INICIAR SESIÓNWalong taon na ang nakalipas nang biglang mawala si Ferly Heminez sa buhay ni Jyrone—walang paliwanag, walang paalam. Nagpatuloy siya, nagtagumpay, muling nagmahal, pero hindi kailanman nakalimot. Ngayon, isa na siyang makapangyarihang COO. Nasa kanya na ang lahat. Hanggang sa muling ibalik ng tadhana si Ferly sa kanyang buhay. Sa pagkakataong ito, tumanggi si Jyrone na pakawalan siya. Hanggang sa sumabog ang katotohanan. Ang stepfather ni Ferly ay ang tunay na ama ni Jyrone. Magkapatid sila sa batas. Ang minsang dalisay na pag-ibig ay naging bawal, iskandaloso, at imposibleng balewalain. Sa pagitan ng pamilya, moralidad, at pagnanasa, kailangan nilang pumili. Follow the rules—or risk everything for the love they never stopped wanting.
Ver másPrologue
Ang bilis ng tibok ng puso ko habang nakatingin sa lalaking papalapit sa mesa. Kada hakbang niya, sumisikip ang dibdib ko. Parang may tali ang leeg ko. Hindi ako makahinga. “Jyrone,” sabi ni Ferly. Tumayo ako kahit ang bigat ng katawan ko sa puntong nangangatog ang mga tuhod ko. Agad kumapit si Ferly sa braso ko. Hinaplos ng marahan habang nakatitig sa akin. Hindi ko alam kung ramdam niya ang paninigas ko, kung napansin niyang nawala na ang angas kong harapin ang buo niyang pamilya. “This is my stepdad. Papa Daniel,” pagpapakilala niyang parang ikinabingi ko. “Stepdad?” ulit ko sa sinabi niya. Mahina, habang nakatitig kay Daniel na naglahad ng kamay, pero hindi ko magawang tanggapin. Ilang segundo akong natigilan bago ako nakakuha ng lakas ng loob na tanggapin ang kamay niya. “Good morning, po,” sabi ko. Mabagal pero madiin. Ngumiti siya, sandali lang, at pumunta na sa upuan niya. “Sit down,” sabi niya nang nakaupo na siya. Tahimik kaming sumunod. Pero pagkaupo ko, palihim kong pinahid ang palad ko sa pantalon ko. Gusto kong burahin ang kahit anong bakas ng kamay niya sa balat ko. Nakakailang na ang katahimikan kanina, ngayon mas lumala pa. Mahinang kalansing lang ng kubyertos ang maririnig. Pansin ko rin ang panay sulyap ni Ferly sa mama at lola niya na para bang anuman ang gagawin niya, kailangan muna ang pahintulot nila. Tumikhim si Daniel na bumasag ng katahimikan. Napatingin ako sa kanya. “What’s your name again?” tanong niya. Diretso. Walang paligoy-ligoy, na parang ini-interrogate ako. “Jyrone Winston Carte Policarpio,” sagot ko. Hindi ako kumurap habang mabagal na binibigkas ang buong pangalan ko. Gusto kong makita kung may mababago sa mukha niya, kahit anong senyales ng pagkakakilala. Pero wala. Parang pangalan lang ng estranghero ang binanggit ko. “Carte?” Biglang singit ng isang boses. Napalingon ako sa nagsalita. “Do you know someone named Jena Carte?” May nalaglag na kutsara. Malakas ang tunog ng pagkakalansing no’n na nagpalingon sa aming lahat. Napatitig ako kay Daniel na nauubo ng sunod-sunod, parang nabilaukan. Tumayo ang asawa niya at hinaplos ang likod niya. “Daniel, are you okay?” bakas ang pag-aalala sa boses niya. Umiling siya. “I’m fine.” Pero nakatutok na sa akin ang tingin niya. At nang magtama ang mata namin, agad siyang umiwas. Muli akong tumingin sa nagtanong at diretsong tinitigan siya sa mata. “Yes po,” sagot ko. “Jena Carte is my mother.” “Daniel…” Bulalas ng mama ni Ferly habang agad pinunasan ang tubig na natapon nang masagi ni Daniel ang baso. Muntik ko nang hindi napigil ang ngiti ko. Hindi man nagpanting ang tainga niya sa pangalan ko kanina, kita ko namang parang kinalampag ang buong pagkatao niya nang marinig ang pangalan ng mama ko. Maya maya, tumayo si Daniel. Pinunasan ang bibig, pilit inaayos ang sarili. Pero huling-huli ko ang kamay niyang nanginginig. Kilos niya, pinipilit maging normal pero pumapalya pa rin. “I need to speak with you,” sabi niyang hindi ako nilubayan ng tingin. Humigpit ang kapit ni Ferly sa kamay ko. Ramdam ko ang kaba niya. “I’ll be fine,” bulong ko. Tumango siya, kahit halatang ayaw niya akong bitiwan. Sumunod ako kay Daniel palabas ng dining area. Gaya kanina, tahimik pa rin ang hallway, tanging yabag lang namin ang maririnig. Huminto siya sa harap ng isang pinto at binuksan iyon. Pagpasok ko, marahan niyang sinara at humarap sa akin. Hindi man lang nag-alok ng upuan. Hindi ko rin nagawang igala ang paningin ko sa silid dahil sa titig niya na kung kanina ay malamig lang, ngayon may kasamang talim. “Leave Ferly,” sabi niya. Walang preno, walang babala. Umigting ang panga ko, napangiti ng mapait habang kuyom ang kamao ko. “Leave her?” Humakbang ako ng isang beses palapit sa kanya. Tinapatan ang talim ng titig niya. “Gusto mong iwan ko siya…” Sinadya ko ang katahimikan. “…gaya ng ginawa mo noon?”FERLY“Sige na, puntahan n'yo na siya…” sabi ni Mama habang tinatapik ang balikat ni Jyrone. Pagkatapos ay ngumiti siya sa akin.Pero si Jyrone...Halatang nag-aalangan. Hindi niya maalis ang tingin sa mama niya.Parang may gusto siyang itanong pero nahihirapan siyang magsalita.“Ferly, sige na. Puntahan n'yo na siya. Kanina pa siya naghihintay.”“Opo, Ma...” Inilingkis ko ang kamay ko sa braso ni Jyrone at tinitigan ko siya sa mga mata.Tumango lang siya at sumabay sa akin sa paglalakad.Pero ang bagal ng mga hakbang namin.Pagdating namin sa living room, agad na tumayo si Papa.Ngumiti siya, pero pilit.Bumitiw ako kay Jyrone at niyakap ko siya.“Kumusta ka po, Pa?” Hinaplos ko ang likod niya.“Ayos na ako… sa awa ng Diyos.” Kumawala kami sa yakap ng isa't isa. “Binigyan pa ako ng isa pang pagkakataong mabuhay.”Kay Jyrone na ang tingin niya habang sinasabi iyon.Pero si Jyrone, hindi pa rin gumagalaw sa kinatatayuan niya.Nagbago na rin ang ekspresyon niya.Kung kanina ay gulat at
FERLYMahigit isang buwan na ang lumipas mula nang makalabas ako ng ospital.Nakabalik na rin kami sa Maynila. Bumalik na rin siya sa pagiging COO.Ako lang ang hindi pa bumabalik sa pagiging doktor. Ayaw pumayag ni Jyrone, kasi ayaw niyang mapagod ako.Hindi man perpekto ang buhay namin sa ngayon, maayos na kami.Unti-unti nang bumabalik sa dati ang takbo ng buhay namin ni Jyrone.Hindi… iyon lang ang pilit naming ginagawa.Oo, madalas na kaming ngumingiti. Nagagawa na rin naming magbiruan.May mga pagkakataong nakakalimutan naming may mabigat pa ring bahagi ng buhay namin na hindi pa naaayos.Pero may mga gabing napapahinto ako. Biglang sumisikip ang dibdib ko.'Yong pakiramdam na may kulang.Ang pamilya ko.Napatingin ako sa phone ko. Nandito kasi ako sa kusina. Wala si Jyrone, kaya sumubok na naman akong tawagan sila.Pero hindi pa rin sila sumasagot.Choice talaga nilang huwag akong kausapin.Kasi nakikita naman nila ang pangalan ko sa screen.At kahit masakit, pinipilit kong una
JYRONE“For real?”Nahagod ko ang buhok ko at napatawa nang mahina.“Yeah, bro!”“Nasaan sila ngayon? Nakakulong na ba?”“No, they're dead! Ayaw nilang mahuli nang buhay. Nanlaban sila hanggang wala nang matira sa kanila.”Tinapik ni Papa ang balikat ko.“I told you… May awa ang Diyos. Malalampasan n'yo rin ang lahat ng problema.”Ngiti lang ang isinagot ko kay Papa. Pero puno ng saya ang puso ko.“Thanks, bro. Kung hindi dahil sa tulong n'yo… hindi namin malalampasan 'to.”Tumingin din ako kay Papa na hindi rin maitago ang saya.Hindi pa nga niya binitiwan ang balikat ko at pinipisil-pisil niya pa iyon.“I have to go… update kita later tungkol sa statement ng pulis.”Pagputol ng tawag, nayakap ko si Papa. Ngayon ay seryoso siyang nakatingin sa akin habang muli kaming naglalakad.Sumabay pa rin ako sa mabagal niyang paglalakad.Then lumingon siya sa akin.“Tapos na ang problema natin sa sindikato, pero hindi pa tungkol kina Daniel at Ferly.”Napabuga ako ng hangin. Balikat naman niya a
JYRONEIpinikit ni Ferly ang mga mata niya.Napailing namang tumingin sa akin si Papa.Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kay Ferly.Gusto kong pagaanin ang loob niya. Pero alam kong kahit anong sabihin ko, hindi pa rin mabubura ang lungkot na nararamdaman niya.Hinawakan ko na lang ang kamay niya."Bigyan mo lang sila ng oras," mahina kong sabi. "Hindi naman agad nawawala ang galit."Tumingin siya sa akin.Unti-unting pumatak ang luha sa gilid ng mga mata niya.Agad ko iyong pinahid."Alam kong nasasaktan ka… alam kong nalulungkot ka. Pero, Ferly, kailangan mong maging matapang. Kailangan mong maging matatag. Para kay baby... para sa atin."Tumango siya.Ngumiti.Pero napakapait no'n.Marahan ko na lang siyang niyakap."Magpahinga ka na."Paulit-ulit kong hinaplos ang pisngi niya.Pinunasan ko ang bawat luhang tumutulo.Hanggang sa tuluyan siyang nakatulog.Maya-maya, naramdaman kong tinapik ni Papa ang likod ko.Paglingon ko, sumulyap siya kay Mama.Parang tahimik niyang ibinili






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reseñas