تسجيل الدخولWala ako sa mood na mag-lunch na hindi ko rin masisikmura. Kaya naman, simple ko na lang sinabi, “Ayos lang. Sa ospital na lang ako kakain.”
Isang marahang katok ang sumira sa usapan namin, at lumitaw ang sekretarya na may hawak na mga paper bag. Habang ipinapasa niya ang mga ito kay Kyros, sandaling nagtagpo ang aming mga mata.
“Happy hearts day, baby.” Binuksan ni Kyros ang box sa loob ng isang paper bag at ikinabit iyon sa akin. “Bagay na bagay sa iyo ang bracelet,” bulong niya, sabay lapat ng kanyang mga labi sa aking likuran ng aking kamay.
Sinulyapan ko ang isa pang bag.
“Ano iyong laman ng isa pa? Para rin ba iyon sa akin?” tanong ko, may himig ng kuryosidad kahit alam ko naman na ang sagot.
“It’s an earring. Pinasabay sa akin ni Mom nang malaman niya na may order ako sa brand na ito.”
“Oh!” Nais ko siyang bigyan ng tiyansa na magtapat sa akin kaysa lokohin niya ako, nakadagdag lang ang kasinungalingan sa gulong umiikot sa isipan ko.
Niyakap niya ako nang mahigpit. “Ibig sabihin ba nito ay mag-isa lang akong magdi-dinner mamayang gabi? I made a reservation at an Italian restaurant with a city view. I should probably have my secretary cancel.”
Isang kurot ng lungkot ang tumama sa akin. Sa kabila ng lahat, nararamdaman ko pa ring mahal ako ni Kyros. At masakit isipin na ito na ang ikalawang sunod na taon na hindi namin magkasamang ipagdiriwang ang Valentine’s Day.
I tried to silence my doubts, telling myself I was just being paranoid about his fidelity.
“Bakit hindi ka kumuha ng isang linggong bakasyon at magpunta tayo sa New Zealand para magbakasyon?”
“Yeah, let’s do that,” I said.
Nanatili muna ako nang kaunti pa, ninanamnam ang sandali kasama si Kyros. Malambing siya at maasikaso, walang kahit anong kahina-hinala sa panlabas, ngunit ayaw mawala ng katahimikan sa loob ko.
Tumunog ang kanyang telepono, at sinagot niya ito nang kaswal. Hinayaan niya ang kabilang linya na magsalita. Ang tanging narinig ko lang na sagot niya ay: “Pinagalitan ka niya?”
Kyros glanced at me, but I kept my expression neutral, pretending to be absorbed in the business magazine in my hands.
“Pasensya na,” wika niya sa telepono. “Pero alam mo namang kasama ko si Gazelle ngayon.”
Pinutol niya ang tawag pagkatapos, ngunit napuna ko na hindi rin siya mapalagay.
“Babe, I need to send an urgent file to finance. Wait here for me.”
Nagmadali siyang umalis nang hindi hinintay ang sagot ko. Hindi niya dala ang file na binanggit, at sa halip na kumuha ng mga folder, ang supot na papel na naglalaman ng earrings na sinabi niya.
Tatlumpung minuto ang lumipas, at hindi pa rin bumabalik si Kyros. Dahil naiinip na ako, nagpadala ako ng mensahe sa kanya:
‘I’m heading out, or I’ll be late to the hospital.’
Walang tao sa mesa ng sekretarya, at muling naglakbay ang isip ko sa pag-uusap ni Kyros sa telepono. Siya kaya ang tumatawag sa nobyo ko?
Dahil sa kalaliman ng iniisip, muntik ko nang makabangga si Stella sa lobby. Isa siyang kaibigan mula sa sorority ko.
“Wow! Gazelle! Fancy seeing you here!” bati niya sa akin nang nakangiti. Sa sandaling iyon, naramdaman kong tila nakahanap ako ng kakampi.
“Do you have time to talk?” tanong ko, inakay siya sa isang kalapit na coffee shop sa loob din ng gusali.
Nabalitaan kong nagtatrabaho na ngayon si Stella sa ilalim ng kapatid ni Kyros na si Maximus Ferrero. Nagkaroon ng problema sa family business ng babae kaya siya napunta rito sa opisina ng Ferrero Group.
Nang makaupo na kami, hindi ko na napigilan ang sarili ko. “Sa tingin ko, niloloko ako ni Kyros.”
Stella eyed me with confusion as if I had just grown three heads. “Wala namang mga tsismis sa kumpanya.”
“Well, pwera na lang kung kasama niya madalas ang taong iyon, right?”
“Ang ibig mong sabihin...?”
“Like, iyong sekretarya,” sabi ko. “Araw-araw silang nagkikita, nakakasama niya, perfect cover for meeting up, creating alibis.”
Sa mga narinig, hindi mapalagay si Stella sa kanyang kinauupuan. Bago pa siya makasagot, tumunog ang kanyang telepono. Sinilip niya ang screen ngunit hindi sinagot ang tawag.
“That’s Maximus. He’s looking for me,” sabi niya.
“Oh! Pasensya na sa pag-abala ko sa iyo.”
Inabot niya ang kamay ko sa ibabaw ng mesa at pinisil nang bahagya. “Gazelle, sa tingin mo ba talaga ay lolokohin ka ni Kyros? Ilang taon na kayong magkasama. Ikakasal na kayo. Could this just be pre-wedding jitters?”
May punto ang kanyang mga sinabi! Marahil ay masyado ko lang pinapalaki ang mga bagay-bagay. At bukod doon, ayaw ko nang gambalain pa si Stella.
Sa ngayon, minabuti ko munang hayaan na lang ito.
***
Nang sumapit ang gabi, dalawang babae ang natulungan kong manganak sa araw ng mga puso. Ngunit ang hindi ko inaasahan ay ang makitang nagmamadaling pumasok sa aming ward si Emily, kapatid ng isa sa mga ina.
Balisa siya, at mahigpit ang hawak sa wheeled bed habang itinatulak ang kanyang kapatid papasok.
“Pakiusap, tulungan niyo siya!” desperado niyang pagmamakaawa. Nabigla nang makita ako. “M-Miss Gazelle!”
Hindi pa kabuwanan ng pasyente, ngunit dahil sa mga komplikasyon ay kinailangang isagawa ang isang emergency delivery. Tumango ako bilang pagpapakalma habang mabilis naming ipinapasok ang kanyang kapatid sa delivery room.
Naiwan si Emily sa labas ng silid, balisang naglakad nang pabalik-balik, naghihintay ng anumang senyales na ligtas ang kanyang kapatid at ang sanggol.
Ilang oras ang lumipas bago namin naipanganak ang sanggol
Nang lumabas ako para uminom ng tubig ay lumapit at nagpasalamat sa akin si Emily. She was sweet and kind, at sa totoo lang ay ako ang nagi-guilty dahil pinag-iisipan ko siya nang masama.
“Miss…” nag-atubili siya bago hininaan ang kanyang boses. “Akala ko may plano kayo ng boss.” May pahiwatig ang kanyang tono na hindi mapagkakaila.
Kamuntik nang tumigil ang tibok ng puso ko. “Hindi niya kinansela ang reservation sa restaurant?”
Bumuntong-hininga si Emily, at hindi mabasa ang kanyang ekspresyon. “Totoong mahal ka ni boss, hindi iyon kasinungalingan. Hindi ka niya padadalhan ng mga regalo, bulaklak, o mag-aalala sa pinakamaliliit na bagay kung hindi. Palagi ka niyang uunahin, handa siyang mamatay para sa iyo…”
Huminto na muna siya, at biglang naging seryoso ang kanyang mga mata. “Pero umalis ka na sa relasyon habang kaya mo pa, Miss Gazelle.”
Kinilabutan ako sa kanyang mga sinabi. Gusto kong humingi ng paliwanag, at magtanong nang direkta: ‘Sino ang dapat kong bantayan?’
Ngunit bago pa ako makapagsalita, isang tinig ang tumawag sa kanyang pangalan mula sa kabilang dulo ng pasilyo.
“Emily!” Isang lalaki ang mabilis na lumapit at niyakap siya. “Kumusta ang kapatid mo?”
“Ligtas na siya. Mas maagang ipinanganak ang sanggol kaysa sa inaasahan, pero pareho na silang ligtas sa panganib. Salamat sa pagtatanong!” sagot ni Emily, sabay sulyap sa direksyon ko. “Ay, siya nga pala, ito si Miss Gazelle, ang ibig kong sabihin ay si Dr. Sinclair… Siya ang dahilan kung bakit ko natapos ang kolehiyo, at siya rin ang nagpaanak sa ate ko.
Sunod na hinarap niya ako. “Miss Gazelle, ito naman si Leo, ang fiancé ko.”
Engaged na siya?
Magalang kong kinamayan si Leo bago nagpaalam, ngunit naguguluhan ang aking isip sa mga tanong na walang kasagutan.
Sino ang nagregalo kay Kyros ng relo? Sino ang kasama niya ngayong gabi?
Kung gusto kong malaman ang totoo, kailangan kong mag-imbestiga.
Sinabihan ako ng chief na magpahinga na muna, ngunit nagdesisyon ako na umuwi na muna kahit saglit.
May bumubulong sa akin at nagsasabi na makikita ko ang totoo ngayong madaling araw, at hindi ako nagkamali…
Gazelle“Hinayaan ko na ang pamilya mo at si Kyros ang magpaliwanag sa ‘yo. Ang sabi ng mom mo ay dumadaan ka sa trauma. Nangangatog ka at takot na takot tuwing may lalaking lalapit sa 'yo… they were devastated and didn’t know what to do, didn’t know how to replace the bodyguard…”“I have no idea that Kyros took credit for the rescue. I just heard somewhere, maybe at a party or some event, that he saved you from your kidnappers. That’s when I started writing to you so you would know I exist…”Ginamit pala ni Kyros ang takot ko sa mga lalaking matatangkad at may matikas na pangangatawan para itago ang katotohanan at hindi makilala sina Maximus, Ivan at Dante. Gamit ang kahinaan ko ay napalabas niyang siya ang bayani sa kuwento.Nagpatuloy si Maximus sa malumanay na boses, “Kinuha ng mom mo si Cristina para maging kasama mo, para man lang may kasama ka habang naghahanap sila ng pagkakataon na humanaap ng panibagong bodyguard.”Napapikit ako nang mariin, sobrang bigat sa pakiramdam ng m
MaximusSeven years ago…Naroon ako sa gym kasama ni Dante at nag-i-sparring nang dumating si Ivan Voltaire. It’s unusual dahil sa pagkakaalam ko ay ayaw niyang gumigising nang maaga.“Too early for you?” pang-aasar ni Dante sabay salo sa malakas na suntok ko sa pad na nasa palad niya.“Hindi pa ako natutulog. Tatlong araw nang nawawala ang anak na babae ng mga Sinclair. Umakyat pa nga ako sa norte para tingnan kung may kinalaman ang mga business partner ng pamilya ko rito. Desperado na si Dr. Sinclair na mahanap ang anak niya. Pasyente niya ang isa sa mga kamag-anak ko, kaya sa amin sila mismo lumapit para humingi ng tulong.”“Dr. Sinclair?” Bahagyang natigil ang mga suntok ko nang mag-sink in sa akin ang pangalan. Therapist ng mom ko si Dr. Sinclair, kaya awtomatikong kinuha nito ang interes
Hindi ko akalain na bukod sa mag-asawa ay may balita pa sa akin ang chief resident na apektado ang trabaho ko.“Dr. Sinclair, I’m sorry. Pero sa naganap kanina at reklamo ng pasyente, pansamantala ka munang aalisin sa emergency rotations at sa mga C-section procedure,” paliwanag ni Chief, na bakas ang simpatiya.“What? Chief, alam mo na sumunod ako sa protocol. Bakit ako at ibang pasyente ang tatanggap ng consequence gayong ako itong biktima? You know that, right?” Hinawakan niya ako sa balikat. “Naiintindihan ko, pero may mga protocol na kailangang sundin ang hospital administration. Inaayos na ng legal team ang mga ebidensya para suportahan ang kaso mo. Tandaan mo, hindi ito suspension, itutuloy mo pa rin ang mga follow-up appointment at consultation mo. Hindi ka lang papayagan sa surgery dahil makakaapekto ito sa trabaho mo at sa ospital. Kumalma ka na muna, Gazelle.”The chief had been my mother’s friend, a mother figure to me since my mom passed away.“Thank you, Chief,” I murmur
Pinaghiwalay kami ni Maximus para sa imbestigasyon. Kinausap ako ng babaeng inspektor habang si Maximus ang inuusisa ng isa pa.“Sinasabi ni Mr. Beckett na may naging problema raw sa mga diagnostic test at ultrasound,” paliwanag ng investigator. “Mali raw ang naging procedure at pinilit mo ang asawa niya na ipalaglag ang bata dahil wala ka namang intensyong gamutin ito.”Kumunot ang noo ko.“Dinudugo na siya pagdating niya sa ospital,” paliwanag ko. “Puno ng bubog ang mga binti niya. Nang tanungin namin ang tungkol doon, sinabi niyang personal na bagay daw iyon, kaya nirespeto namin ang privacy niya at hindi na kami nag-usisa pa.”“She’s bleeding? And he believes this is some unpracticed medical expertise on your part?” takang tanong ng inspektor.“Inspector, isa akong doktor. Responsibilidad kong siguruhin ang kaligtasan ng ina at ng bata sa oras ng pangangan
GazelleNapangiwi ako nang kumirot ang ulo ko. Isang nurse ang lumapit sa akin, marahang nilalapatan ng ice pack ang masakit na parte ng aking mukha.“Dr. Sinclair! Salamat naman at gising na kayo!” aniya. Unti-unting nagbalik ang mga alaala… ang ospital, ang paghatid sa akin dito ni Maximus… at ang lalaking iyon, na kamag-anak ng pasyente ko, na bigla na lang nag-amok. Hinablot niya ako, at pagkatapos niyon… nagdilim na ang lahat sa akin. The nurse continued anxiously, “God! Dr. Sinclair! Mabuti at nagkamalay ka na. Hindi namin alam ang gagawin kung sakaling hindi ka magigising kaagad. Nakakatakot si President Ferrero kanina; parang nawala siya sa sarili. Pinilit lang siya ni Dr. Castillo na gamutin ang sugat niya.”‘Wait…’ Naguluhan ang utak ko. ‘Sugat? Nawala sa sarili si Maximus?’Wala akong naiintindihan sa mga sinasabi nila.“A-anong nangyari?” tanong ko.Ipinaliwanag ng doktor na sumuri sa akin ang naganap kanina sa hallway. Ang ikinabigla ko ay nang marinig ang tungkol sa pag
Maximus Bahagya pa lang nakakalayo nang isang bloke ang kotse nang makaramdam ako ng kakaibang kaba. Pagkatapos niyon ay nakita ko ang cellphone ni Gazelle sa lapag ng sasakyan. Posible na nahulog niya ito nang bumaba siya ng kotse. “Please return to the hospital,” utos ko sa driver habang ipinapakita ang phon. “Your Ma’am left this behind in the vehicle.”“Understood, Sir!” he said. Agad namang ginamit ng bodyguard sa unahan ang radyo niya para sabihan ang security team sa likod namin na magbabago kami ng ruta. Sumandal ako sa leather seat at sinubukang magpakalma. I often sent Gazelle messages on a whim; sometimes to silence the dream that haunted my thoughts; minsan para lang makalimutan ang panaginip na laging nanggugulo sa isip ko. Pero ngayon, gusto ko lang talaga siyang makita, ang maamoy ang pamilyar niyang bango. Wala pang kalahating oras ang lumilipas, pero sumasakit na ang dibdib ko sa matinding pananabik, nagngangalit sa pangangailangan na makasama siya. I closed my







