LOGINNapatingin ako sa cellphone ko—pasado alas-singko na pala ng umaga. Out na ako sa duty, at heto ako ngayon sa locker room, nagbibihis at nag-aayos ng gamit.
Dumating na naman si Master Azrael kanina, pinatawag na naman niya ako sa VIP room niya.. Akala ko talaga kanina ay may masama nang mangyayari sa’kin… pero laking gulat ko nang si Master Azrael pa mismo ang nagsabi kay Ma'am Liza na pwede na akong umuwi. Ang mas ikinagulat ko, sinabi pa niya kay Ma'am Liza na bigyan daw ako ng bonus dahil sa "magandang serbisyo" ko raw. Napakunot noo ako. Anong magandang serbisyo? Nag-usap lang naman kami saglit… pero dahil doon, nagsimula nang magbulungan ang mga kasamahan kong babae. Akala nila may nangyayari na sa amin ni Master Azrael. Napansin kong parang iba ang tingin ng mga kasamahan kong babae, lalo na si Trina. Hindi man siya magsalita agad, ramdam mo ang tensyon sa mga tingin niya, mapanghusga. “Hmp. Playing innocent pala siya,” bulong ni Trina sa isa pa naming katrabaho, pero siniguradong maririnig ko. “Yung totoo, magpapagamit lang din naman pala kay Master Azrael. Kunwari pa siyang inosente, eh baka nga siya pa ang lumalapit, sabagay hindi ko siya masisisi makalaglag panty nga naman talaga si master." natatawa nitong sabi. Napako ang tingin ko sa kanya, pero hindi ako nagsalita. dahil alam kong walang saysay ang makipagtalo sa babaeng ang tingin sa lahat ay kompetisyon. Pikit mata akong lumabas at hindi na pinatulan pa. Hindi ko na pinansin pa ang mga paratang at mapanirang bulong ni Trina. Wala rin namang patutunguhan ang makipagtalo sa isang taong puno ng inggit. Mas pinili kong manahimik at lumabas ng locker room na taas-noo. Pagkauwi ko ng bahay, dala ko pa rin ang tip na ibinigay sa akin ni Master Azrael—₱10,000. Malaking bagay ito para sa pamilya ko, lalo na ngayong halos sakto lang ang kinikita ko para sa pang-araw-araw na gastusin. Bago dumiretso ng bahay, dumaan muna ako sa grocery. Bumili ako ng mga kailangan nina Marco at Leticia—gatas, bigas, ilang delata, at mga paborito nilang biskwit. Sa kabila ng lahat ng panghuhusga, alam kong mas mahalaga pa rin ang kapakanan ng mga taong umaasa sa akin kaysa sa opinyon ng mga taong walang alam sa totoong nangyayari. Pagdating ko sa bahay, sinalubong agad ako ni Leticia. “Ateee!” sigaw ni Leticia, sabay yakap sa akin. Napangiti ako at yumuko para salubungin siya. “Tingnan mo, may dala akong paborito mong biskwit,” sabi ko habang iniaabot ang paper bag. Si Marco naman, na kasalukuyang nagwawalis sa labas ng pintuan, napahinto at napatitig sa akin. “Bakit ang aga mong umuwi ate?” tanong niya. "Maaga lang kaming pinauwi ni Ma’am. May bonus pa nga akong natanggap.” Hindi ko na dinetalye pa dito ang buong kwento. Wala na ring saysay. Ang mahalaga, makakakain kami ng maayos ngayong linggo. Pumasok ako sa loob at inilapag ang mga pinamili sa mesa. Si Leticia abalang binubuklat na ang mga grocery bag habang si Marco tahimik lang na nakamasid. “Ate…” mahina niyang sambit makalipas ang ilang sandali. Napatingin ako sa kanya. “Hmm?” “Ate… pwede ba tayong dumalaw kay Mama mamaya?” Napalingon ako kay Marco. Tahimik niyang hinaplos ang ulo niya habang nakaupo sa gilid ng mesa. Sa murang edad niyang sampung taon, masasabi kong hindi basta-basta ang batang ‘to. Advance mag-isip, at masinop pagdating sa pera. Si Marco, kahit bata pa, alam na niya kung paano magtipid— Tumango ako ng marahan habang pinipigilan ang pagbigat ng dibdib ko. “Oo naman... mamaya, pagkatapos nating kumain. Bibili rin tayo ng bulaklak at prutas.” Bahagyang lumiwanag ang mga mata niya, pero kapansin-pansin pa rin ang bigat sa likod ng mga ngiti niya. Alam kong miss na miss na rin niya si Mama… Bandang alas-tres ng hapon, bumalik kami sa ospital. Tahimik lang si Marco at Leticia habang nakaupo sa jeep, yakap-yakap ang maliit na supot ng prutas na binili namin para kay Mama. Habang papalapit kami sa ospital, napansin kong humigpit ang hawak niya sa palad ko—parang biglang bumalik ang takot at pangungulila sa maliit niyang puso. Pagpasok namin sa ospital, bumungad agad ang amoy ng gamot at disinfectant. Sanay na ako sa amoy na 'yon, pero sa tuwing nandito kami, parang palaging may bumibigat sa dibdib ko. Dumaan kami sa mahabang pasilyo. Puting-puti ang paligid, at ang bawat pintuan ay may katahimikang tila ba may itinatagong sakit. Sa Room 308, nandoon daw si Mama—inilipat daw Sabi ng nurse na may hawak sa kanya, matagal-tagal na rin mula nang ma-confine siya dahil sa komplikasyon sa dugo. Binuksan ko ang pinto, dahan-dahan. Bumungad sa amin ang payat nang katawan ni Mama, nakahiga at nakakabit pa rin sa dextrose. Nakapikit siya, pero nang marinig ang yabag namin, unti-unting dumilat ang kanyang mga mata. “Marco… Leticia, sienna mga anak ko…” mahina niyang sambit, pero may ngiti sa kanyang labi. Agad lumapit si Marco, inilapag ang prutas sa side table at marahang niyakap ang kanyang ina. “Ma… may dala kaming prutas, ‘yung gusto mo—yung mansanas na hiniwa ko na para hindi ka na mahirapan,” aniya habang inaayos ang kumot ni Mama. Ako naman, abala sa pag-aayos ng mga gamit sa tabi niya, sinigurong maayos ang dextrose at malamig ang tubig sa baso. “Okay lang ba ang pakiramdam mo, Ma?” tanong ko, pilit na hindi ipinapahalata ang pag-aalala. Tumango siya, mahina. “Kahit papaano… basta andito kayo, parang gumagaan.” Sa sandaling ‘yon, kahit nasa loob kami ng ospital, kahit punong-puno ng karamdaman ang paligid, ramdam ko ang init ng tahanan—sa presensya ng taong mahal mo, sa mga yakap na simple pero punô ng pag-asa. Maya-maya lang, kumatok sa pinto ang isang nurse. “Excuse me po, nandiyan na po si Dr. Ramirez. Gusto lang po kayong makausap sandali.” Agad akong tumayo, nag-iwan ng mabilis na sulyap kay Marco at leticia na nanatiling nakaupo sa tabi ni Mama, marahang hinahaplos ang kamay nito. Paglabas ko, sinalubong ako ng seryosong mukha ng doktor. May hawak itong clipboard at ilang papeles. Nagsimula siyang magsalita—diretso, kalmado, pero may bigat sa bawat salita. “Nilipat na namin ang nanay mo sa special monitoring room sa kabilang wing. Kailangan naming bantayan nang mas mabuti ang kondisyon niya.” Napakunot ang noo ko. “Dok… bakit po?” Huminga siya nang malalim. “Ang resulta ng pinakabagong pagsusuri ay malinaw na... advanced stage na ang leukemia niya. Apektado na rin ang ilang bahagi ng kanyang atay, at may panganib na lumala kung hindi maagapan.” Parang biglang nagdilim ang paligid. Sa isang iglap, lahat ng lakas ko kanina ay unti-unting nauupos. “Anong dapat gawin, Dok?” “Kailangan niyang sumailalim sa operasyon sa lalong madaling panahon. Kasunod nun ang serye ng chemotherapy at intensive care. Pero…” tumigil siya saglit, waring nag-aalangan. “…malaki ang kakailanganin nating halaga para dito. Ayon sa estimate ng hospital finance, aabot ito ng humigit-kumulang ₱500,000 para sa unang cycle pa lang. At baka lumaki pa, depende sa magiging tugon niya sa treatment.” Hindi na ako nakapagsalita agad. Parang nawala ang tunog sa paligid ko. Limang daang libo? Napakagat ako sa labi, pilit nilulunok ang kabang bumara sa lalamunan ko. Sa bulsa ko ngayon, may pitong libong piso lang… galing pa kay master Azrael. Pagbalik ko sa kwarto, pilit kong iniayos ang mukha ko—pinahid ang gilid ng mata at pinilit ngumiti kahit parang may gumuguhong pader sa loob ko. Si Marco, abalang kinukuwentuhan si Mama ng tungkol sa mga nangyari sa klase niya noong nakaraang linggo. Nakangiti si Mama, mahina pero totoo. At sa sandaling iyon, parang hindi siya may sakit. Parang normal lang ang lahat. “Okay ka lang, Ate?” tanong ni Marco nang mapansin ang tahimik kong pag-upo. Tumango ako. “Oo naman. Nag-usap lang kami ng doktor. May ilang test lang ulit na gagawin kay Mama.” Hindi ko masabi ang totoo. Hindi ko kayang basagin ang ngiti sa mukha ng kapatid kong pinipilit manatiling matatag. Ngunit habang pinagmamasdan ko silang tatlo, ramdam ko ang kabog ng dibdib ko. ₱500,000. Kahit ipagbenta ko lahat ng gamit sa bahay o maging ang isa kong kidney, hindi iyon kakayanin. Kahit anong tip o overtime, kulang pa rin. Lumabas ako sandali ng kwarto. Doon sa hallway, sa tabi ng vending machine, saka lang ako napaupo. Hindi ako umiyak ng malakas, pero tuloy-tuloy ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Nanginginig ang kamay ko habang iniisip kung saan ako kukuha ng ganun kalaking pera… na gano’n kabilis. Sa isip ko, isang pangalan ang paulit-ulit na bumabalik. Kay Master Azrael kaya....Agad akong nakapasok sa loob ng bahay, halos mabaliw sa kaba. Isinara ko ang pinto nang dahan-dahan, pero ramdam ko pa rin ang pagyanig ng buong katawan ko. Takot na takot ako.Agad akong sumilip sa bintana, pinakikiramdaman kung sinusundan pa ba ako ng itim na kotse. Walang tao sa labas—tahimik na ang paligid—pero hindi pa rin mapawi ang bigat sa dibdib ko.Biglang bumangon si Marco mula sa sofa, pupungas-pungas pa."Ate... ano po 'yon?" tanong niya, bakas ang antok at pag-aalala."Wala 'yon, Marco. Sige na, matulog ka na ulit," sagot ko sa mahinang tinig, pero halata sa boses ko ang panginginig.Nang makitang bumalik na siya sa higaan, agad akong nagtungo sa kwarto ko. Isinara ko ang pinto, sumandal saglit, at saka dahan-dahang naupo sa kama.Tiningnan ko ang mga kamay kong nanginginig pa rin.Parang hindi pa rin totoo ang lahat.Pilit kong pinakalma ang sarili. Tumayo ako, pumasok ng banyo, at agad na nagbuhos ng malamig na tubig. Pilit kong sinabon ang balat ko, paulit-ulit, halos
Sienna's POVMalamig ang tingin na ibinibigay niya sa akin habang nakaupo ako ngayon sa sofa ng kanyang VIP room. Tahimik. Mabigat ang hangin. Ilang minuto pa lang ang lumipas mula nang matapos ang... nakakahiya, nakakapanlambot na ginawa ko para sa kanya.Suot ko na ulit ang damit ko, pero pakiramdam ko’y wala pa ring natira sa sarili ko. Hindi niya pa rin ako pinapalabas. Parang bihag pa rin ako ng presensya niya.Nagsindi siya ng sigarilyo—isang malalim na hithit, kasabay ng malamig na titig na parang sumusuri sa bawat sulok ng kaluluwa ko.Wala siyang sinabi. Hanggang sa bigla niyang iniabot sa akin ang isang bagay.Isang makapal na bundle ng pera, puro tig-iisang libo."Take it. That’s your payment—for the nice blowjob," malamig niyang sambit, walang emosyon, para bang wala lang ang lahat.Napakurap ako, hindi makapaniwala sa walang censor niyang bibig. Napatingin ako isang bundle na Pera na hawak niya inaabot sakin tahimik ko Yun kinuha..makapal, mabigat. Pero walang lumabas na
SPG⚠️⚠️⚠️WARNINGPagbukas ng pinto, agad akong sinalubong ng malamig na pakiramdam, napatingin ako sa ilaw mula sa maliit na chandelier sa kisame. Tahimik sa loob.... pero hindi komportable lalo pa at bumungad agad siya sakin..Doon siya nakaupo - si Master Azrael, nakamask parin ito nakasandal sa leather couch, naka-itim na long-sleeves, bukas ang ilang butones sa dibdib. Sa gilid niya, isang baso ng alak, at sa kabilang kamay, hawak niya ang lighter na paulit-ulit niyang iniikot sa daliri."Sit."Isang salita lang, pero sapat para mapatigil ang hininga ko. Lumapit ako nang marahan at umupo sa kaharap niyang upuan.Tumigil ang kamay niya sa paglalaro ng lighter. tumingin sa akin - malamig, diretso, Hindi ko gusto ang klase ng tingin niya, para bang hinuhubaran na nya ako sa tingin palang, pero wala akong magawa para pigilan ito.."Now, talk...." utos niya sa malamig na boses, bakit pakiramdam ko may alam siya.."A-ah... a-ang totoo... h-hindi ko rin a-alam k-kung... t-tama ba 'to...
Pagkagaling namin sa ospital, diretso na kaming umuwi sa bahay.Tahimik ang buong biyahe. Walang imik si Marco maging si leticia, nakayuko habang mahigpit na hawak ang aking Mga kamay, pilit kong pinapakalma ang sarili. Pero kahit anong pilit, hindi ko mapigilan ang ingay sa loob ng isip ko.Pagdating sa bahay, agad kong inihanda ang hapunan at siniguradong makakain sila nang maayos. Pinilit kong ngumiti, pinilit kong maging normal... kahit ang buong katawan ko ay tila nangangatog na.Pagkatapos kumain. Nagpaalam akong aalis ulit mamayang gabi para sa trabaho-katulad ng dati. Walang tanong. Sanay na sila. Pero ang hindi nila alam... ngayong gabi, hindi na ito katulad ng dati.Tumungo ako sa kwarto, naupo sa gilid ng kama, at tiningnan ang maliit kung pitaka kung saan nakalagay pa rin ang tip na binigay ni Master Azrael. pitong libo nalang. Malaking halaga na ito, oo, pero anong silbi nito kung kalahating milyon ang kailangang bayaran para kay Mama?Imbis na ipikit ang mga mata para sa
Napatingin ako sa cellphone ko—pasado alas-singko na pala ng umaga. Out na ako sa duty, at heto ako ngayon sa locker room, nagbibihis at nag-aayos ng gamit. Dumating na naman si Master Azrael kanina, pinatawag na naman niya ako sa VIP room niya..Akala ko talaga kanina ay may masama nang mangyayari sa’kin… pero laking gulat ko nang si Master Azrael pa mismo ang nagsabi kay Ma'am Liza na pwede na akong umuwi. Ang mas ikinagulat ko, sinabi pa niya kay Ma'am Liza na bigyan daw ako ng bonus dahil sa "magandang serbisyo" ko raw.Napakunot noo ako. Anong magandang serbisyo? Nag-usap lang naman kami saglit… pero dahil doon, nagsimula nang magbulungan ang mga kasamahan kong babae. Akala nila may nangyayari na sa amin ni Master Azrael. Napansin kong parang iba ang tingin ng mga kasamahan kong babae, lalo na si Trina. Hindi man siya magsalita agad, ramdam mo ang tensyon sa mga tingin niya, mapanghusga.“Hmp. Playing innocent pala siya,” bulong ni Trina sa isa pa naming katrabaho, pero sinigu
“Ayusin n’yo ngayon ang trabaho—darating si Master Azrael,” utos ng aming supervisor. Bakas sa boses niya ang kaba.Si Master Azrael—ang tinutukoy niyang may-ari ng bar na pinagtatrabahuhan namin. Ilang buwan na akong nagtatrabaho rito, pero ni anino niya ay hindi ko pa nakikita. Wala akong ideya kung ano ang itsura o ugali niya, pero ayon sa mga kuwento ng mga kasamahan ko… hindi raw basta-bastang tao si Master Azrael.Malupit daw. Nakakatakot. Tahimik pero matalim tumingin. Isa raw siyang uri ng lalaking kahit hindi magsalita ay mararamdaman mo na agad ang presensya—isang presensyang kayang magpabagsak ng isang buong building kapag ipinag-utos niya lang.Kaya ngayon, habang nagsisimula nang maglinis at mag-ayos ang lahat, hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba. Kasi kung totoo ang sabi nila, darating na raw ang taong hindi mo gugustuhing magkamali ka—kahit isang beses lang.Nagsimula nang umingay sa bar, at ang mga kasamahan ko’y biglang naging abala—masyadong abala. Ang dating pabir







