تسجيل الدخول"I cannot believe this is happening," saad ni Merryl habang binabasa ang email na ipinadala sa kanya mula sa Donald-Walyen University. "Hindi ko akalain na nagawang itago sa 'tin ni Elyan ang tungkol sa relasyon niya kay Yugi. Ang akala ko naman ay matinong…"Habang patuloy lamang si Merryl sa pagsasalita ay tahimik lamang si Yal sa kanyang puwesto habang napapangiti. Sa puntong iyon ay hindi siya nakatingin sa email na ipinadala sa kanya, kundi nakatuon ang kanyang tingin at atensyon sa litrato nina Elyan at Yugi sa website ng university.Hindi lamang magkahawak-kamay o magkayakap ang mga ito. Kitang-kita niya sa larawang iyon ang masayang paghalik ni Elyan sa pisngi ng binata. Bukod pa roon, kita rin niya kung paano makayapos si Yugi sa dalaga.Ngunit agad din namang naudlot ang pagmumuni-muni niyang iyon nang maramdaman niya ang pagpalo sa kanya ng kanyang asawa.Tinapunan niya ito ng tingin, kung saan ay kunot-noo itong
Though the music was loud inside the car, rinig na rinig pa rin ni Elyan ang bawat pagtibok ng kanyang puso sa mga sandaling iyon. Pareho sila ni Yugi na habol-habol ang kanilang hininga habang naghahalikan at tila ba wala silang pakialam sa kanilang mga nasa paligid.Elyan doesn't care about anything at all anymore.Kung noon ay wala siyang ibang ginawa kundi umatras at magdalawang-isip, ngayon ay buo na ang kanyang desisyon na ipagpatuloy kung anuman ang kanilang nasimulang relasyon.Did she finally fall in love with Yugi, with her professor?Tuluyan na nga ba talagang humantong sa totohanan ang balak niyang maakit lamang ang professor?Inaasahan ba niyang mahuhulog sa kanya ang binata at ganoon din siya rito?Sa katunayan ay wala ni isa man sa mga nangyayari sa pagitan nila ngayon ang kanyang inaasahan. She fell in love with him, not because she feels like it, but she fell in love with him because he made her feel like she's the only woman for him.Oo at masyado pa siyang bata para
"Balak ko naman talagang sabihin sa 'yo ang totoo," anas ni Yugi habang hindi maalis-alis ang pagkakatitig kay Elyan, "naghahanap lang ako ng tamang oras—not just for you, but for myself. Yes, you heard it right, I am the heir of the Zafara family, pero ni minsan ay wala sa intensyon ko na tanggapin ang papel na 'yon."Hindi umimik si Elyan, bagkus ay mataman lamang nitong pinagmamasdan ang binata."I saw them work every single day," pagpapatuloy niya. "During holidays, weekends, at kung minsan pa nga ay hindi na sila nakakapunta sa birthday naming magkakapatid. Para sa 'kin, okay lang 'yon. Naiintindihan ko sila. Pero pagdating sa mga kapatid ko, ayaw ko silang nakikitang nalulungkot. That's why it was so hard for me to accept that role."Hindi ko magawang sabihin sa 'yo ang totoo dahil maging sa sarili ko ay hindi ko tanggap. Ayaw kong matulad sa kanila na halos nawawalan na ng oras sa sarili at sa pamilya. That's why I chose to run away from home and decided to become a professor."
Matapos ang isa't kalahating oras na inuman at kuwentuhan, tuluyan na rin silang lumabas ng bar. Bagama't nagpumilit ang magkapatid na maghihintay na lang sila ng masasakyan nila, nagpumilit din sina Yugi at Elyan na ihahatid na nila ang mga ito.Kaya naman sa mga sandaling iyon ay walang nagawa sina Malea at Lorea kundi ang sumunod na lamang sa kanila.Ngunit habang tahimik si Yugi na nagmamaneho at tinatahak ang daan pauwi ay hindi maalis sa isip niya ang mga salitang binitawan ni Malea."A cool-off is a temporary breakup. Oo at naghiwalay kayo, temporarily, pero wag mong asahan na titigil si Prof. Yugi sa kung anong nararamdaman niya para sa 'yo. Sure, madidiktahan mo siya, pero hindi mo kayang diktahan ang puso niya o kung ano ang kaya niyang gawin para sa babaeng gusto niya."Dinagdagan pa nga iyon ni Lorea."Swerte ka nga dahil kahit cool-off kayo ng boyfriend mo ay pinupuntahan ka pa rin niya at kinukulit. Yung ex-boyfriend ko nga, may iba na kaagad kasama! Bwisit! Hindi man la
Parehong hindi mapatid ang ngiti sa mga labi nina Malea at Lorea habang matamang pinagmamasdan sina Yugi at Elyan. Limang minuto na ang nagdaan simula nang dumating ang binata pero hanggang ngayon ay nananatili pa ring walang imik ang magkapatid.Bagama't hindi man sila magsalita ay kitang-kita kung paano sila kiligin. Halata sa kanilang mukha lalo na't parang pinunasan ng blush on ang kanilang mga pisngi.Hindi lamang iyon.Habang panay ang pagsiko ni Malea, panay naman ang pagkurot ni Lorea sa tagiliran ng kanilang kaibigan. Kaya naman sa puntong iyon ay kulang na lang na ipagtulakan ni Elyan ang magkapatid para lang matigil ang mga ito.Pero sa kabila naman ng inis niyang iyon tungo sa dalawa, mas matindi ang inis na nararamdaman niya sa binata. Nag-usap na silang dalawa at malinaw na sa kanila na pansamantala muna silang maghihiwalay at hindi mangingialam sa sari-sarili nilang buhay.Ngunit imbes na gawin iyon ay nandit
Nabulabog ang pagmumuni-muni ni Elyan nang marinig niya ang malakas na pagkalampag ng lamesa sa kanyang harapan. Nag-angat siya ng tingin at hindi kalaunan ay binalingan niya ang kanyang mga kaibigan."Ano? Tulala ka na naman," anas ni Lorea at lumagok ng alak mula sa bote na kabubukas pa lamang nito. "Kanina pa kami daldal ng daldal, hindi ka naman pala nakikinig."Siniko ni Malea ang kapatid nito. "Pwede bang intindihin mo na muna si Elyan ngayon? Alam mo naman siguro kung ano ang pinagdadaanan niya, hindi ba? Hindi lang ngayong araw, pero no'ng mga nakaraan pa. Isa ring rason kung bakit inaya natin siyang lumabas ay dahil gusto natin siyang damayan…at hindi pagalitan."Pinantaasan ni Lorea ng kilay ang kapatid at ilang saglit pa ay hinila nito ang dulo ng buhok ng huli."Wow! Ako? Nagagalit? Sino kaya sa 'ting dalawa ang nanenermon, ha?" ani Lorea at muli ay lumagok ng alak. "Saka, sino bang nagsabi na pinapagalitan ko s
"Bakit kayo nakasimangot?" anas ni Lester, ang kapatid ni Yugi. "May problema na naman ba? Tungkol ba 'yan sa pinag-usapan niyo kahapon ni Papá? Is it about our business?"Hindi sumagot si Levian, ang kanilang ina.Nanatili lamang siyang tulala at hindi kalaunan ay umupo sa tabi ni Kaliya—ang bunso
Inabot lamang ng ilang minuto ang pagmamaneho ni Yugi bago niya tuluyang maiuwi si Elyan sa bahay nito. Kung tutuusin ay may usapan sila ng kanyang mga kasamahan na matapos ang event ay didretso sila sa paborito nilang coffeeshop. Matagal-tagal na rin kasi simula nang huli silang magkaroon ng bond
Hindi maipinta ang mukha ni Yugi habang naghuhugas siya ng pinggan. Kung tutuusin ay noong nakaraang araw pa nga siya hindi mapakali dahil sa pinag-usapan nila ni Mr. Yal Marquez.Gusto niyang magwala.Magreklamo.Tumanggi.Ngunit imbes na gawin ang mga bagay na iyon ay nabigo siya. Hindi niya magaw
Saktong alas-kuatro trenta nang magising si Elyan. Today is Saturday. Kadalasan kapag ganitong mga araw ay late na siyang gumigising dahil wala siyang pasok. Kung tutuusin nga ay pinagsabihan siya ng kanyang ama na kailangan niyang kumuha ng saturday class para advanced na siya at para mabilis siya







