INICIAR SESIÓNEDWARD’S POV First day as Senior Engineer. Pagtapak ko pa lang sa loob ng building ng kumpanya ni Xian, naramdaman ko agad ang bigat ng responsibilidad. Ang kapaligiran ay moderno, maingay sa produktibidad, at puno ng ambisyon. Ramdam ko ang respeto ng mga tao sa akin—mula sa mga arkitekto hanggang sa mga tauhan. I felt the weight of my position, pero hindi ako natakot. Handa akong harapin ang bawat hamon. Ito ang bunga ng aking pagsisikap, at tinatanggap ko ito nang buong puso. Ngunit sa gitna ng paghahanda ko para sa proyekto, biglang huminto ang mundo ko nang makita ko ang isang pamilyar na pigura na pumasok sa opisina—si Alexandra. My breath hitched. Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita. Nakatayo siya doon, maganda at elegante sa kanyang suot, pero ang mga mata niya ay iba—matalim, mapanghusga, at puno ng hinala. Sa isang iglap, bumalik ang mga salitang binitawan niya kagabi, ang mga paratang na hindi ko inaasahan. It hurts to realize that despite all my understanding and
ALEXANDRA’S POV Sa gitna ng nakakabinging katahimikan ng pasilyo, habang ang aming mga katawan ay magkadikit pa rin at tila bumubuo ng isang delikadong koneksyon, hinarap niya ako nang may matinding tapang at hindi matitinag na kumpiyansa. "Move on, Alexandra! Hindi na sa 'yo umiikot ang mundo ko. Tigilan mo yang ilusyon mo," mariin niyang binitawan ang mga salitang iyon, na parang mga patak na yelo na pumatak sa nagbabaga kong damdamin. Dahan-dahan ngunit may diin niya akong itinulak palayo—isang pagtulak na tila nagpapaalala sa akin kung gaano na ako kalayo sa kanya ngayon. Pagkatapos ay tumalikod siya nang walang lingon, naglakad palayo nang buong dangal, habang ako ay naiiwan sa gitna ng kalituhan at sarili kong mga takot. Napangiti ako nang mapait habang nakatanaw sa aninong papalayo. Ang sakit ng pagtanggi niya ay humahalo sa matinding hinala na bumubulabog sa buong pagkatao ko. "Nagsisinungaling ka!" bulong ko sa hangin, ang boses ko ay nanginginig sa halo-halong galit at
EDWARD’S POV Kinaumagahan, habang naghahanda ako para sa araw, tumunog ang aking cellphone. Si Xian ang nasa kabilang linya. Direct and straight—iniimbitahan niya ako sa kanyang opisina para pag-usapan ang mga plano at opisyal na pagpirma ng kontrata. Bago ako umalis, ibinahagi ko ito kay Cheska. "Mahal, pupunta ako sa opisina ni Xian para pirmahan na ang kontrata. What do you think? Tutuloy ba ako?" Ngumiti siya nang may paghihikayat at pagtitiwala. "Sige, pirmahan mo na. Magandang oportunidad ito para sa'yo. Malaking bagay ito sa portfolio mo, at patunay ito ng galing mo bilang engineer. Go for it." Baon ang kanyang basbas at suporta, tumungo ako sa kumpanya ni Xian. Maayos at produktibo ang naging pagpupulong. Pinag-usapan namin ang disenyo at plano para sa malaking gusaling itatayo, at nang matapos ang lahat, nilagdaan ko ang kontrata bilang opisyal na lead engineer ng proyekto. Habang nag-uusap kami, hindi ko maiwasang mapansin ang itsura ni Xian. He looked exhausted. Malal
EDWARD’S POV Habang nagmamaneho ako palayo sa mansyon, parang hindi tumitigil ang pag-ikot ng mga pangyayari sa isip ko. The silence inside the car was loud, drowning me with the heavy scene I just witnessed. Akala ko noong una, nasa perpektong buhay na si Alexandra. I thought that with Xian’s wealth and obvious love for her, she had finally found her safe haven. But I was wrong. Sobrang laki ng pagkakamali ko. Kahit gaano pa karangyaan ang tahanan na kinalalagyan niya, kahit gaano pa karaming yaman ang maibigay ni Xian... hindi pa rin iyon sapat para burahin ang tingin ng ibang tao. The stinging words of Xian’s sister echoed in my mind. Nakita ko kung paano binasag ng mga salitang iyon ang pagkatao ni Alexandra. Nakita ko ang takot, ang hiya, at ang sakit sa mga mata niya—lalo na nang magtama ang paningin namin. Mas lalo kong na-realize ang isang masakit na katotohanan: Wealth cannot buy acceptance. Kahit mahal na mahal siya ni Xian, hindi niya kontrolado ang kanyang pami
ALEXANDRA’S POVPagkaalis nila Edward at ng pamilya ni Xian, doon na tuluyang bumigay ang buong pagkatao ko. Ang sama ng loob ko. Napaluhod ako sa malamig na sahig, walang tigil ang pag-agos ng luha na tila ba hinding-hindi na mauubos. Hindi lang dahil sa mga matatalim na salita ng ate ni Xian... kundi dahil sa hiya. Isang kahihiyan na tila sinasakal ako, na parang gusto kong lamunin ng lupa sa sandaling iyon.Lalo na sa harap niya—sa harap ni Edward. Ito pa yung makikita niya sa muli naming pagkikita.Si Edward na naging saksi sa pagkawasak ng dignidad ko. Alam kong sa bawat pagtingin niya, sa bawat sandaling iyon, ito ang tumatakbo sa isip niya: "Buti nga sa'yo, Alexandra! You deserve every bit of this pain! Isa kang gold digger!" Im pretty sure of that. Sa tingin ko, ang gabing ito ay ang pinakamatamis na pagganti para sa kaniya. Ito ang parusa niya sa pag-iwan ko sa kaniya noon. Nakita niya kung gaano ako kababang tingnan ng pamilya ng lalaking kasama ko ngayon. The man I chose o
EDWARD’S POV The fact na nasa iisang hapag lang kami ni Alexandra, hindi talaga maiiwasan na makaramdam ako ng pagkailang sa pagitan namin. Iniiwasan kong matingin sa direksyon niya at ramdam kong ganoon din siya. Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa pagkain, sa alak, at sa kwentuhan, pilit na binabalewala ang bigat ng presensya niya sa kabilang dulo ng mesa. Ayaw kong magpakita ng kahit anong emosyon na magdudulot ng hinala tungkol sa pagkakaroon namin ng nakaraan noon. Pero biglang nabasag ang katahimikan. Mula sa kabilang side ng hapag, narinig ko ang boses ng kapatid ni Xian. Out of topic bigla siyang nagsalita ng ganun. "Buti naman at hanggang ngayon ay matibay pa rin ang samahan niyo," panimula niya, ang mga mata ay nakapako kay Alexandra. "Hanga rin ako sa kapatid ko. Despite ng madilim na nakaraan ng babaeng 'yan—tinanggap niya pa rin nang buong-buo. Kami naman bilang pamilya, ano pa nga ba ang magagawa namin..." Huminto siya saglit, at ang sumunod na sinabi ay parang p
Alexandra POV Nakahiga ako sa upuan gawa sa kawayan, tahimik ang paligid at malalim akong nag-iisip. Bawat tunog ng tiyan ko dahil sa gutom, bawat tingin ko sa payat na katawan ng mga kapatid ko, at bawat hininga ni Nanay na parang pasan ang buong mundo—lahat ‘yon ay parang tinik na tumutusok sa
Alexandra POV Wala akong dala kundi ang sarili ko at ang maliit na supot na naglalaman ng iilang damit. Walang ibang kasama kundi ang bigat ng dibdib ko at ang batang dinadala ko. Nilakad ko ang daan pabalik sa tanging ibang bahay na matatawag kong sarili—ang bahay ng nanay ko sa tabi ng ilog. Ang
Alexandra POV Parang hindi mauubos ang luha ko. Ilang oras na akong nakadito sa sulok ng kwarto, niyayakap ang sarili ko habang parang sinasaksak nang paulit-ulit ang puso ko sa sakit. Ang hirap-hirap tanggapin na ang lalaking akala ko’y magiging takbuhan ko sa lahat ng bagay, siya pa ang naging
Umuwi ako sa bahay at suwerte na walang tao maliban kay kuya na kanina pa ako hinihintay. "Saan ka galing? Anong oras na, ha? uwi pa ba yan ng estudyante?" sita niya sa akin. Dito sa bahay, kami lang ng Kuya ko ang magkakampi palibhasa ay pareho kaming sampid dito pero this time, kailangan kong mag







