首頁 / Romance / Agent Ex-Lover / Chapter Fourteen

分享

Chapter Fourteen

last update publish date: 2021-07-13 23:11:02
"IKAW din naman ang may kasalanan, eh," wika ng Lolo Segundo niya nang lumabas siya ng kuwarto.

Kumunot tuloy ang noo ni Jeremy. Hindi kasi siya nakakasiguro kung siya nga ba ang sinasabihan nito pero sa kanya lang naman ito nakatingin kaya tiyak niyang siya ang kausap nito.

Malalim na buntunghininga na lamang ang kanyang pinawalan. Sa palagay niya ay wala naman siya talagang maitatago sa kanyang Lolo Segundo. Ito ang nagpalaki sa kanya kaya kilalang-kilala siya nito. Isa pa, kasama nito ka
在 APP 繼續免費閱讀本書
掃碼下載 APP
已鎖定章節
評論 (1)
goodnovel comment avatar
Vanessa Venus Triñ
next episode po
查看全部評論

最新章節

  • Agent Ex-Lover   Chapter Thirty-four

    IBIG sana ni Katrina na kumontra sa mga naririnig na pag-uusap nina Jeremy at ng kanyang Ninong Sunday pero hindi niya mahagilap ang kanyang boses. Siguro dahil sa kinakabahan siya sa kanyang mga naririnig. Ang sabi kasi ni Jeremy ay lumuwas sila at nagpunta sa Samonte Hospital kaya parang may kakaiba raw itong nararamdaman sa pagpasok nila roon. Gusto sana niyang sabihin dito na ang tanda-tanda na nito para maniwala sa multo pero hindi niya magawa. Para kasing hindi lang multo ang ibig ipahiwatig ni Jeremy. Kahit tuloy matagal niyang nakarelasyon si Flaviano, parang ngayon lang siyang nakaramdam ng takot dito. Maaaring sa mahabang panahon ay naging bulag siya para makita niya ang tunay nitong ugali gayung lahat ng kapamilya niya ay nagsasabi na hindi nito gusto si Flaviano. Hindi naman niya masasabing dahil sa pag-ibig iyon kaya mabuting nilalang ang tingin niya kay Flaviano. Tiyak niya kasi kung sino lamang ang lalaking kaya niyang ibigin. Si Jeremy lamang. Kaya, walang problema sa

  • Agent Ex-Lover   Chapter Thirty Three

    MARAHAS na buntunghininga ang pinawalan ni Jeremy. Kung siya lang talaga ay hindi niya gugustuhing magpunta sila ni Katrina sa Manila -- lalo na sa Samonte Hospital. Ayaw na niyang magkaroon pa ng koneksyon si Katrina sa nakaraang pag-ibig nito dahil siya na ang asawa nito at naniniwala siyang siya na ulit ang mahal ni Katrina. Talaga ba? gusto niyang itanong sa sarili dahil parang mahirap pa rin iyong paniwalaan lalo na't pakiramdam niya'y nagiging malamig sa kanya si Katrina ng nakalipas na araw. Ibig niyang isipin na dahil lang iyon sa pag-aakala nitong pinakasalan lang niya ito dahil sa hacienda. Ngunit, hindi ba noong isang araw ay sinabi na nitong in love ito sa kanya? Gusto niyang paniwalaan iyon pero bakit para ring may nagsasabi sa kanya na iba talaga ang nais tukuyin ni Katrina ng mga sandaling iyon. Bigla tuloy siyang kinabahan. Gusto ko na makipaghiwalay sa’yo, yan ang mga salitang pumapasok sa kanyang isipan pero ipinilig niya ang kanyang uli. Hindi siya naniniwala n

  • Agent Ex-Lover   Chapter Thirty Two

    NANINGKIT ng husto ang mga mata niya nang tumino sa kanyang isipan ang kanyang mga nakita at narinig.Kasal na si Katrina?Buntis na ito?Gusto niyang magwala ng mga sandaling iyon pero hindi niya magawa. Parang may makapangyarihang kamay na pumipigil sa kanyang balikat na tumayo buhat sa single sofa na kanyang kinauupuan. Mas gusto rin niya kasing pagmasdan ang babaeng dahilan kung bakit siya sobrang miserable ngayon.Kung maaari nga lang ay gusto niyang lumabas sa kanyang kinaroroonan para makaharap ito at mahalikan kaya lang hindi maaari. Hindi siya maaaring makita man lamang ng kahit na sino dahil lahat ay alam na patay na siya. Maliban na lamang siyempre sa mga magulang niya na sumoporta sa desisyon niyang 'pagpapatiwakal'.Ooppss, sa mata nga pala ng buong Pilipinas, hindi nagpatiwakal si Flaviano Samonte kundi pinatay ito. Nang pumasok kasi siya sa loob ng sasakyan ay sumabog iyon matapos ang ilang minuto.Mabu

  • Agent Ex-Lover   Chapter Thirty One

    "HINDI ka na rin pala makakatakas kay Zander Montellibano," natatawang sabi ni Katrina kay Ysabelle. Kahit hindi pa naikukuwento sa kanya ni Ysabelle ang buong pangyayari ay may ideya na siyang si Zander Montellibano ang sinasabi nitong naka-one night stand nito."Wala na akong balak tumakas," wika ni Ysabelle habang nakatitig sa amang nakaratay sa hospital bed.Mahal na mahal ni Ysabelle ang ama nito kaya kahit alam niyang nagiging pasaway ang kanyang pinsan, tiyak niyang gagawin nito ang lahat para lang mapasiya ang ama nito. Kaya nga mula elementary hanggang highschool ay naging Valedictorian ito at Cum Laude naman ng magtapos ito ng Business Management. Kahit alam niyang kayang-kaya nitong maging Summa Cum Laude ay hindi nangyari dahil natuon na ang pansin nito sa larangan na alam niyang gustung-gusto nito talaga, ang pagiging equestrian. Kinuha lang naman nito talaga ang kursong iyon dahil ito ang gusto ng ama at umayon din naman si Ysabelle na kakailanganin

  • Agent Ex-Lover   Chapter Thirty

    AGAD inikot ni Jeremy ang kanyang tingin sa paligid. Ramdam kasi niyang may mga matang nakatingin sa kanya. Tiyak niya iyon. Malakas ang pakiramdam niya sa mga taong minamanmanan ang kilos niya."Anong problema?" nagtatakang tanong sa kanya ni Katrina.Sa halip na sagutin niya ito ay hinapit niya ang katawan nito palapit sa kanyang katawan. Kung mayroon mang mga mata na nakatingin sa kanya ay sisiguraduhin niyang magagawa niyang protektahan ang kanyangmag-ina. Kailanman ay hindi niya pababayaan ang mga ito."Wala," sabi na lang niya kay Katrina saka binigyan ito ng matamis na ngiti. Hindi niya siyempre ipapaalam dito ang kanyang hinala. Ayaw niyang mag-alala ito dahil nakasisiguro siyang makakasama lang iyon sa kalagayan nito. Hanggang maaari nga lang ay gusto niyang pasayahin ang kanyang asawa."Hindi ka naman naniniwala sa multo, hindi ba?" biglang tanong sa kanya ni Katrina."What?""Baka kasi iniisip mo na n

  • Agent Ex-Lover   Chapter Twenty Nine

    KAHIT na sa ospital ng mga Samonte dinala ang ama ni Ysabelle ay pinalis pa rin ni Katrina sa kanyang isipan ang takot. Ewan niya kung bakit para siyang nakaramdam ng panganib ng mga sandaling iyon, bigla tuloy siyang napahamak sa kanyang tiyan. Pakiramdam niya ay kailangan niyang protektahan ang kanyang dinadala.Nang ibaling niya ang tingin kay Jeremy ay nakita niyang nakatitig din ito sa kanya. Hindi nga lang niya magawang basahin ang emosyon nito. Kahit hindi ito magsalita ay alam niyang may ideya na ito kung anong kaugnayan ng hospital na iyon kay Flaviano."Hindi ko alam na dito dadalhin si Tito. Okay lang ba kung bababa tayo?" nag-aalanganing tanong niya."Bakit naman hindi?"Kahit na medyo may kalamigan ang boses nito ay nagawa pa rin niyang ngumiti. Paano ba naman kasi, hinagilap nito ang kanyang palad saka pinisil. Pakiwari niya ay nangangako ito sa kanya na kahit na anong mangyari ay hindi siya pababayaan."Ospita

  • Agent Ex-Lover   Chapter Five

    "DAD..." hindi nagawang ituloy ni Katrina ang sasabihin dahil ibinaling agad ng ama niya ang tingin sa kanya. Hindi maipagkakaila sa mga mata nito ang disappointment. At hindi naman kataka-taka na makita ang reaksyon nitong iyon. Ikakasal siya dapat pero makikita nitong ganito ang kanyang a

  • Agent Ex-Lover   Chapter Four

    "IBALIK mo na ako kay Flaviano," mariing sabi ni Katrina kay Jeremy habang nilalagyan siya nito ng sinangag at pork adobo sa kanyang plato. Hindi niya kasi gusto ang nararamdaman niya dahil sa pag-aasikasong ginagawa nito sa kanya. Ang traydor kasi niyang puso ay bumibilis na naman ang pintig.&nb

  • Agent Ex-Lover   Chapter Three

    UNTI-UNTING iminulat ni Katrina ang kanyang mga mata at ang kanyang namulatan ay ang di pamilyar na ceiling. Kasabay noon ay ang pagbundol ng matinding kaba sa kanyang dibdib. Nagbalik na rin kasi sa alaala niya kung ano ang nangyari. Kaya naman, napabalikwas siyan

  • Agent Ex-Lover   Chapter Two

    Months ago..."Mission accomplished!" mayabang na sabi ni Special Agent Jeremias Rosales sabay nguso sa baril na kanyang pinaputok. Nakabulagta na kasi sa kanyang harapan ang big time drug lord na ilang buwan na rin naman nilang sinusubaybayan. Isa na namang salot sa lipunan ang kanyang na

更多章節
探索並免費閱讀 優質小說
GoodNovel APP 免費暢讀海量優秀小說,下載喜歡的書籍,隨時隨地閱讀。
在 APP 免費閱讀書籍
掃碼在 APP 閱讀
DMCA.com Protection Status