LOGINKumuha ng isang linggong sick leave si Lyca. Pagakatapos niyang gumaling mula sa sakit ay bumalik na siya sa kumpanya.
Noon niya lang nalaman ang tungkol sa paglipat. Makahulugang nagtsismisan ang isang kasamahan niya. "Manager, Lopez, alam mo na ba? May bagong hired na secretary ang ating kumpanya, si Ms. Trixie Lopez, isang babae at bata pa." Nagulat naman si Lyca, pero saglit lamang iyon. Talaga bang inilipat ni Andrei si Trixie sa pwesto niya? Lumipas ang ilang sandali at ipinatawag ni Andrei si Lyca sa kanyang opisina. Agad na natuon ang mga mata ni Andrei sa kanya pagkapasok niya. "Dahil gusto mong manatili sa kumpanya, ang posisyon mo bilang personal secretary ay hindi na nararapat pa para sa 'yo. Ang manager ng departamento ng proyekto ay inilipat sa ibang sangay, at nagkataong may bakante. Kaya ikaw ang inilipat doon." Talagang napakalinaw palagi ni Andrei tungkol sa mga bagay-bagay. Tinanggap na lamang niya iyon dahil ayaw niyang maging sanhi pa ito ng hindi nila pagkakaunawaan ni Trixie. "Mabuti naman kung ganun," tanging nasabi niya asawa. Asawa dahil wala pa naman ang sertipiko ng kanilang divorce papers na nagpapatunay na sila ay hiwalay na. Tatalikod na sana siya nang magsalita si Andrei at tinawag siya. "Katatapos lang ni Trixie at wala pa siyang masyadong alam sa trabaho." Napasulyap si Lyca sa suot niyang kwintas sa kanyang leeg. Matagal na niyang gusto ang kwintas na ito. Napasulyap siya kay Andrei at nagtanong. "Gusto ba ng lahat ng maliliit na babae ang mga katulad nitong alahas?" wala sa sariling naitanong niya. Ang kwintas na ito pala ay inihanda para kay Trixie, pero sa kanya ibinigay noon ni Andrei. "Whatever." Sagot ni Andrei at tumalikod. Napayuko ng ulo si Lyca upang itago ang mga emosyon mula sa kanyang mga mata. Paglabas ni Lyca sa opisina ng CEO ay sumalubong sa kanya si Trixie. "Huwag mo lang ipagpaliban ang iyong trabaho ngayon. Marami ka pang dapat na matutunan." Ngumiti lamang ng matamis si Trixie sa kanya at walang salitang namutawi mula rito. Kinuha ni Lyca si Trixie at tinuruan ito upang maging pamilyar sa trabaho at mga proseso nito. Ngunit sa huli ay tinawag ni Trixie ang atensyon niya. "Ate, ayaw mo ba sa akin? Dahil ba kay Mr. CEO?" Napabuntong hininga si Lyca. Ngumiti ulit si Trixie at nagsalita. "Ate, mahirap sabihin kung ano ang tama o mali tungkol sa damdamin. Ganun din sa pagitan noon ng aking ina at ama. Pero, ate, kahit ano pa man, gusto ko pa ring maging kaibigan mo...." Ngunit bago pa man matapos sa pagsasalita si Trixie ay, pinutol na ito ni Lyca sa pamamagitan ng pagtataas ng kanyang kamay, pero sa mahinahon na boses. "Anumang relasyon ay nakatali sa moralidad, kung hindi. Hindi ka sana naipadala sa ibang bansa noon. Gawin mo ang tama sa iyong sarili at tratuhin ng tama ang iba, hindi iyong gawin sila na parang tanga," makahulugan niyang sambit. Ipinanganak noon si Trixie matapos magloko ng kanyang ama. Kahit na namatay na ang kanyang ina, mahirap pa rin para sa kanya na patawarin ang ina ni Trixie. At ano ang nais nitong ipabatid na mahirap sabihin kung ano ang tamao mali? Tinalikuran ni Lyca si Trixie at umalis. Bumalik siya sa opisina ni Andrei. "Mr. Sandoval, may oras ka ba para kunin ang divorce certificate ngayon?" Pagsapit ng hapon ay agad na siyang naghanda para umalis. Paglabas niya ng kumpanya ni hindi man lang siya nakapagpalit ng damit. Nakasuot pa rin siya ng palda na hanggang tuhod. Bagsak ang kanyang maitim at mahabang buhok at mababanaag ang malamig at maamo niyang mukha. Pagsakay niya sa loob ng sasakyan ni Andrei ay pinasadahan siya nito ng tingin. Pagkatapos ay inilipat ang tingin sa malayo. Pinaandar ang sasakyan at nagmaneho palayo. "Mukhang nagmamadali ka 'ata at hindi na nakapagbihis pa," kapagkuway komento nito. Ano bang pakialam ng lalaking ito sa kanya at pati suot nya kung nakapagbihis siya ay pinuna nito. "Hindi naman ako nagmamadali," aniya. Sandaling natigilan si Lyca at muling nagsalita. "Nakaalis na tayo, at isa pa wala ng oras para magbihis pa at ipagpaliban ang lakad na ito." Hindi na nagsalita pa si Andrei hanggang sa makarating sila sa ahensya para kunin ang divorce certificate. Matapos nilang pumirma at makuha ang nasabing sertipiko ay lumabas na sila. Agad na nagsindi ng sigarilyo di Andrei at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. "Magaling ka na ba?" tukoy nito sa sakit niya nakaraan. "Oo," tugon ni Lyca at tumango. Aalis na sana siya nang magsalita si Andrei. Malalim ang mga tingin nito sa kanya na wari ay binabasa siya. Binuksan nito ang pinto ng sasakyan. "Sakay na, ibabalik kita," anito. Saglit na nag-aalangan si Lyca kung sasakay ba siya o hindi. Tatanggi na sana siya, pero nakaramdam siya ng kaunting pagsusuka at sakit ng tiyan. She retched subconsciously. Nang sandaling humupa ang nararamdaman, nakita niya ang nakapikit na mga mata ni Andrei at nakakunot ang noo, sabay sabing. "Buntis ka ba?" Kinabahan siya sa narinig at bumilis ang tibok ng kanyang puso. Ang huling beses ng p********k nilang mag-asawa ay isang buwan na ang nakakalipas. Todo bigay siya noon, at iyong ginawa niya ng husto. Pero paanong nagkataon lang ito. Paano kung... "Hindi," sagot ni Lyca sa dating asawa. Hindi sinasadyang naikuyom niya ang mga palad. May gusto pa sanang sabihin si Andrei ngunit biglang tumunog ang cellphone niya. Pagkatapos niya itong sagutin ay bahagyang nakakunot ang noo niya. "Bumalik na tayo at may gagawin pa ako sa kumpanya," aniya sa lalaki. Napabuga ng usok si Andrei mula sa hinihithit na sigarilyo at tinignan siya ng makahulugan. "Hiling ko na sana ay hindi tayo magkakaanak. Sana nagkataon lang ito." Sumikip ang dibdib ni Lyca sa narinig at parang kinurot ang kanyang puso. Pinilit niyang tumahimik at hindi na nagsalita pa. Sa loob ng tatlong taon mula nang ikasal siya kay Andrei, ay maingat ang lalaki upang hindi siya mabuntis. Ngunit hindi sa huling beses na may namagitan sa kanila, dahil ng mga oras na iyon ay nakaligtaan niyang uminom ng pills. Imbes na sumakay sa sasakyan ni Andrei ay pinili ni Lyca na mag taxi na lamang pabalik sa kumpanya. Pagdating niya sa kumpanya ay bumungad sa kanya ang napakababa na presyon ng hangin sa opisina. Lumapit naman sa kanya ang isang kasamahan at mababakas ang problema sa mukha nito, takot na ipinaalala sa kanya ang problema. "Ma'am, nagkaroon ng problema sa pag-abot ng batch ng mga materyales sa ibang kumpanya. Ang DR corporation o mas kilalang Dela Rama corporation. Basta na lamang kasi itong pinirmahan ng bagong secretary na si Ma'am Trixie ang papers ng mga materyales nang hindi binibilang ang mga ito kung tama ba o may kulang. Agad na sumama ang timpla ng mukha ni Lyca at sumimangot siya. Mahigpit niyang sinabi kay Trixie na suriin ng mabuti ang lahat ng mga materyales bago pumirma para sa handover. Mahirap pa naman kausap ng DR company. Kaya naman hindi lang isa o dalawang beses niyang pinaalalahan ang babae na ayusing mabuti ang trabaho. Pagkaraan ng ilang sandali, muli siyang pinaalalahanan ng assistant niya ukol sa pagpapatawag ng CEO sa kanya. "Ma'am, pinapatawag po kayo ni Mr. Sandoval sa kanyang opisina." Huminga nang malalim si Lyca bago niya binuksan ng dahan-dahan ang pinto ng opisina ng CEO at gumawa ng maliit na awang. Nakita niya sa loob ng opisina ang half-sister niyang si Trixie. Kinakagat nito ang labi, namumula ang dulo ng ilong at mukhang nakakaawa. Nakakaawa o nagpapa cute. Napakunot ang noo ni Lyca sa narinig na sinabi ni Trixie. "Paumanhin, Mr. CEO. Hindi ko alam na lahat ng mga materyales ay kailangang suriin sa oras ng paghahatid. Sinabi lang sa akin ni Manager Lopez na kailangan itong suriin, ngunit hindi niya ipinaalala sa akin na kailangan talaga itong inspeksyuning mabuti at hindi niya sinabi na gagawa pala ng ganito ang taga DR corporation. Kasalanan ko ang lahat," mahabang lintaya ng babae. Tila nagpantig ang tainga ni Lyca sa narinig mula sa kanyang kapatid. Kaya di sinasadya na itinulak niya ang pinto at pumasok ng tuluyan sa loob. Malamig siyang tinitigan ni Andrei. Ngunit bago pa man siya makapagsalita ay nauna na ito. "Kakatapos lang ni Trixie magpaliwanag at wala siyang alam. Dapat alam mo ang pamamaraan ng DR corp. Bakit ni hindi mo man lang siya pinaalalahanan?" agarang sita ni Andrei kay Lyca.LYCA Dalawang mahinang katok ang narinig ni Lyca mula sa labas ng kanyang silid bago siya napaupo sa kama. Siguro si Nanay Lydia ang kumakatok. Baka ihahatid nito ang gatas niya. Nakasanayan na kasing gawin ito ng matanda kaya sigurado siyang ito ang kumakatok. Pero nagtataka lang siya at hindi siya nito tinawag. Gayunpaman ay hindi na lang niya pinansin at pinagbuksan ito ng pintuan. “Nay, bak—” Nabitin sa ere ang sasabihin ni Lyca at ganun na lang ang pagkatulala ni Lyca nang bumungad sa paningin niya si Andrei na may dalang gatas. Nakangiti ito at labas ang mapuputi at pantay-pantay nitong mga ngipin. “Hi? Pwede bang pumasok?” paalam nito. Gusto sana niyang tumutol pero ang ulo niya ay biglang tumango bilang pagpayag. Kaya wala na siyang nagawa nang dere-deretso itong pumasok sa loob ng kwarto niya. “Anong ginagawa mo rito?” taas kilay na tanong ni Lyca matapos ilapag ni Andrei sa bedside table ang gatas. Ngunit biglang nag-init ang mukha ni Lyca nang mahuli niyang
ANDREI Katatapos lang ng meeting ni Andrei kasama ang mga board of directors pero parang wala naman siyang naintindihan sa meeting na iyon. Bago kasi magsimula ang meeting kanina ay nakatanggap siya ng tawag mula sa tao na inutusan niyang magbantay kay Lyca. Dalawang bodyguard na magagaling ang ibinigay niya rito. Gusto lang naman niya na sigurado ang safety ng kanyang mag-ina. Na walang sinumang mananakit sa taong mahal niya. Umalis daw ng bahay ang asawa niya at nagtungo sa isang restaurant. Nakipagkita raw ito kay Dean Bautista. Ito ang balitang hatid sa kanya ng tauhan niya. Kaya ito ang dahilan kung bakit kanina pa siya balisa at parang praning. Ngayon hinihintay niya muli ang update mula sa bodyguard ni Lyca pero wala pa siyang natatanggap na bagong update. “Gabi na, nakauwe na kaya siya?” tanong niya sa sarili. Kanina pa siya paikot-ikot sa loob ng opisina niya at panay ang silip sa cellphone niya. Actually pauwe na rin naman siya at gabi na. Hinihintay lang talaga ni
LYCA Dalawang araw ang lumipas simula nang huli niyang makita si Andrei. Matapos niya itong sungitan ay hindi na ito nagpakita pasa kanya. Nakaramdam naman siya ng lungkot pero iyon naman talaga ang dapat. Hindi na siya marupok tulad ng dati. Nagbago na siya, binago siya ng sobrang pagmamahal. Maya-maya ay natigil ang pagmumuni-muni niya nang makatanggap siya ng mensahe mula kay Dean. Napangiti siya nang mabasa niya ang message nito. Magaling na raw ito at kung pwede ay magkita sila mamayang alas-kwatro. Susunduin daw siya ni Dean mamaya after daw ng meeting nito. Agad naman siyang nagtipa at nagreply siya sa lalaki na pumapayag siya sa paanyaya nito. Ilang araw na rin naman kasi na hindi sila nagkita matapos ang nangyari sa mansyon ng mga Sandoval. Kaya masaya siya na malamang magaling na ito. Sinabi niya na wag na itong mag-abala pang sunduin siya at hintayin na lang siya nito sa meeting place nila. Nasa loob siya kwarto niya ngayon dahil pagkatapos niyang mag-breakfast kani
ANDREI Kinabukasan ay lumabas nasa ospital si Lyca. Pinayuhan ito ng doktor na magpahinga muna para maiwasan ang pagod at stress. “Sa bahay na tayo dumeretso,” basag niya sa katahimikan matapos niyang paandarin ang makina ng sasakyan. “Bahay? Bahay mo o bahay ko?” tanong ni Lyca sa kanya. Napatingin siya rito at nakita ang nakakunot nitong noo. Napangiti si Andrei at saka sumagot. “Sa dati nating bahay, Yca.” Kita niya na napataas ang kilay ng asawa niya bago muling nagsalita. “No! Ihatid mo ako sa bahay ko,” mariing tanggi ni Lyca. “Pero,Yc—” “Wala ng pero-pero, Andrei. Mas makakapagpahinga ako run kaysa kasama kita,” putol nito sa pagsasalita niya. Sandali siyang natahimik at kapagkuwan ay mahinahong nagsalita. “Pero mas maaalagaan kita kapag kasama mo ako,” aniya. Wala kasi siyang planong sumuko. Determinado siyang mabawi muli ang loob ng asawa niya. “Pwede ba, Andrei? Naasiwa ako sa pagmumukha mo. Ano, okay na?” inis na sabi ni Lyca at ibinaling ang tingin s
Nagising si Lyca na puting kisame agad ang nasilayan ng paningin niya. Pero agad siyang napabalikwas at napaupo sa kama nang maalala niya ang nangyari bago siya nawalan ng malay. “Baby? Ang baby ko?” aniya at napatingin sa paligid. Nakita niya si Andrei na nakaupo sa gilid ng hospital bed niya. Halatang nakatulog ito at nagulat nang marinig siya.“Yca, glad you wake up. How are you? Ayos ka lang ba o may masakit sa sa’yo?” puno ng pag-aalalang tanong nito at hinawakan ang kamay niya. Ramdam niya ang mainit na palad nito sa balat niya, pero agad niyang hinila ang kamay mula rito.“Ang baby ko? Kamusta ang baby ko?” tanong niya kay Andrei. Nakalimutan niya na hindi doktor kundi asawa pala niya ang kaharap at tinatanong niya rito ang baby niya. So, wala siyang pake, after all alam na nito na buntis siya.“Yca, calm down. Our baby is safe, okay?” ani nito. “Relax ka lang, huwag kang mag-alala."Napataas ang kilay niya nang marinig ang sinabi ni Andrei na ‘our baby.’ Sabagay, alam na kasi
Mabilis na bumaba ng sasakyan si Lyca at nagmamadaling pumasok sa gate ng mga Sandoval, ngunit bigla na lang siyang hinarang ni Dean. Nagulat siya sa presensiya ng binata pero kalaunan ay hinayaan niya ito. Kailangan niyang makausap si lolo Andres niya tungkol sa kanyang ina. Tinalikuran niya si Dean at mabilis na tumakbo papasok sa loob ng mansyon. Ramdam niyang nakasunod ito sa kanya at tinatawag ang pangalan niya. Pero bigla siyang napahinto nang bumungad sa kanya sa sala ang duguan na mukha ni lolo Andres. Si Andrei na nakatutok ang baril sa nakadapang si Arthur. Si Robert naman ay nakatutok ang baril kay Andrei pero nang makita siya nito ay biglang ibinaling sa kanya ang hawak nitong baril. Naestatwa siya sa kinatatayuan niya ganun din si Dean sa likuran niya. Nagtama ang mga mata nila ni Andrei pero muli itong nag-focus kay Robert. Nagngingitngit sa galit ang kalooban ni Lyca. Ang taong akala niyang ama niya, ang taong minsan niyang nirespeto ay isang demonyo pala. Hala
Tiningnan naman ni Lyca si Dean at nagtagpo nga ang kanilang mga mata. Nakita ni Lyca na bahagyang nakangiti ang binata. “Dean, gusto mo na naman akong takutin,” sabi ni Lyca sa binata. Kanina pa kasi gising si Dean, pero sa halip na alalahanin nito ang sariling kalagayan ay mas inuna pa nitong s
Pagkatapos na magsalita ni Lyca ay agad na rin siyang sumakay sa sasakyan ni Kyrie. Nakasunod naman si Kyrie sa kanya at hindi inaalis ang tingin sa kanya. Tanging sila lang na dalawa ni Kyrie ang nasa loob ng sasakyan. “Yca, ang tindi mo,” mahinahong sabi ni Kyrie kay Lyca habang dahan-dahang pi
“Ms. Lyca ito po ba ang bagong sasakyan na dinivelop nyo?” tanong ng assistant ni Dean kay Lyca at hindi nito napigilan ang sarili na pumalakpak. Bakas ang paghanga sa anyo nito. "Ang sasakyan na ito ay dinevelop lamang upang subukan ang performance nito. Kakailanganin pa itong i-optimize nang mar
“Yca, masyado nang mabilis ang takbo ng kotse! Itigil mo na ‘yan!” awat ni Kyrie pero tila bingi lang si Lyca na walang naririnig. “Paano magiging mabilis ‘yan? Kung totoong sira ang sasakyan, hindi ‘yan makakatakbo nang ganito kabilis.” Yumuko si Lyca at tiningnan ang remote control. “Ang susun







