Mag-log inWALANG manners, no etiquette, wala man lang itinatagong kahinhinan sa katawan. Sa tagal ni Ibrahim na naninirahan sa Pilipinas alam niyang kilala ang mga Filipina sa pagiging malambing at mahinhin, bukod sa pagiging maasikaso. Pero heto at kaharap niya ang isang babaeng basta na lang nambabato, at wala man lang galang na basta na lang siya tinalikuran kasabay ang pagsagot sa phone.
“Huh!” Napabuga siya sa hangin habang hinihintay itong matapos sa pakikipag-usap sa phone. Bigla siyang nagulat nang humarap ito matapos ang pagsagot sa phone. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit kasabay ng pagkagulat ay ang pagbilis ng kabog ng kanyang dibdib. Lalo na nang lumapit itong unti-unti. He automatically step back and felt shaky. “I’m leaving.” Walang gatol na pamamaalam nito. “Hindi pa tayo tapos mag-usap.” Tinapangan niya ang sagot dahil ang totoo, nanlalambot ang kanuang tuhod hindi dahil sa takot kundi dahil sa hindi niya rin maipaliwanag na dahilan. “Wala na tayong dapat pag-usapan, wala akong dapat ipaliwanag sayo.” Kahit matalim itong magsalita, hindi pa rin maintindihan ni Ibrahim kung bakit nanlalambot ang kanyang mga kalamnan at tuhod. Nagkukunwari na lang siyang matapang. “Don’t ever turn yourback on me Miss Gonzales. We have business to talk about. Name your price.” Sa palagay niya, nagpanting na naman ang tenga ni Miss Gonzales dahil agad na naman itong lumapit sa kanya. And again he step back twice at halos mapaupo siya sa desk. Paano ba naman hindi siya mapapaurong e kakaiba ang hatid ng init ng hininga nito sa kanya buong sistema. Parang may monster na gustong mabuhay sa loob ng kanyang katawan at gustong sakmalin si Loraine. “Uunahin ko pa ba ang nakakabaliw na paratang mo kaysa sa anak ko ha. Ipahatid mo ako sa driver mo dahil kung hindi talagang magkakagulo tayo.” Napalunok siya dahil sa hatid nitong epekto. Imbes na mainis siya sa banta nito e para siyang maamong tupang napasunod nito. He dial his phone to call his assistant and ask him to drive Loraine. “Hello Jayson, can you please drive Miss Gonzales home.” Nag-uutos siya kay Jayson pero nakatingin pa rin siya kay Loraine. Nang maibaba niya ang phone, agad na tumalikod si Loraine nang hindi sinasadyang humampas ang ilang hibla ng buhok nito sa kanyang mukha. Ang bango ng buhok nito, halatang kakaligo lang nito. Napabuga siya ng hangin at halos kapusin ng hininga. Naluwagan niya ang tie na suot at napatuon sa desk. “Damn! What happened to you Ibrahim. You’re a prince! Bakit parang tumitiklop ka sa isang katulad niya.” Nahagilap niya tuloy ang bite ng alak at saka uminom. Saka bahagyang natawa sa sarili. “What a lame I am.” Naiiling siya habang umiinom. “Huh! Ako susuko sa isang katulad niyang walang manners, no etiquette, no elegance, pagkatapos may anak na nadala sa guidance office, huh! Anong klaseng babae siya. The hell out of me. Kaya kailangang mailayo ko sa kanya si Khaleb.” Sabay lago ng alak. “Boss, a-ako po ba ang kinakausap nyo?” biglang sabat ni Jayson, na kanya namang ikinagulat. “What the…! Tinakot mo ako,” reklamo niya. “Sorry Boss, akala ko kasi ako ang kinakausap mo.” Napahiya siya kay Jayson dahil nagsasalita siyang mag-isa na parang baliw. “Ah, no Jayson it’s not you. I’m not talking to you. Teka, akala ko ba inihatid mo si Miss Gonzales?” “Ah Boss, matapang e, kaya ipinahatid ko na lang sa iba.” Napapikit siya sa narinig. Pati ba naman si Jayson ay nasindak ng babaeng iyon. “Jayson, you need to watch that woman, may kutob akong may masama siyang balak kay Khaleb. Kailangang maprotektahan natin siya sa babaeng iyon.” “Yes Boss.” NAGMAMADALING tinakbo ni Loraine ang guidance office, sigurado siyang nakapanakit na naman si Disney dahil sa iisang dahilan; hinahanapan ito ng ama ng kanyang mga kaklase. Hindi nga siya nagkamali, sinabunutan nito ang isang kaklase. Halata naman dahil gulu-gulo ang buhok nito. Agad niyang nilapitan ang anak. “Anak anong nangyari?” “Siya po ang nauna Mama,” nakasimangot na sumbong ni Disney. “Miss Gonzales, hindi naman mtama na saktan ng anak mo ang anak ko. Palibhasa kasi lumaking walang ama kaya walang modo,” panlalait ng ina ng kaklase ni Disney. “Ah pasensiya na po,” paghingi niya ng paumanhin kaysa mangatwiran mas pinili niyang magpaumanhin. “Ay naku, hindi na pwede yan, palagi na lang nananakit ‘yang anak mo! Dapat d’yan binibigyan ng leksiyon. Dapat i-suspend ang anak mo.” Pairap-irap pa ito. “Kasalanan naman po ni Chinee e, lagi na lang niya akong sinasabihan ng walang papa,” reklamo naman ni Disney. “E totoo naman ah, wala ka naman talagang papa. Ikaw lang ang walang papa dito kaya kawawa ka naman,” panlalait ni Chinee. Kaya naman pasugod na naman si Disnet para saktan ito. Agad namang nakaawat si Loraine. “Tama na po,” saway ng guidance counsilor. “Nandito tayo para ayusin ang problema hindi para palalain. Chinee, hindi magandang ugali ang manlait ng iba. At ikaw naman Disney, huwag ka na sanag basta mananakit. Kapag may nagsasabi sayo ng hindi maganda, isumbong mo na lang sa teacher mo okay.” Walang magawa si Loraine kundi ang maghinagpis. Hundi niya masabi sa anak ang tungjol sa papa nito dahil sa komplikadong dahilan. Naglalakad silang mag-ina na hundi nag-uusap. Alam niyang malaki na naman ang tampo nito sa kanya. “Disney, anak, gusto mo bang mag-ice cream tayo?” Imbes na sumagot, dire-diretso lang ito sa paglalakad. “Anak, huwag ka nang magtampo.” “Mama,bakit hindi mo po sinasabi sa kanila na may papa ako. Bakit lagi mo na lang hinahayaan na ipahiya ako ni Chinee?” hinanakit ni Disney. ‘Kasi anak hindi basta-bastang tao ang papa mo’ sigaw ng kanyang isip. “Anak kasi, ah… mahirap ipaliwanag.” “Lagi ka namang nahihirapang magpaliwanag e. Di ba matanda ka na? Bakit nahihirapan ka aong magpaliwanag?” “Anak I’m sorry?” Sa sobrang awa, niyakap na lang niya ang anak gaya ng lagi niyang ginagawa, pero this time malamig na kumalas sa kanya ang anak. Mukhang malala na ang skait na nararamdaman nito. Pag-uwi nila sa bahay ay diretso ito sa kwarto. Nahihirapan din ang kanyang kalooban. Kaya niyaya niya si Cleo na mag-inom sila sa kanilang bahay. Hinintay niya munang makatulog si Disney.“Ano!? Ano kamo? Pinangakuan ka niya ng kasal tapos, tapos, pinauwi ka nang Pinas ng ganon na lang. At ang bruhang Shamira na ‘yon! Ang landi ha! Naku…. Nakakagigil talaga ang hari ng mga Herodes na yon! Isa pa yang Jayson na yan! Pag nakita ko talaga yan, kukuyumusin ko ang mukha niya!” nanggagalaiting bulalas ni Cleo.Habang si Loraine ay pugto na ang mga mata sa kakaiyak.“Hoy Loraine tumigil ka na nga dyan, lalo lang akong nanggigigil sa Herodes na ‘yon e. Para ka niyang pinasakay sa roller coaster ha,” dugsong pa ni Cleo. “Anong parang, ganon na nga ang sumatotal ng lahat,” sabat ni Thea.Napalingon naman si Loraine na nagtataka. “Teka nga Thea bakit nandito ka nga pala? Hindi ba nandoon ka sa villa ninyo? At di ba ikakasal ka kay Delfin? Ano na bang nangyari?”Natahimik naman si Thea habang idinudukot ang mga kamay sa bulsa. Nag-aapuhap ng isasagot. “Naku, isa pa yan, isa pa yang Dimitri na yan,” muling dugsong ni Cleo. “Ano? Teka, hindi ko maintindihan. Ano naman ang kinala
Ilang oras ang lumipas nang makalabas si Ibrahim sa kwarto nina Loraine. Tinatamad pa sanang bumangon si Loraine pero alas nueve na ng umaga kaya nag-inat inat na siya at nagsimulang ayusin ang sarili. Isang oras ang lumipas nang may kumatok sa pintuan. Kumunot ng bahagya ang kanyang noo. “Ha? Ano ba naman si Ibrahim, bakit kailangan pang kumatok e basta na lang naman siya pumapasok dito, saka hindi naman naka-lock ang pintuan ah,” pagtataka niya sa pag-aakalang si Ibrahim ang kumakatok.Pero kumatok pa ulit ito ng sunud-sunod. “Hay… oo na nga andiyan na.” Isinuot niya ang robe at nagmadaling tumakbo papunta sa pinto. “My love,” excited na salubong niya pero si Jayson ang nasa labas, may dala itong plane ticket. “Ay sorry naman Jayson, ikaw pala yan.” Natawa siya. “Ah, oo ako nga,” maang ni Jayson. “O halika, pasok ka,” aya ni Loraine kay Jayson. “Naku hindi na, dito na lang. Saka mukhang kagigising mo lang e.”“Ah oo. E teka bakit ka nga ba nandito? I mean nasaan si Ibrahim?
No doubts, no fear, pakakasal na siya kay Ibrahim.Tumayo ito at niyakap siya ng mahigpit. “I will never let you go. Walang sinumang makapaghihiwalay sa atin, my love, I love you.”“I love you too Ibrahim.”Kasunod ng proposal na iyon ay ang magarbong strings orchestra play sa grand stage ng amusement park kasabay ang sunud-sunod na foreworks.Naluluhang natatawa si Loraine. “Grabe, A whole New World talaga.” Iyon ang saliw na tinutugtog ng orchestra.“If I can only give you the world, I will, pero sorry my love hindi kasi akin ang mundo e. Baka magalit ang tunay na may ari na siyang lumikha.”Natawa silang pareho.“Ikaw talaga.”Matapos ang proposal at Orchestra play, dinig na dinig naman nila ang sigaw nila Disney mula sa itaas ng ferris wheel.“I love you Papa!!! I love you Mama!!! I love you Lolo!!!” umeekong sigaw ni Disney.Panatag namang nakatanaw sina Ibrahim mula sa ibaba dahil alam nilang bantay sarado ito ng mga katulong at bodyguards.Maya-maya may lumapit na isa sa mga bo
Loraine admit to herself na may kaunting takot siya noong umpisa sa ipinapakitang pagmamahal ni Ibrahim para sa kanya, ngayon iba na, talagang mapapatunayan niyang tapat ito sa kanyang nararamdaman dahil sa mga ipinapakita nito.Nagising siya mula sa pagakakatulog ng mahimbing dahil na rin sa magdamag na lambingan nila ni Ibrahim.. Napamulagat siya nang makitang sinusugod na siya ng yakap nina Disney at Khalid habang pinapanood naman sila ni Ibrahim.“Mama, dito ka pala natulog, hinahanap ka namin kagabi e,” pag-uusisa ni Disney.Napangiwi naman siya sa sobrang hiya sa mga anak.“Ahm… oo anak, sorry.” Sabay peace sign.“Okay lang po Ma kasi dumating naman po si Papa. Pinatulog nga po niya si Khalid e. Bakit kasi Ma, dito ka natulog,” reklamo ni Disney.“Ah… hahaha. Kasi mga anak…”“Because you and Khalid are grown up babies, kailangan n’yo nang masanay matulog na mag-isa,” salo ni Ibrahim.“Ha…? E Papa bata pa kami,” pangangatwiran naman ni Disney. Habang si Khalid naman ay mahigpit
Everything’s change after that night. Naging malambing na sa kanya si Ibrahim ngunit maingat sila. Hindi nila ipinahahalata sa karamihan ang kanilang relasyon. Pumayag siya na muling maging kasintahan nito kahit palihim. Alam niyang mahirap gawin ang desisyon ni Ibrahim pero nakikita niya ang pagsisikap nito.Una nitong sininop ang kumpanya sa Pilipinas na siyang inaasahan nitong pantaguyod sa kanilang pamilya. Pangalawa ay ang pakikipag-usap nito sa hari na mariin namang tinutulan ang desisyon nito kaya talagang mahirap. But all in all, humahanga si Loraine sa katapangan nito kaya walang dahilang hindi niya ito mahalin. Marupok na kung marupok, may dahilan naman.Hindi niya tuloy maiwasang mapangiti habang naaalala ang gabing iyon. Napakasaya niya talaga na sa wakas dumating ang oras na naging maayos na sila ni Ibrahim, kasal na lang ang kulang. Nagtitiwala naman siya na makakasal siya rito.Gabi na nang dumalaw si Ibrahim sa kanilang kwarto. Tulog na rin sina Disney.“Hey, I missed
“What is going on here?”Agad na namang kumabog ang dibdib ni Loraine nang marinig ang boses na iyon ni Ibrahim. Ayan na naman kasi ang lakas ng dating nito sa kanya kaya kahit anong iwas at tago, lumalabas at lumalabas pa rin ang epekto nito sa kanya kahit naiinis siya dito. Natataranta siya at namumula ang mukha.“Wa-wala, aalis na ako,” natatarantang sagot niya.“Bakit kailangan mong umalis kung pwede ka namang mag-stay.”‘Oo nga naman Loraine,’ sagot ng kanyang isip. “Ahm… mas maganda sigurong bigyan ko kayo ng time sa isa’t-isa,” palusot pa niya.‘Sus… ang arte talaga, if I know gusto mo rin naman akong makasama,’ natatawang tugon ni Ibrahim sa kanyang isip. “You know what, mag-stay ka na rin dito so we can have time with each other as family,” nakangiting paliwanag naman ni Ibrahim.‘Anong nakain ng Herodes na ‘to at parang ang bait bait niya ngayon?’ tanong ni Loraine sa isip.“Come on… I’m in the good mood today,” muling yaya ni Ibrahim.Nagdadalawang isip naman si Loraine na
“Ayon na nga Cleo, pinagulong ko talaga ang babaeng iyon, ang tagal ko nang gustong gawin ‘yon sa kanya,” gigil na kwento ni Loraine habang wala pang masyadong customer ang coffee shop nila.“O tapos?” excited na tanong ni Cleo sa nakakabiting kwento ni Loraine.“Ayon hindi makalaban, napakahina na
“What? Sinampal, hinalikan, agh! Khaleb ypu are putting yourself down on the ground. Kilala mo pa ba ang sarili mo ha?”“Uncle kaya nga kailangan kong gumanti sa kanya.”“No! You don’t need to. Just stay here. Hindi ka pwedeng lumbas ng basta-basta. University is to crowded. And what is the revenge
“Oh my gosh, oh my gosh, asan ka na ba Cleo,” nanginginig na tanong ni Loraine sa sarili habang natataranta sa paghahanap sa kaibigan.“Mama, bakit po tayo nagmamadali?”“Hindi naman anak, pero gabi na kasi, may pasok ka pa bukas remember?”“Ah opo nga pala sige po uwi na tayo.”Sa wakas nakita niy
“Huh! Gusto mo ba ulit ng sampal? Hoy Ibrahim Kalif, kung nakakaramdam ka ng matinding libog sa katawan, mali ka ng nilapitan!”Ibrahim slightly smirk. “Masyado mo namang sineseryoso ang mga sinasabi ko Miss Gonzales, hindi naman ako ganong klase ng lalaki. I’m just trying to make fun of you. Anywa







