Share

CHAINS 2

Author: Sunmaru
last update publish date: 2026-06-30 09:46:26

“Ayusin n’yo ngayon ang trabaho—darating si Master Azrael,” utos ng aming supervisor. Bakas sa boses niya ang kaba.

Si Master Azrael—ang tinutukoy niyang may-ari ng bar na pinagtatrabahuhan namin. Ilang buwan na akong nagtatrabaho rito, pero ni anino niya ay hindi ko pa nakikita. Wala akong ideya kung ano ang itsura o ugali niya, pero ayon sa mga kuwento ng mga kasamahan ko… hindi raw basta-bastang tao si Master Azrael.

Malupit daw. Nakakatakot. Tahimik pero matalim tumingin. Isa raw siyang uri ng lalaking kahit hindi magsalita ay mararamdaman mo na agad ang presensya—isang presensyang kayang magpabagsak ng isang buong building kapag ipinag-utos niya lang.

Kaya ngayon, habang nagsisimula nang maglinis at mag-ayos ang lahat, hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba. Kasi kung totoo ang sabi nila, darating na raw ang taong hindi mo gugustuhing magkamali ka—kahit isang beses lang.

Nagsimula nang umingay sa bar, at ang mga kasamahan ko’y biglang naging abala—masyadong abala. Ang dating pabirong usapan ay napalitan ng kaba at sulyap sa pinto.

Tumigil din ako sa ginagawa ko. Hindi ko alam kung dahil sa takot… o dahil lang sa hindi ko alam kung ano ang dapat asahan.

Hanggang sa biglang bumukas ang pintuan ng bar.

Mabilis na napalingon ang lahat.

Pumasok ang isang lalaki. Sa likod niya ay ang mga lalaking naka-black suit na sa tingin ko ay mga bodyguard niya.

Siya si Master Azrael  Severino

Suot niya ang isang itim na suit na perpektong bumagay sa matikas niyang pangangatawan. Sa mukha niya ay may suot siyang itim na half mask na tinatakpan ang bahagi mula noo hanggang mata. Naiiwan namang nakalantad ang kanyang ilong at panga.

Mapanuri at malamig siyang makatingin—tila nakikita niya ang lahat ng iniisip mo kahit hindi ka pa nagsasalita.

Tahimik siyang naglakad. Mabagal ngunit mabigat ang bawat hakbang.

Hindi niya kailangang magbanta para maramdaman mong kaya ka niyang durugin kung gugustuhin niya.

Lahat  ay napayuko. Hindi ko alam kung kusa ba iyon o dahil sa takot.

Pero ako—hindi ko napigilan ang sarili kong sumulyap.

At doon ko siya nasilayan nang mas maigi.

Ang presensya niya ay parang aninong mahirap takasan. Ang mga mata niya’y dumaan sa amin isa-isa—tila sinisiyasat kung sino ang karapat-dapat manatili.

At sa isang iglap…

Huminto ang tingin niya sa akin.

Napakuyom ako ng kamay. Hindi ko alam kung bakit, pero parang nadurog ang lakas ko sa isang tingin lang mula sa kanya.

Bakit ako ang pinakatitigan niya?

Kaagad akong napayuko.

Lumapit agad si Ma’am Liza, ang supervisor namin, nang mapansin niyang nakatingin sa direksyon ko si Master Azrael.

“Master,” mahinahon pero may kaba niyang wika, “siya po si Sienna… bago lang po siya. Magtatatlong buwan pa lang po sa serbisyo.”

Napalunok ako.

Pakiramdam ko’y biglang lumamig ang hangin sa paligid, at ang bawat segundo ng katahimikan ay parang bomba sa dibdib ko.

“Sienna, magbigay-galang ka,” bulong ni Ma’am Liza sa akin, halos hindi marinig, pero may bahid ng takot ang tono niya.

Nanlaki ang mata ko habang mabilis akong yumuko, nanginginig ang tuhod.

“M-Master Azrael… magandang gabi po…” halos pabulong ang tinig ko, pilit ipinipirmi ang sarili sa ilalim ng malamig niyang titig.

Tahimik siya sa loob ng ilang saglit.

Ngunit ang bawat segundo ay tila isang oras.

Hanggang sa marinig ko ang malalim at malamig niyang tinig—

“Hmmm… what’s good in this evening, tell me?”

Hindi iyon tanong na humihingi ng sagot—iyon ay isang pagsusuri.

Dahan-dahan siyang lumapit. Kinabahan ako. Ramdam ko ang bigat ng presensya niya.

Pinakatitigan niya ako mula ulo hanggang paa.

At ako… hindi pa rin makagalaw.

Para akong estatwang hindi makahinga.

Sa ilalim ng kanyang malamig na tingin at kalahating itim na maskara, hindi ko maintindihan kung bakit ako ang pinili niyang pagtuunan ng pansin.

“Liza, I want her in my VIP room.”

Wika niya, walang paligoy-ligoy.

Parang isang utos na hindi puwedeng kwestyunin—o may katumbas na parusa.

Napasinghap si Ma’am Liza. Pati ang ibang staff na nandoon ay halatang hindi inaasahan ang sinabi niya.

Ako naman, nanigas sa kinatatayuan ko.

Kinilabutan ako. Pakiramdam ko’y nawala ang lakas sa tuhod ko.

Bago pa man ako makapagsalita, tumalikod na si Master Azrael. Tahimik siyang naglakad palayo, kasabay ang dalawang lalaking naka-itim na mukhang mga bodyguard—matitikas at walang emosyon ang mukha.

Tahimik ang paligid.

Walang kumikilos.

Lahat kami’y parang natulala.

Ako?

Nanatili akong nakatayo sa kinatatayuan ko, nanginginig pa rin at hindi alam ang dapat gawin.

Hanggang sa marinig ko ulit ang tinig ni Ma’am Liza—seryoso na ito.

“S-Sienna… sumunod ka na. Huwag mo siyang paghintayin.”

---

Tahimik sa loob ng VIP room. Dim ang ilaw.

Ako lang at siya.

Si Master Azrael, nakaupo sa leather sofa. Bahagyang nakasandal habang ang isang kamay niya ay nakapatong sa armrest, at ang isa nama’y hawak ang isang baso ng alak.

Hindi siya nagsasalita.

Tinititigan lang niya ako—ang mga matang kayang basagin ang katahimikan at tapang ng kahit sinong tao.

Pero kahit natatakot ako… hindi ko hinayaang manatiling tahimik.

Nilunok ko ang kaba sa lalamunan ko. Hinigpitan ko ang hawak sa laylayan ng uniporme ko at nagsalita, kahit nanginginig ang tinig ko.

“S-Sir… waitress lamang po ako dito… hindi po ako bayarang babae,” mahina pero matapang kong wika, pinilit kong itaas ang tingin ko kahit gustong yumuko ng buong katawan ko sa harap niya.

Katahimikan.

Hanggang sa dahan-dahang gumalaw ang labi niya.

Ngumisi siya.

“And who said I needed one?” malamig at mabagal niyang sagot.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo.

Napaatras ako.

“If I wanted a body, I could buy one in seconds.”

“But you…”

Tumigil siya sa tapat ko.

Nakatayo nang malapit.

Masyadong malapit—halos kailangan ko na siyang tingalain dahil sa tangkad niya.

“I want to know why a simple waitress like you… had the nerve to look into my eyes.”

Napalunok ako.

Hindi ko alam kung dahil sa takot… o sa uri ng tensyon na ngayon ko lang naranasan sa buong buhay ko.

Hindi ko rin alam kung bakit hindi ako makagalaw.

Pero alam ko ang isang bagay—

Hindi ito basta ordinaryong gabi.

At lalong hindi siya ordinaryong lalaki.

Bahagyang tumango ang ulo niya.

At sa kauna-unahang pagkakataon… napangiti siya.

Hindi malawak.

Hindi masaya.

Kundi isang tipid at halos imperceptible na ngiti.

“Interesting…” mahina niyang bulong, parang para sa sarili lang, pero sinadya niyang marinig ko.

Napakunot ang noo ko.

“A-ano pong ibig n’yong sabihin?”

Naglakad siya papalayo ng kaunti, umikot sa likod ko, at sandaling tumigil sa bandang gilid ko.

Hindi ko siya makita, pero ramdam ko ang bigat ng presensya niya sa likod ng balikat ko.

“You were trembling a while ago… your voice shook. Your knees were weak.”

Bumaba ang tinig niya—mabagal at mababa.

“And yet… you still spoke.”

Humakbang siyang pabalik sa harapan ko, ngayon ay mas malapit na.

“Most women in this room would’ve begged to be chosen,” patuloy niya. “And yet here you are, standing your ground… telling me what you are not.”

Bahagya siyang tumagilid, hawak pa rin ang baso ng alak na hindi pa rin niya iniinom.

“Tell me, Sienna…” bulong niya sa pangalang ngayon lang niya binanggit, “is that fear I see… or pride?”

Hindi ko alam kung saan ko hinugot ang sagot, pero sa gitna ng kaba, tumingin ako sa kanya—diretso, kahit nangangatog pa rin ang loob ko.

“Baka po pareho.”

Isang segundo.

Dalawa.

Tila huminto ang oras.

At pagkatapos, isang mas malalim na ngiti ang gumuhit sa kanyang labi.

“Now you really caught my attention.”

Sabi niya sabay inom ng alak sa baso habang hindi pinapatid ang titig niya sa akin.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • BREAKING THE CHAINS OF HIS OBSESSION   CHAINS 12

    THIRD POV .."Fuck!!" galit na sigaw ni Azrael, umalingawngaw sa buong silid ng mamahaling suite.Isang malakas na sampal ang iginawad niya sa babaeng nakaluhod sa harap niya. Walang kuryente. Walang excitement. Kahit na malalim na ang pagkabaon ng mainit at basa nitong bibig sa ari niya, wala pa ring sarap na katulad ng kay Sienna.Napaatras ang babae, hawak ang namumulang pisngi, nanginginig ang mga labi pero walang lakas ng loob na magsalita."Out!" utos niya, malamig at matalim ang tinig na parang patalim. Halos natumba sa pagmamadali ang hubad na babae habang nagpupunas ng laway sa bibig at nagkakagulo sa pagkuha ng damit. Ilang segundo lang ay nawala na ito sa kwarto.Kahit sino pang bayaran niyang puta, kahit gaano pa kaganda o kahit gaano pa kagaling wala pa rin. Walang makakapantay kay Sienna.Hindi niya makalimutan ang lambot ng balat nito, ang tamis ng amoy ng pagkababae nito pagkatapos niyang kainin ito, ang mainit at masikip na pagkakakapit ng loob nito sa ari niya, ang

  • BREAKING THE CHAINS OF HIS OBSESSION   CHAINS 11

    Mariin kong hinila ang pulsuhan ko mula sa pagkakahawak niya. Ngunit hindi man lang siya natinag."Bitawan mo ako," mariin kong sabi, pilit pinatatatag ang boses ko kahit ramdam kong nanginginig ang buong katawan ko.Tahimik lang siyang nakatingin sa akin.Parang hinihintay niyang ako ang unang bumigay."Narinig mo ba ako?" mas malakas kong ulit."Bitawan mo ako."Ilang segundo pa ang lumipas bago niya dahan-dahang binitawan ang kamay ko.Napaatras agad ako at mabilis na inilayo ang sarili sa kanya.Pero sa mabilis na galaw...Hinawakan niya bigla ang panga ko, mahigpit at masakit..halos tingalain ko siya.."I won't let even a single part of you belong to someone else."Bago pa ako tuluyang makaiwasBigla niya akong hinalikan. Nanlaki ang mga mata ko. Parang huminto ang oras.Nanigas ang buo kong katawan sa matinding gulat habang pilit kong itinutulak ang dibdib niya, desperadong kumawala sa mahigpit niyang pagkakahawak..Ilang sandali pa bago niya ako binitawan. Napaatras ako agad

  • BREAKING THE CHAINS OF HIS OBSESSION   CHAINS 10

    Tahimik lang kaming nakatayo habang dahan-dahang isinasakay sa puting ambulansya ang walang buhay na katawan ni Mama, balot sa malinis na puting tela.Hindi ko alam kung saan ko kinukuha ang lakas ng loob habang inaasikaso ko ang lahat—ang death certificate, mga papeles para sa release, at maging ang mga kailangang ayusin para sa burol at libing.Mahigpit lang na nakakapit sa laylayan ng damit ko ang bunso kong kapatid na si Leticia. Halos ayaw niya akong bitawan, na para bang natatakot siyang pati ako ay mawala. Sa isang tabi naman ay nakaupo si Marco, tahimik na umiiyak habang pilit pinipigilan ang paghikbi.At ang perang iyon...Ang perang nakuha ko kapalit ng gabing kailanman ay hindi ko na mabubura sa alaala ko.Nasa loob pa rin iyon ng bag ko.Marahil... ito talaga ang silbi ng perang iyon.Ang maging huling paraan para maihatid namin si Mama sa kanyang huling hantungan nang may dignidad.Para sa unang pagkakataon...Hindi na namin kailangang lumuhod o mangutang sa iba, makiusap

  • BREAKING THE CHAINS OF HIS OBSESSION   CHAINS 9

    "Spread your legs wider..." bulong niya sa mababang, mapanganib na tinig na puno ng utos at matinding pananabik.Sunod-sunuran kong pinaghiwalay pa lalo ang aking mga hita, halos nanginginig ang mga tuhod ko habang nalulunod sa kakaibang init na bumabalot sa buong katawan ko. Ang lamig ng hangin sa aking basang pagkababae ay agad na napalitan ng init ng kanyang pagtingin."Hindi ko na makilala ang sarili kong tinig," paungol ko, humahabol ng hininga, puno ng gutom na pananabik. "Ahh... Master..."Maya-maya pa, unti-unti siyang bumaba mula sa puson ko, ang mainit na labi niya ay nag-iiwan ng mga basa at nag-aapoy na halik sa aking balat—pababa sa tiyan, sa ibabaw ng pusod, hanggang sa marating niya ang gitna ng aking mga hita.At doon, walang pasubali, agad niyang inilapat ang mainit na dila niya sa aking basang-basa na pagkababae."Ahhhhh..." Wala na akong nagawa kundi mapaliyad nang todo, ang likod ko ay yumakap sa kama habang malunod sa napakalakas na sarap. Agad niyang sinipsip an

  • BREAKING THE CHAINS OF HIS OBSESSION   CHAINS 8

    Dahan-dahan akong pumasok sa suite.Tahimik. Mamahalin ang bawat detalye ng silid-mula sa glass walls na may tanawing lungsod, sa mababang ilaw ng mga lamp shade, hanggang sa mamahaling carpet na halos ayaw kong apakan.At nandoon siya.Azrael Damon.Nakaupo siya sa malaking couch, tahimik na pinapaikot ang baso ng alak sa kanyang kamay. Naka-itim pa rin ang kanyang pormal na kasuotan, ngunit nakabukas na ang ilang botones ng kanyang polo, bahagyang inilalantad ang matipunong hubog ng kanyang dibdib. At oo... hindi pa rin niya inaalis ang maskarang nakatakip sa kanyang mukha.Walang ngiti. Walang emosyon. Pero ang mga mata niya-tumatagos sa aking kaluluwa."Lock the door."Agad akong sumunod. "Come here."Boses niyang malalim, halos pabulong pero malinaw. Hindi kailangan ulitin.Nilapitan ko siya, bawat hakbang ay Mabigat. Para akong batang takot na mapagalitan. Hindi ko siya matingnan nang diretso, pero alam kong hindi siya kumikilos-naghihintay lang at nakatitig.Pagdating ko sa ha

  • BREAKING THE CHAINS OF HIS OBSESSION   CHAINS 7

    Agad akong nakapasok sa loob ng bahay, halos mabaliw sa kaba. Isinara ko ang pinto nang dahan-dahan, pero ramdam ko pa rin ang pagyanig ng buong katawan ko. Takot na takot ako.Agad akong sumilip sa bintana, pinakikiramdaman kung sinusundan pa ba ako ng itim na kotse. Walang tao sa labas—tahimik na ang paligid—pero hindi pa rin mapawi ang bigat sa dibdib ko.Biglang bumangon si Marco mula sa sofa, pupungas-pungas pa."Ate... ano po 'yon?" tanong niya, bakas ang antok at pag-aalala."Wala 'yon, Marco. Sige na, matulog ka na ulit," sagot ko sa mahinang tinig, pero halata sa boses ko ang panginginig.Nang makitang bumalik na siya sa higaan, agad akong nagtungo sa kwarto ko. Isinara ko ang pinto, sumandal saglit, at saka dahan-dahang naupo sa kama.Tiningnan ko ang mga kamay kong nanginginig pa rin.Parang hindi pa rin totoo ang lahat.Pilit kong pinakalma ang sarili. Tumayo ako, pumasok ng banyo, at agad na nagbuhos ng malamig na tubig. Pilit kong sinabon ang balat ko, paulit-ulit, halos

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status