MasukHalos mag-iisang linggo na ang lumipas mula ng umalis si Amara sa mansiyon. Wala rin oitong tawag, text o kahit anong balita mula sa kanya ay wala at hindi ‘yon ang inaasahan ni Leandro.
Akala niya ay gaya ng dati na lilipas lang ang galit ni Amara at babalik din ito para suyuin siya, ngunit habang tumatagal, lalo lamang siyang naiirita dahil wala pa rin ito. Tahimik siyang nakaupo sa opisina nang pumasok si Xavier. "Sir, dumating na po si Mr. Lucien." Imporma sa kanya ng assistant. Bahagyang napaintig panga si Leandro sa narinig. "Kadarating lang?" "Oo, galing siyang Europe at dumiretso na daw siya rito matapos bumisita kay Don Alfonso." Tumango lamang si Leandro, ilang segundo lang ang lumipas ay bumukas ang p***o. Pumasok ang isang matangkad na lalaki na nakasuot ng kulay abong suit, kalmado man ang mukha nito ngunit sapat na ang presensya nito para maramdaman ang awtoridad na bumabalot sa kanya, si Lucien ang nakatatandang kapatid ni Leandro. Hindi tulad ni Leandro na palaging padalos-dalos sa desisyon ay kabaliktaran ito ni Lucien, dahil mas tahimik ito at mahirap basahin kung anong susunod nitong gagawin. "Welcome back," malamig na bati ni Leandro. "Salamat,” walang kangiti-ngiting sagot ni Lucien bago umupo sa harapan ni Leandro. "Wala ka pa ring balak bumalik sa headquarters?" Pagbubukas tanong ni Leandro sa usapan. "May aasikasuhin lang ako rito ng ilang linggo kaya ako umuwi, aalis rin ako pagkatapos.” Seryosong sagot ni Lucien. "Kumusta si Amara?" Kalaunan ay tanong nito, dahilan para bahagyang natigilan si Leandro. "Hindi ko alam kung nasaan siya.” Iwas tinging sagot ni Leandro sa nakatatandang kapatid. Tumaas ang kilay ni Lucien. "Bakit hindi mo alam?" "Nag-divorce na kami." Tipid namang sagot ni Leandro na para bang balewala lang iyon sa kanya. Tahimik na napasandal si Lucien, hindi na siya nagulat ngunit halatang hindi rin niya inaasahang mangyayari iyon. "Siya ang nakipaghiwalay?" Usisang tanong nito na nakakapagtakang may interes sa relasyon nila ni Amara. "Ako ang nagsabing maghiwalay na kami.” Tumango si Lucien na parang wala lang dahil kung tutuusin, matagal na niyang alam na walang pagmamahal si Leandro sa asawa nito, hindi na siya nagtanong pa at nanahimik na lang. "Hindi ba sinabi sa'yo ni Lolo?" tanong ni Leandro. Umiling si Lucien bilang sagot. "Mas gusto niyang kayo mismo ang umayos ng problema niyo kaya hinahayaan niya lang kayo.." Tumango si Leandro, sa isip niya ay wala namang dapat ayusin dahil sigurado siyang babalik din si Amara. --- Samantala, abalang-abala si Amara sa laboratory ni Angela, halos buong umaga siyang nakatutok sa computer habang inaayos ang lumang research na iniwan niya tatlong taon na ang nakalipas. Napailing si Angela habang nakatingin sa kaibigan. "Grabe ka." Hindi man lang lumingon si Amara ng magtanong. "Bakit?" "Akala ko ay kailangan mo pa ng mahabang pahinga matapos ang nangyari sayo, pero ito ka ngayon hindi maawat.” Naiiling na sabi ng kaibigan. "Nagpahinga na ako ng tatlong taon." Napatawa si Amara sa sariling sagot. "Sapat na ‘yon." Napabuntong-hininga si Angela, ngayon lang niya muling nakita ang dating Amara. Iyong babaeng masaya kapag gumagawa ng research kahit magpuyat pa ito ng ilang araw para lang matapos ang isang proyekto. Bigla silang natigil sa pag-uusap nang tumunog ang cellphone ni Angela. "Professor Adrian?" Bungad niya ng sagutin ito. Natahimik ang kaibigan mukhang pinapakinggan ang sinasabi ng nasa kabilang linya at makalipas ang ilang minuto ay lumapit si Angela kay Amara. "May favor ako." Alanganin nitong sabi sa kanya. "Ano 'yon?" Tanong ni Amara. "Kailangan kong ihatid ang ilang dokumento kay Professor Adrian." "Edi ihatid mo." Balewala namang sagot ni Amara sa kaibigan. "Oo, pero samahan mo ako." Napailing si Amara sa alok ng kaibigan. "Ayoko, marami pa akong ginagawa.” "Please, sige na samahan mo na ako." Napabuntong-hininga siya, hindi naman niya matitiis ang kaibigan. "Sige na nga." --- Sa kabilang banda, kasalukuyang nasa opisina rin ni Professor Adrian sina Lucien at Leandro dahil may pag-uusapan silang proyekto tungkol sa artificial intelligence na balak pondohan ng kanilang kumpanya. Habang nag-uusap ang tatlo ay may kumatok sa p***o. "Come in." Utos ni Adrian at pagkabukas ng p***o ay sabay na natigilan sina Leandro at Amara ng magtama ang kanilang mga tingin. Hindi inaasahan ni Amara na naroon ang dating asawa kaya bahagya siyang nabigla. "Professor, dala ko na po ang files." Lumapit si Angela at iniabot ang mga dokumento. Tahimik lamang si Amara sa may pintuan habang hinihintay ang kaibigan nang mapatingin si Professor Adrian sa kanya. "Ikaw ang sinasabi ni Angela na kaibigan niya?” Tanong ng professon sa kanya. "Opo." Magalang niyang sagot. Ngumiti ang propesor sa kanya. "Mukhang tama nga ako." Napakunot-noo si Leandro. "Kilala mo siya?" "Sa tingin ko ay oo, dahil pamilyar siya sa akin." Lumapit si Professor Adrian kay Amara. "Ikaw ba ang dating estudyanteng gumawa ng Lugi-X Model?" Sandaling natahimik ang buong silid, maging si Lucien ay napatingin kay Amara. Tahimik namang tumango ang babae. "Ako nga po." Napangiting muli ang propesor. "Sa wakas, nakita rin kita." Lalong kumunot ang noo ni Leandro, hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang reaksiyon ng isang kilalang propesor sa dating asawa niya. Samantalang si Lucien ay tahimik lamang na nakatingin kay Amara, hindi niya inaasahang ang babaeng itinuring lamang na simpleng maybahay ng kapatid niya ay isang taong matagal nang hinahanap ng isa sa pinakamahusay na propesor sa bansa. Unti-unting nabuo ang interes niya sa babae, at iyon ang unang pagkakataong tinignan niya si Amara ng may paghanga at napansin iyon ni Leandro ang kakaibang tingin ng kuya niya. Hindi niya alam kung bakit, ngunit may kakaibang iritasyong biglang bumalot sa dibdib niya. Bago pa man may muling magsalita ay biglang nawalan ng balanse si Amara dahil sa hilo na dulot ng mga gamot na iniinom niya dahil sa nangyaring nawalan siya ng anak. "Amara!" Halos sabay na sigaw ni Lucien at Leandro bago mabilis na kumilos para saluhin ang babae bago pa ito tuluyang bumagsak. Nahawakan ni Leandro ang braso ni Amara, samantalang nasalo naman ni Lucien ang babae sa bewang. Nagsukatan ng tingin ang dalawang magkapatid kung sino ang unang magpapaubaya. Natahimik ang buong silid sa kakaibang tensyon ng dalawa, at sa unang pagkakataon nakaramdam si Leandro ng kakaibang takot na baka may magmahal kay Amara at tuluyan na siya nitong iwan. "Bitawan mo siya." Malamig ang boses ni Lucien habang diretso ang tingin kay Leandro. Hindi agad gumalaw si Leandro. Mariin pa rin ang hawak niya sa braso ni Amara. "Siya ang dating asawa ko kaya may karapatan ako sa kanya," malamig niyang sagot. "Dating asawa," diin ni Lucien. "Wala ka nang karapatan ngayon." Ilang segundo silang nagtitigan bago dahan-dahang binitawan ni Leandro ang braso ni Amara. Bahagyang iminulat ni Amara ang mga mata. Namumutla siya at halatang nanghihina. "Okay lang ako..." mahina niyang sabi. Napailing si Professor Adrian. "Hindi ka okay. Kailangan mong magpahinga. Angela, samahan mo siya sa clinic." Bago pa makalapit si Angela, nagsalita si Lucien. "Ako na ang magdadala sa kanya." Hindi na ito naghintay ng sagot. Marahan niyang inalalayan si Amara at dinala palabas ng opisina. Tahimik lamang na nakatingin si Leandro habang unti-unting nawawala sa paningin niya ang dalawa. Hindi niya maipaliwanag ang biglang pagsikip ng dibdib niya. Hindi iyon ang unang beses na may lalaking tumulong kay Amara. Pero bakit ngayon lang siya nakaramdam ng inis? Napansin ni Professor Adrian ang reaksyon niya kaya napailing ito. "Kung talagang mahalaga sa'yo ang isang tao, hindi mo hinihintay na may ibang mag-alaga sa kanya bago mo mapagtanto ang halaga niya." Walang naisagot si Leandro. Tahimik lang niyang pinagmasdan ang pintong kakasara pa lang. Sa kabilang banda, habang naglalakad sa pasilyo, napansin ni Lucien na namumutla pa rin si Amara. "Kailan ka huling nagpatingin sa doktor?" mahinahon niyang tanong. Napayuko si Amara. "Noong araw lang na... nakunan ako." Natahimik si Lucien, ngayon lang niya nalaman ang nangyari. Mahigpit niyang napakuyom ang kamao, hindi niya akalaing habang wala siya sa bansa, ganoon pala ang pinagdaanan ng dating hipag niya at mas hindi niya matanggap na hinayaan iyon ng sarili niyang kapatid.Tahimik na naglakad sina Lucien at Amara papunta sa clinic ng unibersidad. Wala ni isa sa kanila ang nagsasalita. Si Lucien naman ay sinabayan lang ang mabagal na paglalakad ni Amara, tila sinisigurong hindi ito muling mahihilo.Pagdating nila, agad silang sinalubong ng school nurse. "Anong nangyari sa kanya?" tanong nito."Nahilo lang siya," maikling sagot ni Lucien. Pinaupo si Amara habang kinukuhanan ng blood pressure. Makalipas ang ilang minuto, napailing ang nurse."Mababa ang blood pressure mo. Mukhang kulang ka rin sa pahinga. Kailan ka ba huling kumain nang maayos?"Napatingin si Amara sa sahig. "Kaninang tanghali pa."Napabuntong-hininga ang nurse. "Hindi puwedeng puro trabaho ang inuuna mo. Lalo na kung kagagaling mo lang sa miscarriage."Bahagyang nanigas si Lucien sa narinig.Hindi siya nagsalita, pero lalong tumigas ang ekspresyon niya.Pagkalabas ng nurse para kumuha ng gamot, saka lang siya tumingin kay Amara. "Bakit wala kang kasama noong naospital ka?"Nag-alinlangan s
Halos mag-iisang linggo na ang lumipas mula ng umalis si Amara sa mansiyon. Wala rin oitong tawag, text o kahit anong balita mula sa kanya ay wala at hindi ‘yon ang inaasahan ni Leandro.Akala niya ay gaya ng dati na lilipas lang ang galit ni Amara at babalik din ito para suyuin siya, ngunit habang tumatagal, lalo lamang siyang naiirita dahil wala pa rin ito. Tahimik siyang nakaupo sa opisina nang pumasok si Xavier. "Sir, dumating na po si Mr. Lucien." Imporma sa kanya ng assistant. Bahagyang napaintig panga si Leandro sa narinig. "Kadarating lang?""Oo, galing siyang Europe at dumiretso na daw siya rito matapos bumisita kay Don Alfonso."Tumango lamang si Leandro, ilang segundo lang ang lumipas ay bumukas ang pinto. Pumasok ang isang matangkad na lalaki na nakasuot ng kulay abong suit, kalmado man ang mukha nito ngunit sapat na ang presensya nito para maramdaman ang awtoridad na bumabalot sa kanya, si Lucien ang nakatatandang kapatid ni Leandro.Hindi tulad ni Leandro na palaging p
Tahimik niyang pinagmasdan ang maputlang marka sa kaniyang palasingsingan, ang bakas ng singsing na hindi pa agad mawawala."Ang pangit tignan ng markang ito," mahina niyang sabi. "Mas mabuti kung mawala na agad ito.” Nang marinig iyon ni Angela ay agad niyang naunawaan na seryoso na talaga si Amara sa pagkakataong ito."Hindi ko man masasabing isandaang porsiyento akong naniniwala," sabi niya habang nakangisi, "pero mas maayos ang desisyon mo ngayon kaysa dati. Hindi ko lang talaga mapigilang asarin ka."Hindi na nagpaliwanag si Amara sa halup ay inalok na lang niya ito. "Halika na, libre ko ang pagkain."Hindi gumalaw si Angela, itinaas lang nito ang isang kilay at tumingin sa kanya. "Mahal ang oras ko, sabihin mo muna kung bakit mo ako pinuntahan bukod sa tinawagan mo ako nung nakaraan, titignan ko kung sulit bang samahan kitang kumain."Napahinto si Amara bago napabuntong hininga. "Gusto kong ipagpatuloy ang research paper na iniwan ko noon. Kailangan kong gamitin ang laboratory
Samantala pagpasok ni Leandro sa coffee shop ay agad siyang naging sentro ng atensyon. Nakasuot siya ng mamahaling itim na suit na lalong nagpatingkad sa kanyang matangkad at gwapong pustura. Maraming customer ang palihim na napapatingin sa kanya.Kasama niya ang isang lalaking nasa edad trenta na may maamong mukha na agad nakilala ni Amara si Dr. Adrian Cortez, isang kilalang propesor sa larangan ng Computer Science. Nabasa na niya noon sa isang technology forum na isa ito sa mga nangungunang magagaling tungkol sa artificial intelligence. Kasunod nila ang assistant at kaibigan ni Leandro na si Xavier, na may dalang ilang dokumento.Napayuko si Amara, ayaw na ayaw niyang magkita sila ni Leandro, lalo na pagkatapos ng nangyari kahapon. Ngunit kung aalis siya ngayon mas lalo lamang siyang mapapansin.Huminga siya nang malalim at nagdasal na sana ay hindi siya makita nito ngunit kabaligtaran ang nangyari, nagtagpo ang kanilang mga mata.Sandali lamang siyang tiningnan ni Leandro bago wal
Sigurado si Leandro na babalik din agad si Amara dahil sa tuwing pinag-uusapan nila ang tungkol sa divorce ay palagi lang itong umaalis ng ilang sandali ngunit bumabalik din upang suyuin siya.Kaya naniniwala siyang ganoon din ang mangyayari ngayon. Sa isip niya ay marahil emosyonal lang si Amara dahil sa pagkawala ng kanilang anak ngunit para kay Leandro, ang batang iyon ay isang aksidente lamang. Hindi niya kailanman ginusto ang pagbubuntis ni Amara, kaya wala siyang naramdamang lungkot ng malaman niyang nakunan ito.---Kasama ng divorce agreement ang bank card na naglalaman ng 50 milion pessos bilang settlement.Tahimik itong kinuha ni Amara, kung noon pa niya pinirmahan ang mga papeles, matagal na sana siyang nakalaya. Sa halip ay inubos niya ang tatlong taon sa pag-asang balang araw ay mamahalin din siya ng asawa.Ngayon ay natauhan na siya dahil panahon na para piliin naman niya ang sarili.…….Kinagabihan ay sumakay siya ng taxi papunta sa condominium na iniwan sa kanya ng kan
Sa mismong araw na nakunan si Amara, sa halip na samahan siya ng asawa niyang si Leandro sa pagdadalamhati ay abala pa ito sa pagsalubong sa babaeng matagal na nitong minamahal na kauuwi lang ng bansa. Tahimik na nakaupo si Amara sa loob ng ospital habang hinihintay ang resulta ng lab results nang dumating ang doktor ay walang emosyon ang boses nitong nagsalita. "Misis dahil sa nangyari nagkaroon ng malaking problema sa ovary mo at ikinalulungkot kong sabihin na wala na ang baby mo, pero posible ka pang magkaanak in the future pero napakaliit na ng chance.” Parang nabingi si Amara sa narinig, tatlong taon siyang naghintay bago mabuntis at ngayong dalawang buwan na ang sanggol na nasa sunapupunan niya saka ito nawala sa isang iglap.Kung hindi sana siya nawalan ng balanse at hindi bumagsak sa sahig hindi ay hindi sana siya nakunan. "Misis?" muling tawag ng doktor sa kanya.Huminga ng malalim si Amara bago pilit na ngumiti. "Naiintindihan ko po. Maraming salamat, Dok."Ayaw na niya







