Hot Billionaire's Series 4: To Fall All Over Again (SPG)

Hot Billionaire's Series 4: To Fall All Over Again (SPG)

last updateLast Updated : 2026-06-28
By:  Red Angel1221Updated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
11 ratings. 11 reviews
12Chapters
275views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Warning: Mature Content ‼️ "Isang gabi lang, isang pagkakamali… at heto, nahulog muli ang puso ko para sa’yo." Takot nang magmahal si Emilyn Rollan matapos ang sunod-sunod na kabiguan sa pag-ibig, dahil lahat ng gusto niyang mga lalaki ay may kanya-kanya ng mga kasintahan. Kaya pinili nalang niyang magtrabaho bilang yaya sa Maynila at iwasan ang anumang komplikasyon ng puso. Ngunit magbabago ang lahat nang makilala niya si Gabrielle Montenegro—gwapo, mayaman, at kilalang playboy na hinding-hindi niya dapat pagkatiwalaan at sanay makuha ang gusto. Lalaki na charming, mapang-akit, at may lihim sa nakaraan, ngunit handang ibigay ang kanyang puso kay Emilyn. Hindi lang kaakit-akit sa mata, kundi ramdam sa bawat paghinga. Sa tulong ng isang munting batang tila may sariling plano, unti-unting pinaglapit ang dalawa… hanggang sa muling kumatok ang pag-ibig sa pusong matagal nang sarado. Pero kaya ba nilang sumugal muli o mauulit lang ang sakit ng nakaraan? Matutuklasan pa kaya nila na ang tunay na pag-ibig ay nangangailangan ng tapang na muling mahulog sa damdamin, buong puso, buong katawan, at buong kaluluwa… kahit alam mong puwede kang masaktan?

View More

Chapter 1

kabanata 1: New Place

Emilyn's POV

" Mag-amping ka didto sa Manila, Emilyn, anak!" huling habilin sa akin ni mama. Na ang ibig sabihin ng sinabi niya ay mag-ingat daw ako sa Maynila. Kung saan ako dadalhin ng kapalaran ko.

Sa wakas pumayag din ang mga magulang ko na pupunta ako ng Maynila dahil ako ang magiging yaya ni baby Luca na anak nila ate Tanya at sa ex fiancè daw niyang bilyonaryo at gwapo. Pinili ko na din lumuwas sa probinsya namin para matakasan ang sakit nang naramdaman ko.

Excited na din akong pumunta sa Maynila dahil na rin sa mga naririnig ko na sinasabi sa akin ng mga kapitbahay namin dito sa probinsya na nagtatrabaho sa nasabing syudad. Maganda daw kasi ang syudad na ito. Sa katanuyan nga may mga wish list na akong sinulat sa maliit ko na notebook para pagdating ko doon kapag may sahod na ako mapupuntahan ko ang mga lugar na 'yon.

KALALAPAG lang ng eroplano na sinasakyan ko kaya medyo may jetlag pa ako. Para pa ngang nabingi ang dalawang tainga ko dahil sa malakas na ingay kanina sa eroplano. Turbulence daw tawag n'on. First time ko kasing sumakay ng eroplano kaya medyo naninibago pa ako.

Napangiti pa ako dahil may kasamahan akong pasahero na nagsasalita ng bisaya. Kaya may kasabayan ako sa paglabas ng eroplano hanggang sa loob ng terminal ng NAIA airport.

" Bisaya ka? Unsay trabaho nimo diri?" tanong niya sa akin. Na ang ibig sabihin ng tanong niya, kung bisaya ba ako at anong trabaho ko dito sa Maynila.

First year college lang ang natapos ko dahil pinili ko huminto para magbigay daan nalang sa nakakabata kong kapatid na babae din. Ako ang panganay sa aming anim na magkapatid. Sa probinsya kasi pag sapit palang ng alas sais ng gabi kakain na kami ng hapunan tapos matutulog na. Iyon pala sabi nila kaya daw sinadya ng mga magulang namin 'yon para makagawa pa ng bago kong kapatid.

Natatawa nalang ako sa biro ng mga kapitbahay ko baka nga naman kasi totoo dahil naging anim na kaming magkapatid. Ang sipag nila mama at papa gumawa ng mga kapatid ko noh?

" Pila na edad nimo? Bata pa man ka tan-awon," dagdag na tanong ng bago kong kaibigan na dito ko lang nakilala sa airport. Tinanong lang naman niya ako kung ilan taon na ako dahil bata pa daw ako tingnan.

" Ahm, twenty-one na ako, beh." Nakangiti kong bulalas.

" Ow? Hindi halata para ka lang nineteen at ang ganda mo," Aniya na hindi talaga makapaniwala sa edad ko.

" Salamat,beh, pinabata mo ako ng dalawang taon."

" Pangalan mo pala,beh." Tanong niya sa akin.

" Emilyn Rollan or kaya Amanda hehe..."

" Dalawa talaga pangalan mo?" Tanong niya ulit.

Imbes na sagutin ko siya, tinanong ko din siya kung anong pangalan niya.

" Ikaw anong pangalan mo? Huwag kang gagaya sa akin na dalawa pangalan ko.Dapat isa lang."

Natawa siya at mahina pa niya akong hinampas sa balikat," Betchay Dimalanta..."

Ako naman ngayon ang natawa sa apelyido niya," Ang galing naman Dimalanta ang flower mo..." napahagikhik pa ako.

"Virgin ka pa?" pabulong niyang tanong.

" Hala siya... walang personalan,okay? Pero virgin pa ako..." pabitin kong sabi," Iyong ilong..."

Nagtawanan tuloy kaming dalawa na para bang kami lang ang tao sa loob ng airport. Agad kaming tumigil nang may dumaan na mga afam. Takot lang namin baka matanong kami at dudugo pa ilong namin.

Nang makita ko na si ate Tanya ay kumaway agad ako. Nagpalitan nalang kami ng numero ni Betchay para kung sakaling day-off namin dalawa magkikita kami.

Agad na kaming naghiwalay ni Betchay.

" Hello po,ate..." masayang bati ko kay ate Tanya. Sinundo niya ako kasama ang kanyang kaibigan na si ate Michelle.Nakilala ko na siya dahil pumunta din siya sa probinsya namin.

Ang ganda ng mga ate ko kaya hindi nakapagtataka mga gwapo din ang mga kasintahan ng mga ito.

" Kumusta ang biyahe?" nakangiting tanong sa akin ni ate Tanya.

" Okay naman,ate. Kaso lang nalipong na ko," na ang tinutukoy ko ay nahilo na ako. Nagtawanan naman ang magandang mga ate ko.

" Okay ka lang 'yan atleast nakasakay ka na ng eroplano na ikaw lang mag-isa." Aniya.

Niyaya na akong sumakay na kami sa sasakyan. Nakasunod lang sa amin si ate Michelle. Madaldal din siya kaya magkasundo kami sa loob palang ng sasakyan. Diretso kami sa inuupahan nilang apartment.

" Okay ka lang ba, Emilyn? Mukhang malungkot ka?" tanong sa akin ni ate Tanya nang mapansin niyang tahimik lang ako.

" Oo naman po,ate. Namiss ko lang siguro ang mga kapatid at magulang ko. Namiss ko iyong bangka namin at iyong aso ko na si bogart," malungkot man pero natawa ako nang maalala ko ang aso ko na si bogart. Naramdaman siguro n'on na paalis na ako kaya panay palambing sa akin.

" Huwag kang mag-alala, tutuparin natin ang pangarap mo na mapaayos mo ang bahay ninyo at mapaaral mo ang iyong kapatid." Seryosong wika ni ate Tanya sa akin.

Bukod sa maganda siya ay napakabait niya sa akin. Iniisip talaga niya ako na nakakabatang kapatid. Sumang-ayon din si ate Michelle.

" Emilyn... may kasalanan ako. Hindi ko nasabi sa'yo na hiniram ng mga magulang ni Luke si baby Luca. Kaya bukas okay lang ba na doon ka na sa mansyon ng mga Sebastian. Susunduin ka ng kapatid ni Luke na si Larry." Mahabang paliwanag ni ate Tanya sa akin.

" Makakita ka na ng tunay na gwapo, Emilyn. Iyong tipong sa libro mo lang mababasa pero kusa silang lumalabas." Singit ni ate Michelle.Nakita ko pa na siniko ni ate Tanya si ate Michelle.

" Huwag mo ngang dumihan ang utak ng dalaga natin, bestie. Wala pang boyfriend iyan si Emilyn. "

" Seryoso? Sa gandang mo 'yan wala ka pang boyfriend?" hindi na naman makapaniwalang tanong ni ate Michelle.

" Hindi ko alam kung matatawag na na boyfriend kasi marami naman akong naging crush at ka mutual understanding..." napakagat pa ako sa aking labi.

" Mutual understanding..." sabay-sabay pa nilang sambit.

" Not valid...iyong boyfriend na mag-I love you sa'yo at nag-I love you back ka din." Ani ni ate Michelle.

Ngumiti nalang ako dahil nag-I love you naman ako sa ka M.U ko kaso din naman yata nag-I love you too sa akin. Kaya durog na naman ang puso ko. Mapaaray ko nalang ako...

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


reviewsMore

Rizza Macaraig
Rizza Macaraig
omg meron na din si Gabriel ang matagal ko na hinihintay
2026-06-27 23:22:12
0
0
Kitty Flores
Kitty Flores
dami ko tawa sa dalawa kulit pla talaga ni Gab at si Emilyn kulit din
2026-06-27 09:34:22
0
0
Chelle
Chelle
Highly recommended story!
2026-06-26 00:47:23
0
1
Trianna V
Trianna V
deserve bigyan ng gift new story mo miss a sana lagi may update dito.....
2026-06-25 19:22:45
0
1
Xielyne J.
Xielyne J.
Read n'yo na mga Mhie, highly recommended ^⁠_⁠^
2026-06-25 13:31:54
0
1
12 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status