Bound to My Ruthless Ex

Bound to My Ruthless Ex

last updateLast Updated : 2026-06-11
By:  MariyahOngoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
1 rating. 1 review
5Chapters
93views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Their marriage ended in betrayal and their love ended in heartbreak. Or so she believed. Years after their divorce, Elena Rose finds herself trapped in a new arrangement with her ruthless billionaire ex-husband as the only person standing between her and ruin. Damian is determined to claim her again while she’s determined to make him pay. Will Elena choose revenge over the man she once loved? Or will she realize that behind the ruthless billionaire is the man who never stopped choosing her?

View More

Chapter 1

Chapter 1 — The Divorce Papers

Tahimik ang buong mansion ng mga Vale.

Napakalaki ng bahay, napakaganda, at punong-puno ng mamahaling gamit na halos parang museum. Marble floors, malalaking chandelier, at mga paintings na sigurado siyang mas mahal pa kaysa sa isang ordinaryong bahay. Napabuntonghininga siya habang pinagmamasdan ang mga iyon sabay napangiti na lang siya nang mapait.

Pero sa kabila ng lahat ng meron ang bahay na ‘to, hindi niya maramdaman na tahanan to eh. Hindi na.

Hindi kailanman naging tahanan ang mansion na to para sa kanya. Balewala talaga ang karangyaan kung hindi mo naman ramdam.

Dahan-dahang ibinaba ni Elena Rose ang tasa ng kape sa ibabaw ng mesa habang nakatingin sa bakanteng upuan sa kanyang harapan. Isang oras na siyang naghihintay. Alam niyang hindi darating si Damian sa tamang oras. Sa eksaktong oras na napag-usapan dahil si Damian Vale iyon.

Ang lalaking laging inuuna ang negosyo kaysa sa kahit ano. Kahit pa ang asawa niya. Mas importante dito ang negosyo kahit pa buhay niya ang kapalit.

Napangiti siya nang mapait habang pinagmamasdan ang malamig nang kape sa harapan niya. Dati, tuwing naghihintay siya kay Damian, lagi niyang iniisip na baka may emergency lang. Baka may importanteng meeting. Baka kailangan lang talaga siya nito.

Palagi niyang binibigyan ng dahilan ang lalaki at palagi niyang iniintindi. Naubos na nga niya siguro ang mga dahilan na pwede niyang isipin, maintindihan lang ito. Pero ngayon? Pagod na siya. Naubos na ang pisi niya.

Tatlong taon.

Tatlong taon siyang naging asawa ni Damian Vale, pero pakiramdam niya ay mag-isa lang siya sa loob ng kasal nila.

Hindi naman niya hinihingi ang oras nito buong araw. Hindi naman niya gustong iwan nito ang kumpanya niya. Hindi niya kailangan ng mamahaling regalo, mamahaling kotse, o mga alahas na kayang bilhin ang isang buhay.

Ang gusto niya lang ay maramdaman na mahalaga siya, na asawa siya nito.

Hindi isang decoration lang sa tabi ng isang makapangyarihang lalaki. Nakakasawa na.

Napapikit si Elena nang maalala ang mga sinabi ng kaibigan niyang si Clara ilang araw na ang nakalipas.

"Elena, hanggang kailan mo siya ipagtatanggol?"

Hanggang kailan nga ba? Hanggang kailan niya sasabihin sa sarili niya na magbabago pa si Damian?

Naputol ang iniisip niya nang marinig niya ang pagbukas ng malaking pintuan. Agad siyang napatingin doon at nakita niyang pumasok si Damian Vale.

Suot nito ang itim na suit na parang laging handa para sa isang malaking meeting. Perfect ang buhok nito, seryoso ang mukha, at ang mga mata nitong dati niyang minahal ay nanatiling malamig. Kahit siya ang asawa nito, minsan pakiramdam ni Elena ay isa lang siyang empleyado na naghihintay ng utos.

"You're still awake."

Iyon ang unang sinabi nito. Hindi "I'm sorry." Hindi "I missed you." Hindi man lang "Kumusta ka?"

Napababa ang tingin ni Elena. "Kanina pa kita hinihintay."

Bahagyang lumuwag ang kurbata ni Damian habang inilalapag ang susi ng sasakyan sa mesa.

"May meeting ako."

"Alam ko."

"Then why are you waiting?"

Napatingin siya rito. Doon niya na naman naramdaman iyong pamilyar na sakit. Bakit parang ang dali para kay Damian na tanungin iyon? Parang hindi obvious.

"Damian, asawa mo ako."

Natigilan ito sandali. Pero gaya ng dati, hindi nagtagal ang reaksyon nito sa mukha. Na para bang mababawasan ang yaman nito kung magpapakita ito ng emosyon sa kahit sino.

"So?"

Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa kanya. So? Ganun lang?

Huminga nang malalim si Elena bago siya nagsalita. "Ilang beses na kitang sinubukang kausapin."

"About what?"

Napatawa siya nang mahina, pero walang kahit anong bahid ng kaligayahan.

"About us."

Tumahimik ang paligid nang masabi niya iyon at ang tanging naririnig lang niya ay ang tunog ng orasan sa dingding ng kanilang kwarto.

"Elena, pagod ako."

Doon siya tuluyang napangiti. Pagod. Ganon naman lagi eh, palagi nitong sinasabi na pagod ito kaya mas gusto na lang nitong magpahinga.

Palaging pagod at palaging may dahilan para lang makaiwas sa usapan.

"Ikaw lang ba ang pagod, Damian?"

Bahagyang kumunot ang noo nito. "What is that supposed to mean?"

"Meaning, hindi lang ikaw ang nahihirapan dito."

Lumapit siya sa mesa at kinuha ang folder na matagal na niyang hawak. Hindi niya gustong gawin ito at ilang gabi niyang pinag-isipan. Ilang beses siyang umiyak habang hawak ang mga papel na iyon.

Pero alam niyang kailangan na.

"Pagod na rin ako."

Nag-iba ang expression ni Damian. Sa unang pagkakataon, parang may takot na dumaan sa mga mata nito.

"Elena."

Tawag nito sa pangalan niya pero hindi niya pinansin.

"Pagod na akong maghintay. Pagod na akong intindihin ka. Pagod na akong ipaglaban tayo habang ikaw parang wala nang pakialam."

"That's not true."

"Mali ba ako?"

Hindi agad sumagot si Damian at sapat na iyon para masaktan siya. Dahil minsan, ang katahimikan ang pinakamalinaw na sagot.

Lumapit si Damian sa kanya. "Alam mong ginagawa ko lahat ng ito para sa atin."

Napatingin siya rito. "Para sa atin?"

Tumango ito.

"Everything I built, everything I have, ginagawa ko para mabigyan ka ng magandang buhay."

Napaluha si Elena pero pinigilan niya dahil iyon ang hindi maintindihan ni Damian. Hindi niya kailangan ang mundo nito. Kailangan niya ang puso nito.

"Damian, hindi ko kailangan ng magandang buhay kung kasama naman doon ang pagiging mag-isa."

Nag-iba ang mukha nito at gaya ng dati, imbes na aminin ang pagkakamali, naging defensive ito.

"Maybe you're just not satisfied."

Napatigil siya. "Anong ibig mong sabihin?"

Humigpit ang panga ni Damian. "Maybe all of this isn't enough for you."

Hindi siya makapaniwala sa narinig. "Are you saying I'm ungrateful?"

"Maybe."

Isang salita lang ang sinagot nito. Isang salitang tuluyang sumira sa kanya.

Tumulo ang luha niya, hindi dahil galit siya. Kundi dahil sa wakas, narinig niya mula mismo sa lalaki na mahal niya ang bagay na matagal niyang kinatatakutan. Na hindi siya nito naiintindihan.

"Akala ko..." nanginginig niyang sabi. "Akala ko kahit ikaw, kilala mo ako."

Hindi gumalaw si Damian. "Elena—"

"Akala ko na alam mong hindi ko kailanman minahal ang pera mo." Lumapit siya sa asawa niya. "Ikaw ang minahal ko."

Sandaling katahimikan ang bumalot sa pagitan nilang dalawa. At sa unang pagkakataon, parang nawalan ng sasabihin si Damian.

Pero huli na.

Dahil may mga bagay na kapag nasira, hindi na basta-basta naaayos. Kinuha ni Elena ang folder at inilapag iyon sa harapan niya.

"Basahin mo."

Tumingin si Damian sa folder at pagkatapos ay tumingin ulit sa kanya.

"What is this?"

Alam niya kung anong nasa folder pero ayaw niyang sabihin. Dahil kapag binigkas niya, alam niyang hindi niya kakayanin. Pero kailangan niyang gawin kaya napahinga siya nang malalim bago sumagot.

"Divorce papers."

Biglang nanigas ang mukha ni Damian. "Elena."

"Pagod na akong maging asawa ng taong hindi ako pinipili."

Lumapit siya sa upuan at kinuha ang ballpen. Nakita niyang nakatingin lang si Damian sa kanya. Parang hindi ito makapaniwala. Baka hindi nito inaasahan na kaya niyang mabuhay na wala ito sa tabi niya.

"You're serious."

Hindi siya sumagot dito sa halip ay pinirmahan niya ang papel. At nang matapos niyang permahan ay inilapag niya ang ballpen.

"Goodbye, Damian."

Tumalikod siya ngunit bago siya tuluyang makaalis, narinig niya ang boses nito.

"Elena, wait."

Huminto siya. Matagal niyang hinintay ang salitang iyon. Matagal niyang hinintay na pigilan siya nito. Pero hindi niya inaasahang darating ito sa araw na tuluyan na siyang sumusuko.

Dahan-dahan siyang lumingon.

Si Damian Vale, ang lalaking hindi natitinag sa kahit ano, ay nakatingin sa kanya na parang siya ang unang bagay na hindi nito kayang kontrolin.

"Don't leave."

Nanginginig ang puso niya pero pinilit niyang maging matatag.

"Three years akong nandito, Damian." Naluha ang mga mata niya. "Ngayon mo lang ako pinapahinto?"

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


reviews

Miss Meadows
Miss Meadows
5 over 5 so far so good to read, just continue it beb don't abandon it ...️
2026-06-17 17:45:10
0
0
5 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status