ログインMariposa, iyan ang tawag sa kanya. Walang pamilya, walang kaibigan. Isang babaeng mababa ang lipad. Sinisikmura ang lahat para sa pangarap. Gustong gusto na niyang makawala sa kadena. Ngunit lahat ng pangarap niya ay nag-iba noong maging kliyente niya ang isang Gustavo Aarav Bryson Salvador Duckworth, ang lalaking pinagtaksilan ng sariling nobya. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig at tinangay ang plano niya noong makita ang malaking bulto nito sa dilim. Isang hawak lang nito sa kanya ay tiyak na mapipisa siya. "Are you that desperate for money?" malamig, malalim, at may pagkapaos ang boses nito. Kita niyang lumagok ito ng alak na lalong kinakaba niya. "Kailangan ko lang. Ngayon lang para matapos na ang lahat ng ito," mahinang rason niya at kanina pa pinipiga ang mga daliri niya sa sobrang kaba. "Fine. Ibibigay ko ang gusto mo at pag-ungol lang ang kailangan mong gawin," madiing bigkas nito at halos hindi siya nakakilos noong maramdaman ang pag-ikot ng braso nito sa bewang niya at walang sabing siniil siya nito ng halik. Ni hindi niya lubos isipin na ang isang gabing iyon ay pagkakalooban siya ng tatlong anghel. Mga anghel na walang ideya kung sino siya.
もっと見る"Ramon Garcia. 70 years old. Castel Hotel. Matanda na itong kliyente mo na ito kaya magdahan-dahan ka lang, Mariposa," imporma sa kanya ni Rodora mula sa kabilang linya.
Binaba niya ang bag at nah*god ang batok niya. Wala yata siyang karapatang magpahinga. Kagagaling lang niya sa paaralan ngunit heto at kailangan pa niyang rumaket.
"Huwag mong kalimutang puntahan. Sinasabi ko sa'yo, malaki ang bayad niya," paalala nito.
"Isang milyon ba?" Umungol pa siya lalo't masakit ang likod niya sa maghapong pag-aaral.
"50 thousand. Sayang din. Alam ko namang patutulugin mo lang 'to." Tumawa ito sa dulo kaya napangisi siya nang maliit.
Pinatay na niya ang tawag at isa-isang kinalas ang butones ng uniporme niya. Salamat na lang sa genes niya at biniyayaan siya ng mga malulusog na d*bdib, makurbang katawan at mahahabang mga hita. Idagdag pa ang kayumangging mga mata, tila alon ang kulot ng buhok niyang mahaba, at maputing balat na tumitingkad sa liwanag.
Sabi nga ng iba ay para siyang anghel na bumaba sa lupa. Mali, dahil kabaligtaran ang buhay niya. Hindi siya anghel, kun'di isang dalagang mababa ang lipad.
Agad siyang naligo at sinuot ang pangmalakasang nightie niya. Pinatungan niya lang iyon ng t-shirt at pants. Nagmake-up at siniguradong pulam-pula ang bibig niya.
Sanay na sanay na siya at kabisado na ang gagawin. Kaya taas noo siyang lumapit sa receptionist pagkarating sa hotel.
"Reservation of Ramon Garcia, please at kukuha rin ako ng extrang kwarto," pasimpleng banggit niya sa receptionist.
"Room 280 at 281, Miss—"
"Lolo ko siya, Miss," pagsisinungaling niya lalo pa't kita niyang may panghuhusga na ang mga titig nito sa kanya.
Agad niyang kinuha ang mga keycard at tumalikod. Pagdating sa kwartong ni-book niya ay hin*bad niya ang suot na t-shirt at pants. Nagpisik ng pabango, hinanda ang sleeping pills na siningit niya sa garter ng kanyang panty. Sinuot na rin niya ang maskarang itim.
Isang hingang malalim pa ay kumatok na siya sa kabilang kwarto. Dinig niya ang pag-ubo ng matanda. Mukhang ilang araw na lang ang itatagal nito sa mundo.
Tama nga siya ng hinala dahil sobrang payat na nito. Noong ngumiti sa kanya ay akala niya ay kalansay na nabuhay. Imbis tuloy bigyan niya ng nakapang-aakit na ngiti ay tumabingi ang ngiti niya.
"Dumiretso ka sa kama. Ginigigil mo ko!" gigil na bigkas nito at balak pa yatang hampasin ang p*wet niya buti na lang ay naka-iwas siya.
Pagkasara ng pinto ay mal*ndi siyang tumawa.
"Huwag kang nagmamadali. Sa'yo lang ako buong gabi, Ramon," mal*nding bulong niya.
"Hindi na ako makapaghintay," excited na bigkas nito.
Ngumisi siya at lumayo dito. Nahanap niya agad ang alak sa mesa. Nagsalin siya doon at pasimpleng nilagay ang sleeping pills na dala niya.
"Sasambahin ko ang buong katawan mo, Mariposa. Unang kita ko pa lang sa katawan mo, gusto na kitang anakan!"
Gusto niyang masuka sa narinig ngunit pinilit na ngumiti noong humarap dito.
"Sobrang gwapo mo, Ramon. Gusto ko rin iyan pero mas maganda kung painitin muna natin ng alak ang mga tiyan natin, di ba?" nang-aakit niyang bigkas.
Nagulat siya noong mabilis nitong agawin ang wine glass at lagukin ang alak. Tuloy-tuloy kaya napangiwi siya noong magkanda-tapon sa gilid ng bibig nito.
Madaling-madali masyado!
Nilapag nito ang wine glass at agad siyang hinila padikit dito. Hinayaan niyang hawakan siya nito sa bewang. Akmang hah*lik pa ngunit kunwari siyang tumawa at umiwas. Magbibilang lang siya ng sampo ay tutumba na ito.
"Sandali lang, sasayawan pa kita, Ramon," kunwaring humah*gikhik niyang bigkas.
"Hindi na. Sa kama na tayo. Gusto na kitang tikman," ang boses nito ay pawala na.
Isang tulak lang sa noo nito, bumagsak ito sa kama. Nakapikit at mukhang bukas na ng hapon ang gising.
"Sorry po, Lolo. Di kita type," aniya bago hanapin ang wallet nito.
Kinuha niya ang ilang lilibuhin doon bago bumalik sa kabilang kwarto at mabilis na nagbihis. Ang bayad nito ay siguradong sa bank account ni Rodora didiretso.
Hindi na niya mabilang kung ilang lalaki ang pinatulog niya. Maniwala kayo sa hindi, virgin pa siya kahit ganoon ang trabaho niya.
Pagdating sa bahay, naligo siya at madiing kinuskos ang katawan. Kahit kamay lang ang humahawak sa kanya, nandidiri pa rin siya. Makaalis lang siya sa lugmon na iyon ay ibabaon niya ang lahat ng nakaraan niya sa limot!
Tinitigan niyang mabuti ang sarili sa salamin. Walang matinong lalaking tatanggap sa kanya. Alam niya iyon at tanggap niya iyon.
Mapait siyang ngumiti ngunit lumipad ang tingin sa cellphone noong tumunog iyon. Boses ni Rodora ang narinig niya sa kabilang linya.
"Kaya mo bang rumaket bukas ng gabi? Isang gabi lang iyon, Mariposa. Ibibigay ko ang address sa'yo. Hindi mo kailangang magpakita ng mukha. Katawan mo lang ang kailangan niya."
"Isang milyon ba ang ibabayad?" ngising biro niya.
"Oo!" mabilis na sagot nito na kinalaki ng mga mata niya.
"Kung papalarin ka, baka huli mo na ito at kung magustuhan ka, uulit sa'yo," natutuwang bigkas nito.
Napalunok siya at pikit matang tinanggap ang kliyenteng sinasabi ni Rodora. Mukhang sa unang pagkakataon ay ipagkakaloob niya ang pagkabirhen na iningatan niya sa mga nakalipas na lalaking umupa sa kanya.
"Anong pangalan tsaka edad?"
Kung matanda ulit iyon ay madali lang takasan!
"Walang binigay na pangalan at edad. Basta sa penthouse ka dumiretso. Nag-iwan ng card ang tauhan niya dito, daanan mo para makapasok ka sa penthouse."
Napakurap siya. Huhulaan pa niya ang katauhan ng kliyente niya? Di bale na. Importante malaki ang ibabayad nito.
Naligo siya nang mabuti kinabukasan. Hinanda na rin niya ang mga gamit at armas na sleeping pills. Dinaanan niya rin ang card kay Rodora.
Simpleng puting spaghetti strap ang suot niyang bestida. Pinapasok din siya ng guard matapos makita ang hawak niyang card.
Sinuot niya ang kanyang maskarang itim.
Hindi niya alam ngunit umahon ang kaba sa d*bdib niya noong nasa tapat na ng pinto ng penthouse. Ilang beses siyang napalunok.
Hindi na siya kumatok. Binuksan niya ang pinto gamit ang card. Kadiliman ang sumalubong sa kanya at amoy ng mamahaling alak.
"Pwede mo siyang patulugin. Pukpukin sa ulo at kunwaring may nangyari," bulong niya pa sa sarili habang papasok sa madilim na penthouse.
Hinanap ng mga mata niya ang kliyente sa dilim ngunit wala siyang bultong maaninag. Tahimik na lang niyang sinara ang pinto at naglakad patungo sa tingin niyang kama hanggang sa marinig ang paglapag ng baso sa sahig.
Awtomatikong napalingon siya sa gilid ng pader. Kita niya ang malaking bulto doon na nakaupo at nakayuko. Walanghiya! Ang laki ng bulto, parang kaya siya nitong pigain.
"S-ir," lakas loob niyang tawag dito.
"Are you that desperate for money?" malamig, malalim, at may pagkapaos ang boses nito.
Kita niyang lumagok ito ng alak na lalong kinakaba niya.
"Kailangan ko lang. Ngayon lang para matapos na ang lahat ng ito," mahinang rason niya at kanina pa pinipiga ang mga daliri niya sa sobrang kaba.
Nahigit niya ang hininga noong tumayo ito. Sobrang lakas ng kalabog ng d*bdib niya. Ang laki nito! Bouncer ba ito? Sundalo? O baka may-ari ng gym?
Napatingala siya noong makalapit ito. Sa sobrang dilim ay puti ng mata nito ang tanging nakikita niya. Engkanto yata! Kapreng nag-anyong tao?
"Fine. Ibibigay ko ang gusto mo at pag-ungol lang ang kailangan mong gawin," madiing bigkas nito at halos hindi siya nakakilos noong maramdaman ang pag-ikot ng braso nito sa kanyang bewang at walang sabing siniil siya nito ng h*lik.
Hindi binitiwan ni Keith ang kamay ni Eileen kahit pa nanlalamig na iyon.Igting ang panga niya sa galit at hindi na makausap nang maayos."Dead on arrival," bigkas ng Doctor.Para siyang bingi at ayaw tanggapin iyon!"Emergency room please. Buhay pa ang fiancée ko!" pilit niyang sigaw sa isang nurse.Sinunod din naman ang gusto niya at agad na sinugod sa operating room si Eileen.Naiwan siya sa labas, puno ng dugo ang damit at nanghihina.T*ngna! Hindi niya matatanggap na mamamatay lang nang ganoon ang nobya niya!"Sir! Iyong isang babae po, kailangan na ng heart transplant!" patakbong lumapit sa kanya ang isang nurse kasunod ang doktor.Bigla niyang naalala si Kaia. Hinabol ito ni Eileen sa labas....Kung hindi dahil dito... buhay pa sana ang nobya niya.Kumuyom ang kamao niya sa galit."Asawa mo ba ang pasyente sa kabila? Kailangan ng tanggalin ang baby sa tiyan niya kun'di ay mamatay siya!" imporma ng Doktor sa kanya.Nagtagis ang mga bagang ni Keith, "Wala akong pakialam sa kanya,
Mabilis na uminom ng tubig si Kaia at hindi lumingon sa mga ito. Narinig niya ang paghila ng upuan sa katabing mesa niya.Natataranta tuloy siyang hagilapin ang bag niya para makaalis na doon.Tumayo na siya agad pero paano siya magpapaalam kay Dra. Eileen? Kapag narinig ni Pedro ang boses niya, mahuhuli na siya nito!"Mom, where are you?" dinig niyang tanong ni Pedro.Siguro ay kausap nito sa cellphone ang ina."Alright. I'll wait for you here," muling bigkas nito.Napalunok na si Kaia at nanigas na nang tuluyan. Pati tiyan niya ay nanigas na sa kaba.Napapikit pa siya noong tumunog ang upuan niya pagkaatras. Sana ay hindi nakatingin si Pedro!Nangunot noo naman si Pedro at bahagyang sumulyap sa katabing mesa. Para kasing robot ang babaeng naroon kung kumilos.Nawala roon ang atensyon niya noong tumunog muli ang cellphone niya. Groupchat nila ang lumitaw sa screen niya.Juancho: I-se-set up na ba ng date si Pedro? May kilala ako!Lorenzo: Tanungin niyo muna kung naka-move on na!Gust
---AFTER SIX MONTHS---"Kaia, please, umupo ka na lang. Hayaan mo na ang mga pasyente na lumapit sa'yo," nag-aalalang utos ni Dra. Eileen.Ngumiti siya agad rito, "Naku, okay lang po ako, Dra. Isa pa, hindi naman po nakapapagod ang ginagawa ko—" "Kahit na. Diyan ka lang sa upuan. Tumayo ka lang kung kailangan talaga. Please." Pinagdikit pa nito ang mga kamay at kumurap-kurap sa harapan niya.Mahina na siyang natawa at tumango sa Dra."Yay! Thanks! Mamaya, darating dito si Dr. Keith. Magdi-dinner tayo," excited na bulong nito at kumapit pa sa braso niya.Agad siyang nangiwi, "Huwag niyo na po akong isama, Dra. Nakakahiya po sa fiance niyo. Ayoko pong maging third wheel," tanggi na niya sa Dra.Paano'y hindi na nakapagsolo ang dalawa simula noong tumira siya sa bahay ni Dra. Eileen. Lagi na lang siya nitong sinasama sa lakad at eat out nila. Hiyang-hiya na siya kay Dr. Keith."Anong hindi? Nasabi ko na sa kanya. Tsaka um-oo naman siya. Hindi ka pwedeng umuwi sa condo nang mag-isa. Wala
Tinawagan niya muli si Jeric."Tingnan mo kung sino ang may-ari ng sasakyang sinakyan ni Kaia. Ise-send ko ang picture sa'yo. I'm sure hindi pa sila nakakalayo," madiing bigkas niya at humigpit din ang hawak sa cellphone."Dr. Evangeline Castro. Siya po ang may-ari ng sasakyan, Sir."Pagkarinig pa lang ni Pedro sa pangalan ni Dra. uminit na agad ang dugo niya.Saan nito balak na dalhin si Kaia?Kumuyom ang kamao niya, "Find them, Jeric—""Pero base po sa kuha ng cctv, iniwan din po ang sasakyan sa kalsada, Sir. Cut na po ang kuha at hindi ko po sure kung saang sasakyan sila lumipat," paliwanag nito.Lalong kumulo ang dugo niya, "Do everything you can. Bring back my Kaia, Jeric. Babayaran kita, kahit magkano. Hanapin mo lang siya at ibalik sa'kin.""Noted, Sir!"Tinapos na niya ang tawag. Ngayon, hindi niya alam kung didiretso ba sa pulis o pupunta ng airport at doon hintayin si Kaia."Sir, gamit po yata ito ni Ma'am. Iniwan po sa loob ng banyo." Kabadong binigay sa kanya ng staff ang
Hindi na alam ni Angelita kung anong ire pa ang gagawin mailabas lamang ang mga anak niya. Halo na ang hikbi at pag-ire niya, maging ang kanyang pawis at luha.Napahagulhol na lamang siya noong marinig niya ang iyak ng sanggol."Good job, Mommy," nakangiting bigkas ng doktor.Pero isa pa lamang iyo
"What was that, Gustavo? Hindi na ako pwedeng pumunta rito kahit kailan ko gusto?! Seriously?!" histerya nito.Kumibot ang mga labi ni Gustavo. Pailalim na tinitigan ang dalagang minsan ay namahay sa puso niya.Kung tutuusin ay ang ganda pa rin nito. Maputi, malaki ang hinaharap at mukhang hollywoo
Pikit-mata at nagdadasal si Angelita habang nakaupo sa mesa. Nasa ibabaw ng mesa ang cellphone niya at naghihintay ng tawag mula sa lalaki. Sana ay nakita nito ang cellphone number niya sa likod ng sonogram na iniwan niya sa condominium.Hindi niya sigurado kung doon pa nakatira ang lalaki pero ayo
Walang tigil sa pagtaas baba si Lenlen sa itaas ni Juancho. Ginigiya pa nito ang katawan niya gamit ang isang braso nito.Kung gaano kabilis ang galaw niya, ganoon naman kaingat ang pagmamaneho nito.Hindi alam ni Lenlen kung paano silang ligtas na nakarating sa bahay nito.Basta patuloy siyang umi
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
レビューもっと