LOGINBIGLANG umahon ang matinding kaba sa dibdib ni Loraine nang makita ang limang lalaking nakaitim na suit sa labas ng kanilang bakuran. Pumasok ang isa na sinalubong naman ni Khaleb. Hinawakan ito sa mga braso at binitbit palabas. Agad siyang bumaba sa motor at tinakbo ang mga lalaki. Matinding trauma ang hatid sa kanya ng mga ganong hitsura ng mga lalaki. Sigurado siyang sasaktan ng mga ito si Khaleb kaya naman kumuha siya ng dos por dos para ihampas sa mga ito.
“Loraine! No!” “Mga hayop kayo! Lumayas kayo dito!” Sa kasamaang palad nasalag naman ito ng isa. “Loraine, no!” Agad na hinarangan ni Khaleb si Loraine dahil alam niyang kikilos ng hindi maganda ang mga bodyguards niya. At hindi siya nagkamali, nakaamba nang sapakin ng isa niyang bodyguard kaya imbes na ito ang masaktan ay siya ang sumalo. Agad na namutla ang body guard sa pagkakasapak niya kay Khaleb na ikinabagsak nito sa sahig. “Khaleb!!!” Binalingan naman ni Loraine ang lalaking sumapak kay Khaleb. “Loraine no! No!” Hindi ngayon maintindihan ni Khaleb kung sino ang pipigilan niya. “Khaleb pumasok ka sa loob!” sigaw ni Loraine na parang hindi man lang ininda ang sakit ng pagkakasapak sa kanya. “Loraine, no! Kayo! Huwag nyo siyang sasaktan!” utos ni Khaleb. “Loraine, okay lang. Kilala ko sila. Mga bodyguard ko sila, pinapasundo lang ako ni Uncle Ib,” humahangos na paliwanag ni Khaleb. Napapikit si Loraine at bagsak ang balikat. Nakahinga siya ng maluwag nang masigurong ligtas si Khaleb. “WHAT THE HELL!!!” Namumula sa galit si Ibrahim nang marinig ang balita sa nangyaring hindi pagkakaunawaan, nasapak ang kanyang pamangkin. Nagalit siya ng husto at lalong naintriga kung anong meron sa babaeng iyon na nakuhang protektahan ni Khaleb. “She doesn’t know what she’s been up to. Gusto ko siyang makita! Dalhin nyo siya sa akin!” sigaw niya sa phone habang kausap ang isa sa mga tauhang nagbalita ng nangyari. “What a guts! Sino siya sa akala niya para ipagtanggol ng isang prinsipe. Mananagot talaga siya!” “UNCLE IB!” sigaw ni Khaleb. Nagalit siya sa paraan ng pagsundo sa kanya. “What?!” ganting sigaw ni Ibrahim. Ngayon lang sila nagkainitan ng pamangkin at ang nakakaasar doon ay dahil lang sa isang walang kwentang babae. “What a nerve! Bakit kailangang ipasundo mo ako ng ganon sa mga bodyguards? You scare the hell out of her! Do you know how to do it in decent way?!” “Emir Khaleb Kalif Al-Khalifa!” Natigilan si Khaleb nang banggitin ng uncle niya ang kabuuan ng kanyang pangalan. Nagpapaalala sa kanya kung sino siya at anong meron siya. Tama, kabilang siya sa Arab Royal Family na hindi dapat dinadapuan ng kahit na sinong palad para lamang saktan. Bumalik siya sa reyalidad na isa nga pala siya sa susunod na magmamana ng trono ng kanyang ama. Nadala siya ng damdamin niya nang makitang nasaktan si Loraine na halos nakapagpalimot sa kanya kung sino siya. “You’re grounded!” utos ni Ibrahim. Bumagsak na lang siya sa sofa at walang nagawa. HINDI maalis sa isip ni Loraine ang nangyari ng nakaraang gabi. Nag-aalala pa rin siya kay Khaleb, paano kung hindi naman niya talaga tunay na mga bodyguards yung kumuha sa kanya. Tinatawagan niya ito pero hindi sumasagot. Ini-relax na lang niya ang sarili para makapagtrabaho ng maayos. Paglabas niya ng bahay, sinalubong siya ng limang lalaking malalaki ang katawan at binitbit pasakay sa kotseng itim na magara. “Teka, teka, sino kayo saan nyo ako dadalhin?” “Sumama ka na lang ng maayos kung ayaw mong masaktan,” sagot ng isang lalaking may malagong at nakakatakot na boses. “Ano? Anong masasaktan? Teka.” Umahon ang takot sa kanyang dibdib. Diyos ko sila ba yung kagabi, mamamatay na ba ako? No! Hindi pwede! Kawawa naman si Disney. Overthink niya. “Relax, gusto ka lang makausap ni Boss.” Bumaba sila sa harapan ng isang mala-palasyong mansion na nakatago sa liblib na lugar na may napakataas na gate, ni hindi niya alam kung nasaan sila. Pero ang ganda ng mansion. Halos itulak siya ng mga lalaki papasok sa isang pribadong silid. Napakaganda at napakarami ring libro. Hindi niya tuloy maiwasang igala ang mga mata kaya hindi niya halos napansin ang matangkad na lalaking nakasuot ng napaka-elegantend suit. “Finally, we met,” barintonong tinig nito. Napatingin siya sabay harap naman nito. “Ikaw?” kunot noong tanong niya. Ang antipatikong Herodes na nagkape sa coffee shop ni Cleo. “Nothing else. I’ll go straight to the point Miss Gonzales.” “Miss Gonzales? Kilala mo ‘ko? Pina-background check mo ba ako?” “It doesn’t matter. What matter is my nephew,” malamig na tono nito. “Nephew? Sinong nephew?” naiiritang tanong niya, napansin niyang hindi nito nagugustuhan ang magagaspang niyang sagot. “Ako ang Uncle ni Khaleb ako si Ibrahim…” “At ikaw pala ang mayabang na Herodes na Uncle Ib ni Khaleb! Huh! Ang yabang mo rin e ano. At talagang ipinasundo mo pa si Khaleb sa bahay ko sa mga bayolenteng bodyguards. Hoy kung sino ka mang Herodes ka, wala kang karapatang pumasok ng marahas sa bakuran ng ibang tao.” May panduduro pang kasama. “Agh! She’s getting into my nerve!” Nasabi niya sa isip habang nagtitimpi. “I’ll pay you as much as you want, layuan mo lang ang pamangkin ko.” Halos hindi makagalaw si Loraine sa narinig. Hindi niya maintindihan kung paano mag-re-react sa sinabing iyon ng Uncle ni Khaleb. At napagkamalan pa yata siyang girlfriend nito. “Huh! Nakakatawa ha. Hindi magandang paratang.” Sa inis niya, nahawakan niya ang booklet na nasa ibabaw ng side table at saka ibinato rito. “Gago ka! Anong palagay mo sa akin sugar mommy? Ang kapal ng mukha mo!” “Hey! Stop! Stop! Stop!” Nagawa ni Ibrahim na umiwas, saka hinagilap ang bewang at braso nito. Hindi inaasahang nagdikit ang kanilang mukha. Her eyes met his, and it feels like searching him deeply in his bones. Aminado siyang nakuryente siya sa init ng hininga nito na amoy coffee latte. It makes his manhood alive, lalo na nang masalat niya ang mala-artistic na kurba ng bewang nito. Same as Loraine, kakaibang kilig ang hatid ng maaamo at mapupunagy nitong mga mata. Ang ilong nitong parang goddess ang hugis maging ang mga labing mapupula at magandang korte. Parang magnet na humuhila patungo sa kanyang mga labi. “Is this how you seduce my nephew. Because if it is, you’re doing a great job,” bulong ni Ibrahim. Hindi niya mawari kung papuri ba iyon o insulto. Mas pinili niya ang pangalawang statement ng kanyang isipan kaya buong lakas niya itong itinulak. “The nerve! Asshole!” sabay sampal niya dito. Kaya naman muli nitong hinawakan ang kanyang kamay ng buong higpit. “Do it once and your dead! Hindi mo nakikilala kung sino ang sinasampal mo,” banta nito. Bigla namang nag-ring ang phone ni Loraine. Tumatawag ang guidance councilor ng school ni Disney kaya nagawa niyang bumitaw.“Ano!? Ano kamo? Pinangakuan ka niya ng kasal tapos, tapos, pinauwi ka nang Pinas ng ganon na lang. At ang bruhang Shamira na ‘yon! Ang landi ha! Naku…. Nakakagigil talaga ang hari ng mga Herodes na yon! Isa pa yang Jayson na yan! Pag nakita ko talaga yan, kukuyumusin ko ang mukha niya!” nanggagalaiting bulalas ni Cleo.Habang si Loraine ay pugto na ang mga mata sa kakaiyak.“Hoy Loraine tumigil ka na nga dyan, lalo lang akong nanggigigil sa Herodes na ‘yon e. Para ka niyang pinasakay sa roller coaster ha,” dugsong pa ni Cleo. “Anong parang, ganon na nga ang sumatotal ng lahat,” sabat ni Thea.Napalingon naman si Loraine na nagtataka. “Teka nga Thea bakit nandito ka nga pala? Hindi ba nandoon ka sa villa ninyo? At di ba ikakasal ka kay Delfin? Ano na bang nangyari?”Natahimik naman si Thea habang idinudukot ang mga kamay sa bulsa. Nag-aapuhap ng isasagot. “Naku, isa pa yan, isa pa yang Dimitri na yan,” muling dugsong ni Cleo. “Ano? Teka, hindi ko maintindihan. Ano naman ang kinala
Ilang oras ang lumipas nang makalabas si Ibrahim sa kwarto nina Loraine. Tinatamad pa sanang bumangon si Loraine pero alas nueve na ng umaga kaya nag-inat inat na siya at nagsimulang ayusin ang sarili. Isang oras ang lumipas nang may kumatok sa pintuan. Kumunot ng bahagya ang kanyang noo. “Ha? Ano ba naman si Ibrahim, bakit kailangan pang kumatok e basta na lang naman siya pumapasok dito, saka hindi naman naka-lock ang pintuan ah,” pagtataka niya sa pag-aakalang si Ibrahim ang kumakatok.Pero kumatok pa ulit ito ng sunud-sunod. “Hay… oo na nga andiyan na.” Isinuot niya ang robe at nagmadaling tumakbo papunta sa pinto. “My love,” excited na salubong niya pero si Jayson ang nasa labas, may dala itong plane ticket. “Ay sorry naman Jayson, ikaw pala yan.” Natawa siya. “Ah, oo ako nga,” maang ni Jayson. “O halika, pasok ka,” aya ni Loraine kay Jayson. “Naku hindi na, dito na lang. Saka mukhang kagigising mo lang e.”“Ah oo. E teka bakit ka nga ba nandito? I mean nasaan si Ibrahim?
No doubts, no fear, pakakasal na siya kay Ibrahim.Tumayo ito at niyakap siya ng mahigpit. “I will never let you go. Walang sinumang makapaghihiwalay sa atin, my love, I love you.”“I love you too Ibrahim.”Kasunod ng proposal na iyon ay ang magarbong strings orchestra play sa grand stage ng amusement park kasabay ang sunud-sunod na foreworks.Naluluhang natatawa si Loraine. “Grabe, A whole New World talaga.” Iyon ang saliw na tinutugtog ng orchestra.“If I can only give you the world, I will, pero sorry my love hindi kasi akin ang mundo e. Baka magalit ang tunay na may ari na siyang lumikha.”Natawa silang pareho.“Ikaw talaga.”Matapos ang proposal at Orchestra play, dinig na dinig naman nila ang sigaw nila Disney mula sa itaas ng ferris wheel.“I love you Papa!!! I love you Mama!!! I love you Lolo!!!” umeekong sigaw ni Disney.Panatag namang nakatanaw sina Ibrahim mula sa ibaba dahil alam nilang bantay sarado ito ng mga katulong at bodyguards.Maya-maya may lumapit na isa sa mga bo
Loraine admit to herself na may kaunting takot siya noong umpisa sa ipinapakitang pagmamahal ni Ibrahim para sa kanya, ngayon iba na, talagang mapapatunayan niyang tapat ito sa kanyang nararamdaman dahil sa mga ipinapakita nito.Nagising siya mula sa pagakakatulog ng mahimbing dahil na rin sa magdamag na lambingan nila ni Ibrahim.. Napamulagat siya nang makitang sinusugod na siya ng yakap nina Disney at Khalid habang pinapanood naman sila ni Ibrahim.“Mama, dito ka pala natulog, hinahanap ka namin kagabi e,” pag-uusisa ni Disney.Napangiwi naman siya sa sobrang hiya sa mga anak.“Ahm… oo anak, sorry.” Sabay peace sign.“Okay lang po Ma kasi dumating naman po si Papa. Pinatulog nga po niya si Khalid e. Bakit kasi Ma, dito ka natulog,” reklamo ni Disney.“Ah… hahaha. Kasi mga anak…”“Because you and Khalid are grown up babies, kailangan n’yo nang masanay matulog na mag-isa,” salo ni Ibrahim.“Ha…? E Papa bata pa kami,” pangangatwiran naman ni Disney. Habang si Khalid naman ay mahigpit
Everything’s change after that night. Naging malambing na sa kanya si Ibrahim ngunit maingat sila. Hindi nila ipinahahalata sa karamihan ang kanilang relasyon. Pumayag siya na muling maging kasintahan nito kahit palihim. Alam niyang mahirap gawin ang desisyon ni Ibrahim pero nakikita niya ang pagsisikap nito.Una nitong sininop ang kumpanya sa Pilipinas na siyang inaasahan nitong pantaguyod sa kanilang pamilya. Pangalawa ay ang pakikipag-usap nito sa hari na mariin namang tinutulan ang desisyon nito kaya talagang mahirap. But all in all, humahanga si Loraine sa katapangan nito kaya walang dahilang hindi niya ito mahalin. Marupok na kung marupok, may dahilan naman.Hindi niya tuloy maiwasang mapangiti habang naaalala ang gabing iyon. Napakasaya niya talaga na sa wakas dumating ang oras na naging maayos na sila ni Ibrahim, kasal na lang ang kulang. Nagtitiwala naman siya na makakasal siya rito.Gabi na nang dumalaw si Ibrahim sa kanilang kwarto. Tulog na rin sina Disney.“Hey, I missed
“What is going on here?”Agad na namang kumabog ang dibdib ni Loraine nang marinig ang boses na iyon ni Ibrahim. Ayan na naman kasi ang lakas ng dating nito sa kanya kaya kahit anong iwas at tago, lumalabas at lumalabas pa rin ang epekto nito sa kanya kahit naiinis siya dito. Natataranta siya at namumula ang mukha.“Wa-wala, aalis na ako,” natatarantang sagot niya.“Bakit kailangan mong umalis kung pwede ka namang mag-stay.”‘Oo nga naman Loraine,’ sagot ng kanyang isip. “Ahm… mas maganda sigurong bigyan ko kayo ng time sa isa’t-isa,” palusot pa niya.‘Sus… ang arte talaga, if I know gusto mo rin naman akong makasama,’ natatawang tugon ni Ibrahim sa kanyang isip. “You know what, mag-stay ka na rin dito so we can have time with each other as family,” nakangiting paliwanag naman ni Ibrahim.‘Anong nakain ng Herodes na ‘to at parang ang bait bait niya ngayon?’ tanong ni Loraine sa isip.“Come on… I’m in the good mood today,” muling yaya ni Ibrahim.Nagdadalawang isip naman si Loraine na
Pero habang naglalakad naramdaman ni Cleo ang sobrang kalasingan kaya napaluhod na siya sa kalsada at tuloy subsob na rin. Hindi niya napigilang mapapikit sa sobrang kalasingan.“Oh no.” Nasapo ni Jayson ang noo. Nilapitan niya si Cleo at agad na binuhat. “Hay, naku naman bosing bakit kasi si Cleo
“Alam mo ikaw, nagtataka talaga ako sayo e…” Tumigil si Loraine ng bahagya sa pagsasalita upang hubarin ang long sleeve na suot ni Ibrahim na nag-amoy alak na. “Ang galing mong mambully at kayang-kaya mong ipasara ang negosyo ko ha and to the extent na idamay pa ang mga kaibigan ko, tapos hindi mo
“Beautiful naman ng Beshie ko, alam mo kung tinanggap mo pa yung necklace na binigay ni Ibrahim naku siguradong lalong ang ganda mo,” puri ni Cleo.“Besh para namang hindi tayo magkaibigan niyan e. Alam mo namang confident tayo sa ganda natin kahit walang accessories,” pagmamalaki naman ni Loraine.
“Fuck it!” Napasuntok sa mesa si Ibrahim dahil sa katotohanang nahihirapan siyang makuha ang loob ni Loraine. “Damn! I underestimated her! Magaling, magaling, magaling ang babaeng iyon!”Sa lakas ng rant niya hindi tuloy napigilan ni Jayson ang pumasok sa kanyang office.“Boss anong problema?”“Tel







