LOGINSa Valcressia International Airport…
Pagkalagpas sa security check, mabilis ang hakbang ni Lexy, habang agad na sumusunod sa kanya si Raika palabas ng airport papunta sa parking lot, kung saan naghihintay ang sasakyang susundo sa kanila. Pagkasakay nila sa kotse, agad itong pinaandar ng drayber patungo sa Valcressia Hope Hospital. Pagdating, mabilis na bumaba si Lexy, kasunod si Raika. Nagmadali silang pumasok, mas bumibilis ang hakbang ni Lexy habang tinutungo ang private ward. Pagdating doon, agad niyang itinulak ang pinto. Walang tao sa loob. Nagkalat ang pagkain at mga plato sa sahig, at nanunuot ang amoy ng suka sa hangin. Biglang kumabog ang dibdib niya. Inikot ni Lexy ang paningin sa buong kwarto hanggang sa bumukas ang pinto ng banyo. Agad siyang napalingon at lumapit sa lumabas. “Ate Lexy?!” gulat na sambit ni Lilian. Hindi sumagot si Lexy. Agad niyang binuhat si Lilian—bridal style—at dinala sa kama. Maingat niya itong ibinaba. Naroon ang assistant niyang si Raika at ang personal maid ni Lilian na si July, na agad naglinis at nag-spray ng air freshener para mawala ang amoy. “July, bakit ganito rito? Ang gulo ng ward pagdating namin,” nag-aalalang tanong ni Lexy. Yumuko si July bago sumagot. “Pasensya na, President Black. Nalamigan ang sikmura ni Miss Lilian. Bigla siyang sumuka. Nataranta ako at inuna ko siyang dalhin sa banyo…” Iniangat ni Lexy ang kamay niya, pinapatigil si July. “Okay. Naiintindihan ko na,” mahinahon niyang sabi. Lumingon siya kay Lilian at maingat itong kinumutan. “Maayos na ba ang pakiramdam mo?” malumanay niyang tanong. “Ayos na ang pakiramdam ko, Ate. Nga pala, bakit ang bilis mo namang nakabalik? Hindi ba sabi mo may pupuntahan kang business summit at mag-i-stay ng apat na araw abroad?” tanong ni Lilian, halatang nagtataka. Hinaplos niya ang buhok ng kanyang nakababatang kapatid. “I was worried you might feel lonely kung magtatagal pa ako sa ibang bansa,” sagot niya. Napangiti si Lilian. Ramdam niya ang pag-aalala ng kanyang nakatatandang kapatid. “Ayos lang naman ako, Ate. Naiintindihan ko naman na busy ka,” sabi niya. Bahagyang ngumiti si Lexy. Nagpatuloy ang kanilang mainit na pag-uusap hanggang sa makaramdam ng antok si Lilian. Nang tuluyan itong makatulog, maingat siyang kinumutan ni Lexy bago tahimik na lumabas ng ward. Lumapit siya kay July. “Ano’ng nangyari kay Lilian?” seryoso niyang tanong. Agad na lumapit si July. Kahit kinakabahan sa mabigat na ekspresyon ni Lexy, naglakas-loob siyang hawakan ang kamay nito. “President Black! Alam kong busy ka at marami kang ginagawa, pero nag-alala ako kay Miss Lilian nang bigla na lang siyang mahirapang huminga. Tumawag agad ako ng assistance kaya mabilis na rumesponde ang mga doktor at nurse. Pero hindi na kinaya ni Miss Lilian at kalaunan ay hinimatay siya,” paliwanag ni July. Tahimik na nakinig si Lexy, hinahayaan si July na hawakan ang kanyang kamay. Unti-unting nagdilim ang kanyang mukha sa mga sumunod na sinabi nito. “Sinabi ng doktor na habang tumatagal ay lalong humihina ang puso ni Miss Lilian. Kailangan na niya ng heart transplant sa lalong madaling panahon. Kung hindi… baka hindi na siya magising sa susunod na himatayin siya,” dagdag ni July. “Kaya tinawagan kita, President Black.” Huminga nang malalim si Lexy bago nagsalita. “Ayos lang, July. Bantayan mo si Lilian para sa 'kin,” mariin niyang sabi. “As for her heart transplant… gagamitin ko ang mga koneksyon ko para mapabilis ang paghahanap ng donor.” Halos maluha si July sa narinig. “Maraming salamat, President Black,” sabi niya bago binitawan ang kamay ni Lexy at yumuko. Pagkatapos ay pumasok muli sa ward upang bantayan si Lilian. Matapos ang usapan, naglakad palabas ng ospital sina Lexy at Raika. Habang papalabas, nagsalita si Raika. “President Black, sisimulan ko na ang pagtatanong sa mga transplant center at organ donation network para makahanap ng compatible na puso para kay Miss Lilian.” “Sige,” sagot ni Lexy, bahagyang tumango. “Subukan mo na rin maghanap sa black market organ trade. Baka may mahanap ka do’n.” Tumango si Raika at sumunod sa kanya palabas. Paglabas nila, naghihintay na ang drayber at nakaparada ang sasakyan sa labas ng ospital. Pumasok sila sa backseat, at isinara ni Raika ang pinto. Agad pinaandar ng drayber ang kotse. “Rey, sa opisina tayo,” utos ni Lexy. Sumulyap si Rey sa rearview mirror. “Masusunod, President Black.” Lumipat ang tingin ni Lexy kay Raika na abala sa cellphone nito. “Raika, asikasuhin mo ang—” Naputol ang sasabihin niya nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Agad niya itong inilabas at sinilip ang screen. Kumunot ang kanyang noo nang makita kung sino ang tumatawag. “Tito Danilo,” saad niya pagkadikit ng cellphone sa kanyang tainga. ''Lexy! Ang pinakamamahal kong pamangkin!'' masayang bungad ng tiyuhin mula sa kabilang linya. ''Balita ko may nangyari kay Lilian. Kamusta na siya?'' Hearing her uncle’s question, agad siyang napaisip. Mukhang alam na ng matandang tuso na nakabalik na siya sa bansa. ''Ayos na siya, Tito,'' kalmadong sagot niya. ''Ganoon ba,'' sabi ni Danilo. ''Good that she's fine. By the way, sinabi sa 'kin ni Vincent na bumalik ka ng bansa nang hindi man lang ipinapaalam sa kanya. Lexy, he's your fiancé. You should have informed him. Tumawag kasi siya sa 'kin kanina at sinabi niyang nag-aalala siya sa 'yo dahil hindi mo man lang ipinaalam na nakabalik ka na. Sobrang concern siya sa 'yo.'' Sa pagbanggit pa lamang ng pangalan ng lalaking kinaiinisan niya, agad na kumunot ang noo ni Lexy. Lalong tumindi ang inis na naramdaman niya. Concern? Concern my a**,* she thought angrily. Sa kabila ng pagkairita, nanatili siyang kalmado. ''Pinaliwanag ko na kay Vincent na busy ako. Alam na niya 'yon. So—'' Hindi niya natapos ang sasabihin nang marinig ang mabigat na buntong-hininga ng tiyuhin. ''Lexy, pumunta ka ngayon sa bahay. I know you're a busy woman, pero gusto kong pumunta ka ngayon para pag-usapan ang tungkol sa inyo ni Vincent.'' ''But Uncle Dan, I—'' ''Just come,'' putol nito. ''Narito si Vincent sa bahay. Kasama namin pati ang dad mo.'' Agad nitong pinatay ang tawag, na para bang sinadya upang hindi siya makatanggi. Tinitigan ni Lexy ang cellphone sa kanyang kamay bago siya napaismid. ''Ang t*r*nt*dong matandang 'yon. Alam na ngang busy ako, papupuntahin pa ako sa bahay nila para lang pag-usapan ang tungkol sa 'min ni Vincent,'' galit niyang saad. Tahimik na nakinig si Raika sa buong usapan bago nagsalita. ''Sigurado akong mangungulit na naman ang matandang 'yon na magpakasal na kayo ni Mr. Vandolf,'' komento niya. ''Ano pa nga ba?'' inis na tugon ni Lexy. Lumipat ang tingin niya sa drayber. ''Rey, sa mansyon ni Tito Danilo.'' Tumango si Rey at agad na sinunod ang utos.Sabay na napaabante ang katawan ng tatlo—si Lexy, Raika at Rei—nang bumangga ng malakas ang kotseng lulan sila sa sandaling bumangga ito sa sasakyan na sakay si Samuel at Dexter.Ilang segundo lang ay pinaharurot ni Dexter ang sasakyan nila na para bang wala lang ang ginawa niya.Seeing the car ahead speeding away, Rey was left stunned for seconds before he stumps on the gas pedal making the car speed away in full throttle.He was freaking mad at what Dexter did earlier so he was determined to catch up.Muling naghabulan sa kalsada ang dalawang sasakyan. Pero sa pagkakataong ito ay magkatabing nagsasalpukan, nagbubungguan at nagkikiskisan ang gilid ng mga sasakyan.Wala ni isa kay Rey at Dexter ang nagpapatinag.Tahimik na pinanood ni Lexy ang palitan ng dalawa hanggang sa napaisip siya na baka hindi na nila makuha ang kalaban na dala ni Samuel.The assailant might get killed in the process, she thought to herself. Guess I have to retrieve it myself.Napabuntong-hininga si Lexy. Ibina
Tumaas ang kilay ni Lexy, medyo nagtataka sa sinabi ng lalaki. “What do you me—Aghhh!”Walang kamalay-malay si Lexy na bigla na lamang siyang sisipain ni Samuel sa tiyan dahilan para tumalsik siya ng ilang hakbang bago bumagsak sa matigas na sahig.Pagbagsak sa sahig ay umikot ang paningin niya matapos tumama ang ulo niya sa sahig. Dahil sa lakas ng pagkakasipa sa kanya ni Samuel ay bigla niyang naramdaman ang pagkirot ng kanyang ulo at pagbaliktad ng kanyang sikmura.Nag-angat siya ng katawan at doon na lumabas ang lahat ng kinain niya kanina bago sila magpunta ng warehouse ni Raika.“Blekhh!”Napaubo siya ng ilang beses, napadura ng laway. Humihingal na para bang tumakbo siya ng malayo.Dahan-dahan siyang tumayo at lumingon, pero sa sandaling hanapin niya si Samuel ay wala na ito sa harapan niya.Napapadyak sa sobrang inis. “Ang walang hiyang ‘yon!” galit niyang sigaw.Kahit iniinda pa ang sakit ng sikmura ay parang nagkaroon ng kakaibang lakas si Lexy na tiisin ang sakit. Mabilis n
Hindi na siya nakipagtalo o ano kay Samuel at hinayaan na lamang ang lalaki matapos magsabi ng ‘okay.’Lumuhod si Samuel, tsaka inabot ang maskara at agad itong tinanggal.Sa sandaling maalis ang maskara ay sabay na namilog ang mga mata ni Samuel at Lexy nang masilayan ang mukha ng kalaban.Hindi nila inaasahan pareho na ang mukha sa likod ng maskara na inakala nila’y maari nilang malaman ang pagkakakilanlan kung sakaling ipakita nila o ipahanap ang anumang impormasyong makakalap tungkol sa kalaban ay hindi pala magiging madali dahil ang tao sa likod ng maskara ay puno ng burnmarks ang mukha.Sunog ang buong mukha ng taong nasa likod ng maskara.“What the actual f*ck?” Lexy said, her brow raised as she stared down at the unconscious assailant.Hindi gaya ni Lexy, hindi nag-react ng kung ano si Samuel. Bagkus, sinubukan nitong alamin ang kahit anong pwedeng gamitin para malaman ang pagkakakilanlan nito.Kinapkapan at hinalungkat ang bawat bulsang makikita ni Samuel. Pinanood lamang ni
“Ahhhh!”Hindi inaasahan na ibabato mismo ng kalaban sa mukha ni Lexy ang isang smoke bomb.Agad na naglabas ng makapal na usok ang isang maliit na bilog na smoke bomb.Nabalot ng makapal na usok ang buong warehouse dahil lang isa, hindi lang dalawa, kundi tatlong smoke bomb ang inilabas ng kalaban.Mabilis na pinunasan ni Lexy ang kanyang mukha gamit ng damit na suot niya.Nang medyo nakakaaninag na ay doon na siya naalarma nang makitang napapaligiran siya ng napakakapal na usok.“Kung ganito kakapal ang usok. Hindi kaya…” bulong niya.May bigla siyang naisip.Hindi lang sinusubukan ng kalaban niya kanina na tumakas, balak din nitong itakas pati ang mga kasama nito para walang makaaalam ng kanilang pagkakakilanlan.Dahil sa naisip na ito, umikot ang mga mata niya. Sinusubukan na maaninag o humanap ng anino ng isang tao, ang anino ng mga kalaban.Ilang segundo ang lumipas nang makakita siya ng dalawang aninong nakatayo, ilang hakbang lang mula sa kanya.Hindi na siya nagdalawang-isip
Amidst the relentless firing, Samuel took out another small knife from his suit pocket and threw it straight to the assailant’s direction.Kasabay ng pagbato ng patalim ni Samuel ay ang pagputok muli ng baril ng kalaban. Sabay na nasa ere ang bala ng baril at ang patalim. Mabilis itong papalapit sa bawat direksyon ng target.Tinamaan sa balikat si Samuel, habang ang patalim naman ay tumagos sa manipis na cloak na suot ng kalaban at bumaon sa tiyan nito.Sabay na napaigtad ang dalawa sa sugat na natamo pero wala sa kanila ang bumagsak sa sahig, muntik lamang mawalan ng balanse.Saglit na sinulyapan ni Lexy ang sugat ni Samuel bago siya mabilis na tumakbo papalapit sa kalaban. Kasabay ng pagtakbo niya ang pagtanggal sa suot niyang mga black stilettos. Ibinato niya ang may sirang takong habang ang isa ay mahigpit niyang hinawakan at akmang ihahampas ito habang distracted ang kalaban sa inindang tama.Sa sandaling naihampas niyang kanyang sapatos ay napansin ito ng kalaban at mabilis na u
While Lexy was busy shielding herself, fighting strength with the person trying to cut her face and arm. One of the assailant’s attacked from behind her, one of them tried to get close and tried to approach with a rope.Nang maramdamang may panganib mula sa likuran, lumingon siya ng kaunti at napansin ang papalapit na taong may hawak ng lubid. Napangisi siya nang maisip kung anong balak na gawin sa kanya. Balak ng ikatlong aatake sa kanya na sakalin siya gamit ng makapal na lubig.Hindi siya agad kumilos. Hinintay niya na makalapit ng husto ang aatake sa kanya sa likod bago niya iangat muli ang isang binti para sipain ito.Mabilis na iniangat ni Lexy ang kanyang binti at tumama ang takong ng sapatos niya sa baba ng tangkang umatake.‘’Aghhh!’’ napahiyaw ang umatake sa pagsipang iyon ni Lexy.Sa lakas ng pagkakatama ng takong ni Lexy ay agad na tumulo ang dugo sa baba ng umatake. Nabitawan nito ang hawak na tali at mas ininda ang dumudugong baba.Nang makitang napapahiyaw sa sakit ang
The moment she felt the stranger’s cold skin, she immediately snuggled into his arms. Wala nang pakialam si Lexy kung sino man ang taong sumalo at kayakap niya ngayon. Ang mahalaga ay nahanap niya ang relief na kanina pa niya hinahanap. Napansin niyang itinutulak siya palayo ng estranghero, pero
Hindi na alam ni Lexy kung saang direksyon siya papunta dahil sa matinding sakit ng ulo. Nahihilo siya, at pakiramdam niya ay may pumupukpok sa kanyang ulo. Noong una ay hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang nararamdaman niya hanggang sa napaisip siya sa kung anong kinonsumo niya kanina
Pagkasakay ng kotse, mabilis na pinaandar ni Rey ang sasakyan. Nilabas ni Lexy ang cellphone niya at tinawagan si Raika. Ilang segundo pa lang itong nagri-ring nang agad itong sinagot. “President Black?” “Ang galing ng timing mo, ah?” nakangising sabi ni Lexy. Sa kabilang linya, narinig niy
Bumaba ng sasakyan si Lexy. Hindi na siya nagpasama kay Raika kahit nag-insist itong samahan siya, at sinabihan na lang niya itong dumiretso sa opisina. Pababa na sana ng kotse si Raika. “Pero, President—” “Basta sundin mo na lang ang sinasabi ko sa ’yo. Mauna ka na sa opisina at asikasuhin ang







