Share

Chapter 2.3

last update publish date: 2024-08-20 15:49:16

HINDI ALAM NI Daviana kung ano ang kahulugan ng salitang makalat at malinis sa binata. Ni isa naman ay wala siyang makitang kalat sa loob ng suite nito na hindi niya alam kung gaano na katagal tinitirhan ni Rohi. Pinagmasdan niyang hubarin ng lalaki ang suot nitong sapatos na panlabas matapos na isabit sa gilid ang bitbit niyang payong. Sinuot na nito ang pambahay niyang tsinelas. Ilang minutong nilingon siya nito matapos na gawin ang bagay na iyon na para bang mayroon itong nakitang problema sa bulto niya.

“Pasensya na ulit, walang babaeng nakatira dito kaya naman iisa lang ang pangbahay na tsinelas. Huwag kang mag-alala, magpapadala ako dito mamaya sa utility ng hotel para naman mayroon kang masuot.” 

“Ayos lang. Huwag ka ng mag-abala pa. Isang gabi lang naman akong mamamalagi dito.” kumpas ni Daviana ng isang kamay upang pigilan ang binata sa kanyang pina-plano, iyong bigyan siya nito ng higaan at matutuluyan ng gabing iyon ay sapat na sa kanya. “Ayos lang naman ang mga paa ko, Rohi.”

Hinubad ni Rohi ang kanyang suot na jacket at isinampay iyon sa likod ng pintuan bagkus na sagutin ang ginawa niyang pagtanggi. Walang imik na nagtungo ito ng kusina na sinundan lang ng tingin ni Daviana. Gaya ng dati ay ang tahimik pa rin nito. Iyong tipong akala mo magbabayad siya ng kada salitang sasabihin niya sa sobrang tipid niya. Nang lumabas ang binata ay may dala ng mainit na tubig para kay Daviana. Ipinatong niya iyon sa table kung saan ay tinuro niya pa sa dalaga kahit alam niyang nakita na.

“Uminom ka nito nang makaramdam ng kaunting init ang katawan mo. Nag-absorb na iyan ng lamig sa labas kung kanina ka pa roon. Baka magkasakit ka niyan kapag hindi naagapan, mahirap na.” 

Dahil ginaw na ginaw si Daviana ay hindi niya inalis ang suot na manipis na jacket. Naupo siya sa sofa at isiniksik doon ang katawan. Dinampot niya ang cup ng mainit na tubig at saka marahang ininom na iyon. 

“Salamat ulit, Rohi. Pasensya ka na sa abala.”

Nais sanang tanungin ni Daviana kung saan nanggaling ang binata gayung gabing-gabi na, ngunit nabasa niya sa mukha nito na pagod ito at walang planong makipag-usap pa kaya naman nanahimik na lang siya. Baka mamaya ay bigla siyang palayasin sa kadaldalan niya, mabuti na iyong makiramdam na lang muna.

“May sariling banyo ang silid ko kung kaya naman wag kang mahihiyang gumamit ng banyo dito sa labas dahil akala mo ay iyon din ang ginagamit ko. May mga toiletries din diyan na pwede mong pakialaman. Isipin mo na lang na magbabayad ka kaya huwag kang magtipid.” walang emosyon na saad nito, “Maaga ka ring matulog para maaga kang magising bukas. Kung may kailangan ka, katukin mo lang ako sa silid.”

Sasagot pa lang si Daviana nang biglang pumasok na ang lalaki sa silid. Hindi na siya hinintay magsalita. Mukhang wala ngang pinagbago ang binata. Kagaya pa rin ito noong ayaw siyang kausapin kahit saglit. Okay na rin iyon, at least may mabuting kalooban ang puso ng binatang hinangad pa rin siyang tulungan.

“Hindi mo siya pwedeng sisihin Daviana, pasalamat ka na lang na nag-offer pa siyang tulungan ka eh. E-bully mo ba naman siya noon kasama si Warren, malamang galit pa rin iyon sa’yo hanggang ngayon. Tsk!”

Nakaramdam siya ng guilt. Noon niya lang napagtanto ang kanyang mga pagkakamali. Sabagay, masyado pa naman siyang bata noon kung kaya hindi niya pa nalalaman ang kanyang ginagawa. Idagdag pa na may Warren na patuloy nanglalason ng kanyang murang isipan. Ano pa nga ba doon ang kanyang aasahan?

“Kita mo na? Kung sino pa ang tinulungan mo noon, siya ang binabalewala ka ngayon. Tapos iyong inaaway mo noon, siya ang nandiyan para saluhin ka sa panahong kailangan mo ng tulong!” 

Matapos na maubos ang mainit na tubig ay tumayo na siya upang dalhin iyon sa kusina. Natigilan siya nang makarinig ng munting mga katok sa labas ng pintuan ng hotel room. Ilang beses niyang sinulyapan ang silid ni Rohi. Tatawagin niya ba ito o siya na lang ang magbubukas? Pinili niya na lang ang huli. Baka kasi namamahinga na ang binata. Maiistorbo niya pa eh mukha ngang pagod na pagod siya.

“Ito na po iyong pinapadala dito ni Mr. Gonzales.” anang lalaking staff na nasa labas. 

Ang buong akala ni Daviana ay ang tsinelas lang iyon kung kaya tinanggap niya ang paperbag. 

“Salamat.” 

“You’re welcome po, Miss.”

Matapos na isara ang pintuan ay binuksan na niya ang laman ng paperbag at nagulat siya doon. Hindi lang tsinelas ang laman noon, may kasama iyong hot drinks na pwede niyang inumin kung sakaling nilalamig pa siya. May noodles din na pwede niyang lutuin kung sakaling nagugutom siya. Nang matapos na siya sa kanyang gagawin ay pumasok na siya sa loob ng silid na para sa kanya at nahiga. Namamahay siya, hindi siya sanay na matulog sa ibang kama kung kaya naman anong oras na ay gising pa siya at pabiling-biling sa higaan. Naghahanap ng komportableng pwesto upang makatulog na rin siya. Nang medyo nakukuha na niya ang antok ay naramdaman naman niya ang vibration ng cellphone niya. Bakas ang inis na tiningnan niya lang ang screen noon. Message lang naman pala mula kay Warren. 

Warren Gonzales: 

Viana, nakakuha ka ba ng silid? Bakit hindi ka man lang komontak sa akin? Ano? Wala ka bang planong mag-update man lang sa akin?

“Tsk, ikaw pa talaga ang may ganang magtampo? Eh mukhang hindi niyo naman ako tinulungan humanap niyang girlfriend mo. Manigas ka!” himutok niya kahit na hindi naman nito iyon magagawang marinig.

Hindi niya nireplyan ang message nito. Itinabi na lang niya ang cellphone at ipinikit na ang kanyang mga mata. Bago siya makatulog ay naisip niya na hindi si Rohi ang masama sa kanila kundi ay si Warren iyon.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Addicted to the Imperfect Billionaire   Chapter 123.2

    SA KATAPUSAN NG buwang iyon, nag-organize si Keefer ng party. There were a lot of people and a grand ceremony this time, and the event was held in a luxurious box in a high-end club in the city center.“Nasaan ka na, Rohi? Narito na ang lahat ng member ng team, pati si Meher ay narito.”“Nasa bansa si Meher?”“Yeah, just tell me whether you're coming or not.” pressure pang wika ni Keefer sa kaibigan. Rohi hadn't originally planned to go, but when he heard Meher name, he changed his mind.“Sige, pupunta ako.”“Sino si Meher?” tanong ni Viana sa nobyo matapos ibaba nito ang hawak na cellphone.Kasalukuyang nakaupo siya sa kandungan ni Rohi noon kung kaya naman dinig niya lahat.“Isa sa mga kaibigan ko noong nag-aaral pa ako. Do you remember before when I told you before that when I participated in that competition, I called in people from abroad to help me? Isa siya sa hiningian ko ng tulong.”Marahang tumango lang ang ulo ni Viana nang maalala ang araw na iyon. “He took time off to h

  • Addicted to the Imperfect Billionaire   Chapter 123.1

    NAKARAMDAM SI DAVIANA ng kirot sa puso, at sandaling natahimik. Matapos ang maingat na pag-iisip, naglahad siya ng kanyang oipinyon na alam niyang hinihintay ni Rohi na kanyang sabihin. Kailangan niyang ipahayag din ang opinyon.“It's not that I'm soft-hearted, but I feel a little uncomfortable. Hindi pa ako nakipag-away kahit kanino sa tanang buhay ko at alam mo iyan. Kahit na kinasusuklaman ko siya nang malala, ayaw ko namang maging ganito siya.”Nanatiling tahimik lang si Rohi. He had thought about worse things countless times, and he wanted everyone in the Gonzales family to die. Alam niyang iba si Viana sa kanya. Mabait ito at mahinahon. Nakita niya ang tingin nito sa mga mata nang tumingin ito kay Warren kanina. Inakala nitong naitago niya ito nang maayos, kaya hindi niya ito ibinunyag. Nabasag ang katahimikana na nasa kanilang pagitan nang biglang may mag-doorbell. Nauna si Rohi na tumayo para dito.Napabuga nang hangin si Viana. Gustong-gusto niyang itanong kay Rohi kung ano a

  • Addicted to the Imperfect Billionaire   Chapter 122.3

    MATAGAL NG BATID ni Viana na may lamat ang relasyon ng mag-amang Rohi at Welvin. At ngayong nasa company si Rohi, hindi na mapigilan ng babae na isipin kung sino ang pipiliin ni Rohi in case na papiliin siya ng ama sa pagitan ng kanyang trabaho o siya. Daviana found that she was still uneasy because he didn't say anything. It was at this moment that she finally understood how he had felt before. It turned out that worrying that she would not be firmly chosen by the other party was such a tiring thing. Umalis siya nang hindi nagpapaalam, biglang naging engage kay Warren pagkatapos ay inabandona niya. No wonder Rohi thought he was a spare tire. Matatakbuhan lang sa gitna ng mga pangangailangan.“Rohi…” Nakailang sulyap na si Daviana sa nobyo habang pauwi sila. Nanatiling seryoso ang hitsura doon ni Rohi. Hindi na ulit kinuha pa ng babae ang atensyon ng lalaki dahil baka mapahiya lang siyang muli. Daviana doesn't know if it was because of the emotions that affected her body, but at nigh

  • Addicted to the Imperfect Billionaire   Chapter 122.2

    IN THE PAST, Warren couldn't stand being insulted. If anyone dared to hurt him, he would want to return it tenfold. But now...that person is Daviana. He didn't know how to pursue the matter. At wala rin siyang planong gantihan ang babae.Carol insisted on getting an explanation for him, but now, Rohi and Daviana were standing here, the two of them were on the same side, standing side by side, protecting each other, which deeply hurt his eyes. Doon pa lang ay talo na ulit siya.Who is being tortured by this conversation today?He felt like he was almost suffocating.“How can we just let it go? It's such a big deal. Warren huwag kang matakot. Kahit na kampi ang Daddy mo sa anak sa labas niya ngayon, huwag kang mag-alala. Hmm? Narito ang Mommy…I will help you get justice. Tutulungan kita anak. Hmm? Tutulungan ka ng Mommy na makuha mo ‘yun.”“Ang sabi ko, kalimutan niyo na. Alin ba doon ang mahirap intindihin, Mom?” Itinaas na ni Warren ang kanyang mga mata. Nakatingin na noon kay Davian

  • Addicted to the Imperfect Billionaire   Chapter 122.1

    GALIT NA GALIT na noon si Carol sa kanya, nanginginig na rin ang mga labi niya na hindi niya mapigilan.“Alam kong masama ang loob mo sa anak ko noong iwanan ka niya sa araw ng engagement niyo, but logically speaking, hindi niya deserve na magkaganito! Sabay kayong lumaki, di ba? Don't you feel anything at all?” patuloy na pangongonsensya ng Ginang. “You injured his hand like this, and you still have this attitude? Nasaan doon ang hustisya?!”Viana’s fingers curled slightly. Aksidente ang injury ni Warren at hindi niya sinasadya rin iyon. She had to admit that she was caught off guard by this accident. She was silent for a moment, then spoke again, her tone finally softening. She patiently explained to Carol. “Tita, hindi ko po talaga alam na injured na siya ng mga sandaling iyon. Kung alam ko, hindi ko ginawa ang bagay na iyon. Warren should be aware of his own condition. Why would he provoke me when he was obviously injured? Bakit naghahamon pa siya ng gulo kay Rohi?” Upon hearing

  • Addicted to the Imperfect Billionaire   Chapter 121.3

    NATAHIMIK SI ROHI at pinagtuunan na lang ng pansin ang kanyang pagmamaneho. Bagama't hindi niya maintindihan ang iniisip ni Viana, malinaw niyang naramdaman ang pag-iiba ng gawi ng babae magmula nang marinig ang balita na sinabi ng ama niya kanina.If it's not because of fear, then why?He didn't want to think too much.Nakarating ang dalawa sa ospital at dumiretso sila agad sa ward. The atmosphere in the VIP ward was a bit solemn. Natagpuan nila doon ang mag-asawang Welvin, Carol at si Warren. Seeing Rohi and Viana coming, Welvin sent the nurse away first. Paglingon niya, tumayo na si Carol mula sa sofa at sinigawan na si Viana. “Paano mo nagawa ‘to kay Warren?! Magkasama kayong lumaki. Injured na nga ang kamay niya tapos tinulak mo pa! It's a fractured bone! Do you want to cripple his hand?!” Malakas ang boses ni Carol na may kalakip na paninisi. Viana clenched her fists and stood there, her body a little stiff. Ilang hakbang na lang ang layo niya sa kama, hindi siya gumalaw at su

  • Addicted to the Imperfect Billionaire   Chapter 101.2

    SA LOOB NG Hotel ay inip na umahon si Daviana sa kanyang kinauupuan nang makitang walang reply si Warren sa kanyang pinadalang message. Batid niyang mababasa iyon ng lalaki kaagad. Nang makitang wala pa rin ay binitawan na niya ang cellphone at hinanap kung nasaan si Rohi. Natagpuan niya ito sa loo

  • Addicted to the Imperfect Billionaire   Chapter 100.2

    ILANG BESES NA napakurap si Daviana dahil nakita niyang tumawa na si Rohi. Iyong ngiti nito ay kagaya na noong dati na huling natatandaan niya. Hindi niya mapigilang mapatitig. Bigla na lang nagliyab sa init ang magkabilang tainga ni Daviana sa nakita niyang iyon. Maya-maya ay napaiwas na siya ng m

  • Addicted to the Imperfect Billionaire   Chapter 99.3

    MAKAHULUGAN NA SIYANG tiningnan ng ina. Iyong tipong parang nang-aasar ang mga mata nito. Tinakpan na ni Daviana ang kanyang mukha upang itago na ang labis noong pamumula.“Ano ang gusto mong sabihin

  • Addicted to the Imperfect Billionaire   Chapter 99.2

    HINDI MUNA BUMALIK si Daviana sa loob ng bahay. Nanatili siya sa kung saan siya iniwan ni Rohi na nakatayo. Dinukot niya ang kanyang cellphone sa bulsa. Nagtipa siya ng message kay Rohi na mag-iingat ito pauwi at mag-send ng message kapag nasa hotel suite na. Nguni

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status