LOGIN2chapters ngayon. Sana nag-enjoy kayo. Sana rin, sakto ang daan na tinatahak ng kwentong 'to... hehe
FERLYMahigit isang buwan na ang lumipas mula nang makalabas ako ng ospital.Nakabalik na rin kami sa Maynila. Bumalik na rin siya sa pagiging COO.Ako lang ang hindi pa bumabalik sa pagiging doktor. Ayaw pumayag ni Jyrone, kasi ayaw niyang mapagod ako.Hindi man perpekto ang buhay namin sa ngayon, maayos na kami.Unti-unti nang bumabalik sa dati ang takbo ng buhay namin ni Jyrone.Hindi… iyon lang ang pilit naming ginagawa.Oo, madalas na kaming ngumingiti. Nagagawa na rin naming magbiruan.May mga pagkakataong nakakalimutan naming may mabigat pa ring bahagi ng buhay namin na hindi pa naaayos.Pero may mga gabing napapahinto ako. Biglang sumisikip ang dibdib ko.'Yong pakiramdam na may kulang.Ang pamilya ko.Napatingin ako sa phone ko. Nandito kasi ako sa kusina. Wala si Jyrone, kaya sumubok na naman akong tawagan sila.Pero hindi pa rin sila sumasagot.Choice talaga nilang huwag akong kausapin.Kasi nakikita naman nila ang pangalan ko sa screen.At kahit masakit, pinipilit kong un
JYRONE“For real?”Nahagod ko ang buhok ko at napatawa nang mahina.“Yeah, bro!”“Nasaan sila ngayon? Nakakulong na ba?”“No, they're dead! Ayaw nilang mahuli nang buhay. Nanlaban sila hanggang wala nang matira sa kanila.”Tinapik ni Papa ang balikat ko.“I told you… May awa ang Diyos. Malalampasan n'yo rin ang lahat ng problema.”Ngiti lang ang isinagot ko kay Papa. Pero puno ng saya ang puso ko.“Thanks, bro. Kung hindi dahil sa tulong n'yo… hindi namin malalampasan 'to.”Tumingin din ako kay Papa na hindi rin maitago ang saya.Hindi pa nga niya binitiwan ang balikat ko at pinipisil-pisil niya pa iyon.“I have to go… update kita later tungkol sa statement ng pulis.”Pagputol ng tawag, nayakap ko si Papa. Ngayon ay seryoso siyang nakatingin sa akin habang muli kaming naglalakad.Sumabay pa rin ako sa mabagal niyang paglalakad.Then lumingon siya sa akin.“Tapos na ang problema natin sa sindikato, pero hindi pa tungkol kina Daniel at Ferly.”Napabuga ako ng hangin. Balikat naman niya a
JYRONEIpinikit ni Ferly ang mga mata niya.Napailing namang tumingin sa akin si Papa.Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kay Ferly.Gusto kong pagaanin ang loob niya. Pero alam kong kahit anong sabihin ko, hindi pa rin mabubura ang lungkot na nararamdaman niya.Hinawakan ko na lang ang kamay niya."Bigyan mo lang sila ng oras," mahina kong sabi. "Hindi naman agad nawawala ang galit."Tumingin siya sa akin.Unti-unting pumatak ang luha sa gilid ng mga mata niya.Agad ko iyong pinahid."Alam kong nasasaktan ka… alam kong nalulungkot ka. Pero, Ferly, kailangan mong maging matapang. Kailangan mong maging matatag. Para kay baby... para sa atin."Tumango siya.Ngumiti.Pero napakapait no'n.Marahan ko na lang siyang niyakap."Magpahinga ka na."Paulit-ulit kong hinaplos ang pisngi niya.Pinunasan ko ang bawat luhang tumutulo.Hanggang sa tuluyan siyang nakatulog.Maya-maya, naramdaman kong tinapik ni Papa ang likod ko.Paglingon ko, sumulyap siya kay Mama.Parang tahimik niyang ibinili
JYRONE"Ferly!"Parang tumigil ang tibok ng puso ko nang makita ko siyang namimilipit sa sakit.Mahigpit ang hawak niya sa tiyan niya habang namumutla ang mukha."Darling, look at me."Lumuhod ako sa tabi ng kama."Saan masakit? Tell me what's wrong.""Masakit... Ang tiyan ko..."Napapikit siya.Lalong lumakas ang kaba ko.Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin.Hindi ko na siya hinayaang magsalita pa.Agad ko siyang binuhat."Jyrone..."'Yong sigaw niya, parang hinihiwa ang balat ko nang paunti-unti."Don't worry. Nandito ako."Mabilis akong lumabas ng kuwarto."Ma! Pa!"Sigaw ko habang kinakatok ko ang kuwarto nila at agad nang tumatakbo papuntang elevator."Jyrone!"Narinig kong tawag ni Mama.Halata sa boses niya ang pag-aalala.Rinig ko na rin ang mga yabag nila sa likod ko.Nauna pa si Papa na pindutin ang button pababa."Let's go."Mabilis akong pumasok sa elevator."Tatawag ako ng ambulansya," sabi ni Mama habang inilalabas ang cellphone niya.Umiling ako."Matatagalan
JyroneParang tumigil ang mundo ko. Ni hindi ko na alam kung gaano katagal akong nakatitig kay Ferly.Hanggang sa lumakas ang hikbi niya.Saka lang ako parang nahimasmasan.Hinawakan ko ang kamay niya. Nilapat sa labi ko."Pumayag ka ba?"Mabilis siyang umiling, kasabay ang hagulgol niya."Hindi... Hindi ko kayang mawala ka, Jyrone."Agad ko siyang hinapit at niyakap nang mahigpit."Hindi ko kayang mawalan ng tatay ang anak ko."Hindi man ako nagsasalita, pero napapangiti naman ako. Parang nabunutan ako ng tinik.Ako ang pinili niya... kami ni Baby."Tahan na..." maya maya ay nasabi ko."Galit lang sila—"Umiling siya."Hindi lang sila galit... Tinakwil na nila ako."Mas lalo pang lumakas ang iyak niya."Dahil ikaw ang pinili ko… dahil sinuway ko sila."Parang may kumurot sa puso ko. Hindi ko alam kung paano siya patatahanin. Hindi ko alam kung paano aalisin ang lungkot at sakit na nararamdaman niya ngayon.Dahan-dahan ko na lang hinaplos ang buhok niya."Darling..."Sinadya kong lambi
JyronePagpasok namin sa silid, agad na napunta ang tingin ko kina Tita Felicia, Lola Paz, at Ferly.Lahat sila ay nasa paligid ng kama ni Daniel.Halatang nag-aalala. Kita iyon sa mga mukha nila.Sa paraan ng pagtitig nila sa walang malay na si Daniel.Tahimik lang sila no'ng pumasok ako. Mas tumahimik pa nang makita nilang kasama ko sina Mama at Papa Leon.'Yong tensyon, lalong lumala.Parang humigpit ang sikmura ko.Hindi ko alam kung tama bang dinala ko sila rito. Sana hindi na lang ako pumayag...Mainit na nga kasi ang naging sagutan nina Mama at Tita kanina.Paano kung mas magkainitan pa sila?Nagkatitigan kami ni Ferly. Ang mga mata niya ay nagtatanong. Alam niyang may mali, kasi huling kita naming lahat, wala namang tensyon na ganito.Mula nang pumasok kami, wala ring sinasabi si Mama. Nakatitig kay Daniel.Parang may kung anong emosyon na pilit niyang nilulon.Napansin ko rin na mas humigpit ang hawak ni Papa Leon sa balikat ni Mama.Parang pinapakalma niya."Anong ginagawa n
Mula sa apartment, umuwi muna ako sa bahay para maligo at magpalit ng damit.Pagpasok ko, simangot na mukha ni Leandro ang agad sumalubong sa akin. May bitbit siyang tasa ng kape.“Bro… kumusta?” Lumapit ako, pero lumayo siya, de-kuatrong umupo, humigop ng kape, at nilapag iyon sa coffee table.Napa
“Magtago ka…” pabulong na sabi ni Ferly. Tarantang pinulot ang bathrobe na ginamit ko kanina. Nilukot at binalibag sa kwarto.“Saan ako magtatago?” Nagpalinga-linga ako. Wala akong masuksukan. Ang liit nga lang ng unit niya.Mabilis akong naglakad papuntang kwarto.“Sa’n ka pupunta?” pigil ni Ferly
“Jyrone…” tawag sa akin ni Ferly, pero ngiti na lang ang isinagot ko sa kanya habang hinihila ko siya papasok sa kwarto ng kapatid ko.“What’s up, bro…” masiglang bati ni Leandro nang pumasok kami, pero wala sa akin ang tingin niya. Na kay Ferly. And damn, ayoko sa klase ng tingin niya. Parang tagos
“Jyrone, ano?”Ngumiti ako. Inalalayan ko siyang umupo ulit.Hinawakan ko ang kamay niya at saglit na tumingin kay Ferly. “‘Ma, ’wag muna. Hindi pa ito ang tamang oras.”“Bakit?” tanong ni Mama. “Akala ko ba na-meet mo na ang pamilya ni Ferly… may problema ba? Hindi ka ba nila tanggap?”“Tanggap po,







