Share

Chapter 5

last update Petsa ng paglalathala: 2022-05-03 11:13:38

"NAPAKAKUPAL talaga," wika ko kay Shainara na kasama ko sa cafeteria ngayon habang umiinom ng iced coffee. Free time kasi namin ngayon dahil wala naman masyadong nagpupuntang kliyente at wala ring urgent tasks na kailangang gawin.

Kailangan naming sulitin ang mga oras na 'to dahil minsan lang 'to mangyari. Once in a blue moon, ika nga nila.

Hindi naman halata na paborito ko ang iced coffee, ano? Kahit na sobrang inconvenient sa oras ko ang magpunta roon sa coffee shop na binibilhan ko nito para lang makabili nito, wala akong pakialam. My mental health is more important than anything else.

However, I wasn't the one who bought this iced coffee. Libre ito ni Shainara sa akin dahil daw sobrang stressed na ako sa trabaho at nahahalata na raw iyon sa mukha ko. She even told me na nagsisimula nang maging visible ang eyebags ko kahit na takpan ko pa ito ng concealer.

And she was right, at kasalanan ito lahat ni Kleinder. That wicked jerk.

"Ako ba ang tinutukoy mo?" nagtatakang tanong naman nito sa akin habang kinakain ang paborito niyang Carbonara. Kapag nakikita ko 'yang Carbonara na 'yan, naaalala ko lang si Kleinder, at mas lalo tuloy akong naiinis.

"No," maikli kong sagot sa kan'ya bago ko ininom ang natitirang kape sa plastic cup.

Bahagya ko pang naikuyom ang kamay ko kaya naman ay medyo nalukot ang plastic cup na iniinuman ko na lumikha ng medyo malakas na tunog. Kaagad tuloy na napatingin sa akin si Shainara na napatigil sa pagsubo ng Carbonara nang makita na hindi kaaya-aya ang itsura ko ngayon.

"Girl, ang puso mo," she said as she laughed nervously, trying to lighten my mood, pero hindi na tatalab iyon lalo pa nga at natatanaw ko ngayon si Kleinder na kapapasok lang ngayon sa cafeteria at nakikipaglandian pa nga roon sa tindera.

Napairap na lang tuloy ako nang wala sa oras bago ko padabog na inilapag ang kamay ko sa lamesa. "Biglang bumantot ang naging polluted ang simoy ng hangin, don't you think?" pagtatanong ko kay Shainara na nakakunot lang ang noo sa akin ngayon habang tinititigan ako.

"Ha? Bakit? Umutot ba ako?" tanong naman nito sa akin sa nagtataka na tono bago nito isinubo 'yong Carbonara na nasa tinidor niya ngayon. "Kanina mo pa ako inaaway, ah. Nasasaktan na ako, sis."

It was the last piece of her food, kaya naman pagkatapos niyang isubo 'yon ay inayos na rin niya ang plato at ang baso niya para mailagay 'yon sa cabinet. Clean as you go kasi ang rule rito, at kapag nag-iwan ka ng utensils or dumi sa lamesa, intentional man or hindi, ikakaltas nila iyon sa sahod mo.

Dahil doon, of course, lahat ay sumusunod sa CLAYGO rule. Sino ba naman kasi ang gusto na makaltasan sila ng sahod, hindi ba?

"I told you, I'm not. Hindi ikaw ang tinutukoy ko." Unti-unti na akong nauubusan ng pasensiya dahil kay Kleinder na nagagawa pang ngumisi ngayon at makipagtawanan sa iba habang umo-order ng pagkain, at dito kay Shainara na hindi ko malaman kung kasama ko ba talaga ngayon o hindi.

Kanina pa kasi yata lumulutang ang utak niya at hindi ko lang alam kung saan na iyon napadpad.

I wasn't pertaining to her, anyway. I was pertaining to Kleinder.

Ilang araw na ang lumipas pagkatapos niyang sabihin na hindi naman worth it ang makipag-away sa akin, pero hanggang ngayon ay masama pa rin ang loob ko sa kan'ya. Matindi ako magtanim ng sama ng loob, at alam ko na hindi iyon basta-basta mawawala.

Tumayo na ako habang hawak-hawak ang plastic cup na wala nang laman. Nagpalinga-linga ako sa paligid para maghanap ng basurahan. Sumunod naman si Shainara sa akin na dala-dala na ang tray niya.

"Eh, sino ang tinutukoy mo?" tanong nito sa akin habang nasa likod ko siya.

"Kleinder," maikling sagot ko naman dito bago ako naglakad doon sa trash can na nakita ko.

"Shainara?" pagtawag ko sa kan'ya dahil nagtaka ako nang hindi 'to sumagot sa akin.

Kanina ay ang daldal niya pero ngayon ay hindi man lang siya nagsasalita? Was she too shocked na si Kleinder ang tinutukoy kong kupal? I mean, kupal naman talaga ang boss namin na 'yon.

"Where are you-"

I wasn't able to finish my sentence when someone was already in front of me and not my best friend.

Speaking of the devil.

"I never knew you love calling my name, Miss Vernace," wika nito sa akin habang nakangisi. He was wearing a black suit this time. Mukhang kagagaling lang nito sa isang party o kaya naman ay formal meeting.

Puwes, wala akong paki. Assumero na, ang yabang pa.

"Excuse me?" kaagad ko naman sagot sa kan'ya bago ako naglakad papalapit, pero hindi siya ang pakay ko. Nasa tabi kasi siya ni Shainara na mukhang na-starstrucked na ngayon dahil crush niya itong buwisit na 'to. "Bakit ka nakikinig sa usapan ng iba? Wala ka bang manners?"

"You're calling my name loudly, Sandara. Paano mo masasabi na nakikinig ako sa usapan ng iba kung rinig na rinig ko ang pagtawag mo sa pangalan ko?" Mas lumawak pa ang ngisi nito bago nilingon si Shainara na kulang na lang ay humiwalay ang panga sa bibig nito dahil sa sobrang pagkakanganga niya. "Shainara De Luna, right?"

"Y-Yes, sir..." mahinhin na sagot naman nito bago yumuko, pero kahit na nakayuko na siya ay kitang-kita ko pa ang pagkagat nito sa pang-ibabang labi niya at ang panandaliang pagpikit at pagngiti nito.

Gusto ko tuloy siyang kurutin sa singit dahil doon. Kaya siya ang target ng mga lalaking kagaya ni Kleinder, eh! Napakarupok niya at napakabilis ma-fall! Kung wala lang kami sa cafeteria ngayon ay kukurutin ko na talaga ang isang 'to!

"Ako na riyan," saad pa ni Kleinder bago kinuha sa kamay ni Shainara ang tray na hawak-hawak nito. Hindi nakatakas sa paningin ko ang panandaliang paghaplos nito sa kamay ni Shainara bago niya tuluyang makuha 'yong tray.

Kaagad na nandilim ang paningin ko dahil doon kaya naman ay kaagad kong nilapit ang mukha ko sa tainga ni Kleinder at bumulong dito, "Hoy, Kleinder, huwag ang best friend ko."

"What? I was just helping her." He shrugged as he placed his tray on the cabinet. Doon kasi nilalagay ang marurumi na utensils na kukunin din ng staffs dito sa canteen mamaya.

"You're flirting with her," I said as I gritted my teeth.

"Ikaw lang ang nag-iisip no'n," he shot back as he looked at Shainara and winked at her. 'Yan ba ang hindi lumalandi, ha? "Anyway, work well, ladies," dagdag niya pang sambit bago ito naglakad papalayo sa amin.

Tangina niya talaga kahit kailan!

"KANINA pa mainit 'yang ulo mo, sis," pagkausap sa akin ni Shainara habang nagtitipa ako rito sa keyboard ko. "Hindi pa ba sapat 'yong isang iced coffee? Gusto mo pa ng isa? Sinisipag naman ako today, puwede kitang bilhan."

Like what I did these past few weeks, I was looking for great stocks to buy. Kailangan kong magpakitang-gilas at nang sa ganoon ay mailipat ako sa Cavite branch. Kaunti na lang talaga ay masisiraan na ako ng ulo rito kay Kleinder. Baka kapag nagtagal pa ako rito, imbes na malipat ako ng branch ay sa kulungan pa ang maging bagsak ko.

"No, thank you," kaagad ko namang pagtanggi sa offer niya. "Baka imbes na maging kulay pula ang dugo ko, magulat ka na lang na kulay brown na," natatawa ko pang dagdag dito bago ko kinuha ang sticky note ko sa gilid at nagsulat doon.

I was taking notes of the companies that had their stock price increases. I needed to confirm first kung pang-long term ba iyon o short-term lang.

"Gaga!" kaagad namang sagot nito sa akin bago tumawa nang bahagya. "Mainit pa rin ba ang ulo mo dahil kay Kleinder? It's been a while, though. Mag-move on ka na," dagdag pa nitong sabi sa akin na naging dahilan para irapan ko siya.

"No, hindi ako magmo-move on sa inis ko sa kan'ya. Hangga't nakikita ko siya rito ay hindi tumitigil sa pagkulo 'tong dugo ko." I massaged my forehead as I said that. Mas matindi pa yata ang pagkainis ko kay Kleinder kaysa rito sa trabaho ko ngayon. "Anyway, why are you still here? Sinasayang mo ang aircon doon sa office mo."

"Nakaka-drain magtrabaho mag-isa, girl," sagot naman nito sa akin bago nagbuntong hininga. "Buti ka nga at kinakaya mo magtipa lang sa laptop mo rito maghapon kahit na mag-isa ka lang. I just can't do that, girl. Alam mo naman na mabilis akong ma-bored."

Hindi ko na lang siya sinagot. Unlike her, mas gusto kong magtrabaho mag-isa. I just couldn't deal with distractions.

"Do you want me to tell you something about Kleinder?" she asked. Kaagad akong napatingin sa kan'ya bago ko siya pinagtaasan ng kilay. "Both of you had a not-so-good start. Maybe if you'll know about his good characteristics, you'll have a different perspective-"

"No, and I won't thank you for the offer." Sa mga sinabi niyang 'yon ay parang gusto ko masuka. Good characteristics my ass. Wala siya no'n. Bad sides lang ang mayroon siya. "Bakit ba pinagtatanggol mo ang isang 'yon?"

"Because he's very nice," she answered, and I swear, I could see her eyes twinkling as she said that.

I think I'm going to vomit, fuck.

"No, he's not," mariing sagot ko naman sa kan'ya pero hindi na lang niya ako pinansin. Nag-hum na lang ito ng kanta bago nito ipinagpatuloy ang ginagawa niya kanina sa laptop niya.

With that, I confirmed that something was wrong with her.

IT WAS already seven o'clock in the evening pero hindi pa rin ako umuuwi. Ako na lang ang mag-isa rito sa labas ng finance department dahil nagsialisan na silang lahat puwera lang sa akin. I was waiting for someone to clock out so I could talk to him.

And that someone is Kleinder.

I was having a hunch on what's happening, pero kailangan ko munang makumpirma 'yon sa bibig niya mismo. Siguro ay pinainom niya ng gayuma si Shainara. It wasn't impossible, though.

"What did you do to my best friend?" pambungad ko kay Kleinder na kalalabas lang ngayon sa office niya. He was even taken aback as I said that. Hindi niya yata inaasahan na nandito ako sa harapan niya ngayon at hinihintay ang pagdaan niya sa finance department.

"Who?" he said confusedly as he fixed his messy hair.

"Shainara De Luna."

"Oh, she's your best friend?" He let out a chuckle as he stared at me. Mas lalo lang akong naaasar. "She seems nice, and you're not. Sigurado ka ba na ako ang may ginawa sa kan'ya at hindi ikaw?"

I rolled my eyes as I heard his insult. Wow, just wow. Wala talagang filter ang bibig ng isang 'to. I closed my eyes as I tried to deep breathing. Kailangan ko ng matinding patience ngayon dahil baka kung ano na talaga ang magawa ko sa kan'ya, lalo na at nakangisi pa siya ngayon habang sumusulyap-sulyap sa leeg ko.

What a fucking pervert.

"Huwag mong ibahin ang usapan," I answered him with conviction. "Tell me, ano ang ginawa mo sa kan'ya? Bakit sobra yata kung ipagtanggol ka niya mula sa akin?"

"Maybe because I'm dating her?" he stated with uncertainty, and I couldn't believe what I had heard just now. Did he really say it so casually? "Oh, I guess you didn't know. Poor thing, Sandara." He placed his hand on my head and patted me like a dog.

Someone, please give me more patience.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • A Simple Way To Break You   Epilogue

    Isang taon na ang lumipas mula nang iwan ako ni Kleinder.Patuloy pa rin sa pag-ikot ang mundo, na para bang walang nawala. Noong una ay nagtaka lang ang mga katrabaho ko sa biglaang pagre-resign ni Kleinder dahil maganda na rin naman ang posisyon niya sa Hornbrown Investments, pero naka-move on din sila kaagad.Kinuha nila ako bilang bagong Branch Manager, at tinanggap ko naman iyon. Doon din inamin sa amin ng management na utos ni Shainara, ang dati nilang CEO, na huwag akong kunin sa bagong branch. Kinailangan lang nilang sumunod dahil doon nakasalalay ang trabaho nila.Katulad ng pangarap ko noon, napakulong na si Shainara, isang taon na ang nakararaan. Masyadong matibay ang mga ebidensiya na ipinasa ni Kleinder, at nakakuha rin siya ng iba't-ibang witness, kasali na siya, para patunayan ang iba't-ibang illegal activities sa gang at mafia nito.Doon na natapos ang kalbaryo namin, at ang paghahanap ko ng hustisya para kay Aya. Kung tutuusin ay wala naman akong ginawa. Si Kleinder an

  • A Simple Way To Break You   Chapter 36

    Nakakunot ang noo ko nang tumayo sa kama. Hindi ko rin alam kung paano ako napunta rito. Ang huling pagkakatanda ko ay nasa sala kami ni Kleinder, at hindi kami umalis doon.Masyado yata akong napagod kaya nakatulugan ko na siya. Totoo nga ang sinabi niya kagabi na papagurin niya talaga ako, at hayaan ko lang siya na gawin iyon.Dapat pala hindi ako pumayag dahil anong oras na! Galit na kaya si Shainara? Kaya ba wala rito si Kleinder ay dahil ipinakuha na niya ang lalaking mahal ko?"Kleinder?" pagtawag ko kay Kleinder bago isinuot ang damit at underwear na inihanda niya para sa akin bago lumabas ng kuwarto. "Nasaan ka? Wala ka ba rito sa bahay? U-Umalis ka ba?"Sobrang pamilyar ang eksenang ito para sa akin. Ganito rin ako noong hinahanap ko si Aya noong lumabas siya para bumili ng snacks namin para sa isang celebration. Ganito rin ang bilis ng tibok ng puso ko.This time, mas matindi ang takot na baka naulit ang nakaraan."Kleinder... Nasaan ka?"Hindi ko na namalayang tumutulo na p

  • A Simple Way To Break You   Chapter 35

    Nakatulala lang ako nang iwan ni Shainara sa parking lot. I look like a mess. Basa pa rin ang mukha ng luha, at tila gulong-gulo sa mga nangyayari.Naiintindihan ko na ang lahat. Ganoon pa man, nahihirapan akong tanggapin iyon.I didn't have any chance to grieve the relationship I had just started with Kleinder. Kakaumpisa pa lang namin pero kailangan ko siyang iwan.Kailangan ko siyang saktan para kung sakaling umalis ako, hindi na niya ako hanapin pa."Bakit... Bakit ganito?" bulong ko habang nakatitig lang sa sahig at sinusubukang kontrolin ang nararamdaman ko.But it was impossible. Durog na durog ako ngayon. Nalaman ko nga kung sino ang pumatay sa kapatid ko, pero wala naman akong laban.Hindi ko ito napaghandaan, dahil hindi ko inakalang si Shainara pala ang makakalaban ko.Ang sakit. Sobrang sakit na para bang paulit-ulit akong sinasaksak.Pero kailangan kong lumaban. Hindi lang para kay Aya at Kleinder, kun'di para sa akin na rin.Kung hindi man ako magiging masaya sa buhay ko

  • A Simple Way To Break You   Chapter 34

    Natigilan ako nang marinig ang sinabi niya. Hindi ko alam na napansin pala ni Shainara ang pagpindot ko sa voice recording kanina habang nag-uusap kami. I forgot how perceptive she was. Iyon siguro ang isa sa totoo sa kabila ng mga pagpapanggap niya.Kinagat ko ang labi bago inilabas ang phone ko. Pinatay ko ang voice recording at ibinulsa iyon ulit. Ang totoo niyan ay balak kong i-send ito kay Kleinder kapag nalingan siya. Iyon ay kung hindi niya kukunin ang phone ko at sapilitang ide-delete iyon."Tsk. Talagang nag-iisip ka pa ng ibang paraan para maisahan ako, ano? Magkaparehas nga kayo ng kapatid mo," aniya bago umiling. "Hindi mo ba narinig ang sinabi ko kanina? Nasa kamay ko ang buhay ni Kleinder. I can kill him however you want me to."Ako naman ang napangisi ngayon. "At paano mo naman iyon gagawin? Ordinaryong empleyado ka lang sa kumpanyang ito, Shainara. Mayaman ka, oo, pero may sapat ka bang kapangyarihan para magpapatay ng tao?"Alam ko na ang tungkol sa kan'ya, pero hind

  • A Simple Way To Break You   Chapter 33

    Hindi ko maiwasan na mapahalakhak nang marinig ko ang sinabi ni Shainara. Dati ay naco-comfort niya ako kapag ganito siya mag-alala. Pero ngayon? Nandidiri ako. Ang gusto ko lang ngayon ay lumayo siya sa akin."Bakit? Kasi papatayin mo rin si Kleinder kung sakali?" tanong ko bago pinunasan ang luha gamit ang likod ng palad ko. "Grabe ka, Shainara. Sobrang tagal mong nagpanggap na mabait ka sa akin. Pero gagaguhin mo lang ako nang ganito?"I can't control my emotions anymore. Gustuhin ko man, pero pakiramdam ko ay sasabog na ang puso ko kapag pinigilan ko ito.Iba't-ibang emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Galit, sakit, pagkamuhi, pandidiri, at iba pang halos hindi ko na rin mapangalanan.Walang confirmation, pero ito ang sinasabi ng intuition ko. Kung malakas si Shainara makatunog, ganoon din ako pagdating sa mga ganitong bagay."What..." Napakurap si Shainara, at halata ang pagtataka sa kan'yang mukha. "Anong sinasabi mo, Sis? Nandito ako para i-comfort ka dahil sa pag-iyak mo kanin

  • A Simple Way To Break You   Chapter 32

    Gusto ko lang na maglakad-lakad muna rito sa kumpanya habang nagmumuni-muni ako, kaya naman nakarating ako sa office ni Shainara. Nasa labas lang ako habang nasa loob naman siya at may kausap na isang babaeng empleyado.Mas bata iyon sa amin, pero kahit ganoon pa man, halata na sobrang komportable siya kay Shainara. Who wouldn't? Siya ang pinakamabait na babaeng nakilala ko bukod kay kaya.Sa tingin ko nga ay magkakasundo silang dalawa. Napangiti na lang ako dahil sa mga naisip ko. Tuluyan ding nawala ang bigat sa dibdib ko kanina. For me, Shainara is like a sunshine. Kaya niyang pagaanin ang loob ng mga taong malapit sa kan'ya."Napaka-friendly talaga kahit kailan," bulong ko bago sumandal sa pader.Hinihintay ko kasi na lumabas muna 'yong empleyado bago ako pumasok sa loob. Gawa sa salamin ang office at hindi ibinaba ni Shainara ang sliding door ngayon, dahilan kaya kitang-kita ko silang dalawa."Thank you po ulit, Ma'am Shainara!" masayang wika ng babae pagbukas niya ng pinto."Yo

  • A Simple Way To Break You   Chapter 4

    "ONE iced coffee, please," wika ko roon sa barista bago ko inabot sa kan'ya ang credit card ko. Kaagad naman niyang ini-swipe 'yon at ibinalik sa akin. "On it, ma'am!" she said as she pointed to the empty table, gesturing me to sit while waiting for the coffee I ordered. Tinuturo niya 'yong upuan

  • A Simple Way To Break You   Chapter 3

    KASALUKUYAN akong tumitingin ngayon kung ano ang magandang bilhin na stocks nang biglang may kumatok sa opisina ko, at kahit naman hindi ko na buksan ang pinto ay alam ko na kaagad kung sino iyon.Walang iba kung hindi si Kleinder."Go on, sir," maikling

  • A Simple Way To Break You   Chapter 2

    "MAGRE-RESIGN na lang ako para hindi na kita kailanganing respetuhin. What do you think?" Tumigil ako sa paglalakad ko at tumingin ako sa kan'ya ng may halong pagyayabang at paghahamon. "Tatanggapin mo ba ang resignation letter ko?"Nandito na kami ngayon sa labas ng meeting

  • A Simple Way To Break You   Chapter 1

    "GOOD JOB, miss Vernace," wika sa akin ni Mr. Rusco, ang mismong CEO ng Hornbrown Investments na nandito ngayon sa Manila Branch para tingnan ang performance naming mga manager. Tumayo siya at inilahad sa akin ang kan'yang kanang kamay para makipag-shake hands sa akin. "You never failed to amaze me

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status