Home / Romance / Addicted to Professor Yugi (Book 1) / 116 Jessica's True Version

Share

116 Jessica's True Version

Author: zeharilim
last update publish date: 2026-06-25 10:14:32

Dismayado ang nakaguhit na reaksiyon sa mukha ni Arthur habang pinakikinggan ang mga sinasabi ni Lorea tungkol kay Jessica.

Sa katunayan, hindi naman na bago sa kanya ang mga naririnig niya tungkol sa dalaga. Noon pa man kasi ay hindi na talaga siya sang-ayon sa pakikipagkaibigan ni Elyan sa babaeng iyon.

Nakita niya ang inis na mukha ni Jessica nang minsang ikuwento rito ni Elyan ang tungkol sa birthday gift na kotse ng kanyang ama. Narinig din niya ang

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Addicted to Professor Yugi (Book 1)   125 Notifications

    You received an email from Samantha Arevalo.You received an email from Jackson Dela Cruz.You received an email from Katherine Dimaculangan.You received an email from Donald-Walyen University.A message notification from the DWU SC Officers chat group.A message notification from Ara Tomas.Hindi mahinto sa pagtunog ang cellphone ni Yugi sa mga sandaling iyon. Bagama't hindi pa niya nababasa ang lahat ng iyon ay alam na niya kung ano ang laman ng bawat isa sa mga iyon. Kani-kanina lang ay nabanggit sa kanya nina Lester at Vivian ang tungkol sa balitang kumakalat sa buong campus ng Donald-Walyen University."Everyone knew you and Elyan were in a relationship."Isang malalim na buntung-hininga ang pinawalan niya habang sinasariwa ang mga binitawang salita na iyon ni Lester. Napahilamos siya sa kanyang mukha habang ramdam niya ang pag-iinit n

  • Addicted to Professor Yugi (Book 1)   124 The Professor's Girlfriend

    Tila ba may kumirot sa puso ni Elyan habang nakatuon ang kanyang tingin sa mga litratong nasa kanyang harapan. Hindi lamang basta larawan ang mga iyon kundi mga kuhang larawan nila ni Yugi na magkasama. Ramdam niya ang pag-iinit ng kanyang magkabilang pisngi sa mga sandaling iyon.Hindi siya makagalaw habang nakatuon ang kanyang tingin sa masayang mukha nila ni Yugi na magkahawak-kamay. Ang ilan sa mga iyon ay yakap-yakap siya ng binata mula sa kanyang likuran habang hinahalikan siya nito sa pisngi.Iniwas niya ang kanyang tingin sa mga iyon at hindi kalaunan ay napalunok.Kung tutuusin, hindi niya tiyak kung kaya pa ba niyang lumunok dahil sa sitwasyong kinalalagyan niya ngayon. Tumikhim siya at ilang saglit pa ay nag-angat siya ng tingin sa dean.Dismayado ang mukha nitong nakatuon ang tingin sa kanya habang napapailing."You had nothing to deny, Ms. Marquez. Nandyan na ang lahat ng pruweba," sinsero nitong anas at umayos ng upo. "Alam mo bang tu

  • Addicted to Professor Yugi (Book 1)   123 Controlling the Plan Perfectly

    Walang mapaglagyan ang tuwa ni Jessica paglabas niya ng dean's office. Taas-kilay niyang muling tinapunan ng tingin ang pinto ng opisinang iyon habang hindi mabura ang nakakalokong ngiti sa kanyang mga labi."My plan is finally coming to fruition," kinikilig niyang anas sa kanyang sarili. "I'm sorry, my dear best friend! Hindi mapapantayan ng pagkakaibigan natin ang kagustuhan kong maangkin si Prof. Yugi."Bago pa man siya tuluyang makababa ng hagdan ay natigil siya nang mapukol ang kanyang tingin kina Lorea at Malea na nasa ibaba. Tila ba may kung anong seryosong pinag-uusapan ang mga ito at nang mapadpad ang tingin nila sa kanya ay agad din naman silang huminto.Isang matamis na ngiti ang gumuhit sa kanilang mga labi at agad siyang sinalubong."Anong ginagawa mo sa administrator's building?" bungad na tanong ni Lorea. "Nakausap mo ba si Elyan? Ipinatawag kasi siya sa dean's office, ngayon lang. Nakasalubong mo

  • Addicted to Professor Yugi (Book 1)   122 Father's Request

    "How are you doing? Have you been doing well?" tanong ni Arnulfo sa anak habang naglalakad sila sa malawak na hardin ng hacienda. "Kumusta ang halos limang taong pananatili mo sa Makati? Wala ka naman bang naging problema?""So far so good. Wala naman ho akong naging problema at ayos lang din ang kalagayan ko roon. Medyo mahirap nga lang lalo na noong bagong salta ko pa lang doon," sagot niya na ikinangiti ng ama.Tumango si Arnulfo.Muli ay tinapunan nito ng tingin ang kabuuan ng lugar na tinatahak nila. Sa kabilang banda naman ay tahimik lamang si Yugi sa mga sandaling iyon. Pakiramdam niya ay malaki ang ipinagbago ng kanilang samahan simula nang umalis siya ilang taon na ang nakalipas.Ramdam niya ang awkwardness sa pagitan nila, ganoon din ang kaba habang kasama niya ang kanyang ama.Pero ang ipinagtataka niya ay kung bakit hindi man lang siya nito pinagbuhatan ng kamay. Hindi man lang ito nagalit sa kanya tulad ng kung

  • Addicted to Professor Yugi (Book 1)   121 Dean's Office

    Isang nakakabinging katahimikan ang nanaig sa loob ng court sa ginawang pagsampal ni Elyan kay Diego. Agad na naglaho ang tawanan ng kanyang mga teammates habang ang ilang mga estudyante, sa loob ng court na iyon, ay nahinto sa kani-kanilang mga ginagawa.Napahawak si Diego sa kanyang pisngi na sinampal ng dalaga. Nabura ang ngiti sa kanyang mga labi at kunot-noo niya itong tinapunan ng tingin. Sa kabilang banda naman ay nanatiling nakatayo si Elyan sa harap niya habang nakataas ang kilay nito."Ouch! That hurt!" mahinang anas ni Diego. "You—"Naputol ang kanyang sasabihin nang muli siyang sampalin ni Elyan sa kanyang kabilang pisngi."How dare you, Mr. Diego Mendoza!" nanggagalaiting wika ni Elyan. "Ang kapal ng mukha mong ipagkalat sa buong campus na boyfriend kita! Bakit? Sa tingin mo ba, papatulan kita? Sa tingin mo ba, papatulan ko ang isang tulad mo? If this is how you work on your little schemes, then hindi ako magdad

  • Addicted to Professor Yugi (Book 1)   120 All Over The Campus

    Isang dismayadong reaksiyon ang gumuhit sa mukha ni Elyan nang mapagtanto niya na matatagalan pa sa pag-uwi ang kanyang nobyo. Tumawag ang binata sa kanya kagabi upang sabihin sa kanya na sa Linggo ng hapon pa ito makakauwi. Humingi kasi ang pamilya nito ng extension para makasama nila siya ng mas matagal. Kung tutuusin, wala siyang reklamo tungkol doon dahil alam niya ang pakiramdam ng malayo sa pamilya. Bagama't hindi man sabihin ni Yugi, ngunit nasisiguro niya na matagal nang hinahanap-hanap nito ang kanilang presensya.Kahit ano pang tampo nito sa kanila dahil sa kung anumang hindi nila napagkasunduan, pamilya pa rin niya sila. "It's Friday today! Yes! Isang linggo na naman ang natapos!" Hagikhik ni Ara pagbaba nito sa hagdan mula sa kwarto nito. She raised her eyebrows as she looked at Elyan. "Wow! You look gorgeous today! Iyan ba ang epekto ng pagtawag sa 'yo ni Yugi kagabi? Did he become wild last night?"Pinantaasan niya ng kilay

  • Addicted to Professor Yugi (Book 1)   0050 The Informer

    (One week ago)"What?" gulat na tanong ni Ara. "Talagang ako pa ang papupuntahin niyo sa lalaking 'yon? Bakit hindi nalang kayo? Bakit hindi na lang ikaw? Hindi ba't kapatid ka niya at hindi ba ay gusto mo na rin siyang makita? This is your opportunity!"

  • Addicted to Professor Yugi (Book 1)   0049 More Than I Expected

    Bagamat nakatuon ang atensyon ni Yugi sa kanyang klase ng hapon ding iyon, hindi pa rin maalis sa kanyang isip ang napag-usapan nila ni Elyan sa bakanteng kwarto.Naiinis siya sa tuwing inaalala niya ang reaksiyon ng nobya nang masigurado niya na talagang gusto nitong makipaghiwalay sa kan

  • Addicted to Professor Yugi (Book 1)   0048 Ms. Congeniality

    Matapos lumabas ni Yugi mula sa room na iyon ay dali-daling sumunod si Elyan sa binata. Padabog din niyang isinara ang pinto at kulang na lang na sugurin ang nobyo dahil sa inasta at sinabi nito sa kanya kanina.She couldn't point her finger at it, pero pakiramdam niya ay pinapatamaan siya

  • Addicted to Professor Yugi (Book 1)   0047 The Fourth Kiss

    She kissed Professor Yugi…in a public place.Sa mga sandaling iyon ay hindi siya makapaniwala na hinalikan niya ang binata sa loob ng campus—kung saan may posibilidad na may makakitang estudyante sa kanila.But does she care about it?No!

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status