Share

Chapter 6

last update publish date: 2022-05-11 22:00:59

HINDI KO alam kung paano ako napadpad ngayon sa tapat ng condo unit ni Shainara. Sobrang layo nito mula sa kumpanya namin pero kahit na ganoon ay nag-drive ako nang malayo para lang makapunta rito.

I can't wait until tomorrow, and I couldn't give her an earful through the phone. I wasn't even the type of person who'll go and barge into someone's house without the owner knowing it, pero sa ngayon ay hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko at talagang nag-effort ako magpunta rito sa unit niya para lang sermunan siya.

"Shainara?" I called her as I clicked on the doorbell for I don't know how many times already. "Open the door, you dimwit," I said as I was trying to maintain my composure.

Ayoko namang mahila ng mga security guard dito dahil lang sa nag-eeskandalo ako rito sa harap ng unit niya. Hindi ko magagawa ang goal kong sermunan siya hanggang sa mapaos ako kung ganoon.

Pagkatapos ng iilan pang doorbell at ng paulit-ulit ko rin na pag-call sa kan'ya rito sa phone, sa wakas ay bumukas din ang pinto at bumungad sa akin si Shainara na pupungay-pungay pa ang mga mata habang nakakunot ang noo.

Kaagad akong napangiti nang makita ang suot niyang pantulog ngayon. Sleeveless shirt lang iyon at pahama na may tatak na hello kitty pero tuwang-tuwa na kaagad ako. Hindi ko alam na isinusuot niya pa rin pala 'to kahit na noong ibinigay ko 'to sa kan'ya noong birthday niya ay halos isumpa niya na ako dahil ginagawa ko raw siyang bata.

"Ano 'yon, 'te?" tanong nito sa akin habang kinukusot pa ang mga mata niya. "Gabing-gabi na, ah? Ang sarap ng tulog ko, eh-"

Magra-rant pa sana siya sa kung paano ko sinira ang mapayapa niyang tulog pero hindi ko na siya pinatapos. I'm here to get straight into the point. Hindi ako nagpunta rito nang personal para lang makipag-chikahan sa kan'ya, dahil kung 'yon ang pakay ko, sana sa call ko na lang siya kinausap.

"Kailan mo pa dine-date si Kleinder, ha?" halos hindi ko naitago ang disgusto sa tono ng boses ko nang itanong ko 'yon sa kan'ya. "The heck, Shainara. Alam na alam mo naman kung ano ang ikot ng bituka ng lalaking 'yon. Sa dinami-rami ng matitinong lalaki roon sa kumpanya, bakit kay Kleinder pa?"

My words were sharp and harsh, pero mas masakit pa sa mga salita ko ang aabutin niya kapag hindi siya nagising sa katotohanan na ang pakay lang sa kan'ya ni Kleinder ay ang katawan niya. He may look kind because of his facial features, but he's dangerous, way more than people could imagine.

He has the looks, the wealth, and the influence to hurt common people like me, and like her. Alam kong hindi siya mag-aalinlangan na iwan ang best friend ko kapag nagsawa na siya rito at kapag nagawa na niya ang lahat ng gusto niya. He's that heartless, and I am saying this with certainty.

"Wala ka namang gusto sa kan'ya, 'di ba?" nagtataka nitong tanong sa akin. Hindi ko alam kung na-absorb niya ba ang lahat ng sinabi ko ngayon lang, pero sa tingin ko ay hindi. Nakatingin lang kasi siya sa akin habang nakakunot ang noo. "Akala ko enemies kayo kaya okay lang-"

"Tanga, hindi ko siya gusto!" sigaw ko sa kan'ya na tuluyang nagpagising sa diwa niya. Nanlalaki pa ang mga mata nito sa akin na para bang binuhusan ko siya ng malamig na tubig kahit na hindi naman.

I tried to remain my composure as I tried to do deep breathing kahit na nandito siya sa harapan ko.  That's the most disgusting line I've ever heard throughout my life.

"Tanga ka kasi hindi mo siya gusto," sagot nito sa akin sa isang mahinang boses bago hinawakan ang kanang braso ko at hinila ako papasok sa loob ng unit niya. "Huwag kang magwala sa labas, 'te. Baka mahablot ka na lang bigla ng security guards diyan, sige ka," dagdag pa nitong sambit sa akin bago ako ipinaupo sa mini-couch niya.

Her unit looks like it was a unit for an infant than for a woman like her, or masyado lang akong judgmental? However, I still can say that the theme of her unit doesn't suit her. Despite her straight black hair and intimidating aura, she still has a feminine aura, making her an easy target for people like Kleinder.

But the furniture and appliances in this unit are black and white, and I never saw Shainara getting fond of dark colors like this. She prefers pastel ones.

And to think about it, this is the first time I noticed it. That there's something wrong about her condo unit. Hindi naman ganito ang mga gamit niya rito dati pero ngayon ay puro itim at puti na.

"Nagli-live in na ba kayo ni Kleinder?" diretsahan kong tanong sa kan'ya.

"What? No," mariin naman nitong sagot sa akin bago umupo sa tabi ko, medyo pumipikit-pikit pa ang mga mata. "Pagod na pagod ako today, sis. Puwede bang bukas mo na ako i-interrogate?"

"Hindi puwede. Iyon nga ang ipinunta ko rito, eh." Ipinatong ko ang siko ko sa armrest at nagdekuwatro bago ko siya tinanong. "Kailan pa kayo nagde-date?"

"Noong isang araw lang," inaantok nitong sagot sa akin bago humikab.

"Bakit si Kleinder pa talaga?"

"Kasi gusto ko siya."

She's playing safe, pero hindi ko siya tatantanan sa pagtatanong. Kung kailangan ko siyang batukan ngayon ay gagawin ko para lang magising siya sa katotohanan na si Kleinder ay isang walking heartbreak.

I don't have any problems about him dating people and breaking their heart afterward. Wala akong pakialam kung ilang babae pa ang pagsabay-sabayin niya at ikama bago niya 'to iwanan, pero hindi ang best friend ko. I wouldn't let my innocent girl be blinded and deceived by a man like him.

"Paano ka niya niligawan?" Tumaas ang kanang kilay ko pagkatanong ko no'n.

"Hindi na uso 'yon, girl!" Tumingin siya sa akin na para bang gusto niyang matawa dahil sa sinabi ko. "Kapag gusto n'yo ang isa't-isa, you'll test the waters! Ano'ng ligaw? Bata ka ba?"

Napairap na lang ako sa sinabi niya at hindi na lang nagsalita. Hindi ko rin kasi alam kung ano ang sasabihin ko. Sa tingin ko naman ay kahit ano ang sabihin ko sa kan'ya, hindi siya makikinig sa akin.

"Sis, naiintindihan ko ang pag-aalala mo sa akin. Alam ko ang reputasyon ni Kleinder. He was notorious by breaking every girl's heart," she held my hand, squeezed it a bit as she stared at me intently, "but believe me, iba ngayon. Pakiramdam ko ay iba 'tong mangyayari sa amin ngayon. Watch me change him into a good and loyal man."

Napabuntong hininga na lang ako bago ako tumango sa kan'ya nang bahagya at binigyan siya ng isang ngiti na hindi ko alam kung paano ko nagawa. I just don't want her to get hurt. She may look so liberated, but the truth is, she was so innocent. Kahit noong mga panahon na kakapasok lang niya sa Hornbrown Investments noon ay hindi niya alam kung binibigyan na ba siya ng mga tao ng backhanded compliment o hindi.

"Sana ay tama ka, Shainara. Sana nga ay magbago siya."

Although I doubted it, I wanted to trust her this time.

Tama naman siya sa sinabi niya. Malaki na siya at kaya na niyang i-handle ang sarili niya. Sana lang ay hindi siya magpunta sa akin at umiyak dahil dumating na 'yong araw na kinatatakutan ko.

And I hope na kung mangyari man 'yon ay hanggang doon na lang 'yon. I hope that nothing bloody would happen.

Speaking of blood. "Yuck, girl! Bakit may dugo rito?!" singhal ko kay Shainara na muntik nang makatulog dito sa sofa nang mapansin ko na mayroong kakaunting bakas ng dugo rito sa couch niya.

Kamuntikan ko nang hindi mapansin kasi nasa bandang sulok 'yon ng couch pero kaagad akong nandiri at napalayo nang makita ko iyon.

"Mens ko 'yan, p*****a ka," inis nitong wika sa akin bago niya ako tinulak na naging dahilan para malaglag ako sa sahig. "Parang 'di ka nagkakaroon, ah," dagdag pa nitong sabi sa akin bago ito nagkamot ng ulo na para bang kaunti na lang ay gusto na niya akong itulak palabas ng bahay niya.

Nakakadiri talaga ang babaeng 'to paminsan-minsan. Natagusan na pala siya, pero hindi man lang linisin nang maayos ang mga gamit dito sa bahay niya.

"Init ng ulo mo, ah? 'Di ba dapat ako ang mainit ang ulo sa iyo? Buwisit na 'to." Inirapan ko siya bago ako tumayo at hinimas nang bahagya ang puwet ko. "Aalis na ako para makatulog ka na rin nang maayos. Pinagod ka ba ni Kleinder?"

"Wala pang nangyayari sa amin!" singhal nito sa akin na naging dahilan para matawa ako nang bahagya. Parang ang sama ng loob niya sa pagkakasabi niya no'n, ah? "Hindi na kita ihahatid, sis, ah. Maawa ka sa akin. Antok na talaga ako."

Tumango na lang ako sa kan'ya bago ako naglakad palabas ng pintuan ng unit niya at isinara iyon. Naiiling na lang akong naglakad papunta sa parking lot kung nasaan ang kotse ko, pero kaagad din akong napatigil sa paglalakad nang may maalala ko.

Sigurado ako na walang mens ngayon si Shainara dahil parehas kami ng schedule, kaya paanong magkakaroon ng dugo roon sa couch niya?

AFTER the day I visited Shainara on her unit, hindi ko na siya nakausap ulit dahil bigla na namang naging busy sa buong finance department. Samu't-sari na naman ang mga tawag na sinasagot namin mula sa mga kliyente. Nawalan na naman ako ng oras para makabili ng iced coffee kaya hindi na naman maipinta ang timpla ng mukha ko ngayon.

"Okay, ma'am. Thank you," nakangiti kong sabi sa kausap ko sa tawag pero kaagad din na nawala ang ngiti kong 'yon nang ibinaba ko na ang telepono. "Nakakapagod," dagdag ko pang reklamo at mag-uunat na sana ako ng braso pero kaagad din akong napatigil nang may makita akong naglalandian sa harap ng office ko.

Inalis ko kasi kanina ang pagkaka-tinted ng glass wall dito sa office ko pero sana pala ay hindi ko na lang ginawa 'yon dahil mas lalo lang nasira ang mood ko.

That jerk was even smiling ear-to-ear as he was patting Shainara's head. May ibinulong pa ito sa best friend ko na naging dahilan para humagikhik ito. Kaya naman ay umiling na lang ako bago minasahe ang noo ko para lang kahit papaano ay mawala ang inis ko, pero mas lalo lang 'tong nadagdagan nang lumingon sa akin si Kleinder at kindatan ako.

I hate the fact that he's happy while some of the people are hurting because of him. He's ruthless and heartless, but what do I expect? He was a gang member. Madali lang sa kan'ya ang manakit ng tao at natatakot ako na maranasan 'yon ni Shainara mula sa mga kamay niya.

Ang tanging nagawa ko na lang tuloy ay ang hawakan nang mahigpit ang ballpen ko habang nakatingin nang masama sa kanilang dalawa. Siguraduhin lang talaga niya na hindi niya sasaktan ang best friend ko, dahil kung gagawin niya 'yon ay hindi ko talaga alam kung ano ang magagawa ko sa kan'ya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • A Simple Way To Break You   Epilogue

    Isang taon na ang lumipas mula nang iwan ako ni Kleinder.Patuloy pa rin sa pag-ikot ang mundo, na para bang walang nawala. Noong una ay nagtaka lang ang mga katrabaho ko sa biglaang pagre-resign ni Kleinder dahil maganda na rin naman ang posisyon niya sa Hornbrown Investments, pero naka-move on din sila kaagad.Kinuha nila ako bilang bagong Branch Manager, at tinanggap ko naman iyon. Doon din inamin sa amin ng management na utos ni Shainara, ang dati nilang CEO, na huwag akong kunin sa bagong branch. Kinailangan lang nilang sumunod dahil doon nakasalalay ang trabaho nila.Katulad ng pangarap ko noon, napakulong na si Shainara, isang taon na ang nakararaan. Masyadong matibay ang mga ebidensiya na ipinasa ni Kleinder, at nakakuha rin siya ng iba't-ibang witness, kasali na siya, para patunayan ang iba't-ibang illegal activities sa gang at mafia nito.Doon na natapos ang kalbaryo namin, at ang paghahanap ko ng hustisya para kay Aya. Kung tutuusin ay wala naman akong ginawa. Si Kleinder an

  • A Simple Way To Break You   Chapter 36

    Nakakunot ang noo ko nang tumayo sa kama. Hindi ko rin alam kung paano ako napunta rito. Ang huling pagkakatanda ko ay nasa sala kami ni Kleinder, at hindi kami umalis doon.Masyado yata akong napagod kaya nakatulugan ko na siya. Totoo nga ang sinabi niya kagabi na papagurin niya talaga ako, at hayaan ko lang siya na gawin iyon.Dapat pala hindi ako pumayag dahil anong oras na! Galit na kaya si Shainara? Kaya ba wala rito si Kleinder ay dahil ipinakuha na niya ang lalaking mahal ko?"Kleinder?" pagtawag ko kay Kleinder bago isinuot ang damit at underwear na inihanda niya para sa akin bago lumabas ng kuwarto. "Nasaan ka? Wala ka ba rito sa bahay? U-Umalis ka ba?"Sobrang pamilyar ang eksenang ito para sa akin. Ganito rin ako noong hinahanap ko si Aya noong lumabas siya para bumili ng snacks namin para sa isang celebration. Ganito rin ang bilis ng tibok ng puso ko.This time, mas matindi ang takot na baka naulit ang nakaraan."Kleinder... Nasaan ka?"Hindi ko na namalayang tumutulo na p

  • A Simple Way To Break You   Chapter 35

    Nakatulala lang ako nang iwan ni Shainara sa parking lot. I look like a mess. Basa pa rin ang mukha ng luha, at tila gulong-gulo sa mga nangyayari.Naiintindihan ko na ang lahat. Ganoon pa man, nahihirapan akong tanggapin iyon.I didn't have any chance to grieve the relationship I had just started with Kleinder. Kakaumpisa pa lang namin pero kailangan ko siyang iwan.Kailangan ko siyang saktan para kung sakaling umalis ako, hindi na niya ako hanapin pa."Bakit... Bakit ganito?" bulong ko habang nakatitig lang sa sahig at sinusubukang kontrolin ang nararamdaman ko.But it was impossible. Durog na durog ako ngayon. Nalaman ko nga kung sino ang pumatay sa kapatid ko, pero wala naman akong laban.Hindi ko ito napaghandaan, dahil hindi ko inakalang si Shainara pala ang makakalaban ko.Ang sakit. Sobrang sakit na para bang paulit-ulit akong sinasaksak.Pero kailangan kong lumaban. Hindi lang para kay Aya at Kleinder, kun'di para sa akin na rin.Kung hindi man ako magiging masaya sa buhay ko

  • A Simple Way To Break You   Chapter 34

    Natigilan ako nang marinig ang sinabi niya. Hindi ko alam na napansin pala ni Shainara ang pagpindot ko sa voice recording kanina habang nag-uusap kami. I forgot how perceptive she was. Iyon siguro ang isa sa totoo sa kabila ng mga pagpapanggap niya.Kinagat ko ang labi bago inilabas ang phone ko. Pinatay ko ang voice recording at ibinulsa iyon ulit. Ang totoo niyan ay balak kong i-send ito kay Kleinder kapag nalingan siya. Iyon ay kung hindi niya kukunin ang phone ko at sapilitang ide-delete iyon."Tsk. Talagang nag-iisip ka pa ng ibang paraan para maisahan ako, ano? Magkaparehas nga kayo ng kapatid mo," aniya bago umiling. "Hindi mo ba narinig ang sinabi ko kanina? Nasa kamay ko ang buhay ni Kleinder. I can kill him however you want me to."Ako naman ang napangisi ngayon. "At paano mo naman iyon gagawin? Ordinaryong empleyado ka lang sa kumpanyang ito, Shainara. Mayaman ka, oo, pero may sapat ka bang kapangyarihan para magpapatay ng tao?"Alam ko na ang tungkol sa kan'ya, pero hind

  • A Simple Way To Break You   Chapter 33

    Hindi ko maiwasan na mapahalakhak nang marinig ko ang sinabi ni Shainara. Dati ay naco-comfort niya ako kapag ganito siya mag-alala. Pero ngayon? Nandidiri ako. Ang gusto ko lang ngayon ay lumayo siya sa akin."Bakit? Kasi papatayin mo rin si Kleinder kung sakali?" tanong ko bago pinunasan ang luha gamit ang likod ng palad ko. "Grabe ka, Shainara. Sobrang tagal mong nagpanggap na mabait ka sa akin. Pero gagaguhin mo lang ako nang ganito?"I can't control my emotions anymore. Gustuhin ko man, pero pakiramdam ko ay sasabog na ang puso ko kapag pinigilan ko ito.Iba't-ibang emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Galit, sakit, pagkamuhi, pandidiri, at iba pang halos hindi ko na rin mapangalanan.Walang confirmation, pero ito ang sinasabi ng intuition ko. Kung malakas si Shainara makatunog, ganoon din ako pagdating sa mga ganitong bagay."What..." Napakurap si Shainara, at halata ang pagtataka sa kan'yang mukha. "Anong sinasabi mo, Sis? Nandito ako para i-comfort ka dahil sa pag-iyak mo kanin

  • A Simple Way To Break You   Chapter 32

    Gusto ko lang na maglakad-lakad muna rito sa kumpanya habang nagmumuni-muni ako, kaya naman nakarating ako sa office ni Shainara. Nasa labas lang ako habang nasa loob naman siya at may kausap na isang babaeng empleyado.Mas bata iyon sa amin, pero kahit ganoon pa man, halata na sobrang komportable siya kay Shainara. Who wouldn't? Siya ang pinakamabait na babaeng nakilala ko bukod kay kaya.Sa tingin ko nga ay magkakasundo silang dalawa. Napangiti na lang ako dahil sa mga naisip ko. Tuluyan ding nawala ang bigat sa dibdib ko kanina. For me, Shainara is like a sunshine. Kaya niyang pagaanin ang loob ng mga taong malapit sa kan'ya."Napaka-friendly talaga kahit kailan," bulong ko bago sumandal sa pader.Hinihintay ko kasi na lumabas muna 'yong empleyado bago ako pumasok sa loob. Gawa sa salamin ang office at hindi ibinaba ni Shainara ang sliding door ngayon, dahilan kaya kitang-kita ko silang dalawa."Thank you po ulit, Ma'am Shainara!" masayang wika ng babae pagbukas niya ng pinto."Yo

  • A Simple Way To Break You   Chapter 15

    Napakunot ang noo ko. At the same time, binalot ako ng kuryosidad."Sino?" tanong ko bago ko pa man din mapigilan ang sarili ko na magsalita. "Kamag-anak? Or... ex-girlfriend?"Hindi siya kaagad nagsalita at sinagot ang tanong ko. Nanatili lang siyang nakatitig doon sa kuwartong puno na ngayon ng g

  • A Simple Way To Break You   Chapter 14

    "A-Ano? Hindi, ah! Diyan ka na nga!"Dali-dali akong tumayo at tumakbo papasok sa kuwarto ko, dala-dala pa ang blanket kahit hindi ko naman talaga sobrang kailangan 'yon.Pagkapasok ko sa kuwarto ay kaagad kong isinara ang pinto at sumandal doon. Tuluyan ko na ring binitawan ang blanket at inilagay

  • A Simple Way To Break You   Chapter 13

    Napatigil si Kleinder dahil sa bigla kong tinanong sa kan'ya. Mukhang hindi niya 'yon ine-expect dahil napakurap pa siya noong nilingon ako."What?""Hindi ka bingi, Kleinder. I know na narinig mo ang sinabi ko."Hindi siya kaagad nakapagsalita. Imbes ay lumapit siya sa akin at tinitigan ako sa mata

  • A Simple Way To Break You   Chapter 9

    "ANO NGA 'yong pinag-usapan n'yo?" pangungulit sa akin ni Shainara habang nandito ako sa office at nagbabawas ng workload.I was so stressed doing my usual job, which makes me hate this job even though I really love it. Sumasakit na ang ulo ko sa babaeng ‘to. Hindi ko na nga siya sinasagot pero paul

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status