MasukPOV: Severino Alonzo Montenegro Hindi ko dapat siya dinala roon. Ilang beses ko nang sinabi sa sarili ko iyon habang nakatitig sa madilim na kisame ng penthouse ko. Pero huli na. Nakita na niya. Ang dugo. Ang baril. Ang mga bangkay. At ang totoong ako. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko. Sa unang pagkakataon matapos ang maraming taon— nakaramdam ako ng takot. Hindi dahil sa mga kalaban ko. Hindi dahil sa posibilidad ng digmaan. Kundi dahil kay Francesca. Dahil sa paraan ng pagtingin niya sa akin kagabi. Takot. Pagkasuklam. At sakit. Mas masakit iyon kaysa sa kahit anong bala. Tumayo ako mula sa kama at lumapit sa floor-to-ceiling window. Sa ibaba, buhay ang siyudad. Pero sa mundo ko— walang katahimikan. Hindi kailanman nagkaroon. Bata pa lang ako, dugo na ang bumabalot sa apelyido namin. Ang Montenegro. Isa sa pinakamakapangyarihang pamilya sa underground world. Smuggling. Illegal trades. Weapons. Protection. At dugo. Maraming dugo. Lumaki akong nak
Hindi na nawala sa isip ko ang mga sinabi ni Severino. There’s no turning back. Paulit-ulit iyong umiikot sa utak ko simula nang ihatid niya ako pabalik sa dorm. Parang babala. Parang paalala. At sa kung anong dahilan, mas lalo lang akong naging curious. Sino ba talaga siya? Ano ba ang tinatago niya? At bakit parang lahat ng tao sa paligid niya ay takot? Kinabukasan, maaga akong nagising. Hindi pa sumisikat nang tuluyan ang araw pero dilat na ako. Hindi dahil may klase. Kundi dahil hindi mapakali ang isip ko. Bigla akong napatingin sa cellphone ko nang mag-vibrate iyon. Severino: Meet me tonight. Maikli. Diretso. Walang paliwanag. Napabuntong-hininga ako. Ganito siya palagi. Parang sanay na masunod. Parang walang tumatanggi sa kaniya. Pero sa kabila ng inis ko— sumagot pa rin ako. Me: Where? Ilang segundo lang, dumating agad ang reply. Severino: I’ll pick you up. Napailing ako. Hindi ko na alam kung bakit hinahayaan ko siyang kontrolin ang oras ko. Pero sa
Simula ng gabing iyon sa villa, wala nang naging pareho. Akala ko pagkatapos ng nangyari sa amin ni Severino, magiging malinaw ang lahat. Na baka matauhan ako. Na baka makita ko ang dahilan kung bakit dapat akong lumayo. Pero kabaliktaran ang nangyari. Mas lalo akong nalapit sa kaniya. Mas lalo akong nahulog. At mas lalo kong naramdaman na wala nang paraan para umatras. Tatlong araw na ang lumipas mula noong gabing iyon. Tatlong araw na hindi ako mapakali. Hindi dahil iniwasan niya ako. Kundi dahil mas lalo siyang naging present sa buhay ko. Mga text. Mga tawag. Mga biglaang sundo. Mga simpleng dinner. At mga titig na parang unti-unting sumisira sa katinuan ko. Ngayon, nasa loob ako ng classroom pero wala ang isip ko rito. Paulit-ulit pa ring bumabalik sa akin ang mga kamay niya. Ang mga halik niya. At ang paraan ng pagtitig niya sa akin pagkatapos. “Miss Aragon?” Napapitlag ako. Agad akong napatingin sa professor. “Can you answer the question?” Namula ako. H
Hindi ko na mabilang kung ilang araw na akong hindi mapakali. Bawat paggising ko ay may kakaibang kaba na bumabalot sa dibdib ko. Parang may paparating na trahedya, ngunit hindi ko alam kung ano. Habang lumalalim ang mga lihim at unti-unting lumalabas ang katotohanan, mas lalo akong natatakot na baka mawala ang lahat ng pinanghahawakan ko—kasama na ang taong pinakamamahal ko.Mula nang gabing iyon sa villa ni Severino, parang may nagbago sa pagitan namin. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko—parang mas naging malapit kami, ngunit kasabay nito ang pag-usbong ng takot at pagdududa. Sa bawat titig niya, may init na nagpapabilis ng tibok ng puso ko, ngunit sa likod ng mga mata niya ay may lihim na unti-unting sumisira sa katahimikan ko. Unti-unti kong nararamdaman na ang pag-ibig kay Severino ay hindi lamang puno ng saya, kundi pati ng panganib at sakit na maaaring magpabago sa buong buhay ko.Mas naging madalas ang pagpunta niya sa university.Mas naging madalas ang mga tawag niya.
Hindi ko alam kung anong oras ako eksaktong nagising. Napatingin ako sa bintana at napansin kong madilim pa ang paligid. Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa buong silid. Ngunit sa gitna ng katahimikang iyon, mas maingay ang tibok ng puso ko. Hindi maipaliwanag ang bigat ng dibdib ko, na para bang may paparating na panganib. Isang kakaibang kaba ang gumising sa aking isipan, at pakiramdam ko, may lihim na unti-unti nang naghahanap ng paraan upang mabunyag. Ngunit may kakaibang pakiramdam na gumising sa akin. Parang may mali.Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko.Nanlalata ang buong katawan ko habang unti-unting bumabalik ang ulirat. Hindi ko mawari kung bakit may mabigat na kaba sa dibdib ko, na para bang may malaking lihim na naghihintay mabunyag. Habang sinusubukan kong alalahanin ang mga nangyari, mas lalo akong nilamon ng takot, pagkalito, at pangamba. Pakiramdam ko, ang bawat paggising ko ay isang hakbang palapit sa katotohanang maaaring tuluyang magbago sa buhay ko.W
Maaga akong nagising. napaaga ang tulog ko sa ganda ng paligid at maayos ang tulog, ramdam ko na hindi kulang ang tulog ko.Tahimik ang buong villa. tamang-tama sa gising ko at 'yong umaga ay umaayon sa akin.Tanging tunog ng alon mula sa labas ang maririnig.Sandali akong nanatiling nakahiga, pilit inaalala ang lahat ng nangyari kagabi.At sa bawat alaala—mas lalo akong kinakabahan.Hindi ko alam kung paano haharapin si Severino.Hindi ko alam kung ano na ba kami pagkatapos ng gabing iyon.Dahan-dahan akong bumangon.Ngunit napahinto ako nang mapansin kong wala siya sa tabi ko. May problema siguro siya. siguro ayaw na niya sa akin sa ngayon, nanghinayang ako, wala naman akong magagawa kapag ayaw ko na ipilit pero ramdam ko naman na gusto niya ako. natawa ako nang bahagya dahil sa naisip ko drama pero umilit ako dahil tahimik at masaya, ramdam ko kasi na mahal ako kaya ipaglalaban ko talaga siya. bumalik ako sa realidad at napansin ko. na wala siya.Walang Severino.Walang bakas.Tangi

![Escaping from the OBSESSED MAFIA SON [MADRIGAL SERIES 2]](https://yfbwww.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)





