Share

CHAPTER 4

Author: Hiraya ZR
last update Petsa ng paglalathala: 2026-01-14 22:20:53

Makalipas ang limang taon....

Nasa opisina si Melissa, nakatitig sa screen ng computer habang binubuksan ang iba't ibang social media account kung saan niya ipinost ang panawagan para sa nawawalang anak. Ang mga kamay niya ay nanginginig sa pag-scroll sa mga comments at inbox, umaasang makakita ng kahit anong magandang balita, o kahit anong lead sa matagal na paghahanap sa anak niyang apat na taong gulang na si Alia. Isang buwan na ang nakakaraan simula nang mawala ito.

Hindi niya akalain na ang pinagkatiwalaan niyang yaya nito ang kikidnap sa anak niya.

Ilang linggo na rin siyang tuliro at wala sa sarili. Gabi gabi siyang umiiyak at hinihiling na sana ay nasa mabuting kalagayan ang anak niya ngayon at walang masamang nangyari dito.

Nang maalala na naman ang isiping iyon ay hindi niya napigilang lumuha hanggang sa humagulgol na siya.

"Alia, nasaan ka na anak?" Umiiyak na bulong niya.

Nasa ganon siyang sitwasyon ng lumagabog ang pinto at bumukas iyon.

Mabilis na pinahid niya ang luha sa mga mata, nilingon niya ang pumasok. Nakita niya ang kanyang ina si Olivia Romero.

"Iniiyakan mo pa rin ba ang anak mo?" singhal nito. Hindi siya umimik. "Wala ka bang tainga? Nagsasalita ako."

"Ano pong ginagawa ninyo dito?" walang reaksyon na tanong niya, kinuha niya ang folder na kailangan niyang pirmahan.

She is Melissa Romero, a twenty nine year old, General Manager of Fresh Food Trading, isang kumpanyang nagsusupply ng mga fresh foods tulad ng gulay, prutas, at karne sa mga hotel at restaurant. Isa sa mga malaking kliyente nila ang Le Royale Group, na may iba't ibang kumpanya sa ilalim ng pamamahala, kabilang ang mga restaurant, hotel, at ang pinakamalaking mall sa bansa, ang HAN Mall.

"Hindi mo pa ba nabasa ang e-mail ni Bianca?" asik nito, binuksan naman niya ang e-mail at doon niya nakita na may e-mail ang nakababatang kapatid niya.

Nangunot ang noo niya ng mabasa ang e-mail. Eksakto namang pumasok si Bianca at si Axel, ang kanyang asawa. Hindi na siya nagtaka kung bakit magkasama ang dalawa.

"Bakit umabot sa ganito ang problema?" sabi niya na nakatingin kay Bianca. Lumabi ang babae at nangilid ang mga luha.

"Axel, I told you magagalit si Melissa kapag nalaman niya," sabi nito na halata namang kumukuha ng simpatya. Niyakap ito ng lalaki at hinagod ang likod.

"Huwag ka ng umiyak. Ako ang bahala," masuyong sabi nito, nang bumaling sa kanya ay tumigas ang anyo nito.

"Eli! Walang kasalanan si Bianca sa mga nangyari," pagtatanggol nito sa babae.

Umikot ang eyeballs niya, ito na naman ang eksenang paulit ulit na nangyayari.

"Paanong wala siyang kasalanan? She's the Supply Chain Manager, tinitiyak niya dapat na lahat ng food products ay raw at fresh. Bakit nagkaroon ng issue ng food contamination sa mga pinadalang products sa Han Mall?" iritadong sabi niya. "Anong paliwanag ang sasabihin niya kay Mr. Han?" patuloy niya.

Tuluyang umiyak si Bianca ng marinig ang pangalan na iyon, kilalang Cold at Ruthless ang nasabing CEO ng Royal Legacy Properties at isa sa mga pinamamahalaan nito ang Han Mall.

Madalas na si Axel na president ng kumpanya at si Bianca ang nakikipagmeeting sa mga executives imbis na siya na General Manager. Kaya madalas makita at makausap ng mga ito ang Han brothers na mga kilala at makapangyarihan sa corporate world.

"Axel, ayokong makipag usap kay Mr. Han, alam mo naman na natatakot ako sa kanya, mga tingin pa lang niya nangangatog na ang mga tuhod ko," umiiyak na sabi nito. Napaingos siya.

'So, anong silbi mo sa kumpanya, ikaw ang gumawa ng problema ayaw mong harapin?' Aniya sa isip.

"Shh, sige huwag mong problemahin iyon, si Eli na ang bahalang kumausap kay Mr. Han," sabi nito. Napatayo naman siya at nagprotesta.

"Bakit ako? Hindi naman ako ang gumawa ng problema, atsaka kung ayaw ni Bianca humarap, bakit hindi ikaw?" saad niya na tinuro pa ang asawa. Lumapit si Axel sa kanya. Hindi siya nakahuma ng bigla na lamang siyang sampalin nito.

"Ang ayoko sa lahat iyong dinuduro ako, Eli." Galit na sabi nito. Umahon ang galit niya sa dibdib subalit hindi na siya umimik pa. Sapo niya ang nasaktang pisngi. "Sa tagal na nating mag asawa, alam mo ba kung bakit hindi kita nagustuhan?" bulong nito. Nakuyom niya ang mga palad.

Limang taon na silang mag-asawa, at ang lahat ay nangyari sa isang sapilitang kasal, kahit na engage na sila noon alam niyang hindi siya nito gusto, alam niyang may ibang laman ang puso nito.

Ang one night stand niya noon sa isang estranghero ay nagbunga, at nang malaman ng mga ito na buntis siya, pinakasal sila kaagad ng kanyang ama, pumayag siya kahit sa huwes lang iyon. At alam din ng mga ito na hindi si Axel ang ama ng ipinagbubuntis niya, kaya para pumayag sa kasunduan ay nangako ang kanyang ama na ipapasa sa lalaki ang pagkapresidente imbis na sa kanya.

Ayaw ng ama na madungisan ang pamilya nila at mapahiya siya, kaya ginawa nito ang lahat para maprotektahan siya. Mabait ang kanyang ama, kahit nga hindi niya ito tunay na magulang. Kinuha siya nito sa bahay ampunan noong walong taon siya, naikwento nito isang beses na matalik nitong kaibigan ang tunay niyang mga magulang na namatay sa aksidente at ang kalahati ng kayamanan nito ay pagmamay ari ng mga magulang niya kaya nararapat lamang na siya ang pumalit dito, pinalabas nito sa pamilya nito na anak siya nito sa iba upang kilalanin siya ng mga ito bilang isang Romero, ito lang ang nagmahal sa kanya ng totoo.

Pero ng mamatay ito sa car accident, ang mapayapa at magandang buhay niya ay napalitan ng paghihirap at pagtitiis sa piling ng kanyang ina at kapatid pati na rin sa kanyang asawa, nang mawala ang ama ay doon na lumabas ang tunay na kulay ni Axel, pati na rin ang tunay na ugali ng kanyang ina at kapatid.

Nabunyag ang katotohanan na si Bianca ang matagal ng minamahal ni Axel. Kasal lang sila nito sa papel pero si Bianca ang parang tunay nitong asawa. Matagal na rin nawala ang pagmamahal niya dito. Napalitan iyon ng galit at pagkamuhi dahil sa paulit ulit na pasakit nito sa buhay niya.

"Katulad ka ng anak mo, Eli, bastarda." nakangising bulong nito. Hindi na niya napigilan ang sarili, ginantihan niya ito ng sampal sa mukha, sa lakas niyon at lumiko ang mukha nito.

"Axel!" bulalas ni Bianca na nilapitan ang lalaki.

Bumaling sa kanya si Axel at matalim ang mga matang nagsalita.

"How dare you?!" galit na sabi nito at malakas siyang tinulak, napasubsob naman siya sa desk table niya.

"Sumunod ka sa gusto ko, wala kang magagawa Eli, lalo na at alam ko kung nasaan ang anak mo," sabi nito. Kaagad na nilingon niya ito at nilapitan. Hindi niya pinansin ang pagkadisgusto sa mukha nito. Hinawakan niya ito sa coat.

"Nasaan ang anak ko, Axel, nasaan si Alia?" nanginginig ang tinig na tanong, namamag asa na ligtas ang kanyang anak.

Marahas nitong inalis ang kamay niya sa coat nito. Namanhid ang kamay niya subalit hindi niya iyon ininda. Kailangan niyang malaman kung nasaan ang kanyang anak. Tumingin ito kay Bianca na nakangisi, tila ba alam na ng mga ito na mangyayari ang bagay na iyon.

"I'll tell you when you've talked to Mr. Han. Make sure you convince him to keep the business contract with the company. If you succeed, then I'll reveal where your daughter is," he said, an evil grin spread across his face.

Nakuyom niya ang mga palad, kahit na hindi niya gusto ang gagawin ay wala siyang magagawa, gusto niyang malaman kung nasaan ang anak niya. At kapag nalaman niyang may kinalaman ang mga ito sa pagkawala ng anak niya, pagbabayaran ng mga ito ang lahat.

"Okay, I'll talk to him," sagot niya.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
zeakang21
ang ganda.
goodnovel comment avatar
Nurcashin Ubahin
patay tlga kau pg ngkaalaman na,,,na Isang HAN HEIRESS ung tinago nyo sa Ina nya,,
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • BLANE HAN, The Ruthless Billionaire   CHAPTER 129

    Matapos ang registration, unti-unti nang nagsialisan ang ibang contestants. Ang iba ay abala sa pakikipagkilala sa kapwa designers, habang ang ilan naman ay masayang nagpapakuha ng litrato sa malaking backdrop ng Han Fashion Design Competition. Tahimik na naglalakad si Melissa sa hallway ng convention center habang nakatingin sa contestant ID na nakasabit sa kanyang leeg. Hindi pa rin siya makapaniwalang isa na siya sa mga kalahok. "You look happy." Napalingon siya nang marinig ang pamilyar na boses ni Blane. Nakangiti itong nakasandal sa dingding, tila kanina pa siya hinihintay. "I am." Mahina siyang natawa. "It still feels unreal." Lumapit ang binata sa kanya at inayos ang ID lace na bahagyang nakabaluktot sa leeg niya. "You earned it." Hindi niya napigilang ngumiti. "Thank you." Bago pa sila makapagpatuloy sa paglalakad ay may isang babaeng contestant ang dumaan sa harapan nila. Matangkad ito, maputi, mahaba ang tuwid na buhok na kulay chestnut brown. Simple n

  • BLANE HAN, The Ruthless Billionaire   CHAPTER 128

    Mainit ang sikat ng araw nang tumigil ang itim na sportscar ni Blane sa harap ng Han Convention Center. Huminga nang malalim si Melissa habang pinagmamasdan ang napakalaking gusali sa harapan nila. Sa mismong entrance ay nakasabit ang napakalaking LED screen. HAN FASHION DESIGN COMPETITION: Registration Day Marami nang designers ang naroon. May mga estudyante mula sa kilalang fashion schools, may mga independent designers, at mayroon ding mga professionals na ilang taon nang nasa industriya. Lahat ay may bitbit na portfolios, sketchbooks, at garment bags. Napahigpit ang kapit niya sa leather portfolio na hawak niya. Naramdaman niya ang mainit na kamay ni Blane na marahang humawak sa kamay niya. "Nervous?" tanong nito. Bahagya siyang ngumiti. "A little." Tinapik nito ang likod ng kamay niya. "You'll do great." Napatingin siya rito. "What if I fail?" Hindi ito agad sumagot. Sa halip ay mas inilapit nito ang mukha sa kanya. "Then fail beautifully." Napangiti s

  • BLANE HAN, The Ruthless Billionaire   CHAPTER 127

    Lumipas ang ilang araw matapos sabihin ni Blane ang tungkol sa nalalapit na fashion competition. Araw-araw ay makikita si Melissa sa garden lawn ng Han Mansion, tahimik na nakaupo sa ilalim ng malaking puno habang may sketchpad sa kandungan. Minsan ay isang gown ang iginuguhit niya, minsan naman ay suit. Kapag hindi siya kuntento, pinupunit niya ang papel at magsisimulang muli. Paulit-ulit. Hanggang sa makuha niya ang disenyo na gusto niya. Mula sa terrace ng mansiyon, tahimik siyang pinagmamasdan ni Blane. Hindi niya namalayang halos kalahating oras na pala siyang nakatayo roon. Napangiti siya nang makitang seryosong-seryoso si Melissa sa pagguhit. Kahit minsan ay kumakaway si Aliyah mula sa damuhan at pilit ipinapakita ang bulaklak na napitas nito, sandali lamang itong ngingitian ni Melissa bago muling ibinalik ang atensyon sa sketchpad. "She's back." Napalingon si Blane nang marinig ang boses ni Wade. Lumapit ang kapatid at tumayo sa tabi niya. "She's becoming the Melissa we

  • BLANE HAN, The Ruthless Billionaire   CHAPTER 126

    Malamig ang simoy ng hangin nang umagang iyon. Tahimik na nakaupo si Melissa sa garden lawn ng Han Mansion habang nakalatag sa harapan niya ang isang malaking sketchpad. Sa tabi niya ay may ilang lapis, colored pencils, eraser, at isang tasa ng mainit na kape na bahagya nang lumalamig. Hindi niya agad ginalaw ang hawak na lapis. Tahimik lang siyang nakatingin sa blangkong papel. Matagal. Parang natatakot siyang gumawa ng unang guhit. Humugot siya ng malalim na hininga. Limang taon na rin mula nang huli siyang seryosong nagdisenyo. Oo, paminsan-minsan ay gumuguhit pa rin siya noon para sa trabaho niya sa kumpanya, pero iba ito. This wasn't work. This was her dream. At ngayon, muli niyang sinusubukang abutin iyon. Unti-unti niyang idinampi ang lapis sa papel. Gumuhit siya ng unang linya hanggang sa dahan-dahang nabuo ang outline ng isang gown. Napangiti siya. Parang may matagal nang natutulog na bahagi ng puso niya na unti-unting nagigising. Maya-maya ay narinig niya ang mas

  • BLANE HAN, The Ruthless Billionaire   CHAPTER 125

    Maliwanag ang sikat ng araw nang umagang iyon. Banayad ang ihip ng hangin sa malawak na hardin ng Han Mansion habang tahimik na nakaupo si Melissa sa isang mahogany bench sa ilalim ng gazebo. May hawak siyang tasa ng kape habang pinagmamasdan si Aliyah na masayang nakikipaglaro kay Peppa sa damuhan. "Tignan mo, Peppa! Catch me!" Humahagikgik na tumakbo ang bata habang hinahabol naman siya ng aso. Napangiti si Melissa. Mula nang malaman nilang si Blane ang tunay na ama ni Aliyah, tila mas naging masaya ang anak niya. Mas naging masigla ito. Habang pinagmamasdan niya ang anak ay may naramdaman siyang pamilyar na presensya sa likuran niya. Hindi na niya kailangang lumingon para hulaan kung sino iyon. Alam na alam niya ang pakiramdam, ngunit lumingon pa rin siya. At gaya ng inaasahan, si Blane iyon. Nakasuot ito ng mamahaling itim na suit at napakaguwapo pa rin nito. "Are you going to work now?" nakangiting tanong niya. Huminto ang binata sa harapan niya. "Yes," sagot

  • BLANE HAN, The Ruthless Billionaire   CHAPTER 124

    Malakas na tunog ng suntok ang maririnig na tumatama sa punching bag, umaalingawngaw iyon sa buong chamber arena. Halos mabali na ang bakal na pinagkakabitan ng punching bag sa lakas ng bawat suntok ni Blane. Hindi ito simpleng training. Para itong paglalabas ng galit. Paglalabas ng matagal na niyang kinikimkim na poot. Mula sa gilid ng arena, tahimik na pinagmamasdan siya ng ilang gang members ng Han Brothers. Nang muling umuga nang malakas ang punching bag dahil sa isang malupit na sipa, napalunok ang isa sa mga ito. "Is he trying to train or destroy that punching bag?" bulong nito. Napakamot naman sa batok ang katabi nito. "I'm glad I'm not part of Knight's team." "Same. Knight looks like he's ready to send someone to the hospital today." None of them dared speak any louder. Everyone inside the arena could feel it. Their Gang Lord was furious. And everyone knew exactly why. It's because of one man, the man who had hurt Melissa, the man who had nearly ruined Aliyah's

  • BLANE HAN, The Ruthless Billionaire   CHAPTER 63

    “I hate her… I hate Melissa!” galit na sambit ni Bianca, habang tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha mula sa mga mata nito. Nanginginig ang mga labi, at mahigpit nitong hawak ang laylayan ng damit.Naroon sila sa loob ng sasakyan, kakalibing pa lamang kay Victoria Romero. At hanggang ngayon, wala pa r

  • BLANE HAN, The Ruthless Billionaire   CHAPTER 62

    “I know but...I don’t like another man putting his hands on you.” halos pabulong na sabi ni Blane. Ngunit sapat na para humangga sa pandinig ni Melissa, para namang tumigil ang mundo niya. Hindi niya alam kung anong isasagot. Nanatili siyang nakatingin sa mga mata nito, Lalo namang lumalim ang

  • BLANE HAN, The Ruthless Billionaire   CHAPTER 61

    Hindi rin nagtagal, umalis sina Bianca at Axel, iniwang mabigat ang tensyon sa loob ng opisina. Nang tuluyang magsara ang pinto, saka lamang nakahinga nang maluwag si Melissa. Dahan-dahan siyang napaupo sa sofa, tila biglang bumigat ang katawan matapos pigilan ang lahat ng emosyon kanina. Sa

  • BLANE HAN, The Ruthless Billionaire   CHAPTER 60

    Matapos ang ilang araw ng masusing imbestigasyon, sa tulong ni Attorney Calix sa pagkalap ng mga ebidensya at sa matiyagang pagtutok ni Police Captain Jaxon sa kaso ng pagpatay kay Victoria Romero, tuluyan nang nabaligtad ang sitwasyon. Lumalabas sa matitibay na dokumento at testimonya na walang

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status