Mag-log inMahilig mangarap si Renna Montenegro—literal. Sa bawat panaginip niya, isa lang ang sigurado: ikinasal siya sa isang guwapong bilyonaryo. Engrandeng simbahan. Perpektong lalaki. Romantikong eksena. Hanggang sa isang araw, nagising ang panaginip niya sa totoong buhay. Si Drickson Valemont, isang bilyonaryo na walang pasensya sa kalokohan, ay nanaginip din ng parehong babae—at nagpasalamat siyang panaginip lang ang lahat. Ang problema? Ang babaeng iyon ay biglang lumitaw sa harap niya… at hinalikan siya. Sa gitna ng mga bodyguard, takbuhan, galit na galit na bilyonaryo, at isang malaking nunal na hindi niya makalimutan, patuloy na iniisip ni Renna na panaginip pa rin ang lahat—kaya sinasamantala niya ang bawat eksena. Hanggang sa isang matinding kahihiyan ang gumising sa kanya sa katotohanan.
view moreHALOS HINDI makahinga si Amanda habang binabasa ang isang article online patungkol sa asawa niyang si Theo. Ang kaniyang masasaganang luha ay tumulo na nang hindi man lang niya namamalayan.
[CEO ng Torregoza Group of Companies, spotted with her girlfriend na nagde-date sa Paris.]Makikita sa larawan kung gaano ka-sweet ang dalawa matapos maghanda umano ang CEO ng surprise fireworks display para sa kasintahan.Hindi mapigilan ni Amanda na mapangiti ng mapakla. Girlfriend, huh? Talaga namang hindi marunong makunteto ang asawa niya. Lumalandi sa ibang babae habang siya, laging tila namamalimos na lang ng pagmamahal niya."Pakiayos ang gamit ko."Halos mapatalon sa gulat si Amanda nang marinig ang pamilyar na boses ng asawa niyang kararating lang. Ni hindi niya alam na ngayon na pala ang balik niya. Galing ito sa flight niya galing sa ibang bansa para sa trabaho kahit ang totoo naman ay dinate lang nito ang babae niya.Hindi umimik si Amanda at pasimpleng pinunasan ang luha niya. "Saan ka galing?" tanong niya rito, walang emosyon sa boses bago harapin ang asawa niyang busy kalasin ang necktie nito."Trabaho. Saan pa ba? Tss," balewalang sagot ni Theo. "At hindi mo ba ako narinig? Ang sabi ko, pakiayos ng gamit ko," aburidong dagdag pa nito.Hindi gumalaw si Amanda, tumitig lang sa asawa. Hinahanap niya kung saan ito nagkakaroon ng lakas ng loob humarap sa kaniya ngayon na para bang hindi ito galing sa babae niya."Hindi mo ako katulong," maikling saad ni Amanda na siyang nagpatuwid ng tayo kay Theo. Kung noon ay lagi siyang sumusunod sa gusto ni Theo, ngayon ay hindi.Sa ilang taon nilang mag-asawa, wala siyang ibang ginawa kundi unawain at alagaan si Theo. Gusto niyang maging isang butihing asawa para sa lalaki kahit pa isang malaking kahibangan iyon.Kumunot ang noo ng lalaki. "Ano bang pinagsasabi mo? Ano na namang kaartehan ito, Amanda? 'Wag mong sabihing nagagalit ka pa rin sa 'kin dahil hindi ako pumayag na magtrabaho ka?! Ang babaw ng ikinagagalit mo sa 'kin, ah..." Tumawa ito nang mapang- uyam.Umiwas ng tingin si Amanda, nilunok ang bara sa lalamunan. Mababaw? Siya pa ngayon itong mababaw?Mababaw ba kung gusto niya lang naman ipagpatuloy ang pangarap niya sa larangan sa musika na isinantabi niya simula nang pakasalan niya si Theo? Mababaw bang pagtuonan naman niya ang mga kagustuhan niya sa buhay?Napakuyom ng kamao si Amanda. "Hindi lang iyon tungkol do'n, Theo. Marami... Marami na pakiramdam ko, malulunod na ako sa lahat ng mga kasalanan mo sa 'kin!" Tumaas na ang boses ni Amanda. Maging siya ay nagulat sa sariling boses. Pakiramdam niya ay para siyang isang bulkan na sasabog na lang bigla nang bigla na lang niyang naalala lahat ng paghihirap niya bilang asawa ni Theo.Napailing si Theo at napahilamos sa mukha. "Alam mo, Amanda... pagod ako. 'Wag mo muna akong dramahan ngayon.""Hindi lang naman ikaw ang napapagod, Theo. Pati ako, pagod na pagod na!"Kumunot ang noo ni Theo. "Saan ka ba pagod?! Maganda ang buhay mo sa puder ko! Naibibigay lahat ng gusto mo! At 'yang trabahong ipinagmamalaki mo sa 'kin... hindi mo kakayanin 'yun! Magsasayang ka lang ng oras at pagod mo."Sinamaan niya ng tingin ang lalaki. "At sa tingin mo, sapat bang maganda lang dapat ang buhay ko, huh?""Tang*na naman, Amanda! Ano bang gusto mo?! Sinasagad mo talaga ang pasensya ko!" Sumigaw na rin si Theo. Animo'y puputok na ang litid ng pasensya niyang pinapangalagaan niya kanina pa. "Kailangan mo na naman ba ng pera?! Ibibigay ko, basta patahimikin mo lang ang buhay ko kahit sandali lang!"Tumawa ng pagak si Amanda. "Anong akala mo sa 'kin, 'yan lang talaga ang habol sa 'yo, huh?!""Totoo naman, eh! Kahit bali-baliktarin natin ang mundo..." Linapitan niya si Amanda at mariing hinawakan sa baba upang magpantay ang kanilang mukha. "...kailangan mo ang pera at yaman ko, Amanda. Hindi mo makakayang tumayo sa sarili mong paa nang wala ako."Kaagad lumayo si Amanda. "Ang mahirap sa 'yo, pera lang ang alam mong paganahin lagi. Bakit?! 'Yang limpak limpak mong salapi, kaya bang pagtakpan lahat ng kagaguhan mo sa babae mo?"Napatigil si Theo at mariing tumingin kay Amanda bago ito napatango. "Kung gano'n, nakita mo na ang balita..." wala sa sariling aniya.Napangisi si Amanda. "Oo, Theo. Kitang-kita ko na! Alam na alam ko nang ang asawa ko... may nilalanding ibang babae na pinaghandaan pa talaga ng isang magarbong date!" Tumawa ito ng sarkastiko.Umigting ang panga nito. "Masyado kang nagpapaniwala masyado sa balita. Hindi ako ang may pakana no'n. Idea 'yun ng sekretarya ko---""Kahit ano pang rason mo, hindi ko na kaya pang maniwala pa, Theo," mas kalmadong saad niya. "Kasi... hindi ko na kaya, Theo. Hindi ko na kaya pang makasama ka pa..."Tila nandilim ang ekspresyon sa mukha ni Theo. "Anong... anong hindi mo na kaya?" naguguluhan na tanong niya.Humugot ng isang malalim na hininga si Amanda, animo'y pinapalakas ang loob upang masabi ang gusto sa asawa. Lumipas ang ilang segundo, tinitigan muli ni Amanda si Theo."Gusto kong mag- divorce na tayo, Theo. Itigil na natin 'to."Nasabi na niya nang tuluyan. At ipinagpapasalamat niyang hindi nabasag ang sariling tinig dahil ramdam niya ang tila bikig sa lalamunan. Tumakas na ang kaniyang sariling luha na kanina pa niya pinipigilan sa harap ni Theo.Hindi inaakala ni Amanda na pagkatapos ng ilang taon, masasabi niya ang mga katagang iyon ng deretso mismo sa harap ni Theo. Hindi man naging maganda ang takbo ng kasal nila, totoo at wagas ang pag-ibig niya rito.Pero hindi kailanman iyon nasuklian ni Theo.Ang atensyon at puso nito ay nasa iisang babae lang na kailanman ay hindi mapapantayan o mahihigitan ni Amanda. Ang babaeng sana'y dapat nasa tabi ni Theo ngayon na tunay niyang mahal. Si Sofia...Nandilim lalo ang mga mata ni Theo. "Hindi ako makakapayag. Hindi, Amanda," matigas na sagot nito."Pero mas makakabuti ito sa atin! Mababalikan mo rin si Sofia--""Wala kang karapatang banggitin ang pangalan niya! Dahil sa 'yo... dahil sa 'yo, nasira ang pangarap kong pakasalan ang babaeng dapat na papakasalan ko. Sinira mo lahat nang gabing 'yon!" Namula ang mata nito at nanlilisik ang mga matang tumingin kay Amanda.Napahagulgol si Amanda. "Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na hindi ko magagawa iyon sa 'yo, Theo! Maniwala ka naman sa 'kin!" Hindi siya makapaniwala na sinisisi pa rin siya nito nang gabing 'yon. Ang gabing naging mitya ng pagpapakasal nila."Hindi, dahil alam kong plinano mo lahat!"Ngumisi kapagkuwan ang lalaki bago humakbang papalapit kay Amanda. Umatras lang naman ang babae hanggang maramdaman niya ang dulo ng kama sa likod ng tuhod. Nawalan siya ng balanse at napahiga sa kama. Akmang babangon si Amanda pero mabilis na umibabaw si Theo sa kaniya at mahigpit na hinawakan ang kaniyang pulsuhan.Mabagsik ang mga matang ipinukol ni Theo kay Amanda habang nagpupumiglas ito."A-Ano ba, Theo?! Bitawan mo ako! Hindi mo ba narinig ang sinabi ko kanina? Gusto ko nang makipag-divorce!" Pilit na pinatapang ni Amanda ang boses.Isang halakhak lamang ang sagot ni Theo bago inilapit ang ulo mismo sa puno ng tenga ni Amanda. Ang mainit na hininga nito ay animo'y binubuhay ang kung ano sa tiyan nito. Ayaw mang aminin ni Amanda, malakas pa rin talaga ang epekto ni Theo sa kaniya.Pero hindi niya ipinakita iyon sa lalaki."Sa tingin mo papayag ako sa divorce na gusto mo, Amanda? Never. At tsaka ito naman ang gusto mo noon pa man, hindi ba? Gustong- gusto mong maikasal sa akin..." Humalik ang labi nito sa balat ni Amanda na siyang nagpatindig ng kaniyang balahibo. "Ngayon, hindi ka na makakawala pa. Magdurusa ka habang buhay bilang asawa ko..."Niyukumos bigla ng halik ni Theo si Amanda.Biglang napaatras si Renna, halos matapilok sa buhangin habang nanginginig ang mga kamay na nakatakip sa mukha niya.“Anong klaseng kabastusan ‘to?!” halos pasigaw niyang sabi, halatang halo ang gulat, hiya, at galit sa boses niya.Dahan-dahan niyang ibinaba ang mga kamay niya, pero nakapikit pa rin siya nang mahigpit.“Magbihis ka muna! Diyos ko naman, Drickson!” dagdag pa niya, nanginginig ang boses. “Hindi mo ba alam kung paano kumatok sa panaginip ng tao?!”Sa harap niya, bahagyang napakamot sa ulo si Drickson. Halatang hindi niya inaasahan ang ganoong reaksyon.“Wait… wait,” medyo naguguluhang sabi niya habang mabilis na hinablot ang tuwalya sa kanyang balikat at itinakip sa sarili niya. “Calm down. Hindi naman ako nakahubad!” Bakit parang ako pa ang may kasalanan dito?”“Talaga lang ha?!” napamulat si Renna at agad ulit napaiwas ng tingin. “Ikaw na nga ‘tong biglang lumitaw na—na—na ganyan! Tapos ako pa ang mali?!”Namula ang pisngi niya hanggang tenga.“Lord… sana kainin nalang
Lumapit si Drickson sa mag-amang foreigner na kanina pa may binubulong tungkol sa isang “big mole.” Kanina pa niya napapansin ang mga sulyap at irap ng dalagang kasama ng matanda. “Excuse me, miss,” magalang ngunit may bigat ang boses niya. Napalingon ang dalagang si Nimfa. Nang makita ang mukha ni Drickson, bahagyang natigilan siya—pero mabilis din niyang tinakpan iyon ng isang mapang-akit na ngiti. “Oh hi…” malambing niyang bati habang inaayos ang buhok. “Who are you?” “Not a big deal,” kalmadong sagot ni Drickson. “I just want to ask… who are you talking about? Yung may big mole?” Bahagyang natawa si Nimfa. Taas-kilay. Irap. “Ohhh, the beach girl?” aniya na parang may halong panghahamak. “The so-called mistress of my father!” Sinabi niya iyon na para bang may kulog sa likod niya. “Are you her victim too? Like my father?” dagdag pa niya, sabay crossed arms. “Because if yes… good luck. She’s very… how do you say it? Professional mang-agaw.” Bahagyang tumigas ang pan
“No! You’re kabit in Tagalog!” sigaw ng babae, halos manginig ang boses sa galit. Napapikit si Renna sandali. Haynaku… ang hirap magpaliwanag sa babaeng ito, sa isip niya habang inaalalayan pa rin ang matanda na tila nahihiya na sa nangyayari. “Miss, please—” mahinahon niyang simula, kahit ramdam niya ang mga matang nakatingin sa kanila. “I don’t know who you are, and to be honest, I don’t know your dad at all. Ngayon ko lang siya nakita. Natumba siya kaya tinulungan ko.” “Stop pretending!” putol ng babae. “I saw you holding him! Touching him! Don’t act innocent!” Napakunot ang noo ni Renna. “Of course hahawakan ko siya, eh natumba nga! Do you want me to just stand there and watch him struggle?” “Don’t twist it! Filipinas like you—” napahinto ang babae, pero malinaw ang ibig niyang sabihin. Biglang nag-iba ang ekspresyon ni Renna. Nasaktan siya. Pero pinili niyang manatiling kalmado. “Excuse me?” mas mababa ngunit mas matatag ang boses niya ngayon. “Don’t generalize. H
Naiwan si Renna sa gitna ng malawak na sala—isang espasyong kasing lawak ng kanyang mga pangarap, ngunit kasingsungit din ng katahimikang bumabalot dito. Sa harap niya ay ang napakalaking salaming dingding. Mula roon, tanaw ang pamosong puting buhangin ng Boracay—pino at tila pulbos na kumikislap sa ilalim ng sinag ng araw. Ang dagat ay kulay turkesa, banayad ang alon na humahalik sa dalampasigan, at paminsan-minsang maririnig ang mahinang sigawan ng mga turistang nagtatampisaw sa malayo. Ngunit sa kabila ng ganda ng tanawin, tila may puwang sa dibdib ni Renna na hindi mapunan ng kahit anong kagandahan. Marahang tinahak ng kanyang mga paa ang malamig na sahig. Sa bawat hakbang, umaalingawngaw ang mahinang tunog ng kanyang tsinelas—paalala na siya lang ang tao sa napakalaking bahay na iyon. Kahit alam niyang nasa loob ng bahay bakasyonan sina Dricks. Huminto siya sa harap ng salamin at pinagmasdan ang sarili. Isang asawa sa paningin niya. Ngunit sa likod ng imahe ay isang babae
Pagkababa ng tawag, parang may magic switch na biglang pinindot—agad gumanda ang anyo ni Aling Pristina. Kanina’y seryoso at halos manghuhula ng kapalaran ang mukha, ngayon nama’y parang nanalo sa raffle. Napakunot-noo sina Renna at Rosana, sabay napatinginan. “Okay!” masiglang sambit ni Aling Pr
Kinabukasan, maaga pang nagmulat ng mata si Drickson. Mabigat ang pakiramdam ng kanyang dibdib, tila may hindi maipaliwanag na kaba at pananabik na nag-uudyok sa kanyang bumangon agad sa kama. Balak sana niyang makausap ang kanyang mama—marami siyang gustong itanong, maraming gustong linawin. Nguni
“Bumangon ka na muna diyan, Renna. May sasabihin ako sa’yo… mahalaga ito sa akin—lalong-lalo na sa’yo,” mariing sabi ni Pristina habang papalabas ng silid. Ngunit walang tugon. Walang kahit anong kaluskos. Napahinto siya sa paglakad. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya bago
Hindi ito maaaring mangyari nang hindi ko nalalaman ang buong katotohanan.Mariing napapikit si Drickson. Mabigat ang dibdib niya, parang may nakapatong na bato. Ilang sandali pa, tahimik na umalis si Korena, iniwang mag-isa ang kanyang amo sa gitna ng malawak at malamig na silid.Umupo si Drickson






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
RebyuMore