로그인Hindi maipinta ang mukha ni Yugi habang naghuhugas siya ng pinggan. Kung tutuusin ay noong nakaraang araw pa nga siya hindi mapakali dahil sa pinag-usapan nila ni Mr. Yal Marquez.
Gusto niyang magwala.
Magreklamo.
Tumanggi.
Ngunit imbes na gawin ang mga bagay na iyon ay nabigo siya. Hindi niya magawa hindi dahil sa natatakot siya o may utang na loob siya bagkus ay nasisigurado niya na wala rin siyang mapapala.
Hindi ito marunong tumanggap ng salitang hindi at tila ba lahat ng gusto nito ay kailangang masunod.
"Family of brats!" Iling niya at kulang nalang ay ibagsak ang hawak niyang pinggan. "Sa dinami-rami ng pwede niyang atasan na maging tutor ng mahadera niyang anak, bakit ako pa? Lintik na 'yan! Kailangang ako pa talaga ang mag-adjust!"
Maya-maya ay naputol ang kanyang pananahimik nang may tumapik sa kanyang balikat. Agad siyang napalingon at doon ay nakatayo sa kanyang likuran si Aki - ang kanyang boardmate at isa ring Professor mula sa kabilang university.
"Ba't nakabusangot ka dyan? Ang aga-aga, mukhang masama yata 'yang timpla mo?" anito at inilapag ang pinagkainan nito sa lababo. "Wag mong sabihin na may nakasagutan ka na namang estudyante sa university niyo?"
Pagak siyang natawa at padabog na dinampot ang inilapag nitong pinggan.
"Aba't mas gugustuhin ko pang may makasagutan kaysa naman..." Umiling siya at hindi kalaunan ay tinapunan ng tingin ang binata. "Hindi ba't kilala mo si Mr. Marquez?"
"Yeah!" tugon nito at hindi kalaunan ay nagkasalubong ang dalawang kilay. "Wag mong sabihing siya ang nakasagutan mo?"
"Hindi!" Tanggi niya habang abala na sa pagbabanlaw ng mga pinggan. "Nabanggit ko sa 'yo na bumagsak ang anak niyang si Elyan sa subject ko, hindi ba? Kahapon ay kinausap niya ako tungkol doon at ang sabi niya ay gusto niya akong i-hire bilang tutor ng anak niya."
Nanatiling walang imik si Aki bagkus ay tumango lamang ito.
Yugi took a deep breath. "Bukod sa pagiging tutor ay gusto rin niyang turuan ko ang anak niya kung paano magpatakbo ng negosyo. Sasahuran daw niya ako ng triple sa salary na natatanggap ko bilang Professor sa university."
Hindi sumagot si Aki.
Kaya naman sa mga sandaling iyon ay dismayado siyang napailing sa tinuran na iyon ng kaibigan. Imbes na makipagtitigan dito at tumunganga ay napagdesisyunan niyang tuluyan nang tapusin ang kanyang pinagkakaabalahan.
Not long after he wiped his hands with dry towel, nakita niya ang unti-unting pagguhit ng nakakalokong-ngiti sa mga labi nito.
Hanggang sa hindi nagtagal ay narinig niya ang malulutong na hagalpak nito na naging dahilan ng pagsasalubong ng kanyang dalawang kilay.
"Problema mo? May nakakatawa?" iritable niyang anas at pumwesto sa may dinner table.
"Akalain mo! Iyong babaeng pinakainiiwas-iwasan mo magmula pa noong pumasok sa university, ngayon ay magagawa mo nang harapin ng malapitan. Paniguradong hindi magiging maganda ang epekto sa 'yo ng paglalapit niyong dalawa. A tutor and a student? What would happen if you were both alone in one room?" Hagikhik nito.
Hindi nakasagot si Yugi sa pahayag na iyon ni Aki.
Bagkus ay itinulak niya ang kaibigan na naging dahilan ng kamuntikanan nitong pagkahulog mula sa kinauupuan nito.
"Come on, grump!" pagpapatuloy nito sabay suntok sa kanyang braso. "Pareho nating alam kung ano ang magiging epekto sa 'yo kapag tuluyan kayong nagkalapit ni Elyan. But you have to think about it. Malaking pera ang sasahurin mo kapag naging tutor ka niya. With this job mas malaki ang maiipon mo kumpara naman sa iba pang trabaho mo na barya-barya lang ang sinasahod mo."
Sa katunayan ay tama naman ang binata.
Naisip na rin niya ang tungkol sa bagay na iyon at malaki nga ang maitutulong niyon sa kanya. It's been five years since his father disowned him dahil sa naging argumento nila sa isang bagay na gusto ng kanyang ama para sa kanya.
He wants to see his family, at ayaw niyang tumagal pa ang mga sandaling malayo siya sa mga ito.
"Besides, being Elyan's tutor doesn't only mean money...if you know what I mean," nakangisi nitong sambit na ikinaangat ng kilay ni Yugi.
"Shut the fuck up, Aki!" bulalas niya sabay tayo niya mula sa kanyang kinauupuan. "Hinding-hindi ko gagawin kung ano man 'yang iniisip mo. Pinagkatiwalaan ako ni Mr. Marquez at paninindigan ko ang pagtitiwala niyang 'yon."
"As if!" Nagtungo ito sa sala. "Malay natin, sa inyong dalawa, hindi lang pala ikaw. We don't know, maybe she's also fantasising about you - just like any other student would."
Matapos ang mga sandaling iyon ay tuluyan na ring nag-ayos si Yugi upang magtungo sa bahay ng mga Marquez.
Kabado siya dahil bukod sa wala roon ang mag-asawa ay paniguradong si Elyan ang unang-una niyang makakaharap. Sa halos isa't-kalahating taon na pagsusungit niya at hindi niya pagpansin sa dalaga, ngayon ay mawawalan na nang saysay iyon.
Isang malalim na buntung-hininga ang pinawalan niya nang buksan nito ang pinto.
Agad na bumungad sa kanya ang living room ng mga Marquez kung saan ay napaliligiran ng mga potted plants at flowers.
Ngunit agad din namang naputol ang mga sandaling iyon nang marinig niyang tumikhim si Elyan. Dali-daling napadpad ang kanyang tingin sa suot nitong damit kung saan ay kita ang makinis nitong binti ganoon din ang litaw nitong cleavage.
Sa pangalawang pagkakataon ay nag-angat siya ng tingin at minabuting salubungin ang mga titig ng dalaga.
"You've mentioned earlier na may pinag-usapan kayo ni Papa kahapon," anas nito sabay sara ng pinto. "Sinabi mo rin na gusto niyang iparating sa 'kin 'yon. What is it about? Tungkol ba sa pagbagsak ko sa subject mo? It is, isn't it?"
He nodded. "Oo. Tungkol nga doon. But other than that, meron pang iba."
"Ano 'yon?" napaalumbaba nitong tanong.
"He asked me to tutor you," sagot niya na ikinabilog ng mga mata ni Elyan. "Actually, isa ring dahilan kung bakit gusto kitang makausap at kung bakit ako nagpunta rito ay dahil marami tayong kailangang pag-usapan tungkol sa bagay na 'yon."
"Tutor?" gulat nitong sambit.
Umangat ang dalawang kilay ni Yugi at tumango. "It's Mr. Yal's order. Pero bukod sa pagiging tutor mo ay mayroon pa akong ibang papel na kailangang gampanan.
Knowing that you're the heiress of the Marquez family, kailangan mong matutuhan ang lahat ng bagay tungkol sa kompanya niyo lalong-lalo na ang patakbuhin 'to. So whether you like it or not-"
"There's no way na tatanggihan ko ang opportunity na 'to!" putol ni Elyan na ikinahinto ni Yugi. "You are one of the best professors in the university and other than that, tuturuan mo rin ako na i-manage ang kompanya namin. Who's going to say no to that?"
Hindi nakaimik si Yugi bagkus ay tumango lamang siya bilang pagsang-ayon.
He knows how much she hates studying, especially when it comes to business, pero ngayon ay tila ba nabuhay ang natutulog nitong dugo.
Sa puntong iyon ay napaisip tuloy siya lalong-lalo na sa mga binitawang salita ni Aki kanina.
You received an email from Samantha Arevalo.You received an email from Jackson Dela Cruz.You received an email from Katherine Dimaculangan.You received an email from Donald-Walyen University.A message notification from the DWU SC Officers chat group.A message notification from Ara Tomas.Hindi mahinto sa pagtunog ang cellphone ni Yugi sa mga sandaling iyon. Bagama't hindi pa niya nababasa ang lahat ng iyon ay alam na niya kung ano ang laman ng bawat isa sa mga iyon. Kani-kanina lang ay nabanggit sa kanya nina Lester at Vivian ang tungkol sa balitang kumakalat sa buong campus ng Donald-Walyen University."Everyone knew you and Elyan were in a relationship."Isang malalim na buntung-hininga ang pinawalan niya habang sinasariwa ang mga binitawang salita na iyon ni Lester. Napahilamos siya sa kanyang mukha habang ramdam niya ang pag-iinit n
Tila ba may kumirot sa puso ni Elyan habang nakatuon ang kanyang tingin sa mga litratong nasa kanyang harapan. Hindi lamang basta larawan ang mga iyon kundi mga kuhang larawan nila ni Yugi na magkasama. Ramdam niya ang pag-iinit ng kanyang magkabilang pisngi sa mga sandaling iyon.Hindi siya makagalaw habang nakatuon ang kanyang tingin sa masayang mukha nila ni Yugi na magkahawak-kamay. Ang ilan sa mga iyon ay yakap-yakap siya ng binata mula sa kanyang likuran habang hinahalikan siya nito sa pisngi.Iniwas niya ang kanyang tingin sa mga iyon at hindi kalaunan ay napalunok.Kung tutuusin, hindi niya tiyak kung kaya pa ba niyang lumunok dahil sa sitwasyong kinalalagyan niya ngayon. Tumikhim siya at ilang saglit pa ay nag-angat siya ng tingin sa dean.Dismayado ang mukha nitong nakatuon ang tingin sa kanya habang napapailing."You had nothing to deny, Ms. Marquez. Nandyan na ang lahat ng pruweba," sinsero nitong anas at umayos ng upo. "Alam mo bang tu
Walang mapaglagyan ang tuwa ni Jessica paglabas niya ng dean's office. Taas-kilay niyang muling tinapunan ng tingin ang pinto ng opisinang iyon habang hindi mabura ang nakakalokong ngiti sa kanyang mga labi."My plan is finally coming to fruition," kinikilig niyang anas sa kanyang sarili. "I'm sorry, my dear best friend! Hindi mapapantayan ng pagkakaibigan natin ang kagustuhan kong maangkin si Prof. Yugi."Bago pa man siya tuluyang makababa ng hagdan ay natigil siya nang mapukol ang kanyang tingin kina Lorea at Malea na nasa ibaba. Tila ba may kung anong seryosong pinag-uusapan ang mga ito at nang mapadpad ang tingin nila sa kanya ay agad din naman silang huminto.Isang matamis na ngiti ang gumuhit sa kanilang mga labi at agad siyang sinalubong."Anong ginagawa mo sa administrator's building?" bungad na tanong ni Lorea. "Nakausap mo ba si Elyan? Ipinatawag kasi siya sa dean's office, ngayon lang. Nakasalubong mo
"How are you doing? Have you been doing well?" tanong ni Arnulfo sa anak habang naglalakad sila sa malawak na hardin ng hacienda. "Kumusta ang halos limang taong pananatili mo sa Makati? Wala ka naman bang naging problema?""So far so good. Wala naman ho akong naging problema at ayos lang din ang kalagayan ko roon. Medyo mahirap nga lang lalo na noong bagong salta ko pa lang doon," sagot niya na ikinangiti ng ama.Tumango si Arnulfo.Muli ay tinapunan nito ng tingin ang kabuuan ng lugar na tinatahak nila. Sa kabilang banda naman ay tahimik lamang si Yugi sa mga sandaling iyon. Pakiramdam niya ay malaki ang ipinagbago ng kanilang samahan simula nang umalis siya ilang taon na ang nakalipas.Ramdam niya ang awkwardness sa pagitan nila, ganoon din ang kaba habang kasama niya ang kanyang ama.Pero ang ipinagtataka niya ay kung bakit hindi man lang siya nito pinagbuhatan ng kamay. Hindi man lang ito nagalit sa kanya tulad ng kung
Isang nakakabinging katahimikan ang nanaig sa loob ng court sa ginawang pagsampal ni Elyan kay Diego. Agad na naglaho ang tawanan ng kanyang mga teammates habang ang ilang mga estudyante, sa loob ng court na iyon, ay nahinto sa kani-kanilang mga ginagawa.Napahawak si Diego sa kanyang pisngi na sinampal ng dalaga. Nabura ang ngiti sa kanyang mga labi at kunot-noo niya itong tinapunan ng tingin. Sa kabilang banda naman ay nanatiling nakatayo si Elyan sa harap niya habang nakataas ang kilay nito."Ouch! That hurt!" mahinang anas ni Diego. "You—"Naputol ang kanyang sasabihin nang muli siyang sampalin ni Elyan sa kanyang kabilang pisngi."How dare you, Mr. Diego Mendoza!" nanggagalaiting wika ni Elyan. "Ang kapal ng mukha mong ipagkalat sa buong campus na boyfriend kita! Bakit? Sa tingin mo ba, papatulan kita? Sa tingin mo ba, papatulan ko ang isang tulad mo? If this is how you work on your little schemes, then hindi ako magdad
Isang dismayadong reaksiyon ang gumuhit sa mukha ni Elyan nang mapagtanto niya na matatagalan pa sa pag-uwi ang kanyang nobyo. Tumawag ang binata sa kanya kagabi upang sabihin sa kanya na sa Linggo ng hapon pa ito makakauwi. Humingi kasi ang pamilya nito ng extension para makasama nila siya ng mas matagal. Kung tutuusin, wala siyang reklamo tungkol doon dahil alam niya ang pakiramdam ng malayo sa pamilya. Bagama't hindi man sabihin ni Yugi, ngunit nasisiguro niya na matagal nang hinahanap-hanap nito ang kanilang presensya.Kahit ano pang tampo nito sa kanila dahil sa kung anumang hindi nila napagkasunduan, pamilya pa rin niya sila. "It's Friday today! Yes! Isang linggo na naman ang natapos!" Hagikhik ni Ara pagbaba nito sa hagdan mula sa kwarto nito. She raised her eyebrows as she looked at Elyan. "Wow! You look gorgeous today! Iyan ba ang epekto ng pagtawag sa 'yo ni Yugi kagabi? Did he become wild last night?"Pinantaasan niya ng kilay
"Kamusta ka naman doon sa Makati?" tanong ni Levian sa anak. "Kumakain ka ba nang maayos? May trabaho ka ba? Anong trabaho mo? Saan ka nakatira? Ang sabi sa amin ni Ara ay nasa iisang apartment lang kayo ni Aki. Meron tayong bahay doon malapit sa Donald-Walyen University,
"Alam mo?" dismayadong anas ni Ara habang nakapameywang sa harap ng dresser ni Elyan. "Hindi naman sa nilalait kita…pero suggestion ko lang, palitan mo na 'tong mga damit mo. Wala na sa uso ang mga 'to."Agad na umangat ang isang kilay ni Elyan sa sinabing i
"So, you're saying…imbes na ikaw ang mag-first move, si Ms. Marquez ang nauna?" kunot-noong tanong ni Lester. "That only means, may gusto rin talaga siya sa 'yo."Matapos ang pahayag na iyon ng binata ay agad na umangat ang dulo ng labi nito. Sa kabilang banda naman ay tumango laman
"Surprise!" nakangiting wika ni Elyan at sinalubong ng mahigpit na yakap si Yugi. "Nagustuhan mo ba? Lester and I prepared this habang nasa school ka pa."Naningkit ang mga mata ni Yugi na tinapunan ng tingin ang nobya."Kasali rin ba si Ara sa plano niyong 'to? Iyon ba ang rason kung bakit nagmamad







