LOGIN“Benjamin, naging asawa mo ako sa loob ng tatlong taon ngunit ni isang beses ay hindi mo man lang ako nagawang hawakan! Ngayon, ito na ang pagkakataon ko. Ito na ang tamang panahon para bumawi sa lahat ng mga masasakit na pinagdaanan ko sa piling mo bilang asawa mo at bilang babaeng minahal ka ng napakatagal! Pinagsisisihan kong naging asawa kita!” Tumutulo ang mga luha ni Lunabella habang sinasabi iyon sa nakahiga at nakataling asawang si Benjamin Alvarez sa kanilang kama. “Huwag mong gawin ito, Luna. Sinasabi ko sa'yo, hinding-hindi kita mapapatawad! Bakit hindi mo na lang kasi tanggapin na hindi kita magawang mahalin? Na si Astra lang ang tanging tinitibok ng puso ko?!” Walang pusong turan ni Benjamin, puno ng galit ang mga mata. “Humanda ka sa akin kapag nakawala ako rito, talagang mapapatay kita!” Pilit itong kumakawala sa pagkakatali ngunit mahigpit ang ginawang pagkakatali rito ni Lunabella rito. ******* Mula pa nang highschool ay minamahal na ni Lunabella Cruz si Benjamin Alvarez. Wala siyang ibang nais kundi ang makasal dito. Kaya nang ipagkasundo silang dalawa dahil sa horoscope na pinaniniwalaan ng naghihingalong matandang Alvarez ay hanggang langit ang ligaya niya. Subalit ang sayang iyon ay kapalit ng tatlong taong paghihirap niya bilang asawa ni Benjamin Alvarez. Mahal na mahal niya ang lalaki ngunit may iba ito minamahal.
View MoreNang makita ang solusyon ng kanyang kuya, naintindihan na rin ni Brion ang nangyayari at masayang lumapit sa kanilang ina. “Mommy, mas magaan na ang pakiramdam ko! Sobrang epektibo ng gamot na binigay mo! Ikaw ang pinakamagaling na doktor sa buong mundo! Idol ka po namin ni Kuya! Mahal na mahal ka namin, Mommy!” Napaiiling na lang si Lunabella dahil sa tuwa. Matapos suriin, nakita niyang wala namang kakaiba o masama sa kalagayan ng dalawang bata. Kahit nakahinga siya nang maluwag, may naramdaman pa rin siyang medyo kakaiba. “Pero medyo masama pa rin ang pakiramdam ko,” seryosong sabi ni Brion. Nang marinig ito, kinabahan bigla si Luna at nag-aalalang tiningnan ang anak. Ngunit narinig nilang sinabi ng munting bata sa malambing at batang tinig, “Kailangan ko lang po ng yakap ni Mommy para gumaling.” Pagkatapos magsalita, tumakbo at yumakap ito nang mahigpit sa kanya. Ngumiti si Luna at niyakap pabalik ang anak, at nawala na ang kanyang hinala. Habang yakap ang bata, sabay silang
Nang dumating si Astra sa kompanya, nakita niya na halos buong sistema ng kompanya ay paralisado. Isang grupo ng mga empleyado ang nakatayo na may mga kakaibang ekspresyon, at ang mga empleyado ng technical department ay abalang-abala sa pag-ayos nito.Walang nakakaalam kung saan nanggaling ang virus, at kahit anong paraan ang gamitin nila, hindi nila ito malutas.Nang lumitaw si Astra Soledad, ang mga empleyado sa paligid niya ay yumuko, na parang may itinatago.Ang mga empleyado sa technical department ay mas lalong mukhang miserable."Anong nangyayari?! Kung hindi niyo kayang ayusin pagkatapos ng napakatagal na panahon, ano pang silbi niyo dito?"Lumapit si Astra sa computer at namutla ang kanyang mukha nang makita niya ang larawan sa screen.Ang tanging makikita sa screen ay dalawang cartoon characters na nag-aaway. To be exact, ang isa ay binubugbog ng isa.Ang maliit na taong binubugbog ay may nakasulat na pangalan na 'Astra Soledad' sa mukha nito, at ang mga salitang "bad woman
Lihim na inalala ng kambal ang kabuuan ng babaeng iyon at saka tahimik na ikinumpara iyon sa kanilang ina. Kahit na saang anggulo nilang tingnan, walang panama ang babaeng iyon sa kanilang ina. Talagang nagawa silang abandonahin ng kanilang ama para lang sa babaeng iyon? Napakababa naman ng standard niya!Pagkatapos ng ilang sandaling panghahamak sa walang kuwentang desisyon ng ama ay nag-angat ng tingin si Levy nang may maalala. "Momma, nabanggit po ninyo kanina na may ginawa ang babaeng iyon sa inyo? What is it?" Bakas ang kuryusidad sa boses nito nang maalala ang naging usapan ng mga ito kanina sa restaurant. Ayaw ng idamay pa ni Lunabella ang mga anak sa ganoong usapan kaya naman kalmado niya itong sinagot. "That was nothing, darling. It was about work but mommy has resolved it already." "Of course not, Mommy! It is not just nothing!" Ang pirming boses ng anak ang umigting sa tainga ni Lunabella pagkatapos niyang magsalita. "Ano po ang nangyari? Come on mommy, tell me quickly!"
Pinanood ng dalawa ang papalayong pigura ng tatlo. Nang tuluyan ng nawala sa kanilang paningin ang mga ito ay saka pa lang sila naupo sa may bandang bintana. "Ate Astra, what's going on between you and Dr. Cruz? It seems that you look like you knew each other, but your relationship seems a bit off..." Maingat na tanong ni Andrea sa babaeng kaharap. Nagngitngit ang mga ngipin ni Astra sa galit. "Of course! Sinong hindi magagalit? That damn woman is none other than, Lunabella Cruz, Benjamin's ex-stupid-wife!" Kung hindi dahil sa babaeng iyon ay matagal na sanang naganap ang kanilang kasal! Edi sana hindi niya pinagpipilitan ang sarili niya ngayon sa lalaki, edi sana ay siya na ang ilaw ng tahanan at nagkaroon na sila ng maraming anak, edi sana ay matagal na niyang inilibing sa lupa ang bastarda nito! Napakurap-kurap si Andrea, gulat na gulat. "Ang babaeng... Ang babaeng iyon ay ang dating asawa ni Kuya Benjamin?"Hindi naman isang sekreto ang pagpapakasal ni Benjamin anim na taon na
Naiwan si Blueberry Lucille at Lunabella sa salas. "Are you still hurt from the fall that day?" Masuyong tanong ni Lunabella, marahang inabot ang batang babae at hinawakan ang kamay nito. Inangat naman ni Blueberry ang kanyang kamay para ipakita sa babae ang kanyang naging sugat. Hindi katulad n
Humigpit ang pagkakahawak ni Benjamin sa kanyang telepono dahil sa narinig. "I'll be there right away!" Aniya mabilis na hinarap ang mga ka-meeting. "I'm sorry for the inconvenience, but it's an emergency. Meeting adjourned." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay malalaki ang hakbang niyang lumabas n
Sa daan pauwi ay na-stuck dahil sa traffic ang mag-iina. Nagbuntong-hininga si Lunabella. Nagkatinginan ang kambal. Bagama't wala silang ideya kung ano ang nangyari sa loob ng kindergarten ngunit sigurado silang hindi maganda ang mood ng kanilang ina. Napansin nila iyon dahil paulit-ulit nilang
Binuksan ni Levy ang pintuan ng sasakyan at umakyat, kasunod niya siya Brion. Nang maayos ng makaupo ang dalawa ay nagkatinginan sila. "Sa tingin mo, bakit kaya tayo pinapasok ni Mommy sa sasakyan?" Salubong ang kilay na tanong ni Brion kay Levy. Tinanggal ni Levy ang pagkakasukbit ng kanyang


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews