LOGINSi Professor Yugi Zafara, ang pinakabatang guro sa Donald-Walyen University, ay hinahangaan ng lahat dahil sa kanyang taglay na kakisigan at kagwapuhan. Ngunit sa lahat ng mga kababaihang nagkakagusto sa kanya ay tanging si Elyan lamang ang bukambibig ng kanyang puso at isip. Si Elyan Marquez ay ang kanyang 22-year-old na student. Anak ito ni Mr. Yal Marquez na siyang co-founder ng University at ang taong tumulong sa kanya upang makapasok siya roon bilang professor. The first moment that Elyan stepped into the university, hindi niya na nagawa pang alisin ang kanyang tingin at atensyon sa dalaga. Lihim niyang pinagpapantasyahan ito. Alam niyang mali at alam niyang hindi iyon ang nararapat na gawin ng isang tulad niyang professor. Kaya naman bago pa man humantong sa kung saan ang kanyang nararamdaman ay pinilit niyang baliktarin iyon. He changed the way he acts and treats her – getting mad and getting grumpy at her. Ngunit sa pag-aakala niyang magiging matagumpay ang planong iyon ay kinuha siya ni Mr. Marquez upang maging tutor ni Elyan. Sa tuluyang paglalapit ng kanilang mga landas, magawa pa kayang kontrolin ni Yugi ang kanyang sarili sa pagkahumaling sa dalaga? Magawa kaya niyang makaiwas sa dalaga kung gagawa ito ng paraan upang tuluyan siyang mahulog sa isasagawa nitong bitag?
View MorePapunta na sana si Yugi sa library nang isang masigabong palakpakan ang narinig niya mula sa gym. Natigil siya sa paglalakad at mula sa loob ay nakita niya ang ilang mga cheerleaders na nagpa-practice. Akmang lalakad na sana siya upang magpatuloy papuntang second floor ay natigil siya nang marinig niya ang head cheerleader.
"Okay. Let's do it again. One, two, three!" sigaw nito kung saan ay muli nilang inulit ang kanilang ginawang formation kanina. Napasandal si Yugi sa pader ng hallway na kinatatayuan niya at tulalang nakatitig sa head cheerleader. That's Elyan Marquez. Anak ng isa sa co-founder ng University na pinapasukan niya. A pretty young lady, yet a brat and a bully. Pero kahit ganoon pa man ay hindi maalis ni Yugi kung gaano siya aliw na aliw sa tuwing pinapanood niya ang dalaga. Ang kikinis ng mga hita nito, malulusog ang mga dibdib nito at higit sa lahat ay mapupula ang mga labi nito. Maya-maya ay nabulabog ang pananahimik niya nang marinig niya ang grupo ng mga maiingay na mga first year na dumaan sa hallway. "Nandyan po pala kayo, sir," pagsisimula ng isa. "Ang ingay mo kasi, Abner," litanya naman ng isa. Nagsalita si Yugi. "Saan ba kayo pupunta? Bakit para kayong mga manok na putak ng putak?" Napakamot ang isa na may hawak na libro. "Gagawa po ng project dyan sa gym para sa theater club namin." "Iyon naman pala. Bakit kailangang mag-ingay?" taas-kilay niyang anas at bumuntung-hininga. "Sige na. Dumiretso na kayo ron sa loob bago ko pa kayo dalhin sa Dean's office." Matapos ay nagpatuloy na ang mga ito papasok sa loob ng gym habang si Yugi naman ay dumiretso na patungong second floor. "Prof. Yugi, nakasimangot ka na naman," natatawang sambit ni Prof. Loreal na nasa librarian corner. "Ano na namang ginawa ng mga magagaling mong estudyante?" "Hay naku! Wag niyo nalang tanungin dahil araw-araw ay pare-pareho lang naman ang trip ng mga 'yan," walang gana niyang sagot. Natawa ang dalawang Professor. Natawa din siya kasunod niyon ay ang pag-upo niya sa bakanteng upuan malapit sa bintana. "Siyangapala, 10:30 na," ani Prof. Jack. "May klase na kami. Wish us luck." Tumango siya at di kalaunan ay tuluyan na ngang nagsialisan ang mga ito.Akmang sisimulan niya na ang pagche-check ng mga bitbit niyang test papers ay natigil siya nang marinig niya ang halakhakan mula sa gym.
It's Elyan and the rest of her friends. Tapos na ang kanilang practice at nagkukwentuhan na ang mga ito. Mula roon ay tanaw niya ang dalaga. Napangiti siya nang makita niya ang matamis nitong mga ngiti. Pero di kalaunan ay natigil na lamang siya nang tanggalin nito ang hoodie nito. Sa puntong iyon ay nakasuot na lamang ito ng sando kung saan ay lumitaw ang cleavage nito. Agad siyang nag-iwas ng tingin at muling itinuon iyon sa mga test papers."You've got to stop it, Yugi," bulong niya sa sarili. "Good morning, sir," bati ng isang estudyante na kapapasok pa lamang sa loob ng library. "Meron daw po pala kayong meeting mamaya with Mr. Marquez. Pinapasabi ni Prof. Eduardo." Tumango siya. "Sige. Anong oras daw? May sinabi ba?" "Mamayang ala-una daw ho," sagot nito. "Thank you," aniya na ikinangiti lang ng estudyante at di kalaunan ay nagpatuloy na rin patungo sa kabilang lamesa. Bukod sa pagiging Math Professor ay isa ring maituturing na heartthrob ng campus si Yugi. Makisig, gwapo at siya ang pinakabata sa lahat ng Professor sa University. He's in his early 30s, young and wild, ika nga ng ilang mga estudyante na lubos ang admiration sa kanya. Ang ilan sa kanila ay walang pakundangang umaamin sa kanya na may gusto sila sa kanya.Pero sa lahat ng iyon ay tanging si Elyan lamang ang nakakuha ng kanyang atensyon.
Actually, every guy in the university likes her. Hindi na kataka-taka kung bakit pati siya ay naaakit sa dalaga. Maya-maya ay bahagya siyang natigil nang bumukas ang pinto ng library.Iniluwa niyon si Elyan kasama ang mga kaibigan nito. Sa puntong iyon ay nakabihis na ang mga ito ng school attire habang hawak nila ang kanilang mga libro.
"Bakit ba kasi hindi mo pagbigyan si Jerome? Gwapo, mayaman at higit sa lahat...alam mo na!" anas ng isa sa kaibigan nito na agad na ikinanuot-noo ni Yugi.
Pagak na natawa ang dalaga. "No way na papatulan ko ang lalaking 'yon. Di ko siya type." "But come on, sis!" sambit ng isa na nakasuot ng turtle neck blouse. "He's a real deal. Galing sa mayamang pamilya. Di ba, iyon naman ang gusto ng pamilya mo?" "At ano susundin ko sila?" taas-kilay nitong anas. "Ayaw ko nga at kapag sinabi kong ayaw ko, ayaw ko. Di ko nga siya type!" Nagpatuloy pa ang usapan na iyon ni Elyan at ng kanyang mga kaibigan. Di kalaunan ay napatikhim si Yugi na naging dahilan ng pagtigil nila sa pagkukwentuhan at pagbaling nila ng tingin sa kanya. "This is a library, not a park," aniya na hindi man lang tumitingin sa kanila. Sumagot ang isa. "Si, sir pogi pala, sorry." Kunot-noong nagbaling ng tingin si Yugi sa kanila. "Ganyan ba kayo makipag-usap sa Professor niyo?" Akmang magsasalita nang muli ito ay sumabat si Elyan. "Sorry, sir. Bastos lang talaga ang bunganga ng babaeng 'to." Napamaang ang kaibigan nito sa sinabing iyon ng dalaga. "Pagsabihan mo 'yang kaibigan mo. At ipaalala mo sa kanya na hindi ako katulad ninyong estudyante." Tumango ito. "Of course, sir." Matapos niyon ay ibinalik na muli ni Yugi ang kanyang atensyon sa kanyang ginagawa. Ngunit hindi kalaunan ay natigil siya sa pangalawang pagkakataon nang marinig niya ang bulungan ng mga ito. "Gosh! I want to rip his shirt and lick him all over!" anas ng isa na kulot ang buhok. "He's so hot! Damn!" Natawa ang isa at napakagat-labi. "I wish isa siya sa mga Professor ko. Ang swerte ng mga first year at ang swerte ni Elyan. Kainis! Ikaw ba, Elyan? What do you think about him?" "Anong ibig mong sabihin?" "Come on!" ani ng isa na siyang tumawag kay Yugi na pogi. "Kaibigan ka namin at kilalang-kilala ka namin. Don't deny it. Alam kong sar-" Naputol ang sasabihin nito nang agad na tinakpan ni Elyan ang bibig nito. Agad namang napalingon si Yugi sa kanila at buntung-hiningang napatitig sa dalaga. Hindi niya alam kung matutuwa siya na hindi niya narinig ang sasabihing iyon ng kaibigan ni Elyan o maiinis siya dahil hindi niya narinig kung ano nga ba iyon.Gusto niyang malaman kung ano ang tingin sa kanya ng dalaga. Gusto niyang malaman kung ano ang iniisip nito sa tuwing nahuhuli niya itong nakatitig sa kanya.
She was supposed to be saying no to his suggestion.Dapat ay pinaninindigan niya ang kanyang desisyon tungkol sa kanilang relasyon. Pero ang masaklap ay nandito siya ngayon sa ganitong sitwasyon kung saan ay napapaisip din siya sa suhestiyon ng nobyo."Hidden relationship," anas niya sa kanyang loob-loob at tinapunan ng tingin si Yugi na hindi maalis-alis ang pagkakatitig sa kanya. "Anong pumasok sa kokote ng lalaking 'to at nakaisip siya ng ganito? Kung kailan naman naging bulgar na ang relasyon namin, saka niya sasabihin na gusto niyang itago ang lahat tungkol sa amin. What was he thinking?"Tumikhim siya at ilang saglit pa ay isang malalim na buntong-hininga ang pinawalan niya.Muli ay sinalubong niya ang tingin ni Yugi kasunod niyon ay ang banayad niyang paghaplos sa pisngi nito."Why do you want to hide our relationship?" bungad niyang tanong na ikinangisi nito. "Kung tutuusin, wala na tayong dapat pang itago dahil halos lahat ng mga taong kilala natin at malapit sa 'tin ay alam
Alas-onse na ng gabi ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin tulog si Yugi.Hindi siya makatulog.Gustuhin man niya ngunit kahit pilitin niya ang kanyang sarili ay tila ba ayaw siyang dalawin ng antok. Kaya naman sa mga sandaling iyon ay nananatili siyang tahimik sa kanyang kinauupuan habang nakatanaw sa labas ng kanyang bintana.Isang matamis na ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi.Hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin maalis sa kanyang isip ang mainit na sandaling nangyari sa pagitan nilang dalawa ni Elyan.That was the best he ever had with her.It was not just good.It's addicting, and it's making him obsessed with her even more.Ngunit ang mas nakakuha ng kanyang atensyon ay ang totoong dahilan kung bakit naisipan nitong lagyan ng distansya ang kanilang relasyon.She's slowly falling in love with him.Isang malalim na buntong-hininga ang pinawalan niya at kalaunan ay napapailing na lamang sa mga sandaling iyon. Sa katunayan ay hindi na dapat siya nabigla pa sa ibinulgar
"I cannot believe this is happening," saad ni Merryl habang binabasa ang email na ipinadala sa kanya mula sa Donald-Walyen University. "Hindi ko akalain na nagawang itago sa 'tin ni Elyan ang tungkol sa relasyon niya kay Yugi. Ang akala ko naman ay matinong…"Habang patuloy lamang si Merryl sa pagsasalita ay tahimik lamang si Yal sa kanyang puwesto habang napapangiti. Sa puntong iyon ay hindi siya nakatingin sa email na ipinadala sa kanya, kundi nakatuon ang kanyang tingin at atensyon sa litrato nina Elyan at Yugi sa website ng university.Hindi lamang magkahawak-kamay o magkayakap ang mga ito. Kitang-kita niya sa larawang iyon ang masayang paghalik ni Elyan sa pisngi ng binata. Bukod pa roon, kita rin niya kung paano makayapos si Yugi sa dalaga.Ngunit agad din namang naudlot ang pagmumuni-muni niyang iyon nang maramdaman niya ang pagpalo sa kanya ng kanyang asawa.Tinapunan niya ito ng tingin, kung saan ay kunot-noo itong
Though the music was loud inside the car, rinig na rinig pa rin ni Elyan ang bawat pagtibok ng kanyang puso sa mga sandaling iyon. Pareho sila ni Yugi na habol-habol ang kanilang hininga habang naghahalikan at tila ba wala silang pakialam sa kanilang mga nasa paligid.Elyan doesn't care about anything at all anymore.Kung noon ay wala siyang ibang ginawa kundi umatras at magdalawang-isip, ngayon ay buo na ang kanyang desisyon na ipagpatuloy kung anuman ang kanilang nasimulang relasyon.Did she finally fall in love with Yugi, with her professor?Tuluyan na nga ba talagang humantong sa totohanan ang balak niyang maakit lamang ang professor?Inaasahan ba niyang mahuhulog sa kanya ang binata at ganoon din siya rito?Sa katunayan ay wala ni isa man sa mga nangyayari sa pagitan nila ngayon ang kanyang inaasahan. She fell in love with him, not because she feels like it, but she fell in love with him because he made her feel like she's the only woman for him.Oo at masyado pa siyang bata para
"Bakit kayo nakasimangot?" anas ni Lester, ang kapatid ni Yugi. "May problema na naman ba? Tungkol ba 'yan sa pinag-usapan niyo kahapon ni Papá? Is it about our business?"Hindi sumagot si Levian, ang kanilang ina.Nanatili lamang siyang tulala at hindi kalaunan ay umupo sa tabi ni Kaliya—ang bunso
Inabot lamang ng ilang minuto ang pagmamaneho ni Yugi bago niya tuluyang maiuwi si Elyan sa bahay nito. Kung tutuusin ay may usapan sila ng kanyang mga kasamahan na matapos ang event ay didretso sila sa paborito nilang coffeeshop. Matagal-tagal na rin kasi simula nang huli silang magkaroon ng bond
Hindi maipinta ang mukha ni Yugi habang naghuhugas siya ng pinggan. Kung tutuusin ay noong nakaraang araw pa nga siya hindi mapakali dahil sa pinag-usapan nila ni Mr. Yal Marquez.Gusto niyang magwala.Magreklamo.Tumanggi.Ngunit imbes na gawin ang mga bagay na iyon ay nabigo siya. Hindi niya magaw
Saktong alas-kuatro trenta nang magising si Elyan. Today is Saturday. Kadalasan kapag ganitong mga araw ay late na siyang gumigising dahil wala siyang pasok. Kung tutuusin nga ay pinagsabihan siya ng kanyang ama na kailangan niyang kumuha ng saturday class para advanced na siya at para mabilis siya






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews