Mag-log inBiglang napabalikwas ng upo si Beatrice, ang kanyang puso ay tila tambol na mabilis ang pagtibok dahil sa gulat ngunit ang mabilis na galaw na iyon ay agad na napalitan ng matinding kirot. Napangiwi siya habang nararamdaman ang bawat sakit mula sa kanyang sariwang sugat. Kasabay ng hapdi ng katawan ay ang pag-agos ng mga alaala ng nagdaang gabi, mga tagpong pilit niyang ibinabaon ngunit tila malinaw na pelikulang naglalaro sa kanyang isipan. At ang lalaking bida sa mga mapangahas na alaalang iyon ay naroon, nakatayo sa mismong harapan niya. Sa ilalim ng maliwanag na ilaw ng klinika ay mas lalong naging malinaw ang bawat anggulo ng mukha nito. He looked even more lethal than the blurry image she remembered through her drunken haze. Kung hindi lang niya alam na walang kapatid si Benedict ay iisipin niyang ang matikas at eleganteng lalaking ito ay kadugo ng kanyang nobyo. “Why are you here?” garalgal na tanong niya. Ang awkward. Higit pa sa awkward. Una silang nagtagpo habang siya ay lunod sa alak at ngayon ay muli silang nagkaharap habang siya ay kalahating hubad sa ibabaw ng isang examination table. Dali-dali niyang inayos ang kanyang suot at tiningnan ang lalaki nang may matinding pag-iingat. Hindi sumagot ang lalaki, sa halip ay humakbang ito papalapit. Bawat yapak nito ay tila nagpapakaba sa dibdib niya. Pinilit niyang tumayo ngunit dahil sa panghihina ay muli siyang napaupo. Bago pa siya makakilos muli ay mabilis na yumuko ang lalaki. Ipinatong nito ang dalawang kamay sa magkabilang gilid niya, kinukulong siya sa isang maliit na espasyo. Sa sobrang lapit nila ay nalanghap niya ang banayad na amoy ng pinewood at mamahaling tobacco na nanunuot sa kanyang sistema. Isang mapaglarong ngiti ang sumilay sa manipis na labi ng lalaki. “If I hadn’t come, I wouldn’t even know my little friend had run away,” baritono at malamig ang boses nito ngunit may halong panunukso. Tatlong taon na siyang naglalayag sa malupit na mundo ng negosyo. Hindi siya isang inosenteng dilag na madaling mabulag sa matatamis na salita. Nakakita na siya ng iba't ibang uri ng tao pero kahit sa pinakamalalim niyang panaginip ay hindi niya inakalang mapupunta siya sa ganitong sitwasyon. “Sir, about last night, I…” pagtatangka niyang magpaliwanag ngunit mabilis siyang pinutol nito. “You were very enthusiastic last night.” Diretsong saad nito Napatigil siya, uminit ang kanyang mga pisngi at bahagyang napaawang ang bibig. Enthusiastic? Anong klaseng salita iyon? Sa kanyang kalituhan ay lalong naging inosente ang kanyang mukha, isang bagay na tila kinagigiliwan ng lalaking nasa harap niya. “So I have no intention of ending this relationship,” dugtong pa ng lalaki. Doon na nagbago ang kanyang timpla. Pinatigas niya ang kanyang boses at tiningnan ito nang diretso sa mata. “Sir, let’s be clear. We never started anything, so how could there be an ending? What happened last night was consensual. We’re both adults. Surely you understand what a one-night stand means.” Isang mahinang tawa ang kumawala sa lalaki ngunit ang kanyang mga mata ay nanatiling seryoso. “To me, a first time is very precious.” Isang mapait at sarkastikong tawa ang kumawala sa kanyang mga labi. “Don’t worry, I won’t ask you to take responsibility. Kalimutan na natin ang lahat.” Ngunit bago siya makalayo ay hinawakan ng lalaki ang kanyang baba at bahagyang inangat ito. Ang magaspang na hinlalaki nito ay dahan-dahang humaplos sa malambot niyang labi, isang haplos na nagpadaloy ng kuryente sa kanyang buong katawan. “What I mean is... you should take responsibility for me.” Saad ng lalaki sa mahinang tono. Nanlaki ang kanyang mga mata. Hindi siya makapaniwala. Shameless. Ito ang unang beses na nakatagpo siya ng lalaking ganito kakapal ang mukha. Pareho silang pumayag sa nangyari. Hindi nga siya humihingi ng pananagutan tapos ito pa ang may ganang maghabol? “Because it was my first time,” seryosong sabi ng lalaki, bawat salita nito ay malinaw at mariin. Tila nayanig ang kanyang mundo. Sinuri niyang muli ang lalaki mula ulo hanggang paa. Kahit si Benedict na hindi pa man din tumatapak sa edad na dalawampu't tatlo ay marami nang nakaka-affair. At itong lalaking ito? Mukhang edukado, mayaman at nasa tamang edad na... tapos sasabihin nitong first time niya? “Sir, may I ask how old you are?” tanong niya, ang boses ay puno ng pagdududa. “Thirty-two.” Napairap na lang siya. Buong lakas niya itong tinulak palayo at mabilis na naglakad patungo sa pinto. “You’re already that old and still pretending to be innocent. Shameless! Huwag mo na akong susundan!” Anong klaseng kamalasan ba ito? Hindi pa ba sapat na nakuha nito ang gusto niya noong isang gabi? Naiwang nakatayo ang lalaki habang nakatingin sa papalayong pigura ni Beatrice. Hinawakan niya ang sariling mukha. Pitong taon lang ang agwat ng edad nila. Ganoon ba talaga siya katanda sa paningin nito? Eksaktong bumalik ang doktor na tila nalilito kung nasaan na ang pasyente nito. Tiningnan ng doktor ang gwapong lalaki na mukhang malalim ang iniisip. “Do I look very old?” tanong ng lalaki sa doktor. Napatulala ang doktor. Gwapo sana pero mukhang may saltik sa utak, sa loob-loob nito. Nagmamadali ang bawat hakbang ni Beatrice suot ang kanyang high heels. Ang bawat click ng kanyang sapatos sa semento ay tila hudyat ng kanyang pagtakas. Kailangan niyang makabalik sa Quezon, kailangan niyang lumayo sa gulo. Pagkarating sa bahay ay sinalubong siya ng katahimikan. Gaya ng inaasahan ay wala pa si Benedict. Tinawagan niya ito. Halos mag-ring na hanggang dulo bago ito sumagot sa kabilang linya. “Beatrice,” ang boses nito ay tamad at tila bagong gising o pagod. Sa sandaling marinig niya ang boses na nito ay agad kumulo ang kanyang dugo. Naalala niya ang itsura nito kagabi habang kasama ang ibang babae. The betrayal tasted like ash in her mouth. “What are you doing? Why are you speaking so quietly?” malamig na tanong niya. “I’m playing basketball with friends. Go to sleep first, I’ll be home soon.” “Alright. Come home early.” Pinatay niya ang tawag. Isang mapait na ngiti ang sumilay sa kanyang mukha. Benedict. Since you’re heartless, don’t blame me for being ruthless. Hindi siya natulog. Sa halip ay humarap siya sa salamin at gumamit ng makeup upang magmukhang maputla at may sakit. Dinagdagan niya ang itim sa ilalim ng kanyang mga mata at pinatuyo ang kanyang labi. Nang bumalik ang lalaki sa kalaliman ng gabi ay nagulat ito nang madatnan siyang nakaupo sa sofa, magulo ang buhok at tila wala sa sarili. Nakasuot siya ng pajama, magulo ang buhok at tila nakatulala sa kawalan. “Why aren’t you asleep?” tanong ni Benedict habang lumuluhod sa tabi nito at hinawakan ang kanyang kamay. Agad na niyang binawi ang kanyang kamay na tila nandidiri sa hipo nito. Nang tumingala siya ay nakita nito ang namumula niyang mga mata at ang mga luhang pilit na pinipigilan. Sa tagal ng kanilang pagsasama ay kilala niya ito bilang isang matatag na babae. Never niya itong nakitang umiyak. Doon nagsimulang kabahan si Benedict. May alam na ba siya? “Why are you crying? Your face looks terrible. Did something happen?” bakas ang taranta sa boses nito. Takot na baka nalaman na nito ang kanyang mga kalokohan. Huminga siya nang malalim, ang kanyang boses ay nanginginig sa "sakit." “Can you really not marry me? I don’t want to have regrets, Benedict.” Bahagyang natigilan ang lalaki. “Haven’t you always prioritized your career? Why are you suddenly thinking about marriage?” Nagkunwari siyang natataranta. “I… my family has been urging me. It’s nothing. You must be tired from playing basketball. I made soup for you.” Tumayo siya at nagpunta sa kusina para kuhanin ang sopas. Habang nakatalikod ay kitang-kita niya sa repleksyon ng salamin ang bakas ng konsensya sa mukha nito. Inabot niya ang mangkok at dahan-dahang pinainom ang lalaki. “You’re suddenly treating me so well. I’m not used to it.” pag-amin ng lalaki Sa loob-loob niya ay gusto na niyang isaboy ang mainit na sabaw sa mukha nito. “In the past you were always good to me. My time…” hindi niya tinapos ang sasabihin. “What did you say?” “Nothing. I’ve just been too busy with work and neglected you. I want to treat you better from now on. Drink more. You must be tired from playing. I’ll go rest now.” Habang paakyat ng hagdan ay naramdaman niya ang titig ng lalaki. Hayaan mong malito ka. Hayaan mong kainin ka ng sarili mong konsensya. Ang pagmamahal na dating nararamdaman niya ay napalitan na ng isang masamang plano. Kinabukasan ay maaga siyang naghanda ng almusal. Pagbaba ni Benedict ay bumungad sa kanya ang mesa na puno ng pagkain ngunit ang mas nakakuha ng atensyon niya ay ang lalong pagputla ng babae. “You don’t look well.” “Maybe because I didn’t sleep well last night.” Paano siya makakatulog? Kaninang alas-tres ng madaling araw ay nakatanggap siya ng mga malalaswang litrato mula sa isang hindi kilalang numero. Alam niyang si Alexa iyon ngunit nanatili siyang tahimik. Hindi pa ito ang oras para sumabog. “I’m going to the company first,” paalam niya. Kailangan niyang salubungin ang bagong CEO ngayon bago siya tuluyang bumalik ng Quezon. Pagpasok niya sa sasakyan ay muli siyang naglagay ng lipstick upang maitago ang kanyang panghihina ngunit bago pa man niya ma-i-start ang makina ay tumunog ang kanyang telepono. Ang matandang housekeeper mula sa kanilang mansyon sa kabisera. “Miss, kailan po kayo uuwi? Napagkasunduan na po ang kasal ng ikalawang binibini.” Nadiinan niya ang pagkakapit sa manibela. “Who is it?” “Ang batang amo po ng pamilya Mendoza. Kaedad ng iyong kapatid, iyong nag-aaral sa timog.” Si Benedict. Ang lalaking kagabi lang ay tinatawag siya nang may paglalambing. “He agreed?” tanong niya, ang boses ay tila yelo sa lamig. “Opo, Miss. Ang balita ko ay pabor na pabor ang pamilya Mendoza. Magkikita sila sa loob ng tatlong araw.” Napapikit siya, ang sakit na nararamdaman niya ay hindi na galing sa sugat kundi mula sa pagkamuhi. Kung ibubunyag niya ang totoo ngayon ay maaari niyang makuha ang posisyon ng kapatid niya. Pero sa tuwing naiisip niya ang mga ginagawa ni Benedict sa likod niya ay nandidiri siya. Hindi niya kayang makasama ang lalaking iyon sa iisang bubong habambuhay. “Help me keep an eye on suitable marriage candidates in the city. Preferably someone with a higher status than Benedict Mendoza.” “Miss, sa buong cty, sino pa ba ang hihigit sa pamilya Mendoza? Pero... may naisip ako.” “Who?” nabuhayan siya ng loob. “Ang tiyuhin ni Benedict, ang tunay na makapangyarihan sa likod ng pamilya Mendoza.” Isang matamis at mapanganib na ngiti ang gumuhit sa mga labi niya habang naaalala ang lalaking naka-pinewood scent na nakatagpo niya sa ospital. Kung magiging asawa niya ang tiyuhin ay maging si Benedict ay kailangang yumuko sa kanya.
Namayani ang katahimikan sa loob ng sasakyan.Hindi na muling binanggit ni Beatrice ang nangyaring halik. Tila hindi din naman interesado si Ezekiel na tuksuhin pa siya subalit sa kabila ng katahimikang iyon ay pareho nilang alam na may kung anong nagbago sa pagitan nila.Hindi na iyon katulad ng dati.Mas malapit, mas natural at higit sa lahat ay mas mahirap nang itanggi.Upang maibsan ang kakaibang tensiyong bumabalot sa loob ng sasakyan ay si Beatrice na mismo ang muling nagsalita."Shall we go to the Mendoza Residence now?"Nanatili ang tingin ni Ezekiel sa kalsadang nasa unahan."Um."Maikli lamang ang naging tugon nito ngunit sapat na upang malaman niyang doon nga ang kanilang destinasyon.Tahimik siyang tumango bago muling nagsalita."Does your family often have family gatherings?"Bahagyang napangiti ang lalaki."You could say that."Saglit itong huminto bago muling nagpatuloy."The old man is a family man. He organizes gatherings every now and then. Sometimes it's just our fa
"That's good."Marahang bumitaw si Ezekiel sa kaniya.Wala nang sinabi pa ang lalaki. Tahimik nitong isinara ang passenger door bago umikot patungo sa driver's seat.Pagkapasok sa loob ng sasakyan ay mahinahon nitong hinubad ang suit jacket at isinampay sa likuran ng upuan. Pagkatapos ay isa-isang niluwagan ang dalawang butones sa kuwelyo ng kaniyang puting polo.Sa simpleng kilos na iyon ay tila nabawasan ang pormal at malamig nitong anyo. Mas naging relaks ang tindig nito, ngunit hindi kailanman nawala ang likas na karisma at awtoridad na taglay nito.Maya-maya pa ay dahan-dahang umandar ang sasakyan palabas ng underground parking.Nang tuluyan silang makalabas at salubungin ng gintong liwanag ng papalubog na araw ay tila kasabay ding naglaho ang mainit at mapang-akit na atmospera sa loob ng sasakyan.Tahimik na lamang ang dalawa.Mahigpit pa ring yakap ni Beatrice ang bouquet na nasa kaniyang kandungan.Hindi niya namalayang paminsan-minsan ay palihim siyang sumusulyap sa lalaking
Mula pagkabata ay lumaki si Beatrice sa isang marangal at makapangyarihang angkan. Dahil doon, bawat kilos, bawat titig, at bawat salitang namumutawi sa kaniyang mga labi ay likas na may taglay na dignidad. Marunong siyang maging banayad at elegante kung kinakailangan, ngunit kaya rin niyang maging matalim at mapanghamak kapag may taong sumubok na yurakan ang kaniyang dangal.Kaya nang marinig ni David ang malamig niyang mga salitaa ay tila biglang natigilan ang buong katawan nito."Beatrice, you..."Hindi man lamang siya tinapunan ni Beatrice ng kahit katiting na emosyon. Isang malamig na tingin lamang ang ipinukol niya rito bago bahagyang itinaas ang kaniyang baba."You may not understand human language, but you can certainly understand swear words, right?"Punong-puno ng pangungutya ang kaniyang tinig at kaswal siyang nagturo sa surveillance camera na nakapuwesto sa hindi kalayuan."Would you look at that? What an idiot... getting played from every angle and still helping the one w
Pagsapit ng gabi ay pinatay na ni Beatrice ang kaniyang computer at iniunat ang katawan.Halos lahat ng empleyado ay nakauwi na.Tahimik ang buong koridor.Isinara niya ang pinto ng opisina ngunit paglabas pa lamang niya ay narinig na niya ang isang matamis na boses."Benedict, you're back now? Let's meet up."Humakbang siya gamit ang kaniyang mataas na takong.Kasabay noon ay natapos ang tawag ni Rica.Lumingon ito at ngumiti nang inosente."Beatrice, are you going home?"Napangiti si Beatrice nang may panunuya.Dahan-dahan siyang lumapit.Isang daan at animnapu't limang sentimetro lamang ang taas ni Rica.At dahil madalas itong magsuot ng flat shoes upang mapanatili ang inosenteng imahe nito ay halos isang dangkal ang lamang ni Beatrice.Lalong naging dominante ang kaniyang presensya.Malamig ang kaniyang mga mata.Napaatras nang bahagya si Rica."Sister, what's wrong? Are you in a bad mood? How about we ask David to accompany you for drinks later?"Bahagyang tinaas ni Beatrice ang
Dahil doon ay sinabi niya ang totoo, ngunit ngayong nobya na ni David si Rica ay tila tuluyan nang bumagsak sa negatibo ang dati na nitong mababang IQ.Napailing si Beatrice bago malamig na inirapan ang lalaki."No comment."Hindi pa rin sumuko si David. Bahagya siyang ngumiti, pilit na ibinabalik ang dati nilang magaan na samahan."Come on, Beatrice. We're such good friends..."Dahan-dahang itinaas ni Beatrice ang tingin, ang kanyang mga mata ay malamig."You know we're good friends, yet you actually believed that woman's words and implied that I'm a 'manly woman'?"Natigilan si David.Nagkamot ito ng batok at bahagyang napangiwi."Beatrice, I'm not good with words. That's not what I meant. Rica wasn't talking about you, she was talking about someone else."Ngunit wala nang gana si Beatrice na makipagtalo.Sa paningin niya ay walang saysay ang pag-uusap tungkol sa mga bagay na wala namang kabuluhan.Isang malamig na tingin lamang ang ibinigay niya kay Hope agad na naintindihan ng ass
Pagdating sa kompanya ay hindi na siya nag-aksaya ng oras.Napirmahan na nila kahapon ang kontrata.Malapit na ring magsimula ang opisyal na kooperasyon.Agad niyang pinatawag si David."We will inject four billion as a deposit at the end of the month, and the first installment of the project payment will be due next month."Tahimik niyang inilapag ang mga dokumento sa mesa."I've checked the company's accounts. I will personally contribute ten billion. Together with the upcoming project payment, it should be enough to stabilize everything."Tumango ang lalaki."Don't worry, Beatrice. I'll start chasing the outstanding debts in the next couple of days. I promise I won't let you down.""There are still ten days left."Marahan siyang huminga."We still have time."Tahimik na pinagmasdan ni Beatrice ang lalaki.Kapansin-pansin ang maitim na bilog sa ilalim ng mga mata nito.Naalala niya ang pagkatao ni RicaHindi pa rin tuluyang nawala ang kaniyang pag-aalala."David."Bahagyang kumunot
Mahigpit man noon ang lipunan kaysa sa ngayon ay nananatili pa ring pinakamahalaga ang reputasyon para sa mga makapangyarihang pamilya. At sa ayos nilang dalawa ngayon na basang-basa, magkalapit, at nasa gitna ng tahimik na lawa at isang maling tingin lamang mula sa ibang tao ay sapat na upang mag
Ang hangin sa loob ng sasakyan ay tila naging malapot at mahirap langhapin. Walang sinumang lalaki ang makakatanggi sa ganda ng mukha ni Beatrice, isang kagandahang nakakaakit ngunit may bahid ng panganib. Kahit si Ezekiel, sa kabila ng kanyang malamig at tila bakal na disposisyon ay hindi rin naka
Tahimik na tinupi ni Beatrice ang huling piraso ng damit bago ito isinabit nang maayos sa loob ng cabinet. Ang bawat galaw niya ay mabagal at kontrolado na tila walang anumang bagay sa mundong ito ang kayang gumulo sa kanyang isip.Ngunit kabaligtaran iyon ng nararamdaman ni Alexa.Habang nakatayo
Sa loob ng sumunod na dalawang araw ay tila isang mahusay na aktres si Beatrice na nagtatanghal sa isang entablado kung saan ang tanging madla ay isang "teddy bear" na may nakatagong mata. Madalas siyang tumatayo malapit dito, sinasadya ang bawat galaw, bawat buntong-hininga. Minsan ay hinahawakan







