LOGINPagkagaling namin sa ospital, diretso na kaming umuwi sa bahay.
Tahimik ang buong biyahe. Walang imik si Marco maging si leticia, nakayuko habang mahigpit na hawak ang aking Mga kamay, pilit kong pinapakalma ang sarili. Pero kahit anong pilit, hindi ko mapigilan ang ingay sa loob ng isip ko. Pagdating sa bahay, agad kong inihanda ang hapunan at siniguradong makakain sila nang maayos. Pinilit kong ngumiti, pinilit kong maging normal... kahit ang buong katawan ko ay tila nangangatog na. Pagkatapos kumain. Nagpaalam akong aalis ulit mamayang gabi para sa trabaho-katulad ng dati. Walang tanong. Sanay na sila. Pero ang hindi nila alam... ngayong gabi, hindi na ito katulad ng dati. Tumungo ako sa kwarto, naupo sa gilid ng kama, at tiningnan ang maliit kung pitaka kung saan nakalagay pa rin ang tip na binigay ni Master Azrael. pitong libo nalang. Malaking halaga na ito, oo, pero anong silbi nito kung kalahating milyon ang kailangang bayaran para kay Mama? Imbis na ipikit ang mga mata para sana makatulog pa kahit kaunti, nanatili akong nakadilat. Hindi mapakali. Para akong binabalot ng makapal na usok sa desperasyon. Hindi ko kailanman naisip na darating ako sa ganitong punto na ako mismo... ay mag-iisip ibenta ang sarili. Pero sa sitwasyon naming ito, anong pagpipilian ko? Wala akong ari-arian. Walang kamag-anak na tutulong. Walang kaibigang may malaking ipon. Wala. Ako lang. Ako lang ang meron sila. At kung ang katawan ko lang ang tanging puhunan ko para mailigtas si mama... ano pa bang halaga ng dangal kung kapalit nun ang buhay niya? Iyon ang tanong na paulit-ulit kong sinasagot sa katahimikan ng gabi, kahit ang mismong sagot ay dumudurog sa natitira kong pagkatao. Habang abala ako sa pag-aayos ng sarili sa salamin, nagsusuklay, tahimik lang ang paligid. Ngunit sa gilid ng mata ko, napansin kong parang may anino sa labas ng bintana. Isang itim na kotse. Nakatigil. Hindi gumagalaw. Napansin ko na yon kanina pa, habang naglalakad ako pauwi mula sa bar. Akala ko, nagkataon lang. Pero kanina rin, habang papunta kami sa ospital para dalawin si mama, nakita ko ulit. Parehong kotse. Parehong kulay. Parehong distansyang parang tama lang para hindi matawag na kahina-hinala - pero sapat para maramdaman mong minamanmanan ka. At ngayong gabi, nandoon na naman ito. Nakatigil sa may poste ng kanto. ang bintana nitong tinted, walang mabanaagan na anino sa loob. Ngunit kahit hindi ko makita kung sino ang sakay, dama kong may mata na nakatutok sa akin. Parang binabantayan ako. Binalewala ko iyon, kahit nagsimulang manginig nang bahagya ang mga kamay ko. Kailangan kong magpakatatag. Wala akong panahon para sa takot. Hindi ngayon. Hindi ngayong kailangan ni Mama ang operasyon, hindi ngayong ito lang ang naisip kong paraan. Isinuot ko ang simpleng itim na damit - medyo hapit, medyo daring. Hindi ito pangkaraniwan sa akin, pero para sa gabing ito, kailangan kong ibaon ang sarili kong kahihiyan. Lumabas ako ng bahay at nagsimula nang maglakad papunta sa sakayan ng jeep. Pinilit kong iwasan ang tingin sa paligid. Pero ilang saglit lang, narinig kong umandar ang kotse mula sa kanto - dahan-dahang sumusunod sa likuran ko. Ganon na naman. Pagkasakay ko sa jeep, akala ko liliko na 'yon. Pero hindi. Nasa likod pa rin ito hanggang sa bumaba ako sa tapat ng bar. Tumigil ito sa kabilang kalye, pero hindi umaalis. Parang may hinihintay. Pinagpapawisan na ako ng malamig kahit gabi. Hindi ko alam kung mas matatakot ako sa presensyang nagmamasid mula pa kanina.. Pagdating ko sa harapan ng bar, huminga muna ako nang malalim bago pumasok. Ang lamig ng aircon agad ang bumungad sa balat ko, kasunod ang mabigat na amoy ng mamahaling alak, pabango, at usok ng yosi. Kumikislap ang ilaw sa dance floor, at ang mga babae sa paligid ay bihis na bihis, naka-make up, at nakangiti sa mga kliyenteng parang lobo sa gabi-laging gutom, laging naghahanap. "Oh, nandito ka na pala." Napalingon ako. Si Ma'am Liza. Naka-cross arms siya habang nakatingin sa akin mula sa gilid ng lamesa, pamilyar ang ngiting may halong pagsusuri. Parang tinitimbang niya ako mula ulo hanggang paa. "Maaga kang dumating ngayon ah, Sienna. Magandang senyales 'yan." Ngumiti lang ako ng pilit. "Maaga po akong natapos sa bahay." "Good. Dun ka muna sa lounge, sa table seven. Regulars lang mga 'yon. Wala ka pang kailangan alalahanin." Tumango ako at agad tumungo sa lounge area, kung saan nagsisimula pa lang ang gabi. May ilang costumer na umiinom, may ibang babae nang naka-upo sa piling nila. Ang ilaw dito'y mas madilim, mas intimate, pero hindi pa gaanong maingay. Lumapit ako sa isang bakanteng table, tumayo saglit para ayusin ang tray ng inumin, sabay pinilit na ngumiti sa mga dumarating na lalaki. Normal. Katulad ng dati. Wala pang kakaibang nangyayari. Pero kahit normal ang lahat sa paningin ng iba, iba ang kabog ng dibdib ko. Napansin kong dumaan si Kara, isa sa mga senior na babae sa bar, at pasimpleng lumapit sa akin habang may dalang tray. "Oy, narinig ko si Boss Azrael daw ang nasa VIP mamaya. Mukhang ikaw ulit ang tatawagin niya, ha," sabi niya sabay kindat. "Swerte mo." Hindi ko alam kung swerte nga ba... o simula na ng tuluyang pagkakabaon ko sa mundo niya. Pumunta ako sa table seven, pinilit na ngumiti at makihalubilo sa mga customer na bagong dating. "Hi, sir. Good evening po," bati ko sa isang lalaking mukhang regular na, dahil may pamilyar na kumpiyansa ang pagkakaupo niya. "Oh, ikaw, yung waitress na ayaw magpa-table?" sabi niya, ngumiti. "Gusto kita, fresh na fresh, nakakagigil...." Ngumiti ako, kahit ang totoo'y ang bigat na ng pakiramdam ko. Kinuha ko ang order nila, nagtimpla ng drinks, tumawa sa ilang biro, at paminsan-minsan ay sumasagot ng magalang - lahat scripted sa isipan ko paulit-ulit. Halos kabisado ko na. Maya-maya, dumaan si Ma'am Liza, sumilip sa lounge at tumango sa akin. Pinanood ko siya ng kausapin si Kara at yung isa pang babae sa corner. Nagsalubong ang tingin namin sandali, pero agad silang umiwas. May kakaiba. Hindi ko maipaliwanag. Pagbalik ko sa bar counter para kunin ang inumin ng customer, nakita ko si Eljay, isang waiter na matagal na sa bar. Tumabi siya sa akin at bumulong. "May mga bagong tauhan si Master Azrael na dumating. Hindi ko lang sure kung sino ang hinahanap nila, pero mukhang may inaantay." Lumingon ako sa lounge. Hindi ko alam kung paranoid lang ako, pero pakiramdam ko ang mga mata ng mga bagong dating ay saglit na huminto sa akin, bago sila umupo sa isang table malapit sa hallway papunta sa VIP. Bumalik ako sa table seven, bitbit ang order. Tuloy pa rin ang kwentuhan, ang tawa, ang inuman. Lahat parang normal. Pero ako... hindi na. Ang bawat segundo ay parang hinahati ng kaba. Nagulat ako nang biglang Lumapit si maam liza "Sienna. VIP room. Ngayon," sabi ni Ma'am Liza sa likod ko, malamig at mabilis. Tumango ako, marahang binaba ang tray, at sumunod. Ang mga mata ng ibang babae ay sumulyap - iba-iba ang sinasabi ng tingin nila: inggit, pagtataka, awa. Habang binabaybay ko ang hallway papunta sa VIP room, isang tanong lang ang paulit-ulit sa isip ko: ""Papayag kaya siya...?" bulong ko sa sarili habang tahimik akong sumusunod sa bodyguard papunta sa VIP area. Ang hallway ay tila mas mahaba ngayong gabi, ang bawat hakbang ay may dalang kabog sa dibdib ko. Nanginginig ang kamay ko, malamig ang pawis sa batok. Paulit-ulit kong hinihigpitan ang hawak sa laylayan ng damit ko, pilit pinipigilan ang sariling umatras. "Para kay Mama... para kay Mama..." Yun na lang ang paulit-ulit kong sinasabi sa isipan ko, Yun Lang ang pinanghahawakan ko habang binubura ko ang takot, at ang hiya, sa sarili. Pagdating ko sa dulo ng hallway, huminto ang bodyguard sa harap ng pamilyar na pintuan. VIP Room 9. Alam kong nandoon siya. Si Master Azrael. Ang lalaking kayang itapon ang ₱10,000 sa isang sulyap, at ang lalaking posibleng maging sagot sa pagkaligtas ng buhay ni Mama... Tumigil ako sa harap ng pinto. Hinawakan ko ang seradura... pero hindi ko agad binuksan. "Papayag kaya siya?" Papayag kaya siya na tulungan ako... kapalit ng katawan kong ito? Papayag ba akong ibigay ang sarili ko, buong-buo, sa isang lalaking halos hindi ko kilala, pero wala akong choice.. Tumigil ako sa paghinga. Pinikit ko ang mga mata ko ng mariin. "Para kay Mama..." bulong ko, at sa huling pagkakataon, huminga ako ng malalim - bago ko dahan-dahang binuksan ang pinto.Sienna’s POVPinunasan ko ang mga luha ko at malalim na huminga. Lumabas ako ng kubo at nagpunta sa poso. Dahil sa sobrang pag-aalala, nakalimutan kong basa pa pala ang suot ko. Kaya agad akong sumunod sa mga kapatid ko at naligo na rin.Naabutan ko silang nagtatawanan habang naglalaro. Saglit akong napangiti, pero mabilis ding napalitan ng pag-aalala ang ekspresyon ko.Sabay-sabay na rin kaming natapos, nagbihis, at kumain. Mabuti na lang at nakapagluto ako bago pa kami nagpunta sa sapa kanina, kaya may tanghalian na kami. Pagkatapos kumain, agad nakatulog si Leticia dahil sa pagod sa kakalaro. Tinawag ko si Marco—gusto ko siyang bilinan. May isip na siya kahit paano, at alam kong kaya niyang alagaan si Leticia kapag wala ako.“Marco,” tawag ko.“Bakit po Ate Sienna?” sagot niya habang lumalapit.“Aalis ako mamayang gabi. Babalik din ako kinabukasan. Huwag mong pababayaan si Leticia, ha?” bilin ko, kahit wala akong kasiguraduhan kung makakabalik pa ba talaga ako. Bahala na… gagawin k
THIRD POV..Matapos ang pag-uusap nila ni Azrael, pilit pa ring naging normal si Sienna sa buong magdamag.Kahit paulit-ulit siyang tinatanong nina Marco at Leticia kung bakit namumula ang kanyang mga mata, ngumiti lang siya at nagdahilan na napuyat lang siya.Ayaw niyang madamay ang mga kapatid niya sa bangungot na muli na namang bumabalot sa kanyang buhay.---Kinabukasan, habang nagwawalis siya sa bakuran, natanaw niyang papalapit si Nicco.Nang makalapit ito, agad siyang binati at iniabot ang isang bungkos ng saging na saba."Naku, Nicco. Ano na naman 'tong dala mo? Nakakahiya naman. Lagi ka na lang may pasalubong."Napakamot sa ulo ang binata at nahihiyang ngumiti."Ayos lang 'yan, Sienna. Galing lang 'yan sa tanim namin."Napangiti si Sienna."Teka, gusto mo ba ng kape? Pakukuluan ko na rin itong mga saba. Sakto, hindi pa ako nakakapag-almusal. Tulog pa sina Marco at Leticia.""Sige."Umupo si Nicco sa kahoy na upuan sa tabi ng maliit na mesa.Samantalang si Sienna ay nagsindi n
THIRD POV .."Fuck!!" galit na sigaw ni Azrael, umalingawngaw sa buong silid ng mamahaling suite.Isang malakas na sampal ang iginawad niya sa babaeng nakaluhod sa harap niya. Walang kuryente. Walang excitement. Kahit na malalim na ang pagkabaon ng mainit at basa nitong bibig sa ari niya, wala pa ring sarap na katulad ng kay Sienna.Napaatras ang babae, hawak ang namumulang pisngi, nanginginig ang mga labi pero walang lakas ng loob na magsalita."Out!" utos niya, malamig at matalim ang tinig na parang patalim. Halos natumba sa pagmamadali ang hubad na babae habang nagpupunas ng laway sa bibig at nagkakagulo sa pagkuha ng damit. Ilang segundo lang ay nawala na ito sa kwarto.Kahit sino pang bayaran niyang puta, kahit gaano pa kaganda o kahit gaano pa kagaling wala pa rin. Walang makakapantay kay Sienna.Hindi niya makalimutan ang lambot ng balat nito, ang tamis ng amoy ng pagkababae nito pagkatapos niyang kainin ito, ang mainit at masikip na pagkakakapit ng loob nito sa ari niya, ang
Mariin kong hinila ang pulsuhan ko mula sa pagkakahawak niya. Ngunit hindi man lang siya natinag."Bitawan mo ako," mariin kong sabi, pilit pinatatatag ang boses ko kahit ramdam kong nanginginig ang buong katawan ko.Tahimik lang siyang nakatingin sa akin.Parang hinihintay niyang ako ang unang bumigay."Narinig mo ba ako?" mas malakas kong ulit."Bitawan mo ako."Ilang segundo pa ang lumipas bago niya dahan-dahang binitawan ang kamay ko.Napaatras agad ako at mabilis na inilayo ang sarili sa kanya.Pero sa mabilis na galaw...Hinawakan niya bigla ang panga ko, mahigpit at masakit..halos tingalain ko siya.."I won't let even a single part of you belong to someone else."Bago pa ako tuluyang makaiwasBigla niya akong hinalikan. Nanlaki ang mga mata ko. Parang huminto ang oras.Nanigas ang buo kong katawan sa matinding gulat habang pilit kong itinutulak ang dibdib niya, desperadong kumawala sa mahigpit niyang pagkakahawak..Ilang sandali pa bago niya ako binitawan. Napaatras ako agad
Tahimik lang kaming nakatayo habang dahan-dahang isinasakay sa puting ambulansya ang walang buhay na katawan ni Mama, balot sa malinis na puting tela.Hindi ko alam kung saan ko kinukuha ang lakas ng loob habang inaasikaso ko ang lahat—ang death certificate, mga papeles para sa release, at maging ang mga kailangang ayusin para sa burol at libing.Mahigpit lang na nakakapit sa laylayan ng damit ko ang bunso kong kapatid na si Leticia. Halos ayaw niya akong bitawan, na para bang natatakot siyang pati ako ay mawala. Sa isang tabi naman ay nakaupo si Marco, tahimik na umiiyak habang pilit pinipigilan ang paghikbi.At ang perang iyon...Ang perang nakuha ko kapalit ng gabing kailanman ay hindi ko na mabubura sa alaala ko.Nasa loob pa rin iyon ng bag ko.Marahil... ito talaga ang silbi ng perang iyon.Ang maging huling paraan para maihatid namin si Mama sa kanyang huling hantungan nang may dignidad.Para sa unang pagkakataon...Hindi na namin kailangang lumuhod o mangutang sa iba, makiusap
"Spread your legs wider..." bulong niya sa mababang, mapanganib na tinig na puno ng utos at matinding pananabik.Sunod-sunuran kong pinaghiwalay pa lalo ang aking mga hita, halos nanginginig ang mga tuhod ko habang nalulunod sa kakaibang init na bumabalot sa buong katawan ko. Ang lamig ng hangin sa aking basang pagkababae ay agad na napalitan ng init ng kanyang pagtingin."Hindi ko na makilala ang sarili kong tinig," paungol ko, humahabol ng hininga, puno ng gutom na pananabik. "Ahh... Master..."Maya-maya pa, unti-unti siyang bumaba mula sa puson ko, ang mainit na labi niya ay nag-iiwan ng mga basa at nag-aapoy na halik sa aking balat—pababa sa tiyan, sa ibabaw ng pusod, hanggang sa marating niya ang gitna ng aking mga hita.At doon, walang pasubali, agad niyang inilapat ang mainit na dila niya sa aking basang-basa na pagkababae."Ahhhhh..." Wala na akong nagawa kundi mapaliyad nang todo, ang likod ko ay yumakap sa kama habang malunod sa napakalakas na sarap. Agad niyang sinipsip an






![Hiding The Dangerous Bodyguard's Son [A.G.S #3]](https://yfbwww.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)
