تسجيل الدخولTahimik siyang lumabas ng condominium at dumiretso sa gilid ng kalsada. Hindi na niya dinala ang sarili niyang sasakyan. Madali iyong matutunton, mas ligtas na sumakay na lang ng taxi.Parang sinwerte siya nang may bakanteng taxi agad na dumaan. Huminto iyon sa kanyang harapan, binuksan niya ang pinto at mabilis na sumakay."Sa airport po, kuya."Tumango ang driver pero hindi agad pinaandar ang sasakyan. Sa halip ay ilang segundo muna itong nakatingin sa kanya gamit ang rearview mirror.Nanlalamig ang palad ni Ysabel. Nakilala kaya niya ako? Mabilis siyang umiwas ng tingin. Hindi... Imposible! Nakatago ang halos buong mukha niya sa hoodie at face mask.Pagkaraan ng ilang segundo ay saka lang pinaandar ng driver ang sasakyan."Sobrang aga naman ng flight mo, Ma'am," sabi nito habang nakatingin sa kalsada. "Hindi ba delikado?""Okay lang po, Kuya," kalmado niyang sagot kahit kabado ang dibdib niya. "Mas gusto ko nga po ang madaling-araw. Hindi masyadong maraming tao sa airport.""Sabaga
Samantala...Nagmamadaling isinilid ni Ysabel sa malaking maleta ang lahat ng mahahalagang gamit niya. Halos magkandaugaga siya sa pagkuha ng mga passport, credit cards, mamahaling alahas, at mga dokumentong maaaring kailanganin niya sa pag-alis ng bansa.Kasalukuyan siyang nasa condo unit na lihim niyang tinutuluyan. Kanina pa siya pabalik-balik sa sala at silid habang paulit-ulit na tinitiyak na wala siyang maiiwang ebidensiya.Kailangan niyang makaalis, ngayon na, hindi siya maaaring mahuli, hindi siya papayag na mabulok sa kulungan habang buhay.Mariin niyang isinara ang zipper ng maleta bago ito sinipa dahil sa sobrang galit. "Damn it!"Namumula ang kanyang mukha habang paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang nangyari ilang oras pa lang ang nakalilipas... nag-backfire ang buong plano nila.Siya sana ang dapat na kinakampihan ng publiko, siya sana ang kinakaawaan, siya sana ang dapat na lumalabas na biktima... Pero bakit siya ngayon ang kontrabida? Bakit sa halip na simpatya ay
VALERIO MANSION:Binalot ng nakabibinging katahimikan ang buong sala ng Valerio Mansion. Nakaupo silang lahat sa mahabang sofa, pero walang sinuman ang naglalakas-loob na magsalita. Nakayuko ang iba, habang ang ilan ay tulalang nakatingin sa kawalan. Para bang sabay-sabay silang nawalan ng lakas.Wala na ang mga media at mga cameraman. Tapos na ang live broadcast… tapos na rin ang mahabang pagbabalatkayo ni Ysabel.At kasabay noon ay tuluyan ding nalantad ang kabulukan ng kanilang pamilya sa harap ng buong Maynila. Ang pamilyang matagal nilang ipinagmamalaki ay isa na ngayong sentro ng usap-usapan at pangungutya.Tahimik na pumatak ang luha ni Estrella. "What now, Xavier?" nanginginig nitong tanong. "Ano na ang gagawin natin? Sinayang lang natin ang tiwala kay Ysabel... Pinaniwalaan natin siya sa lahat ng sinabi niya." Napatakip ito ng mukha habang patuloy ang pag-iyak. "At si Mayumi... Diyos ko... ano bang ginawa natin sa batang iyon?"Napasinghap naman si Andra habang pinapahid ang
Napailing na lang si Christian habang napapangiti, pero si Mayumi ay napansin ang kakaibang ngiti ni Miranda. Ngumiti ito, ngunit hindi umabot sa mga mata nito.Parang may malalim itong iniisip... Parang may itinatago.Saglit lang iyong dumaan sa isip ni Mayumi bago niya iyon isinantabi."Ako na rito, Ate Miranda," malumanay niyang sabi habang lumalapit kay Christian. "Ako na ang mag-aalaga kay Christian."Sandaling pinagmasdan sila ni Miranda. May kung anong kislap na dumaan sa kanyang mga mata bago siya marahang tumango. "Sige."Kinuha niya ang tray na may mga gamot at benda."I'll leave you both alone. May pupuntahan pa kasi ako."Huminto siya sandali sa pintuan at bahagyang lumingon sa kanilang dalawa. Pagkasabi niyon ay tuluyan na siyang lumabas ng silid.Tahimik na nagsara ang pinto. Naiwan sina Mayumi at Christian na magkatitigan. Napalabi si Mayumi nang mapansin ang benda sa balikat nito."Dahil talaga sa'kin kaya ka nasugatan..." mahina niyang bulong.Napangiti lamang si Chri
Hindi na makasagot ang dalawa."Dahil kung hindi ninyo naisip ang awa noon... wala rin akong dahilan para kaawaan kayo ngayon."Bahagyang humigpit ang kanyang panga. Mariin siyang tumingin sa kanilang dalawa."Bukas na bukas, magsasampa ako ng lahat ng nararapat na kaso laban sa inyo.""No!" halos mapasigaw si Ysabel.Gumapang siya palapit kina Andra at Estrella habang umiiyak."Andra... Auntie Estrella... pakiusap... kausapin ninyo si Xavier... Huwag niya akong ipakulong..."Ngunit hindi na siya nilingon ng dalawang babae. Unti-unti lang silang napapikit. Labis ang hiya nila sa kanilang mga sarili dahil alam nilang naging kasangkapan din sila ni Ysabel. Nagpaloko sila, nakisali sila sa pananakit kay Mayumi.At kung tutuusin... May pananagutan din sila sa lahat ng nangyari. Wala silang naibulong na kahit anong salita.Tahimik silang tumalikod. Isa-isang sumunod ang buong pamilya Valerio.Iniwan nila sina Ysabel at Patrick sa gitna ng nagkakagulong media, habang patuloy na kumikislap a
Pagkasara ng pinto ng sasakyan ay mariing napapikit si Mayumi. Humugot siya ng malalim na hininga bago marahang isinandal ang ulo sa headrest. Pakiramdam niya ay biglang naubos ang lahat ng lakas na pilit niyang ipinakita sa harap ng pamilya Valerio.Sa wakas... Tapos na.Akala niya, kapag dumating ang araw na iyon ay magdiriwang ang puso niya. Akala niya ay makakaramdam siya ng matinding ginhawa. Pero sa halip, isang kakaibang lungkot ang dahan-dahang pumuno sa kanyang dibdib.Hindi dahil nami-miss niya si Xavier, kundi dahil tuluyan na niyang isinara ang pinakamasakit na kabanata ng kanyang buhay. Isang kabanatang puno ng pag-ibig, pagtataksil, pagluha, at paulit-ulit na pagkawasak ng kanyang puso. At ngayon... wala na talaga iyon.Ilang segundo pa siyang nanatiling nakapikit. Pinakalma niya ang sarili habang marahang humihinga nang malalim. Unti-unting gumaan ang kanyang dibdib. Nang maramdaman niyang handa na siyang umalis, binuksan niya ang mga mata at pinaandar ang makina ng sas
“Nabalitaan mong magbabakasyon kami at sinundan mo kami rito nang sadya, hindi ba?” inis na sabi ni Stephanie sa kanya. Maaaring wala na itong maisip na dahilan kung bakit naroon rin siya sa airport.Sa loob ng maraming taong nanirahan siya sa bahay ng Valerio na parang ibong nakakulong sa hawla. W
Ang pagsasalita sa isang malaking product launch at mapansin ng industriya ay pangarap ng maraming designer. Ngunit karamihan sa kanila ay hindi kailanman nabibigyan ng ganoong pagkakataon.At kung sakaling may dumating na ganitong oportunidad, halos walang sinuman ang tatanggi. Kaya nang sabihin n
Bahagyang ipinikit ni Xavier ang kanyang mga mata at naglabas ng mahinang “hm,” tila walang interes sa kung ano man ang nangyayari sa labas ng sasakyan.Sa harap, walang nagawa si Alden kundi muling itaas ang mga bintana ng kotse. Bahagya siyang sumulyap sa rearview mirror, nag-aalinlangan kung dah
Sa Valerio Mansion...Nagmadaling bumalik si Xavier sa mansyon. Mabigat ang kanyang hakbang habang binubuksan ang pinto, tila may kung anong gumugulo sa kanyang isipan mula pa kanina.Ngunit pagpasok pa lamang niya sa sala ay agad siyang napahinto. Sa mahabang sofa malapit sa fireplace, nakita niya







