdamin ng maglapat ang kanilang mga labi. Napakalambot niyon at ramdam na rin niyang naanod na ito ng kanilang damdaming para bang itinadhanang magtagpo. He must be a fool na sa ganong sitwasyon ay nakuha pa niyang manamantala pero anong magagawa niya kung nasungkit nito ang kanyang man’s instinct. “What the hell am I doing?” tanong niya sa isip. Napapikit siya upang ibalik ang sarili sa reyalidad. Ang alaalang iyon ang umaalipin sa kanyang puso na siyang nagiging dahilan kung bakit single pa rin siya hanggang ngayon.“Ano!? Ano kamo? Pinangakuan ka niya ng kasal tapos, tapos, pinauwi ka nang Pinas ng ganon na lang. At ang bruhang Shamira na ‘yon! Ang landi ha! Naku…. Nakakagigil talaga ang hari ng mga Herodes na yon! Isa pa yang Jayson na yan! Pag nakita ko talaga yan, kukuyumusin ko ang mukha niya!” nanggagalaiting bulalas ni Cleo.Habang si Loraine ay pugto na ang mga mata sa kakaiyak.“Hoy Loraine tumigil ka na nga dyan, lalo lang akong nanggigigil sa Herodes na ‘yon e. Para ka niyang pinasakay sa roller coaster ha,” dugsong pa ni Cleo. “Anong parang, ganon na nga ang sumatotal ng lahat,” sabat ni Thea.Napalingon naman si Loraine na nagtataka. “Teka nga Thea bakit nandito ka nga pala? Hindi ba nandoon ka sa villa ninyo? At di ba ikakasal ka kay Delfin? Ano na bang nangyari?”Natahimik naman si Thea habang idinudukot ang mga kamay sa bulsa. Nag-aapuhap ng isasagot. “Naku, isa pa yan, isa pa yang Dimitri na yan,” muling dugsong ni Cleo. “Ano? Teka, hindi ko maintindihan. Ano naman ang kinala
Ilang oras ang lumipas nang makalabas si Ibrahim sa kwarto nina Loraine. Tinatamad pa sanang bumangon si Loraine pero alas nueve na ng umaga kaya nag-inat inat na siya at nagsimulang ayusin ang sarili. Isang oras ang lumipas nang may kumatok sa pintuan. Kumunot ng bahagya ang kanyang noo. “Ha? Ano ba naman si Ibrahim, bakit kailangan pang kumatok e basta na lang naman siya pumapasok dito, saka hindi naman naka-lock ang pintuan ah,” pagtataka niya sa pag-aakalang si Ibrahim ang kumakatok.Pero kumatok pa ulit ito ng sunud-sunod. “Hay… oo na nga andiyan na.” Isinuot niya ang robe at nagmadaling tumakbo papunta sa pinto. “My love,” excited na salubong niya pero si Jayson ang nasa labas, may dala itong plane ticket. “Ay sorry naman Jayson, ikaw pala yan.” Natawa siya. “Ah, oo ako nga,” maang ni Jayson. “O halika, pasok ka,” aya ni Loraine kay Jayson. “Naku hindi na, dito na lang. Saka mukhang kagigising mo lang e.”“Ah oo. E teka bakit ka nga ba nandito? I mean nasaan si Ibrahim?
No doubts, no fear, pakakasal na siya kay Ibrahim.Tumayo ito at niyakap siya ng mahigpit. “I will never let you go. Walang sinumang makapaghihiwalay sa atin, my love, I love you.”“I love you too Ibrahim.”Kasunod ng proposal na iyon ay ang magarbong strings orchestra play sa grand stage ng amusement park kasabay ang sunud-sunod na foreworks.Naluluhang natatawa si Loraine. “Grabe, A whole New World talaga.” Iyon ang saliw na tinutugtog ng orchestra.“If I can only give you the world, I will, pero sorry my love hindi kasi akin ang mundo e. Baka magalit ang tunay na may ari na siyang lumikha.”Natawa silang pareho.“Ikaw talaga.”Matapos ang proposal at Orchestra play, dinig na dinig naman nila ang sigaw nila Disney mula sa itaas ng ferris wheel.“I love you Papa!!! I love you Mama!!! I love you Lolo!!!” umeekong sigaw ni Disney.Panatag namang nakatanaw sina Ibrahim mula sa ibaba dahil alam nilang bantay sarado ito ng mga katulong at bodyguards.Maya-maya may lumapit na isa sa mga bo
Loraine admit to herself na may kaunting takot siya noong umpisa sa ipinapakitang pagmamahal ni Ibrahim para sa kanya, ngayon iba na, talagang mapapatunayan niyang tapat ito sa kanyang nararamdaman dahil sa mga ipinapakita nito.Nagising siya mula sa pagakakatulog ng mahimbing dahil na rin sa magdamag na lambingan nila ni Ibrahim.. Napamulagat siya nang makitang sinusugod na siya ng yakap nina Disney at Khalid habang pinapanood naman sila ni Ibrahim.“Mama, dito ka pala natulog, hinahanap ka namin kagabi e,” pag-uusisa ni Disney.Napangiwi naman siya sa sobrang hiya sa mga anak.“Ahm… oo anak, sorry.” Sabay peace sign.“Okay lang po Ma kasi dumating naman po si Papa. Pinatulog nga po niya si Khalid e. Bakit kasi Ma, dito ka natulog,” reklamo ni Disney.“Ah… hahaha. Kasi mga anak…”“Because you and Khalid are grown up babies, kailangan n’yo nang masanay matulog na mag-isa,” salo ni Ibrahim.“Ha…? E Papa bata pa kami,” pangangatwiran naman ni Disney. Habang si Khalid naman ay mahigpit
Everything’s change after that night. Naging malambing na sa kanya si Ibrahim ngunit maingat sila. Hindi nila ipinahahalata sa karamihan ang kanilang relasyon. Pumayag siya na muling maging kasintahan nito kahit palihim. Alam niyang mahirap gawin ang desisyon ni Ibrahim pero nakikita niya ang pagsisikap nito.Una nitong sininop ang kumpanya sa Pilipinas na siyang inaasahan nitong pantaguyod sa kanilang pamilya. Pangalawa ay ang pakikipag-usap nito sa hari na mariin namang tinutulan ang desisyon nito kaya talagang mahirap. But all in all, humahanga si Loraine sa katapangan nito kaya walang dahilang hindi niya ito mahalin. Marupok na kung marupok, may dahilan naman.Hindi niya tuloy maiwasang mapangiti habang naaalala ang gabing iyon. Napakasaya niya talaga na sa wakas dumating ang oras na naging maayos na sila ni Ibrahim, kasal na lang ang kulang. Nagtitiwala naman siya na makakasal siya rito.Gabi na nang dumalaw si Ibrahim sa kanilang kwarto. Tulog na rin sina Disney.“Hey, I missed
“What is going on here?”Agad na namang kumabog ang dibdib ni Loraine nang marinig ang boses na iyon ni Ibrahim. Ayan na naman kasi ang lakas ng dating nito sa kanya kaya kahit anong iwas at tago, lumalabas at lumalabas pa rin ang epekto nito sa kanya kahit naiinis siya dito. Natataranta siya at namumula ang mukha.“Wa-wala, aalis na ako,” natatarantang sagot niya.“Bakit kailangan mong umalis kung pwede ka namang mag-stay.”‘Oo nga naman Loraine,’ sagot ng kanyang isip. “Ahm… mas maganda sigurong bigyan ko kayo ng time sa isa’t-isa,” palusot pa niya.‘Sus… ang arte talaga, if I know gusto mo rin naman akong makasama,’ natatawang tugon ni Ibrahim sa kanyang isip. “You know what, mag-stay ka na rin dito so we can have time with each other as family,” nakangiting paliwanag naman ni Ibrahim.‘Anong nakain ng Herodes na ‘to at parang ang bait bait niya ngayon?’ tanong ni Loraine sa isip.“Come on… I’m in the good mood today,” muling yaya ni Ibrahim.Nagdadalawang isip naman si Loraine na
Isang linggo na rin ang lumipas matapos ang nakakatromang insidente sa bahay nina Loraine. Nagpasya naman si Cleo na bumalik na sa coffee shop upang ipagpatuloy ang negosyo nang masigurado nila na nahuli na ang mga nanghimasok sa bahay nina Loraine. While Loraine still stayed in the mansion kasama
Ang sinag ng araw ng alas siyete ng umaga ang nagpamulat ng mga mata ni Loraine. Wala si Disney sa kanyang tabi kaya agad siyang napabalikwas at kinabahan. Dali-daling isinuot ang sinelas saka tumakbo palabas ng kwarto. Pabulong at humihingal na inuusal niya ang pangalan ng anak habang iginagala an
It was a terrible and frightened night for Loraine, hindi niya akalaing hahantong sa ganon katinding pagnanais na maangkin ang masterpiece nila ni Thea. Alam niyang sina Rachel ang may kagagawan ng lahat.Dahan-dahan pa niyang binubuo ang kanyang kamalayan sa nangyari ngunit ang unang pumasok sa ka
Loraine’s voice is echoing through Ibrahim’s ear at parang tugtog sa computer na paulit-ulit dahil naka-repeat current song. Mabuti nga sana kung musika sa tenga ang sinabi, ang masaklap pambabasted ang sinsabi nito.‘I’m sorry Ibrahim, though we kissed the night that I was drunk, it doesn’t mean t







