FAZER LOGINHindi ko maintindihan kung bakit hindi siya tumitigil. Bawat titig niya ay parang mabigat na tanong na hindi ko kayang sagutin. Hindi ko siya kilala, pero kakaiba ang pakiramdam ko—parang may kung anong nagbabala sa dibdib ko na umiwas. Gayunman, hindi ko magawang alisin ang tingin ko sa kaniya.
Tatlong araw na mula nang muli kaming magkita sa campus, pero halos araw-araw ay may paraan si Severino para iparamdam ang presensya niya. Minsan bulaklak. Minsan pagkain. Minsan simpleng note. At sa bawat note, iisang mensahe lang. "Ingat ka palagi." Simple lang ang mga salitang iyon, pero sa bawat pagkakataong nababasa ko, may kung anong init na unti-unting bumabalot sa puso ko—isang pakiramdam na matagal ko nang hindi nararanasan at hindi ko maipaliwanag. Stop running. Nakakainis.Gusto kong magalit, pero hindi ko magawa. Sa kabila ng malamig at magaspang niyang pagtrato, may kung anong pumipigil sa akin na suklian iyon ng poot. Siguro dahil ayokong maging katulad ng mga taong nananakit nang walang dahilan. Mas pipiliin kong manahimik kaysa mawalan ng pagkatao. Nakakagulo. At higit sa lahat... nakakapagpabilis ng tibok ng puso ko. napansin ko nag-slow mo ang lahat dahil sa ginawa niya. hindi pwede ito, ayoko mafall sa ganito niya. Pero pilit ko siyang iniiwasan. Dahil alam kong mali. Dahil alam kong mapanganib siya. At dahil sa bawat babala ni Angelica, mas lalo kong nararamdaman na may kung anong madilim sa likod ng pangalan niya. Gabi na nang matapos ang klase ko. Tahimik ang paligid habang naglalakad ako pauwi sa dorm. Pagod ang katawan ko. At gusto ko na lang humiga. Pero agad akong napahinto nang makita ko ang itim na sasakyan na nakaparada sa tapat ng dorm. Parang nanlamig ang buo kong katawan. Bumukas ang pinto. At bumaba siya. Si Severino. Naka-itim na polo. Nakababa ang manggas. At gaya ng dati— parang pag-aari niya ang buong paligid. “Anong ginagawa mo rito?” tanong ko agad. Ngumiti siya. Mabagal. Parang alam niyang kabado ako. “Waiting.” “Kaninong hinihintay mo?” Tumaas ang kilay niya. “You.” Napabuntong-hininga ako. “Severino, gabi na.” “Exactly.” Napakunot-noo ako. “Ano’ng gusto mo?” Lumapit siya. Hindi masyadong malapit. Pero sapat para maramdaman ko ang init ng katawan niya. “Dinner.” Natawa ako nang bahagya. “Hindi ako sasama.” “Why?” “Dahil ayoko.” Ngumiti siya. Pero parang hindi naniniwala. “Liar.” Nainis ako. “Bakit ba ang hilig mong tawagin akong sinungaling?” “Because your eyes say otherwise.” Nanahimik ako. At nakakainis dahil tama siya. May parte sa akin na curious. May parte sa akin na gustong malaman kung ano ang totoo sa likod ng malamig niyang mga mata. “Isang dinner lang,” sabi niya. “Then after that?” “I’ll take you home.” Tahimik akong tumitig sa kaniya. Dapat tumanggi ako. Dapat pumasok na ako sa dorm. Pero sa hindi ko maintindihang dahilan... tumango ako. At iyon na marahil ang isa sa pinaka-mapanganib kong desisyon. Tahimik ang biyahe. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang siya naman ay seryosong nagmamaneho. Paminsan-minsan ay nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin. At sa tuwing nangyayari iyon, mabilis akong umiiwas. Hanggang sa huminto kami sa harap ng isang mataas na building. Mamahalin. Elegante. At halatang hindi para sa mga tulad ko. “Dito?” Tumango siya. “Come.” Pagpasok namin sa rooftop restaurant, halos mawalan ako ng hininga. Napakaganda. Tanaw ang buong siyudad. Ang mga ilaw sa ibaba ay parang mga bituin. Malamig ang hangin. Tahimik. At parang kami lang ang naroon. “Reserved?” tanong ko. “For us.” Napatingin ako sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit, pero may kakaibang pakiramdam sa dibdib ko. Umupo kami sa harap ng isa’t isa. Tahimik. Masyadong tahimik. Hanggang sa siya ang unang nagsalita. “Hindi ka sanay sa ganito.” Napatingin ako sa paligid. “Halatang-halata ba?” Bahagya siyang ngumiti. “Hindi. Pero halata na hindi ka nagpapanggap.” Napakunot-noo ako. “Masama ba iyon?” “No.” Sandali siyang natahimik. “Refreshing.” Hindi ko inaasahang maririnig iyon mula sa kaniya. Akala ko puro kayabangan lang ang laman niya. “Bakit ako?” tanong ko. Huminto siya. Tumingin sa akin. Diretso. Parang hinahanap ang totoo kong sagot. “Ano’ng ibig mong sabihin?” “Maraming babae diyan. Bakit ako?” Hindi siya agad sumagot. At sa katahimikan, parang mas bumigat ang hangin. “Because you’re different.” Napalunok ako. Simple lang ang sagot. Pero bakit parang may bigat? Dumating ang pagkain. Tahimik kaming kumain. Pero sa bawat sandali, nararamdaman ko ang titig niya. Parang sinusuri niya ako. Parang gusto niyang kilalanin ang bawat parte ko. At nakakabaliw iyon. “Tell me about yourself,” sabi niya. Napataas ang kilay ko. “Interesado ka?” “Very.” Napatawa ako nang bahagya. Kaya ikinuwento ko ang tungkol sa pamilya ko. Sa probinsya. Sa pangarap ko. Sa hirap na pinagdaanan ko. At sa unang pagkakataon... nakita kong tahimik lang siyang nakikinig. Walang interruption. Walang yabang. Parang interesado talaga. At iyon ang unang beses na nakita ko ang ibang side niya. Mas tahimik. Mas kalmado. Mas tao. “At ikaw?” tanong ko. Tumaas ang kilay niya. “Me?” “Oo.” Ngumiti siya nang bahagya. “Not much to tell.” “Hindi puwede iyon.” Bahagya siyang natawa. At doon ako natigilan. Dahil iyon ang unang beses ko siyang makitang ngumiti nang totoo. Hindi malamig. Hindi mapanganib. Kundi... totoo. “Lumaki akong may responsibilidad,” sabi niya. “Marami akong kailangang bantayan.” Napakunot-noo ako. “Family business?” Sandali siyang tumigil. “Something like that.” Ramdam kong may tinatago siya. Pero hindi ko na pinilit. Dahil sa paraan ng pagsasalita niya... parang mabigat iyon. Pagkatapos kumain, lumapit kami sa railings ng rooftop. Tahimik kaming nakatingin sa siyudad. Malamig ang hangin. At ramdam ko ang lapit niya sa tabi ko. Hindi kami magkadikit. Pero sapat para maramdaman ko ang init ng katawan niya. “Masaya ka?” tanong niya. Napatingin ako sa kaniya. “Sa?” “Sa buhay mo.” Napaisip ako. “Hindi pa.” “Why?” “Marami pa akong gustong marating.” Tumango siya. “Good.” “Bakit?” “Because I hate people who settle.” Napangiti ako. At sa pagkakataong iyon... parang hindi ko na siya nakikita bilang delikado. Kundi bilang isang lalaking may bigat sa balikat. May tinatagong sakit. May tinatagong dilim. At gusto ko iyong maintindihan. Unti-unti siyang lumingon sa akin. Nagtagpo ang mga mata namin. At sa unang pagkakataon... hindi ako umiwas. Masyado kaming malapit. Masyadong tahimik. At pakiramdam ko, isang hakbang na lang... may mababago na naman sa pagitan namin. Pero hindi siya lumapit. Hindi niya ako hinawakan. Sa halip, marahan niyang sinabi— “This won’t be our last.” At sa hindi ko maintindihang dahilan... hindi ko iyon kinontra. Dahil alam kong totoo siya. At alam kong sa gabing iyon— mas lalo akong nahulog sa lalaking hindi ko dapat mahalin.POV: Severino Alonzo Montenegro Hindi ko dapat siya dinala roon. Ilang beses ko nang sinabi sa sarili ko iyon habang nakatitig sa madilim na kisame ng penthouse ko. Pero huli na. Nakita na niya. Ang dugo. Ang baril. Ang mga bangkay. At ang totoong ako. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko. Sa unang pagkakataon matapos ang maraming taon— nakaramdam ako ng takot. Hindi dahil sa mga kalaban ko. Hindi dahil sa posibilidad ng digmaan. Kundi dahil kay Francesca. Dahil sa paraan ng pagtingin niya sa akin kagabi. Takot. Pagkasuklam. At sakit. Mas masakit iyon kaysa sa kahit anong bala. Tumayo ako mula sa kama at lumapit sa floor-to-ceiling window. Sa ibaba, buhay ang siyudad. Pero sa mundo ko— walang katahimikan. Hindi kailanman nagkaroon. Bata pa lang ako, dugo na ang bumabalot sa apelyido namin. Ang Montenegro. Isa sa pinakamakapangyarihang pamilya sa underground world. Smuggling. Illegal trades. Weapons. Protection. At dugo. Maraming dugo. Lumaki akong nak
Hindi na nawala sa isip ko ang mga sinabi ni Severino. There’s no turning back. Paulit-ulit iyong umiikot sa utak ko simula nang ihatid niya ako pabalik sa dorm. Parang babala. Parang paalala. At sa kung anong dahilan, mas lalo lang akong naging curious. Sino ba talaga siya? Ano ba ang tinatago niya? At bakit parang lahat ng tao sa paligid niya ay takot? Kinabukasan, maaga akong nagising. Hindi pa sumisikat nang tuluyan ang araw pero dilat na ako. Hindi dahil may klase. Kundi dahil hindi mapakali ang isip ko. Bigla akong napatingin sa cellphone ko nang mag-vibrate iyon. Severino: Meet me tonight. Maikli. Diretso. Walang paliwanag. Napabuntong-hininga ako. Ganito siya palagi. Parang sanay na masunod. Parang walang tumatanggi sa kaniya. Pero sa kabila ng inis ko— sumagot pa rin ako. Me: Where? Ilang segundo lang, dumating agad ang reply. Severino: I’ll pick you up. Napailing ako. Hindi ko na alam kung bakit hinahayaan ko siyang kontrolin ang oras ko. Pero sa
Simula ng gabing iyon sa villa, wala nang naging pareho. Akala ko pagkatapos ng nangyari sa amin ni Severino, magiging malinaw ang lahat. Na baka matauhan ako. Na baka makita ko ang dahilan kung bakit dapat akong lumayo. Pero kabaliktaran ang nangyari. Mas lalo akong nalapit sa kaniya. Mas lalo akong nahulog. At mas lalo kong naramdaman na wala nang paraan para umatras. Tatlong araw na ang lumipas mula noong gabing iyon. Tatlong araw na hindi ako mapakali. Hindi dahil iniwasan niya ako. Kundi dahil mas lalo siyang naging present sa buhay ko. Mga text. Mga tawag. Mga biglaang sundo. Mga simpleng dinner. At mga titig na parang unti-unting sumisira sa katinuan ko. Ngayon, nasa loob ako ng classroom pero wala ang isip ko rito. Paulit-ulit pa ring bumabalik sa akin ang mga kamay niya. Ang mga halik niya. At ang paraan ng pagtitig niya sa akin pagkatapos. “Miss Aragon?” Napapitlag ako. Agad akong napatingin sa professor. “Can you answer the question?” Namula ako. H
Hindi ko na mabilang kung ilang araw na akong hindi mapakali. Bawat paggising ko ay may kakaibang kaba na bumabalot sa dibdib ko. Parang may paparating na trahedya, ngunit hindi ko alam kung ano. Habang lumalalim ang mga lihim at unti-unting lumalabas ang katotohanan, mas lalo akong natatakot na baka mawala ang lahat ng pinanghahawakan ko—kasama na ang taong pinakamamahal ko.Mula nang gabing iyon sa villa ni Severino, parang may nagbago sa pagitan namin. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko—parang mas naging malapit kami, ngunit kasabay nito ang pag-usbong ng takot at pagdududa. Sa bawat titig niya, may init na nagpapabilis ng tibok ng puso ko, ngunit sa likod ng mga mata niya ay may lihim na unti-unting sumisira sa katahimikan ko. Unti-unti kong nararamdaman na ang pag-ibig kay Severino ay hindi lamang puno ng saya, kundi pati ng panganib at sakit na maaaring magpabago sa buong buhay ko.Mas naging madalas ang pagpunta niya sa university.Mas naging madalas ang mga tawag niya.
Hindi ko alam kung anong oras ako eksaktong nagising. Napatingin ako sa bintana at napansin kong madilim pa ang paligid. Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa buong silid. Ngunit sa gitna ng katahimikang iyon, mas maingay ang tibok ng puso ko. Hindi maipaliwanag ang bigat ng dibdib ko, na para bang may paparating na panganib. Isang kakaibang kaba ang gumising sa aking isipan, at pakiramdam ko, may lihim na unti-unti nang naghahanap ng paraan upang mabunyag. Ngunit may kakaibang pakiramdam na gumising sa akin. Parang may mali.Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko.Nanlalata ang buong katawan ko habang unti-unting bumabalik ang ulirat. Hindi ko mawari kung bakit may mabigat na kaba sa dibdib ko, na para bang may malaking lihim na naghihintay mabunyag. Habang sinusubukan kong alalahanin ang mga nangyari, mas lalo akong nilamon ng takot, pagkalito, at pangamba. Pakiramdam ko, ang bawat paggising ko ay isang hakbang palapit sa katotohanang maaaring tuluyang magbago sa buhay ko.W
Maaga akong nagising. napaaga ang tulog ko sa ganda ng paligid at maayos ang tulog, ramdam ko na hindi kulang ang tulog ko.Tahimik ang buong villa. tamang-tama sa gising ko at 'yong umaga ay umaayon sa akin.Tanging tunog ng alon mula sa labas ang maririnig.Sandali akong nanatiling nakahiga, pilit inaalala ang lahat ng nangyari kagabi.At sa bawat alaala—mas lalo akong kinakabahan.Hindi ko alam kung paano haharapin si Severino.Hindi ko alam kung ano na ba kami pagkatapos ng gabing iyon.Dahan-dahan akong bumangon.Ngunit napahinto ako nang mapansin kong wala siya sa tabi ko. May problema siguro siya. siguro ayaw na niya sa akin sa ngayon, nanghinayang ako, wala naman akong magagawa kapag ayaw ko na ipilit pero ramdam ko naman na gusto niya ako. natawa ako nang bahagya dahil sa naisip ko drama pero umilit ako dahil tahimik at masaya, ramdam ko kasi na mahal ako kaya ipaglalaban ko talaga siya. bumalik ako sa realidad at napansin ko. na wala siya.Walang Severino.Walang bakas.Tangi







