Masuk"This love game of mine is starting to become hideously dangerous. Nagsisisi na ba ako? Obviously not." — Lexy Black Pagkatapos ng isang mainit na gabi, inakala ni Lexy na maari na lamang niyang kalimutan ang karanasang iyon pero paano na lamang kapag nalaman niya na ang naka-one night stand niya ay ang mismong gustong ipakulong siya? Coincidence nga ba? Or faith was just playing with them? Habang tumatagal, mas umiinit ang laro nila. Every encounter feels personal. Every move, calculated. At sa gitna ng dangerous cat-and-mouse game nila, isang insidente ang nagpilit kay Lexy na iligtas ang buhay ng lalaking dapat ay kaaway niya. Now Samuel is trapped in a dilemma. How could he arrest the woman who was once in his arms? And now, he owes his life to? In this game, na nagsimula sa gulo at habulan—will he put her in handcuffs or a ring on her finger instead?
Lihat lebih banyakHindi na alam ni Lexy kung saang direksyon siya papunta dahil sa matinding sakit ng ulo.
Nahihilo siya, at pakiramdam niya ay may pumupukpok sa kanyang ulo. Noong una ay hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang nararamdaman niya hanggang sa napaisip siya sa kung anong kinonsumo niya kanina. Her face darkened, murderous intent flashing in her eyes. “Hayop ka, Vincent! I’ll kill you one day!” she cursed. Napahawak siya sa pader at isinandal doon ang katawan niya nang biglang manghina ang kanyang mga binti. Bumibilis ang tibok ng kanyang puso. Malalim ang paghinga niya. Nag-iinit ang kanyang pakiramdam. Alam na niya ang ibig sabihin ng mga senyales na iyon. “Aphrodisiac… bw*sit talaga,” galit niyang bulong. Sa tindi ng pagkagat ng kanyang mga ngipin ay halos mabasag ang mga ito. Despite her vision blurring with every passing second, she forced herself to take out her phone. Halos hindi na niya makita ang screen habang pinipindot ang isang pamilyar na numero bago idikit ang telepono sa kanyang tainga. Ilang segundo lang ay agad na may sumagot. “President Black?” boses iyon ng kanyang assistant. “Raika… puntahan mo ako… kung nasaan ako… ngayon,” utos niya. “Bilisan mo!” Iyon na lamang ang nasabi niya dahil biglang bumigat ang kanyang pakiramdam. Her body slowly collapsed onto the carpeted floor, and her hand lost the strength to hold the phone. Her breathing became erratic and heavy. Her body burned. Tuluyan nang tumatalab ang aphrodisiac sa kanyang katawan. But what was worse than the drug taking effect… was the sound of footsteps approaching. Mga boses ng ilang lalaki ang narinig niya sa di-kalayuan. “Wala sa banyo ang babaeng pinapahanap ni Mr. Vandolf.” “Kailangan natin mahanap agad ang babaeng nagngangalang Lexy Black. Kung hindi, baka maging isa tayo sa mga taong pinugutan ng ulo ni Mr. Vandolf.” “Alam ko. Kaya bilisan na natin.” Napakuyom ang kamao ni Lexy at pinilit niyang tumayo. Kailangan niyang makatakas. One hour earlier... Lumapit ang isang waiter sa mesa dala ang isang menu. Hindi ito tinanggap ni Lexy. Bagkus, tinitigan niya ang lalaking nakaupo sa harapan niya. “Hindi ako nagugutom—” “Lexy, please, dine in with me. Lalo akong masasaktan kapag tinanggihan mong kumain kasama ako,” nagtatampong sabi ni Vincent, bahagyang basa ang mga mata para ipakitang nalulungkot nga ito sa pagtanggi ni Lexy. But she remained unexpressive. Why shouldn't she? Alam niya kung anong klaseng lalaki si Vincent Vandolf. A wolf in sheep's clothing. “Mr. Vandolf, I have more important matters to attend to. At isa pa, kanina pa naghihintay sa akin si Raika. Kinukulit na niya ako na tapusin na ang trabaho ko rito para makabalik na ako ng Valcressia,” paliwanag ni Lexy. She made up an excuse just to avoid a scheming man like Vincent. But the man sitting across from her wasn’t fazed. “No need to be so formal, Lexy. Parang hindi naman tayo engage,” sabi ni Vincent na nakangiti. “I’m your fiancé, remember?” Napasimangot siya sa huling sinabi nito. Sa totoo lang, sa una hindi niya talaga maintindihan kung bakit pilit siyang kinukulit ni Vincent. But she had a pretty good guess—lalo na nang makita niya kung gaano kabilis pumayag ang tiyuhin niya sa kasunduang ipagkasundo siya kay Vincent. Hindi naman mahirap intindihin. Magkakuntyaba ang dalawang Hudas. Bastards always recognize their own kind, malamig niyang sabi sa isip. “Marami pa akong kailangan gawin, Mr. Vandolf. Kaya mauuna na—” “One glass,” he interrupted. Tumaas ang kilay ni Lexy. Halatang hindi niya maintindihan ang ibig sabihin ni Vincent. Ngumiti si Vincent at agad nagpaliwanag. “Isang basong wine lang. Iyon lang ang hinihingi ko. Puwede ba?” “Like I said, may—” “Please?” putol niya ulit. Napabuntong-hininga si Lexy. “Fine. Akin na.” Agad nagsenyas si Vincent sa waiter na nakapwesto sa likuran ni Lexy. Lumapit ito at marahang ibinuhos ang wine sa dalawang baso. Pagkabuhos, walang pag-aalinlangang kinuha ni Lexy ang isang baso at diretsong ininom ang laman nito. “Ininom ko na. Happy?” aniya, sabay lapag ng baso sa mesa. Ngumiti si Vincent habang pinapanood siyang ubusin ang bawat patak. Ngunit ang ngiting iyon ay hindi simpleng kasiyahan—ito’y puno ng kalkulasyon at balak. “Oo naman,” sagot niya, nananatiling nakangiti. Tumayo si Lexy at hindi na nag-abalang magpaalam. Wala rin naman siyang dahilan para gawin iyon—lalo na’t hindi niya gusto ang lalaking kaharap. Mula pa kanina, may kung anong kutob na siya na hindi mapagkakatiwalaan si Vincent Vandolf. Tahimik siyang pinanood ni Vincent habang papalayo. Nang tuluyan na itong mawala sa kanyang paningin, bahagya siyang kumilos at sinenyasan ang mga tauhan niyang kanina pa nagtatago. Isa-isa silang lumapit. “Sir?” “Sundan ninyo ang babaeng kasama ko kanina,” malamig na utos niya. Iniabot niya ang isang itim na key card. “Pagkatapos ninyong mahuli si Lexy, dalhin niyo siya agad sa kuwartong ’to.” “Masusunod!” Pagkayuko, mabilis na lumabas ng restaurant ang mga tauhan upang hanapin si Lexy. Sa kasalukuyan, hindi na malaman ni Lexy kung nasaan siya. Anong floor, anong bahagi ng hotel, o kung paano siya napunta roon—lahat ay tila magulo sa kanyang isipan. Mabigat ang kanyang katawan. Nahihilo. Halos hindi maigalaw nang maayos. Pinilit niyang maglakad, halos kaladkarin ang sarili palayo—umaasang makakaiwas sa mga tauhan ni Vincent. Hingal na hingal at nanghihina, napasandal siya sa isang pintuan. Sa natitirang lakas, mariin niya itong kinatok—sunod-sunod, walang tigil. “May tao ba sa loob!?” mahina ngunit desperado niyang sigaw. "Kung mayroon man, pakiusap, buksan niyo yung pinto!" Inulit niya ang pagkatok, mas malakas, mas padalos-dalos—umaasang may sasagot sa kabilang panig. Mas nilakasan niya pa ang pagkatok. Naging paghampas na halos dahil sa taranta niya nang marinig niya ang papalapit na mga hakbang—mabibigat, mabilis, at malinaw na papalapit sa kinaroroonan niya. Ang mga taong tumatakbo ay ang mga tauhan ni Vincent na kanina pa siya hinahanap. Kung saan-saan na sila nagpunta—sa bawat sulok ng hotel, sa bawat corridor, sa bawat floor—pero hindi pa rin nila makita si Lexy. Kaya ngayon ay halos magmadali na sila sa takbo dahil kanina pa naghihintay sa kanila si Vincent na galit na galit sa telepono at pinagmumura silang lahat. "Ano bang ginagawa ninyo at wala pa rin si Lexy sa kwarto ko?!" galit na singhal ni Vincent sa telepono. "Pasensiya na, sir. Hinanap na namin siya sa kung saan-saan pero—" "Puro ka palusot!" sigaw niya. "Bilisan ninyo at hanapin ninyo si Lexy! Or else, you'll all be dead before sunrise!" Pagkatapos noon ay agad niyang pinatay ang telepono. Pinagpawisan ng malamig ang mga tauhan at aligagang nagmadali para hanapin si Lexy. Wala na silang pakialam kung anong gagawin ng amo nila sa babae—ang mahalaga ay mailigtas nila ang mga sarili nila. Halos nanghihina na si Lexy. Unti-unti nang nagdidilim ang paningin niya. Pahina na rin nang pahina ang pagkatok niya sa pinto, at sa huling hampas niya, bigla na lamang itong bumukas. Dahil sa lakas na ibinuhos niya—at sa panghihina ng katawan—pabagsak na sana siya sa matigas na sahig nang may sumalo sa kanya. Napasinghap si Lexy. Matibay ang brasong humawak sa kanya, mariin pero hindi masakit.“Da-Dad, anong ibig mong sabihin?” kinakabahang tanong ni Danilo. “Na-disappoint mo na ako noon, inulit mo na naman ngayon. Hanggang kailan ka ba gagawa ng pagkakamali?’’ malamig na sabi ni Romano, mariing nakatitig sa kanyang panganay na anak. Napakuyom ang kamay ni Danilo na nakapatong sa kanyang hita. “I got it all under control, Dad. May solusyon na ko para linisin ang pangalan ko at—” Hindi na nagawang tapusin ni Danilo ang sasabihin niya nang sumabat si Romano. “Hulaan ko, ang naisip mong plano ay bawiin ni Larson ang sinabi niya sa mga pulis habang kinekwestyon sila ni Lexy?” aniya, habang tumatagal ay mas lalong tumatalim ang mga salitang sinasabi. Truthfully, Romano hit the nail on the head. Ganoon pa man, patuloy pa din na nangatwiran si Danilo sa kanyang ama. “Oo. Kung babawiin ni Larson ang mga sinabi niya at baguhin ang kwento, mawawala na ang—” “Hangal!” putol muli ni Romano. Sa pagkakataong ito, nag-iba na ang ekspresyon ng mukha ng matanda. Madilim at puno ng pa
Sariwa ang hanging tumatama sa mukha ni Romano. Tamang-tama lamang ang init ng sikat ng araw na humahaplos sa kanyang balat kaya naroon siya sa patio ng mga oras na ‘yon.Habang pinagmamasdan ang magandang tanawin ng kalikasan na siyang napapaligiran ang mansyon, narinig niya ang isang pamilyar na boses na siyang dahilan para mapalingon siya.‘’Lolo.’’Dahan-dahan siyang umikot, sinipat kung tama nga ang hula niya sa taong tumawag sa kanya.Akma niyang iuumang ang kanyang bibig para magsalita nang makita ang isa pang pamilyar na mukha na ayaw niya makita nang araw na ‘yon pero dahil inutusan niya si Borge na dalhin ang anak niya sa mansyon ay hindi na lamang niya tinuloy ang nais niyang sabihin.Nanatiling tahimik si Romano at naglakad palapit sa isang bilugang rattan chair. Kumportableng naupo si Romano.Muling tumikhim sa hawak na wine glass si Romano, sa sandali maubos niya ang laman ng baso ay nakatayo na sa harapan niya sina Lexy at Danilo.Parehong tahimik ang dalawa pero bakas
“Lexy!”Nanatiling nakakunot ang noo ni Lexy. Halata sa mukha niya ang pagkairita habang patuloy na tumataas ang boses ni Danilo.“Mas importante pa ba ang assistant mo kaysa sa ’kin na Tiyuhin mo?! Lexy, gusto kong tawagan mo ngayon si Larson at sabihing gumawa siya ng paraan para linisin ang pangalan ko—”“Sa tingin mo ba gano’n lang kadali gawin ’yon, Tito Dani?” putol niya.“Ang kailangan lang naman niyang gawin ay bawiin ang sinabi niya at idiin lahat kay Arnold.”Bahagyang natawa si Lexy. “Sabihin nga nating ginawa ni Kuya Lars ang gusto mo at naialis ka niya sa pagkakasangkot mo kay Arnold Oscor…” bahagya siyang lumapit at tinitigan ang Tiyuhin. “Paano naman ang kredibilidad ni Kuya Lars bilang abogado? Ano na lang ang iisipin at sasabihin ng iba sa kanya kapag ginawa niya ang gusto mo, Tito?”“Wala akong pakialam! Ang importante dito ay ang reputasyon ko!” galit na sigaw ni Danilo.At that moment, Lexy finally snapped.She slammed her hand against the desk as she stood up. Her
‘’President Black, may nangyari!’’Nag-angat ng tingin si Lexy, tahimik na nakatitig sa mukha ng sekretarya. Inaabangan kung anong masamang balita ang sasabihin nito.“Tumawag sa ‘kin ang kakilala ko ngayun-ngayon lang at sinabing namatay ang dagang pinag-eksperimentuhan nila ng—”“Seriously, Raika? Dahil lang sa daga nagkakaganyan ka na?” nakasimangot na saad ni Lexy, hindi makapaniwala na inabala siya ng nito dahil lang sa maliit na bagay.“Just let me finish what I have to say first, okay?!” Raika said, a bit of annoyance in her tone when Lexy interrupted her earlier.Napapisil na lamang ng sentido si Lexy habang iniiling ang kanyang ulo. “Fine.”“Ibinalita sa ‘kin ng kakilala ko na bigla na lamang namatay ang dagang pinainom nila ng gamot na pinapa-check mo. Pagkatapos pakainin ay maligalig at nagtatalong pa yung daga hanggang sa bigla na lang bumagsak ang daga at namatay,” paliwanag ni Raika.Biglang sumeryoso ang mukha ni Lexy. Hindi siya agad nagsalita matapos marinig ang sinab












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ulasan-ulasanLebih banyak