共有

Chapter 3: Closer

作者: AISOLEREN WP
last update 公開日: 2026-07-07 03:24:30

POV: Francesca Louise Aragon

Hindi ako agad nakagalaw matapos siyang umalis. Para bang naiwan ang buong katawan ko sa kinatatayuan habang unti-unting humuhupa ang ingay sa paligid. Hindi ko maipaliwanag ang bigat na bumalot sa dibdib ko. Isang simpleng pagtatagpo lang iyon, pero bakit parang may iniwang bakas ang presensya niya? Hindi ko man lang alam ang pangalan niya, ngunit sapat ang malamig niyang titig upang guluhin ang isip ko. Napakurap ako at marahang napabuntong-hininga. Pilit kong inalog ang ulo ko, ipinapaalala sa sariling wala akong dahilan para isipin ang isang estrangherong malamang ay hindi ko na muling makikita.

Naiwan akong nakasandal sa pader, habol ang hininga habang parang dumadagundong ang tibok ng puso ko sa dibdib.

Ano iyon?

At bakit ganoon ang epekto niya sa akin?

Hindi ko maipaliwanag. Isang saglit lang kaming nagkatitigan, pero parang may kung anong bumaligtad sa loob ko. Hindi iyon kilig. Hindi rin simpleng takot. Isa iyong kakaibang bigat na dumapo sa dibdib ko, na tila may tahimik na babala ang bawat segundo ng aming pagkakaharap. Gusto kong lumayo, pero may bahagi ng isip kong pilit bumabalik sa malamig niyang mga mata. Para bang may lihim siyang hindi binabanggit, at sa hindi ko maunawaang dahilan, ako ang pakiramdam kong hinahanap ng katahimikang iyon.

Hindi ko maintindihan.

Hindi ko maintindihan kung bakit sa simpleng tingin niya pa lang ay parang nawawala ang lakas ko.

Mahigpit kong hinawakan ang sarili kong braso, tila doon ko hinahanap ang natitirang lakas ng loob. Hindi ko maipaliwanag ang biglang panlalamig ng katawan ko. Para bang may hindi nakikitang panganib na unti-unting lumalapit, at ang bawat tibok ng puso ko ay tahimik na nagbababala na hindi na magiging pareho ang gabing ito.

Kailangan kong kumalma. Paulit-ulit kong iyon ang ibinubulong sa sarili, ngunit taliwas doon ang dibdib kong halos mabasag sa lakas ng kabog. Pinilit kong huminga nang malalim, ngunit bawat paghinga ay tila lalo lamang nagpapabigat sa kaba. May kung anong hindi maipaliwanag na takot na unti-unting bumabalot sa akin.

Hindi ito tama. napapaisip ako kong ano kaya iniisip niya? sa katulad ko? ayokong nakaramdam nang hustisiya sa pag-tingin niya sa akin dahil lang sa hindi kami mayaman, siguro naamoy niyang mahirap ako.

Hindi ko siya kilala.

At malinaw ang babala ni Angelica kaya dapat sundin. tama naman siya hindi ko siya kilala baka mapag-tripan ako dito.

Lumayo ka kay Severino.

Pero paano?

Kung siya mismo ang lumalapit?

Mabilis akong pumasok sa kwartong tinutuluyan ko at isinara ang pinto. Sumandal ako roon at pumikit.

Pero kahit anong pilit kong alisin siya sa isip ko—

bumabalik pa rin ang malamig niyang tingin. may problema ba sa akin? siraulo rin talaga 'yon. sa bagay wala talaga silang gusto sa ganitong mukha ko at pati 'yong buhay ko hindi katulad nila mayaman na, ako kailangan pa nang I scholarship para lang makapag-aral lang.

Ang mababa niyang boses.

At ang mga salitang sinabi niya.

"Once I want something... I don’t let it go."

Napailing ako.

Mayabang. base sa nakita ko Iyon agad ang unang salitang pumasok sa isip ko habang nakatingin sa kaniya. Hindi pa man siya nagsasalita, ramdam ko na ang kapal ng kumpiyansa sa bawat kilos niya. Para bang sanay siyang sundin at katakutan. At sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, lalo lang niya akong naiinis.

Arrogante. isa salitang sumagi sa isip ko habang nakatitig sa kaniya. Hindi siya nagsalita, ngunit sapat na ang malamig niyang tingin upang iparamdam na sanay siyang masunod. Nakakainis. Nakakabuwisit. At higit sa lahat, ayokong amining may kakaibang presensiya siyang hindi ko basta maipagsawalang-bahala.

Naalala ko nga pala hindi nga pala kami bata, iba na talaga ngayon kahit meron kang gusto hindi mo agad magagawa.

Feel siguro nang severino na 'to, type ko siya. sige mag-ganyan ka sa akin. makaranas ka nang ayaw kitang makita tulad nang boyfriend dati. nabwibwisit na ako ingay nang Mapanganib.

M.A.P.A.N.G.A.N.I.B

Oo na! nang-aasar, napa-irap ako.

At dapat ko siyang iwasan.

Kinabukasan, maaga akong nagising.

Halos hindi ako nakatulog.

Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang nangyari kagabi.

Pagdating ko sa campus, mas lalo akong naging abala sa orientation.

Nagpakilala ang professors.

Ipinakita ang mga classrooms.

At ipinaliwanag ang mga rules.

Pililit kong ituon ang isip ko sa dahilan kung bakit ako narito.

Pag-aaral.

Pangarap.

Kinabukasan.

Hindi isang lalaking kakakilala ko lang.

“Francesca.”

Napalingon ako.

Si Angelica.

May dala siyang iced coffee habang nakangiti.

“Okay ka lang?”

Tumango ako.

“Okay lang.”

Tinitigan niya ako.

Parang hindi kumbinsido.

“About last night…”

Napahinto ako.

“Ano?”

Huminga siya nang malalim.

“Pasensya na kung hindi ko agad naipaliwanag.”

Napakunot-noo ako.

“Who is he?”

Sandali siyang natahimik.

Parang nag-iingat.

“Matagal ko nang kilala si Severino. Bata pa lang kami.”

“Magkaibigan kayo?”

Tumawa siya nang bahagya.

“Something like that.”

Hindi ko alam kung bakit, pero parang may itinatago siya.

“At bakit parang takot ka sa kaniya?”

Biglang nagseryoso ang mukha niya.

“Kasi alam ko kung ano ang kaya niyang gawin.”

Napatahimik ako.

“Ano ba talaga siya?”

Tumingin siya sa paligid bago lumapit sa akin.

“Mas mabuting huwag mo nang alamin.”

Lalo akong nainis.

“Lagi mo na lang sinasabi ‘yan.”

“Because I’m protecting you.”

Napailing ako.

“From what?”

Bago pa siya makasagot, biglang may humintong itim na mamahaling sasakyan sa harap ng campus.

Agad na tumahimik ang paligid.

Parang may kakaibang presensya.

Napatingin ang lahat.

At doon ko siya muling nakita.

Severino.

Bumaba siya mula sa kotse, suot ang itim na polo at halatang bagong dating.

Maraming napatingin.

Maraming napabulong.

At kahit malayo siya—

ramdam ko agad ang titig niya.

Diretso sa akin.

Nanlamig ako.

“Bakit nandito siya?” bulong ko.

Mahigpit ang hawak ni Angelica sa braso ko.

“Shit.”

Naglakad siya papalapit.

Kalma.

Mabagal.

Parang alam niyang walang makakaharang sa kaniya.

Tumigil siya sa harap namin.

“Good morning.”

Malamig ang boses.

Pero sa akin lang siya nakatingin.

“Severino,” matigas na sabi ni Angelica.

Hindi siya pinansin nito.

“Francesca.”

Parang kakaiba ang tunog ng pangalan ko sa bibig niya.

“Ano’ng ginagawa mo rito?” tanong ko.

Bahagya siyang ngumiti.

“Visiting.”

“School ito.”

“And?”

Nainis ako.

Napaka-confident niya.

Napaka-imposible.

“Wala ka bang ibang ginagawa?”

Tumaas ang kilay niya.

“Meron.”

“Like what?”

Lumapit siya nang bahagya.

“Thinking about you.”

Nanlaki ang mga mata ko.

Samantalang si Angelica ay agad sumingit.

“Enough.”

Ngumiti si Severino.

Parang natutuwa.

Pero hindi maalis ang tingin niya sa akin.

“At sinabi ko na sa’yo,” sabi ni Angelica. “Lumayo ka sa kaniya.”

Biglang nagbago ang ekspresyon ni Severino.

Mas malamig.

Mas seryoso.

“Hindi mo ako inuutosan.”

Tahimik ang paligid.

Ramdam ko ang tensyon sa pagitan nila.

Parang may mas malalim silang koneksyon na hindi ko alam.

At mas lalong lumakas ang curiosity ko.

Sino ba talaga siya?

At bakit parang lahat ay umiikot sa kaniya?

Bago siya tuluyang umalis, muli niya akong tiningnan.

“At ikaw…”

Napahinto ako.

“Stop running.”

Pagkasabi no’n, sumakay siya ulit sa kotse at umalis.

Naiwan akong tulala.

Naguguluhan.

At mas lalong nahihila papunta sa lalaking dapat kong iwasan.

Pero sa totoo lang…

habang mas marami akong nalalaman tungkol sa kaniya—

mas gusto ko siyang kilalanin nang mabuti.

At doon nagsimula ang pinaka-mapanganib kong pagkakamali.

この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード

最新チャプター

  • Dating the Mafia Lord (Mafia Lords Legacy Series 2)   Chapter 17: The Truth of Montenegro Empire

    POV: Severino Alonzo Montenegro Hindi ko dapat siya dinala roon. Ilang beses ko nang sinabi sa sarili ko iyon habang nakatitig sa madilim na kisame ng penthouse ko. Pero huli na. Nakita na niya. Ang dugo. Ang baril. Ang mga bangkay. At ang totoong ako. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko. Sa unang pagkakataon matapos ang maraming taon— nakaramdam ako ng takot. Hindi dahil sa mga kalaban ko. Hindi dahil sa posibilidad ng digmaan. Kundi dahil kay Francesca. Dahil sa paraan ng pagtingin niya sa akin kagabi. Takot. Pagkasuklam. At sakit. Mas masakit iyon kaysa sa kahit anong bala. Tumayo ako mula sa kama at lumapit sa floor-to-ceiling window. Sa ibaba, buhay ang siyudad. Pero sa mundo ko— walang katahimikan. Hindi kailanman nagkaroon. Bata pa lang ako, dugo na ang bumabalot sa apelyido namin. Ang Montenegro. Isa sa pinakamakapangyarihang pamilya sa underground world. Smuggling. Illegal trades. Weapons. Protection. At dugo. Maraming dugo. Lumaki akong nak

  • Dating the Mafia Lord (Mafia Lords Legacy Series 2)   Chapter 16: Bloodstained

    Hindi na nawala sa isip ko ang mga sinabi ni Severino. There’s no turning back. Paulit-ulit iyong umiikot sa utak ko simula nang ihatid niya ako pabalik sa dorm. Parang babala. Parang paalala. At sa kung anong dahilan, mas lalo lang akong naging curious. Sino ba talaga siya? Ano ba ang tinatago niya? At bakit parang lahat ng tao sa paligid niya ay takot? Kinabukasan, maaga akong nagising. Hindi pa sumisikat nang tuluyan ang araw pero dilat na ako. Hindi dahil may klase. Kundi dahil hindi mapakali ang isip ko. Bigla akong napatingin sa cellphone ko nang mag-vibrate iyon. Severino: Meet me tonight. Maikli. Diretso. Walang paliwanag. Napabuntong-hininga ako. Ganito siya palagi. Parang sanay na masunod. Parang walang tumatanggi sa kaniya. Pero sa kabila ng inis ko— sumagot pa rin ako. Me: Where? Ilang segundo lang, dumating agad ang reply. Severino: I’ll pick you up. Napailing ako. Hindi ko na alam kung bakit hinahayaan ko siyang kontrolin ang oras ko. Pero sa

  • Dating the Mafia Lord (Mafia Lords Legacy Series 2)   Chapter 15: No Escape

    Simula ng gabing iyon sa villa, wala nang naging pareho. Akala ko pagkatapos ng nangyari sa amin ni Severino, magiging malinaw ang lahat. Na baka matauhan ako. Na baka makita ko ang dahilan kung bakit dapat akong lumayo. Pero kabaliktaran ang nangyari. Mas lalo akong nalapit sa kaniya. Mas lalo akong nahulog. At mas lalo kong naramdaman na wala nang paraan para umatras. Tatlong araw na ang lumipas mula noong gabing iyon. Tatlong araw na hindi ako mapakali. Hindi dahil iniwasan niya ako. Kundi dahil mas lalo siyang naging present sa buhay ko. Mga text. Mga tawag. Mga biglaang sundo. Mga simpleng dinner. At mga titig na parang unti-unting sumisira sa katinuan ko. Ngayon, nasa loob ako ng classroom pero wala ang isip ko rito. Paulit-ulit pa ring bumabalik sa akin ang mga kamay niya. Ang mga halik niya. At ang paraan ng pagtitig niya sa akin pagkatapos. “Miss Aragon?” Napapitlag ako. Agad akong napatingin sa professor. “Can you answer the question?” Namula ako. H

  • Dating the Mafia Lord (Mafia Lords Legacy Series 2)   Chapter 14: Bloody Truth

    Hindi ko na mabilang kung ilang araw na akong hindi mapakali. Bawat paggising ko ay may kakaibang kaba na bumabalot sa dibdib ko. Parang may paparating na trahedya, ngunit hindi ko alam kung ano. Habang lumalalim ang mga lihim at unti-unting lumalabas ang katotohanan, mas lalo akong natatakot na baka mawala ang lahat ng pinanghahawakan ko—kasama na ang taong pinakamamahal ko.Mula nang gabing iyon sa villa ni Severino, parang may nagbago sa pagitan namin. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko—parang mas naging malapit kami, ngunit kasabay nito ang pag-usbong ng takot at pagdududa. Sa bawat titig niya, may init na nagpapabilis ng tibok ng puso ko, ngunit sa likod ng mga mata niya ay may lihim na unti-unting sumisira sa katahimikan ko. Unti-unti kong nararamdaman na ang pag-ibig kay Severino ay hindi lamang puno ng saya, kundi pati ng panganib at sakit na maaaring magpabago sa buong buhay ko.Mas naging madalas ang pagpunta niya sa university.Mas naging madalas ang mga tawag niya.

  • Dating the Mafia Lord (Mafia Lords Legacy Series 2)   Chapter 13: Dugong Lihim

    Hindi ko alam kung anong oras ako eksaktong nagising. Napatingin ako sa bintana at napansin kong madilim pa ang paligid. Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa buong silid. Ngunit sa gitna ng katahimikang iyon, mas maingay ang tibok ng puso ko. Hindi maipaliwanag ang bigat ng dibdib ko, na para bang may paparating na panganib. Isang kakaibang kaba ang gumising sa aking isipan, at pakiramdam ko, may lihim na unti-unti nang naghahanap ng paraan upang mabunyag. Ngunit may kakaibang pakiramdam na gumising sa akin. Parang may mali.Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko.Nanlalata ang buong katawan ko habang unti-unting bumabalik ang ulirat. Hindi ko mawari kung bakit may mabigat na kaba sa dibdib ko, na para bang may malaking lihim na naghihintay mabunyag. Habang sinusubukan kong alalahanin ang mga nangyari, mas lalo akong nilamon ng takot, pagkalito, at pangamba. Pakiramdam ko, ang bawat paggising ko ay isang hakbang palapit sa katotohanang maaaring tuluyang magbago sa buhay ko.W

  • Dating the Mafia Lord (Mafia Lords Legacy Series 2)   Chapter 12: Dugong Montenegro

    Maaga akong nagising. napaaga ang tulog ko sa ganda ng paligid at maayos ang tulog, ramdam ko na hindi kulang ang tulog ko.Tahimik ang buong villa. tamang-tama sa gising ko at 'yong umaga ay umaayon sa akin.Tanging tunog ng alon mula sa labas ang maririnig.Sandali akong nanatiling nakahiga, pilit inaalala ang lahat ng nangyari kagabi.At sa bawat alaala—mas lalo akong kinakabahan.Hindi ko alam kung paano haharapin si Severino.Hindi ko alam kung ano na ba kami pagkatapos ng gabing iyon.Dahan-dahan akong bumangon.Ngunit napahinto ako nang mapansin kong wala siya sa tabi ko. May problema siguro siya. siguro ayaw na niya sa akin sa ngayon, nanghinayang ako, wala naman akong magagawa kapag ayaw ko na ipilit pero ramdam ko naman na gusto niya ako. natawa ako nang bahagya dahil sa naisip ko drama pero umilit ako dahil tahimik at masaya, ramdam ko kasi na mahal ako kaya ipaglalaban ko talaga siya. bumalik ako sa realidad at napansin ko. na wala siya.Walang Severino.Walang bakas.Tangi

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status